Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Aralin MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA

PANANAGUTAN NG TAO SA
2 KAHIHINATNAN NG KILOS O PASYA

Mga Kasanayan

Pagkatapos ng aralin, matututuhan ng mag-aaral ang mga Most Essential


Learning Competencies (MELC) tulad ng:

1. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng


tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya (EsP10MK-IIc-6.2);

2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa


kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot,
karahasan, gawi (EsP10MK-IId-6.3);

3. Napatutunayan na nakakaapekto ang kamangmangan, masidhing


damdamin takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kaniyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala
ang pagkukusa sa kilos ( EsP10MK-IId-6.4); at

4. Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakakaapekto sa


pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at
nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang
kakayahan sa pagpapasya ( EsP10MK-IIe-7.1).

Mga Inaasahan

Sa aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao


sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya;

2. Nakapagsusuri ng mga sitwasyong nakakaapekto sa pagkukusa


ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin,
takot, karahasan at gawi; at

3. Nakapagsusuri ng sariling pasya batay sa mga salik na nakaaapekto


sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at


isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Ito ay ang kawalan ng kaalaman ng tao sa isang sitwasyon.


a. Kamangmangan c. karahasan
b. takot d. masidhing damdamin

___________ 2. Ito ang dalawang uri ng kamangmangan.

a. damdamin at masidhi c. saya at takot


b. nadaraig at hindi nadaraig d. gawi at karahasan

____________ 3. Namamasukan si Kim na tindera sa palengke. Nagkasakit ang tatay


niya kaya napilitan siyang ibenta ang paninda ng halos doble
ang presyo. Ano ang masasabi ninyo sa ginawa niya?

a. Ayos lang dahil hindi naman alam ng mga mamimili ang toong
presyo.
b. Masama ang ginawa niya kaya huwag na niyang uulitin ito.
c. Naging masaya siya dahil biglang lumaki ang kita niya.
d. Maraming mamimili ang magagalit sa kanya.

__________ 4. Ayon sa turo ni Aristoteles, anong kilos ang ipinakikita ng isang


amang nanakit ng anak bilang reaksyon sa mga bagsak niyang marka
sa paaralan?
a. masidhing damdamin c. takot
b. kamangmangan d. karahasan

__________ 5. Ito ay tumutukoy sa dikta ng bodily apetite, pagkiling sa isang bagay


o kilos(tendency) o damdamin.
a. masidhing damdamin c. takot
b. kamangmangan d. karahasan

___________6. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa


ano mang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa
buhay.
a. karahasan c. takot
b. gawi d. masidhing damdamin
__________ 7. Si Mario ay lumabas ng paaralan dahil sa gusto niyang maglaro ng
kompyuter sa shop. Anong damdamin ang ipinakita sa sitwasyong ito?
a. karahasan c. walang takot
b. gawi d masidhing damdamin

__________ 8. Si Miguel ay mahilig mang-asar at magbiro, kadalasan hindi niya


namamalayan na nakasasakit na siya ng damdamin ng kanyang mga
kaklase. Siya ba ay may pananagutan na pambubulas?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
a. Oo, dahil ang pambubulas ay isang masamang gawain na
nakakasakit ng damdamin ng isang tao.
b. Oo, dahil hindi natutuwa sa kaniya ang kaniyang mga kaklase.
c. Hindi, dahil hindi niya alam na nakasasakit na siya ng
damdamin ng iba.
d. Hindi, dahil may kalayaan tayong gawin ang gusto natin.

___________ 9. Si Markus ay bagong salta sa Maynila. Siya ay tumawid sa maling


tawiran. Hinuli siya ng pulis dahil sa kasong Jay walking. Anong
salik ang nakaaapekto sa pananagutan ng tao na ipinakita sa
sitwasyon?

a. takot c. kamangmangan
b. gawi d. karahasa

__________ 10. Alin sa sumusunod ang kilos na sanhi ng pangamba at nerbiyos?

a. takot c. kamangmangan
b. gawi d. karahasan

Balik-Tanaw

Panuto: Bilang bahagi ng inyong pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin,


kumpletuhin ang Venn Diagram sa ibaba. Paghambingin at ilarawan ang mga
sumusunod na paksa.

