Professional Documents
Culture Documents
Filipino Module 1 Grade 5
Filipino Module 1 Grade 5
Subukin
A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel
Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina
v
Aron at Sharlin.
Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang
pamilya. Lahat ng pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-
asawa. Pinalaki nila nang puno ng pagmamahal ang magkapatid.
Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking
parang aso’t pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming
bagay laro na sa mga laruan at sa gawaing-bahay.
Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang
magalit. Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.
“Aaron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang
nag-aaway. Dapat kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano
na lamang kung wala na kami ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong
dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling Tasiang.
v
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama
upang maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling
Tasiang dahil nanghihina siya.
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na
muna ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama.
“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aaron kay Sharlin.
“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang
gumawa,” patuloy na sumbat ni Sharlin.
“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aaron.
Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa
kanyang higaan upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at
walang anu- ano’y natumba.
Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon.
Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.
Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-
magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang
mga magulang.
vi
11.Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid?
a. magiging masaya ang kanilang mga magulang
b. magiging malungkot ang kanilang magulang
c. magiging mabuti silang mga anak
d. magiging maunlad ang buhay nila
MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue
Extension sa Quezon City matapos mabangga ng isang truck, Biyernes.
Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya habang nagmamaneho at
nagising na lamang siya ng bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan sa poste.
“Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe”;
ani Donayre.
Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa upang gumarahe sa Antipolo nang maganap
ang insidente.
Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless
imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang poste.
vii
17. Ano ang paksa o diwa?
a. pangalawang tema ng isang kuwento o talata
b. pangunahing tema ng isang kuwento o talata
c. huling pangungusap ng talata o kuwento
d. unang pangungusap ng talata o kuwento
19. Sina Katkat, Bekbek at Yeye ang tunay kong mga katoto. Kaming apat ay hindi
napaghihiwalay-walay basta-basta. Ang katoto ay nangangahulugang
a. kaibigan b. kaaway c. kaklase c. katrabaho
20. Alin sa sumusunod na mga hiram na salita ang may tamang baybay?
a. Sakxophone b. saxophone c. saxofon d. saxopone
viii
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
Aralin
1
sa Napakinggang Teksto
Alamin
Balikan
Panuto: Hanapin sa word puzzle ang mga salitang tinutukoy ng pangungusap. Nasa
gilid ang mga hint.
1
Tuklasin
5. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na “Ito ang hanging umiihip sa bawat
minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko”?
2
Suriin
3
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
10. Kung ikaw ay may kaibigan na mahilig sa gadget, ano ang maipapayo mo sa kanya?
Pagyamanin
4
“Naku, Lolo ang sombrero ninyo!” ang sigaw ni Niko na tinangkang habulin ang
sombrero.
“Lolo, habulin po natin ang iyong sombrero!” naiiyak na sabi ni Niko.
“Huwag na Niko mapanganib. Hayaan na lang natin. Wala na tayong magagawa,” wika ni
Lolo Selo. Pinigilan niya si Niko na habulin ang sombrero.
Tuluyan nang nilipad ng hangin ang sombrero patungo sa gitna ng sapa. Malalim
ang sapa at malakas ang agos. Hindi na nila naisalba ang sombrero.
“Lolo, paumanhin po, Kasalanan ko po kung bakit nawala ang inyong mahal na sombrero,
umiiyak na sabi ni Niko.
“Apo, wala kang kasalanan. Alam kong hindi mo gusto ang nangyari,” sabi ni
Lolo sabay akbay kay Niko.
Kahit ganoon ang sabi ni Lolo Selo, alam ni Niko na malaking kawalan ang
sombrero para sa kaniyang Lolo. Kitang-kita ang lungkot sa mukha ni Lolo.
Alam niya na parang kaibigan na ito ng kaniyang Lolo. Lagi niya itong kasama. Ano pa
ang gagamitin niya ngayon? Wala na
Noong gabing iyon, nag-isip ng paraan si Niko. Gusto niyang makabawi sa
kaniyang Lolo.
