Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

ST. PETER OF VERONA ACADEMY INC. Mary Grace C.

David
Hermosa , Bataan Teacher Name of Student

STUDENT’S LEARNING MODULES Abstrak G12MODULE


Topic Grade and Section
2021-2022 Filipino sa Piling Larang- (Akademik) January 10-14, 20222020
School Year Subject Days Covered

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
o Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
(Akademik)

Nilalaman: Abstrak
Layunin:
1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin.
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
3. Natutukoy ang nilalaman ng isang Abstark.

PANIMULA:
Tutulungan ka ng modyul na ito na makasulat ng maayos na Abstrak. Simulan mo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaalaman
tungkol dito.
Abstrak
☛ Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract from (Harper, 2016).
☛ Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
Uri ng Abstrak
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak
☛Deskriptibo ☛ Impormatibo
o Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang o Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang
mga pangunahing ideya ng papel. mahahalagang ideya ng papel.
o Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at
o Binubuod dito ang kaligiran,layunin, tuon,
tuon ng papel o artikulo.
o Kung ito ay papelpananaliksik, hindi na metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
isinasama ang pammaraang ginamit, o Maikli ito, karaniwang 10 % ng haba ng buong papel at
kinalabasan ng pagaaral, at kongklusyon.
isang talata lamang.
o Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel
sa humanidades at agham panlipunan, at sa o Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham
mga sanaysay sa sikolohiya. at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, 3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang
isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga kahinaan sa organisayon at ugnayan ng mga salita o
bahaging ito: layunin,pamamaraan, sakop, resulta, pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kilangang
kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging impormasyon, magdagdag ng mahahalagang
kailangan sa uri ng abstrak na isusulat. impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga salita, at
iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang
mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit 4. I-proofread ang pinal na kopya.
ang sariling salita.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak


1. Binubuo ng 200- 300 salita 3. Kompleto ang mga bahagi.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na 4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
nakatatayo sa sarili nito bilang unit ng impormasyon. 5. Naunawaan ng pangkaahatan at ng target na
mambabasa.
Nilalaman ng Abstrak
1. Introduksyon- to ay naglalaman ng maikling kaligiran ng 4. Konklusyon- Layunin na pagtibayin nito ang mga
paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis dahilan kung bakit isinulat ang pananaliksik.
statement, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng o paghatol ng mananaliksik sa mga
pagsasagawa ng pananaliksik at saklaw at limitasyon ng impormasyon at datos na kanyang nakalap na
pananaliksik. maaaring sumuporta o hindi sa kanyang
pahayag ng tesis o thesis statement na
2. Metodolohiya /Pamamaraan- proseso ng imbestigasyon
nakasaad sa introduksiyon.
na ginagamit sa panganagalap ng datos sa isang pananaliksik.
5. Rekomendasyon - Ay mga mungkahing solusyon
3. Resulta at Pagtalakay sa datos- Paglalahad at para sa mga suliraning stukoy o natuklasan sa
pagpapakahulugan sa pananaliksik. pananaliksik.

BASAHIN ANG HALIMBAWA NG ABSTRAK SA IBABA at ang Bahagi nito.


Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano Introduksyon

ang pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,


mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa quantitative method at Metodolohiyang
Ginamit
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondent ay pinili ng mga mananaliksik base sa “ convenience”.
Ang bilang ng mga respondent ay tatlumpo’t lima ( 35) na bantang ina na may edad na Saklaw at Delimitasyon o
Resulta ng Pagtalakay ng
labing-dalawa hanggang labingwalo na naninirahan sa Sta. Rosa, Alaminos, Laguna. Datos

Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag Resulta ng
pananaliksik o
grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag grinupo sa
Konklusyon
antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No. 2. September 2015
The Greatest Love: Deskriptibong Abstrak
Ang pangunahing paksa ng teleseryeng ito ay kung paano lalabanan ang sakit na nakakapaglimot sa kanyang
ala-ala at hindi pagkilala sa kanyang mga anak. Sa teleseryeng ito dito mahuhubog ang katatagan ng isang pamilya at
kung paano malalampasan ang kanilang mga suliranin. Hindi lamang ang maaapektuhan ditto pati ang mga kaibigan na
nagmamalasakit sa kanya. Ang layunin ng teleseryeng ito ay maipakita ang kahalagahan ng pamilya, mag paantig ng
damdamin ng mga manonood magbigay aral at inspirasyon sa mga manonood. Ang pangkalahatang ideya ay magbigay
kaalaman na kayang pag tagumpayan ang mga suliranin ng pamilya sa pamamagitan ng pagtutulungan.
ST. PETER OF VERONA ACADEMY INC. MARY GRACE C. DAVID
Hermosa , Bataan Teacher Name of Student
ABSTRAK
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Topic Grade and Section
Filipino sa Piling Larang-
2021-2022 Jan.10-14,2022
(Akademik)
School Year Subject Date of Submission Score

BALIK-TANAW: Bago simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang tiyakin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
___ 1. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom
___ 2. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at i-post sa social media upang mabigyan ng
ideya ang ibang nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom ang puwede niyang gawin?
A. Abstrak B.Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom
___ 3. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela,
dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
A. Abstrak B.Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom
___ 4. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?
A. Abstrak B.Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom
LUSONG KAMALAYAN: GAWAIN 1 : Sagutin ang mgasumusunod na katanungan.
PALIWANAG:
1. Bakit mahalagang
basahing muli ang
buong papel bago
isulat ang abstrak?
2. Ano ang
kahalagahan ng
pagrerebisa ng unang
draft ng abstrak?
3. Bakit kailangang
gumamit ng simpleng
salita at pangungusap
sa abstrak?

Gawain 2: Basahi at suriin nang mabuti ang halimbawang abstrak ng papel-pananaliksik. Pagkatapos, sa ilalim nito ay nakatala ang
mga bahagi ng isang Abstrak, tukuyin at sipiin mula sa binasan ang mahahalagang bahagi nito.
Pamanatayan sa Pag mamarka
20 15 10 5
Wasto at angkop ang Kumpleto ang mga impormassyong Taglay ang ilang wastong Hindi nasunod ang mga
impormasyong sinipi mula sa isinulat sa mga bahagi ng abstrak impormasyon sa mga isinulta impormasyong hinihingi sa
abstrak ayon sa mga bahagi nito. bagaman may ilang maling detalye. sa bawat bahagi ng abstrak bawat bahagi ng abstrak

INTRODUKSYON: METODOLOHIYA/PAMAMARAAN:
Resulta at Pagtalakay sa datos

Konklusyon:

Rekomendasyon:

LAMBAT-LIKHA:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago
ang bilang.
___ 1. Ang ___ ay maituturing na lagom o buod ng kabuuan ng isang pag-aaral o papel-pananaliksik.
a. Abstrak b. Bionote c. Sintesis d. Sinopsis
___ 2. Ang Abstrak ay kalimitang binubuo lamang ng ____- salita.
a. 100 b. 300 c. 400 d. 500
___ 3. Ang Abstrak ay hango sa salitang ___ na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract from.
a. Arabic b. Griyego c. Latin d. Pranses
___ 4. Ang hindi na dapat isinasama pa sa pagsulat ng abstrak ay ang _____
a. Kongklusyon at rekomendasyon b. Metodolohiya o pamamaraan
c. panimula ng pananaliksik d. Pigura at mga talahanayan
___ 5. Ang abstrak ay matatagpuan sa _____ ng papel-pananaliksik.
a. unang bahagi b. Huling bahagi c. Gitnang bahagi d. Wala sa nabanggit
5

You might also like