DALAWANG URI NG KILOS

Rubrik sa
Kilos ng Tao Makataong Pagwawasto
kilos

Kawastuhan ng
paghahambing- 2
puntos

TATLONG URI NG KILOS


AYON SA PANANAGUTAN Linaw ng
PA pagpapaliwanag-
2 puntos
Kusang loob

Kaayusan ng
ideya- 1 punto
Walang
Di kusang kusang
loob
loob

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang makataong kilos ay nagiging isang ordinaryong kilos ng tao


dahil sa mga salik na nakaaapekto dito. Ang mga salik tulad ng
kamangmangan, takot, gawi, karahasan, at masidhing damdamin ay
direktang nakaaapekto sa kalikasan ng isang makataong kilos lalo na
sa papel ng isip at kilos-loob. Ang impluwensiya ng mga salik ay
minsang nakababawas ng pananagutan ng makataong kilos.
Source: Edukasyon sa
Pagpapakato 10
Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 99

Mga Salik na Nakaaaapekto sa


2. Masidhing Damdamin- Ito ay
Makataong Kilos
dikta ng Bodily appetites,
1. 1. Kamangmangan- Ang kamangmangan pagkiling sa isang bagay o kilos
ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng (tendency) o damdamin.

kaalaman na dapat taglayin ng tao. Ito ay 3. Takot – ito ay pagkabagabag


may dalawang uri: nadaraig (vincible) at ng isip ng tao na humaharap sa
anumang uri ng pagbabanta sa
hindi nadaraig o (invincible).
kaniyang buhay o mahal sa
2. buhay.
Nadaraig (vincible) – Ito ang kaalaman sa
4. Karahasan – Ito ay
isang gawain subalit ang tao ay may pagkakaroon ng panlabas na
pagkakataong itama o magkaroon ng pwersa upang pilitin ang isang
tao na gawin ang isang bagay na
tamang kaalaman kung gagawa ng
labag sa kanilang kilos-loob at
pagkakataon na malaman at matuklasan. pagkukusa.

5. Gawi- ito ay mga gawain na


Hindi nadaraig- kamangmangan dahil sa paulit-ulit na isinasagawa at
kawalan ng kaalaman na mayroon siyang nagiging bahagi na ng sistema ng
buhay sa araw-araw.
hindi alam na dapat niyang malaman.

Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Modyul para sa Mag-aaral Pahina 99-100 Modyul para sa Mag-aaral Pahina 101-102

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Mga Gawain

Gawain 1. Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, magbigay ng


salita na makapagbibigay kahulugan sa bawat paksa. Isulat ang
iyong tugon sa iyong sagutang papel.

Takot
Kamangmangan Gawi

Masidhing Karahasan
damdamin

GAWAIN 2. Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat


ang tamang salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa
kahihinatnan ng kilos o pasya. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Kamangmangan Gawi Karahasan Takot Masidhing damdamin

__________ 1. Si Sandy ay inutusan ng kaniyang ina na bumili ng gamot


sa botika. Siya ay hinuli ng pulis dahil sa paglabag sa
curfew. Hindi niya alam na may ipinatutupad na curfew sa
kanilang lugar.

__________ 2. Nakasanayan na ni Mariel na tumawa ng malakas sa loob ng


Klase. Bumisita ang punongguro at pinagsabihan siya nito.

__________ 3. Si Anthony ay nanalo ng Unang Pwesto sa isang sa isang


paligsahan sa pag-awit. Dahil sa tuwa ay nayakap niya ang
kaibigang babae.

__________ 4. Nagkaroon ng ECQ sa isang lugar dahil sa kumakalat na


bayrus. Marami nang nahawaan at namatay dahil sa sakit.
Pinapapasok ka ng iyong amo sa trabaho. Ayaw mong
pumayag dahil nababahala kang mahawa ng sakit.

__________ 5. Kinuha ng kaklase mo ang pitaka ng kaibigan mo. Binatukan at


pinagbantaan ka niya na huwag magsusumbong sa inyong guro.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
GAWAIN 3: Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba gabay ang
pormat. Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao na dahilan kung bakit naging mahina ang
tauhan sa pagpili ng mabuting desisyon at hindi naging
mapanagutan ang kaniyang kilos. Ang mga salik ay gawi,
kamangmangan, takot, karahasan, at masidhing damdamin.

Sitwasyon 1.

Si Alden ay sinita ng isang Pananagutan ng


pulis habang siya ay Salik tauhan
namamalengke dahil sa
hindi pag-susuot ng face
mask at di pagsunod sa
social distancing na
ipinatutupad ng Bayanihan
Heal as One Act ng
gobyerno dahil ang kanilang
lugar ay sumasailalim sa
Enhance Community
Quarantine.

Sitwasyon 2.

2. Mahilig mag-bash at Salik Pananagutan ng


magbahagi ng mga di tauhan
totoong balita si Karen sa
Facebook. Nakagiliwan na
niyang magsalita ng mga
masasakit na salita sa ibang
tao sa sosyal meda dahil
maraming nagkakagusto sa
mga post niya.