“Aha! Alam ko na! Bubuksan ko na ang alkansiya ko! Marami na rin akong
naiipon mula sa mga baon ko,” ang sabi ni Niko. “Ibibigay ko ito kay Lola Nena bukas,”
sabi ni Niko habang binibilang ang kanyang pera.
Nang umaga na, “Lolo, Lolo, may sorpresa po kami ni Lola Nena sa inyo!” sabi ni
Niko. Inilabas niya ang isang regalo. “Sombrero? May bago na akong sombrero? Salamat
apo ko!” tuwang-tuwa si Lolo Selo.
“Apo, kami rin may sorpresa sa iyo!” sabi ni Lola Nena. Iniabot sa kanya ang isa
pang supot. “Sombrero? Meron din po ako? Yehey!” napatalon sa tuwa si Niko.
“Tig-iisa na po tayo, Lolo. Hindi ko na po hihiramin ang iyong sombrero.” sabi ni
Niko. “Ituturing ko rin po itong kaibigan. Aalagaan ko po ito nang mabuti,” sabi ni Niko.
Niyakap niya ang kanyang Lolo at Lola. Mula noon, tuwing Sabado, masayang
pumupunta si Niko at Lolo Selo sa bukid suot ang kanilang mga kaibigang sombrero.
5
Isaisip
Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa –
sina Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit o inggit pala si
Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno
at pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya
ang aso noong umalis ang bata at ang nanay niya.
Isagawa
Takdang-Aralin ng Kinabukasan
Pagdating sa bahay, masayang kinuha ni Mayumi ang kanyang kuwaderno.
“Ano nga ba ang gusto ko paglaki ko?”, tanong niya sa sarili. Nag-isip ng malalim
si Mayumi.
“Gusto kong makatulong sa mga maysakit. Gagamutin ko sila nang walang
kapalit. Pangarap ko ring maging bayani at tagapagpanatili ng katahimikan at kaayusan ng
aming bayan.
” Nais ko ring may magawa din ako tuwing may kalamidad lalong-lalo na kapag
may sunog.”
“Ano kaya ang pakiramdam nang makapagpalipad ng eroplano, O di kaya ang
makapaglayag sa karagatan ng napakalaking ng barko.”
“Maaari din naman akong magtrabaho sa bangko at magbilang ng limpak-limpak
na salapi.”
6
At sa ilang oras na pag-iisip, “Aha! Alam ko na. Alam ko na ang gusto kong maging
paglaki ko.
Kinabukasan, ibinahagi ni Mayumi sa kanyang mga kaklase ang kanyang takdang-
aralin.
1. Tanong:
Sagot:
2. Tanong:
Sagot:
3. Tanong:
Sagot:
4. Tanong:
Sagot:
5. Tanong:
Sagot:
7
Aralin Paggamit ng Pangngalan at
2 Panghalip sa pagtatalakay tungkol
sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar,
bagay at pangyayari sa paligid
Alamin
Balikan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.Isulat sa patlang
ang iyong sagot
Hanay A Hanay B
1. musmos a. leksyon
2. palamuti b. bata
3. almusal c. eskwelahan
4. aralin d. agahan
5. paaralan e. dekorasyon
Tuklasin
8
Suriin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat salitang nakahanay at suriin ang mga ito.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari
Nanay Lucing papel Browny paaralan Pasko
Gng. Reyes aklat pusa simbahan Araw ng Kalayaan
bata Mongol kambing Gaisano Mall bagyo
guro Samsung Miming Ozamiz City lindol
Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagngangalan ng tao, bagay, hayop, pook o
lugar at mga pangyayari.
Mga Uri ng Pangngalan
Dalawang uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
1. Pantangi – tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: Dr. Morales Cotta Shrine Faith Hospital
Uri ng Panghalip
9
Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang.
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kata, kita, mo, siya,
kanila, siya, kanya
Halimbawa: ito, dito, doon, iyon, hayan, hayun, diyan, niyan, noon
10
C. Panuto: Hanapin ang mga panghalip na panao na nakalista sa ibaba. Ang
mga panghalip nakasulat nang pahiga ( ), pababa ( ),o
pahilis ( )
11
E. Panuto: Buuin ang diwa ng bawat pangungusap. Piliin ang angkop na panghalip
panaklaw sa kahon.
