Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Geejahn Faith V.

Burac
BSHM 2A

FILIPINO 102- PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


Analisis ng Sanaysay na Pugon na De-Gulong ni Christopher S. Rosales

Naranasan mo na ba sumakay sa tren, lalo na sa mga estasyon ng maynila?


Kung oo, isa ka nang maituturing na bayani. Bayaning hindi gaya ng mga napapanood
sa telebisyon na kung saan ay may pambihirang kakayahan tulad ng hindi tinatalaban
ng bala ng baril, kayang bumuhat ng ano mang sasakyan, lumipad o tumabko ng
sobrang bilis, ngunit isa kang bayaning komputer na nakikibaka sa pang-araw araw na
masalimuot na bhaye ng buhay papunta sa lugar na maaaring magtawid sa gutom ng
iyong pamilya, daan tungo sa institusyon ng iyong pangarap o kaya naman sa ano
mang lugar na iyong gustuhin, at ikaw ay maituturing na nagtataglay ng natatanging
lakas na mag-antay sa napakahabang pila, pagkakaroon ng malawak na pasensya, at
matitibay na mga buto at tuhod sa pagtayo ng mahabang oras

Ang sanaysay ay pinamagatang “Pugon De Gulong” na kung saan ito ay


tungkol sa isang karanasan ng isang komyuter ng tren sa manila. Siya ay isang
inhenyero na mula magaral sa pinakamababang antas hanggang makapagtagpos at
makahanap ng iba’t ibang trabaho ay sumasakay sa PNR o Philippine National
Railways. Ibinahagi niya ang mga pinagdadaanang hirap ng mga taong sumasakay ng
tren sa araw-araw na kung saan masasabing wala silang ibang “choice” o pagpipilian
sapagkat mas matatagalan sila kung sasakay ng dyik at bus papunta sa lugar na
minimithi nila dahil sa sobrang bigat ng trapiko sa Edsa. Naisalaysay din dito ang
mga coping mechanism o paraan ng mga sumasakay ng tren para sila ay malibang
tulad ng pakikinig sa mga kanta, paglalaro ng mobile games sa cellphone, pagidlip, o
ang iba naman ay nagbibiro at tiyak naman mawawala na ang bagot ng ibang
pasahero. Ayon sa pahayag ng RadyoInquirer990AM (2018), sinabi ni Joseline
Geronimo ay mahigit kumulang 50,000-70,000 na tao ang sumasakay sa PNR araw-
araw, kasama dito ang mga estudyante at guro ng Polytechnic University of the
Philippines at University of Santo Tomas, at iba pang mga manggagawa. Batay
naman sa datos na nakuha ng Rappler na noong Nobyembre at Disyembre 2018 ay
nagpapakita ng 17 na bilang ng tren ang nagagamit ng pnr para sa mga pasahero.
Dagdag pa sa panayam nila ay bulok na ang mga riles ng PNR na kung saan 713 na
pasahero o halos 18% ang nacancel ang byahe ng dalawang buwan (2018). Mahigit
kahating porsyento naman ng kabuuang bilang ng pasahero ang naantala ang bhaye
tungo sa rota ng Tutuban-Alabang-Tutuban, na kung saan pinakamaraming pasahero.
Sabi naman ng isang pasahero na napanayam ng rappler (2018), “Kahit na sobrang
lala ng sitwasyon sa PNR, wala akong choice kung hindi magpatuloy parin sumakay
dito dahil ito ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang trapiko sa manila. Pero
minsan mabilis naman makasakay dito kasi minsan maganda ang daloy ng trapiko”.
Sa isang ulat ng ABS CBN news (2020), PH isa sa may pinakamalalang lagay ng
trapiko sa mundo. Base sa ulat ng survey firm na Numbeo, ika-9 ang Pilipinas sa may
pinakamasamang lagay ng trapiko sa buong mundo. Nakakuha ang Pilipinas ng score
na 198.84 points sa traffic index. Ito ang nagpapakita kung gaano nga ba kalala ang
trapiko sa pilipinas. Ipinakita din sa kabuuang nakalap na mga sanngunian na pinipili
parin ng mga pasaherong sumakay sa pambansang tren na ito sakabila ng bulok na
sistema at mga riles nito sapagkat ito parin ang nakikita nitong epektibong
transportasyon para maihatid sila sa lugar na kanilang pupuntahan sapagkat matindi
ang sistema ng trapiko sa Pilipinas.

Maraming Pilipino kasama na ang mga bata, matanda, may asawa, may
kapansanan o wala ang matinding naapektuhan sa bulok na sistema ng transportasyon
ng PNR. Subalit, maaari pa itong mabago at mapaayos lalo na kung bibigyang pansin
ito ating gobyerno na kung saan pag nagkaroon ng mas madaming bilang at mas
magandang uri ng pugon na de gulong o tren na may katibayan ay mas gaganda ang
transportasyon sa ating bansa, pati narin ang mararanasan ng mga komyuter.
Pagbibigay lamang ng oras at pansin, sabayan pa ng matinding determinasyon ng
pamahalaan at tiyak na ang mamimithi at inaasam na pagkakaroon ng komportable at
masarap na daloy ng bhaye sa pang-araw araw ay mabibigyang buhay.

You might also like