Rubrik sa Pagwawasto
Kawastuhan ng pagpapaliwanag- 2 puntos

Linaw ng pagpapaliwanag- 2 puntos

Kaayusan ng ideya- 1 punto

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Tandaan

Mga Salik na Nakaaapekto sa


Makataong Kilos
Ang makataong kilos ay
1. Kamangmangan nagiging isang ordinaryong
a. Nadaraig (Vincible) kilos ng tao dahil sa mga
salik na nakaaapekto dito.
b. Hindi Nadaraig (Invincible)
Ang impluwensiya ng
2. Masidhing damdamin
mga salik ay minsang
3. Takot nakababawas ng
pananagutan ng makataong
4. Karahasan
kilos.
5. Gawi

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Mag-isip ng pangyayari sa iyong buhay kung saan naging


mahina ka sa pagpili ng mabuting desisyon at hindi
naging mapanagutan ang iyong kilos.
Rubrik sa
Pagwawasto

Sitwasyon kung Salik na


saan naging mahina nakakaapekto sa
pananagutan mo Mga hakbang upang Kawastuhan ng
ka sa pagpili ng
sa kahihinatnan maging
tamang desisyon paghahambing-
ng kilos mapanagutan ang
iyong kilos 2 puntos

Linaw ng
pagpapaliwanag-
2 puntos

Kaayusan ng
ideya- 1 punto

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at


isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.

__________ 1. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa


sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa
buhay.
a. karahasan c. takot
b. gawi d. masidhing damdamin
__________ 2. Si Mario ay lumabas ng paaralan dahil sa gusto niyang maglaro ng
kompyuter sa shop. Anong damdamin ang ipinakita sa sitwasyon?
a. karahasan c. walang takot
b. gawi d. masidhing damdamin

__________ 3. Si Miguel ay mahilig mang-asar at magbiro, kadalasan hindi niya


namamalayan na nakasasakit na siya ng damdamin ng kanyang
mga kaklase. Siya ba ay may pananagutan na pambubulas?

a. Oo, dahil ang pambubulas ay isang masamang gawain na


nakakasakit ng damdamin ng isang tao
b. Oo, dahil hindi natutuwa sa kaniya ang kaniyang mga kaklase
c. Hindi, dahil hindi niya alam na nakakasakit na siya ng
damdamin ng iba
d. Hindi, dahil may kalayaan tayo na gawin ang gusto natin.

___________ 4. Si Markus ay bagong salta sa Maynila. Siya ay tumawid sa di


tamang tawiran. Hinuli siya ng pulis dahil sa kasong Jay walking.
Anong salik ang nakaaapekto sa pananagutan ng tao na pinapakita
sa sitwasyon?

a. takot c. kamangmang
b. gawi d. karahasan
__________ 5. Alin sa sumusunod ang kilos dahil sa nerbiyos at pangamba?
a. takot c. kamangmangan
b. gawi d. karahasan

_________ 6. Ito ay ang kawalan ng kaalaman ng tao sa isang sitwasyon.

a. kamangmangan c. karahasan
b. takot d. masidhing damdamin

__________ 7. Ito ang dalawang uri ng kamangmangan.


a.damdamin at masidhi c. saya at takot
b.nadaraig at hindi nadaraig d. gawi at karahasan

__________ 8. Namamasukan si Kim na tindera sa palengke. Dumating ang tatay


niyang lasing at nanghingi ng pera. Pinagbantaan siya na
sasaktan siya nito kung hindi magbibigay. Dahil sa masidhing takot
ay kumupit siya ng pera sa kaha ng amo. Siya ba ay may

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
pananagutan na qualified theft?

a. Oo, dahil masama ang kumuha ng pera ng iba at ito ay isang


pagnanakaw.
b. Oo, dahil masama siyang ehemplo bilang isang kabataan.
c. Hindi, dahil labag sa kanyang kalooban ang pagkupit ng pera.
d. Hindi, dahil wala naming nakakita sa kanya.

__________ 9. Ayon sa turo ni Aristototeles, aling kilos ang ipinapakita ng isang


amang nanakit ng anak bilang reaksiyon sa mga bagsa niyang marka
sa paaralan?

a. masidhing damdamin c. takot


b. kamangmangan d. karahasan

__________ 10. Ito ay tumutukoy sa dikta ng bodily apetite, pagkiling sa isang


bagay.

a. kilos (tendency) o damdamin c. kamangmangan


b. Masidhing damdamin d. takot

Pagninilay

Panuto: Balikan ang iyong natutuhan sa modyul at isulat sa iyong sagutang


papel ang iyong sagot sa mga katanungan.

Anong uri ng tao ang isang indibidwal na


may paninindigan sa kaniyang kilos? Rubrik sa
Pagwawasto

Kawastuhan ng
paghahambing-
2 puntos
Ano ang magagawa mo upang hindi ka
maapektuhan ng salik ng makataong kilos?
Linaw ng
pagpapaliwanag-
2 puntos

Kaayusan ng
ideya- 1 punto

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo

You might also like