1. Dapat na sundin natin ang ng batas lalo na’t makabubuti ito sa atin.
2. ako makarating. Igagalang ko ang batas sa lugar na iyo.
3. manggagawa ang dumalo sa seminar na idinaos ng TESDA kanina.
4. Dapat na makiisa ang buong _ upang makamit ang layunin para sa
ikauunlad ng bansa natin.
5. Matapat na sinusunod ng magkakapatid na Lina at Lino ang bilin ng
kanilang mga magulang.
Halimbawa:
pambalana Nakalimutan ng bata ang kanyang laruan.
pantangi Magbabakasyon kami sa Baguio sa susunod na buwan.
12
Isagawa ANSWER TODAY
13
Aralin Pagsagot sa mga Tanong sa
3 Binasang Kuwento
Alamin
Balikan
Panuto: Isulat sa mga hanay kung saan napabilang ang mga pangngalan.
Tuklasin ASSIGNMENT
14
Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga tao'y
mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa. Lumakad
ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang halimbawa at malinis na
pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa.
Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng
gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon,
nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako
sa kanilang mga anitos. Naging hampas na parusa ng mga anito sa
mga tao ang paglabas ng Torong Ginto.
Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya'y
magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.
Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong.
Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag
nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok
na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang
kanyanggalit.
Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y
ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!
Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng
Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway
ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.
Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang
iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong
Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na
napakita.
Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago
na rin at nanatiling mabubuting tao.
15
Suriin
ASSIGNMENT
Pagyamanin
Panding Butanding
Si Panding Butanding ay isang malahiganteng isda na nabubuhay sa tahimik na
karagatan ng Punta Agua, Donsol, Sorsogon. Matapang, mayabang at kinatatakutan siya
ng lahat ng isda. Alamin kung bakit nagbago ang lahat kay Panding Butanding, bakit siya
naging mabait, nagkaroon ng singkit na mga mata,
maliliit na ngipin at batik-batik na marka sa kanyang malinis na katawan. Sa isang
malawak na kaharian sa ilalim ng karagatan na kilala sa pangalang Punta Agua sa bayan
ng Donsol, Sorsogon. Makikita rito ang iba’t ibang uri ng isda…may malalaki, maliliit,
mahahaba, maiikli, mala-hugis pinggan at hugis-bulaklak na may iba’t ibang kulay. Kay
gagandang tingnan ng mga isdang nagsisipaglaro sa mga dahong sumasasabay sa indayog
ng tubig. Ang Punta Agua ay isang napakasaya at tahimik na karagatan.
16
Biglang dumagundong ang karagatan nang dumating ang mala-higanteng isda.
Matatalim, matutulis ang kanyang mga ngipin, matapang, mayabang at kinatatakutan
ng lahat ng nilalang na nabubuhay sa karagatan. Siya ay si Panding Butanding.
“Bwaaa…ha-ha-ha-ha-ha! Ako si Panding Butanding ang hari ng karagatan.
Sino ang matapang sa inyo? Gusto kong makipagtunggali.”
“Lumabas ang matapang at malakas..... Bwaa- ha-ha-ha-ha..”, ang
nanghahamong sigaw niya.
Nanginginig sa takot ang lahat ng isda. Nagsipagtago ang mga ito kung saan-
saan: sa batuhan, buhangin, at sa mga halaman.
Sino sa inyo ang matapang? Subukan ninyo ang lakas ko at kapag ako ay
inyong natalo, ibibigay ko ang lahat ng aking lakas. Mayabang na hamon ni Panding
Butanding. Dahil sa takot, wala ni isang isda ang gustong lumabas sa kanilang
pinagtataguan.
Sinira ni Panding Butanding ang kanilang mga tirahan. Tinatakot niya ang
maliliit na isda gamit ang kanyang matatalim at matutulis na ngipin.
Sa di kalayuan, Nakita niya si Pusit Kupsit. Nanginginig ito at mahigpit na
nakakapit sa batuhan.
