Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan:Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 1/27/22


BSED 2-B

GAWAI BILANG 3:
Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod:

I. Mga Katangian ng Epektibong Guro (Ayon kay Wayne at Youngs,


2003)
(a) Walang itinatangi
- pantay-pantay ang tingin ng guro sa kaniyang mga mag-aaral.
(b) May positibong pag-uugali
- kinikilala ang bawat mabubuting gawi ng mga mag-aaral at
hindi inilalagay sa kahihiyan ang mag-aaral kung sila ay nagkamali.
(c) May kahandaan
- malawak ang kaalaman ng guro sa paksang kaniyang itinuturo.
Mahusay niyang nagagamit ang mga kagamitang panturo at
matalinong nasasagot ang mga katanungan ng mga mag -aaral.
(d) May haplos-persoonal
- kilala ng guro ang bawat mag-aaral. Madali niyang
madidisiplina ang mga mag-aaral kung sila ay malapit at may tiwala sa
kaniya.
(e) Masayahin
- Mababakas ang positibong emosyon sa kaniya at binibigyang
buhay ang klase sa pamamagitan ng pagpapatawa.
(f) Malikhain
- nakapag-iisip ng mga bagong estratehiya sa pagtuturo upang
maging produktibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
(g) Marunong tumanggap ng pagkakamali
- may kababaang loob sa pagtanggap ng kamalian sa klase.
(h) Mapagpatawad
- mahaba ang pasensiya at mabilis na itinatama ng guro ang
kamalian ng isang mag-aaral at iniiwasan din na mamersonal. Sa
ganitong paraan ay nagiging isang siyang modelo ng kababaang loob.
(i) May respeto
- iginagalang ng guro ang bawat mag-aaral sa kabila ng
kanilang pagkakaiba-iba.
(j) May mataas na ekspektasyon
- nagtitiwala ang guro sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
Mataas ang kaniyang pamantayan upang lalong magpursigi sa pag-
aaral ang mga mag-aaral.
(k) Mapagmahal
- binibigyang pansin niya ang mga mag-aaral na nahihirapan sa
loob ng klase.
(l) Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
- naghahanap ng paraan ang guro upang ang bawat mag-aaral
ay maging kabilang sa bawat gawain sa klase.

II. Code of Ethics


(a) Ang Guro at ang Estado
(b) Ang Guro at ang Komunidad
(c) Ang Guro at ang Propesyon
(d) Ang Kaguruan at ang Propesyon
(e) Ang Guro at ang mga

III. Disenyo ng Malikhaing Pagtuturo


(a) Metodo - panlahat na pagpaplano para sa isang sistematiko at epektibong
pagtuturo ng isang aralin.
(b) Istratehiya - mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng
pagtuturo.
(c) Teknik - paraan ng organisasyon ng interaksiyong pangklase.
(d) Dulog - isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika,
pagkatuto, at pagtuturo.
(e) Pamamaraan - isang panlahat na pagpapaplano para sa isang
sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog.
(f) Silabus - isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partikular na
programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin,
pagkakasunod-sunod ng mga aralin, at mga kagamitang panturo.

IV. Layunin ng Pagtuturo


V. Kasangkapan sa Pagproseso ng Pagtuturo
(a) Pagganyak (Hook) - Mga gawaing inihanda upang pukawin ang interes at
makuha angatensyon ng mga mag-aaral.
(b) Aralin (Book) - Mga araling sadyang inihanda at binaangkas upang
maghatid ng mgaimpormasyong mapag-aaralan at mapakikinabangan sa
klasrum.
(c) Kabatiran (Look) - Mga gawaing magpapakilos sa mga mag aaral upang
matukoy at makilalaang mga konsepto at katotohanang mapapahalagahan ng
mga ito.
(d) Pagtugon (Took) - Ito ang personal na teknik ng guro upang
mapatnubayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagtugon. Ito ang panimula.
Ito ang nagbibigay-pangako at naghahandogng kawilihan sa mga mag-aaral
upang makinig at ibigay ang panahon sa pagkaklase.

VI. Mga Elemento ng Mabuting Pagtuturo


(a) Payak at madaling isagawa.
(b) Nasasangkot ang lahat ng mag-aaraal sa mahahalagang gawain tulad ng
pagbabalak, pagsusuri, pagtatanong, talakayan, paghahambing, pag-e-
eksperimento, pagmamatyag, pagpapasiya, at paglalahat.
(c) Humuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mag-aaral.
(d) Nagbibigay ng mabuting bunga at kahihinatnan.
(e) Nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan gaya ng pananaw,
pakikinig, paghipo, panlasa, pang-amoy, pang-unawa, pagpapahayag,
pagsusuri, pagpapakahulugan, pagbibigay ng palagay, at masusing
pagmamasid.
(f) Humahamon sa kakayahan ng mag-aaral.
(g) Ang guro ay tagasubaybay at tagapayo at papasok lamang sa bahaging
hindi na kaya ng mag-aaral ang gawain.
(h) Umaalisunod sa mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo
at sikolohiyang edukasyunal.

You might also like