Aha! akala mo hindi kita makikita”, ang panggugulat ni Panding Butanding.
Tiklop-tuhod na nagmamakaawa si Pusit Kupsit kay Butanding. “Huwag mo po akong
sasaktan”, pagmamakaawa ni Pusit Kupsit na nanginginig sa takot.
Bigla siyang sinunggaban ni Panding Butanding, sabay hablot at hampas ng
mala-higante niyang katawan.
Dahil sa sobrang takot, hindi sinasadyang naibuga ni Pusit Kupsit ang kanyang
taglay na tinta at tumama sa mga mata ni Panding Butanding.
“Aaaahhh! Wala akong makita! Pilit na inaaninag ni Panding Butanding ang
kanyang paligid ngunit wala siyang Makita
Umikot siya nang umikot. Hampas dito, hampas doon.
Sa sobrang paghampas ng katawan sa nagsisilakihang bato, nadurog ang
matutulis at matatalim na ngipin ni Panding Butanding.
Nanghina siya at hindi na niya kayang tumayo sa pagkalugmok. Wala na siyang
makita. Pikit ang mata dahil sa mga tintang tumama sa kanyang malinis na mukha.
Nawalan siya ng lakas. Nadurog ang kanyang mga ngipin at nanlalata ang
kanyang katawan.
Tinanggap ni Panding Butanding ang kanyang pagkatalo. Nagsisi siya sa
kanyang pang-aapi sa lahat ng nilalang sa karagatan.
Dahil sa kanyang pagsisi, nagbago si Panding Butanding.
Ang dating isdang mayabang at kinatatakutan ay naging mapagpakumbaba at
palaibigan.
Ngayon, isang napakalaking isda na ubod ng bait na ang makikita sa karagatan
ng Punta Agua. Ngunit ang ginawang kasamaan ay nag-iwan ng bakas sa kanyang
katawan.
Nagkaroon siya ng batik-batik sa napakalaki niyang katawan na sanhi ng
paghampas sa malalaking bato sa ilalim ng karagatan.
Naging singkit din ang kanyang mata na epekto ng natapong tinta ni Pusit
Kupsit sa kanyang mukha.
Naging maliliit ang kanyang ngipin dahil sa pagkadurog nito sa malalaking
bato. Ngayon, maraming dayuhan ang pumupunta sa karagatan ng Donsol, Sorsogon
upang masilayan ang isang napakabait at napakalaking isda, ang Butanding.
17
Sagutin ang mga tanong: ASSIGNMENT
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ayon sa iyong nabasa, ano-ano ang mga hugis ng mga isdang makikita sa
malawak na karagatan ng Donsol?
Isaisip ASSIGNMENT
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.
18
Nagpatuloy na sila sa paglalaro ngunit hindi maikakaila na talagang may
kakaibang nararamdaman si Julio. Gusto niya talagang malaman kung sino yung sapatero
sa kanto at mukhang hindi siya taga Distrito.
“Ang tanda na niya nagtatrabaho pa rin siya,” sabi ni Julio sa sarili. Napansin ito
ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta ang nanay niya. Sinundan
niya ito ng patago noong makitang lumapit sa matandang sapatero ang ina niya.
“Bakit ka nandito? Hindi ka niya kilala at wala akong balak na ipakilala ka sa
kanya. Ang kapal rin ng mukha mo para pumunta pa rito,” sabi ni Aling Nena sa sapatero
na dinig- na-dinig ni Julio.
“Nais ko lamang siyang makita. Gusto ko sana siyang makilala pero alam kong
ayaw mo kaya dito lang ako sa malayo. Patawad sa lahat, lubos kong ipinagsisihan ang
mga nagawa ko,” sagot ng sapatero kay Aling Nena.
Pag-uwi ni Aling Nena sa bahay nila, lumapit sa kanya si Julio at niyakap siya.
Napansin ito ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta ang nanay
niya. Sinundan niya ito ng patago noong makitang lumapit sa matandang sapatero ang ina
niya. Ipinagtapat ni Julio sa nanay niya na nalaman niya ang pinag-usapan nila ng
sapatero. Nagulat si Aling Nena at kahit nauutal, ipinaliwanag niya sa anak niya ang
katotohanan.
“Papapatawarin mo ako anak. Hindi ko sinasadyang itago sa iyo na iniwan tayo ng
tatay mo habang ipinagbubuntis kita. Hindi ko alam na may ibang pamilya pala siya,”
paglalahad ng umiiyak na ina.
Ipinaliwanag ni Aling Nena sa anak na ayaw niyang malaman nito na isa siyang
anak siya labas sapagkat mahal na mahal niya ito. Ipinagtapat rin niya na galit na galit pa
rin siya sa tatay ni Julio.
“Kaya pala lumaki akong walang ama dahil iniwan niya pala tayo. Pero siya pa rin
po ang tatay ko inay at nais ko siyang makilala,” sabi ng bata sa nanay niya.
Umiyak si Aling Nena at niyakap na lang ang anak. Sinabihan niya si Julio na
bukas ay dadalhin niya ito sa tatay niya.
Kumain na sila at natulog ngunit bago pa man tuluyang nakatulog ang ina ng dalawang
bata, napaiyak siya habang iniisip kung gaano kalaki ang puso ng anak niya. Bakas sa
mga mata ng bata na hindi ito nagalit sa ama niya.
Kinabukasan, dinala ni Aling Nena sa sapatero ang bunso niya at ipinakilala na
niya si Mang Jose kay Julio. Niyakap ng matanda ang anak niya habang umiiyak at
humihingi ng kapatawaran. Patuloy rin siya sa paghingi ng patawad sa ina ng bata.
Simula noon, araw-araw nang nakakadalaw ang sapatero sa bahay nina Julio.
Kahit sa labas lang sila hinahayaang mag-usap noong una, unti-unti ay lumambot rin ang
puso ni Aling Nena.
“Pasok ka rito at kumain ka muna, gutom na rin iyang si Julio sa kakalaro diyan sa
labas,” pagyaya niya sa sapatero isang hapon.
Nagpatuloy ang magandang relasyon sa pagitan nina Julio at ng ama niya. Ni
minsan ay hindi siya sinumbatan ng bata sa pag-iwan niya sa kanila.
Sa nakikita ni Aling Nena sa anak niya, natutunan niya ring patawarin ang ama nito at
sinubukang maging magkaibigan silang muli.
19
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Sino-sino ang mga magulang ni Julio?
4. Sino ang nag-iisang kapatid ni Julio?
5. Paano nakilala ni Julio ang kanyang ama?
6. Ano ang trabaho ng ama ni Julio?
7. Bakit lumaking walang ama si Julio?
8. Ano ang aral na inyong napupulot sa kuwento?
Isagawa ASSIGNMENT
Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang
kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo Bong?”
tanong ni Annie.“Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto” ang malakas na sigaw
ni Tito mula sa likuran, Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa
madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana
nangyari ito. “mahinang sagot ni Bong. “Hayaan mo na, Bong gagaling din ‘yan
pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase.
Pagkatapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.“Salamat sa pag-aalala ninyo
sa inyong
kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay naka-
plaster.”
2. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
20
Aralin
Pagsulat ng Maikling Balita
4
Alamin
Balikan
Panuto: Balikan ang mga nakaraang leksyon. Isaayos ang mga titik upang makabuo ng
salita. Isulat ang salita sa patlang.
Pambabae
Pananong
5. ANAOP – panghalip na ginagamit para sa tao lamang
Panao
21
Tuklasin later
Sino-sino ang nanonood ng balita? Ano ang balita? Tukuyin kung paano sumulat
ng maikling balita. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsulat nito. Basahin ang balita at
sagutin ang mga tanong.
Magkasabay na ipinahayag nina AFP Chief Hen. Roy Cimatu at PNP Chief
Director Hermogenes Ebdane ang pagpapadala ng puwersang pulis at military upang
kontrolin ang magulong kondisyon sa Bundok Diwalwal sa loob ng dalawa hanggang
tatlong linggo.
22
Suriin
2. Timbang
Binibigyang-diin ang bawat katotohanan ng pangyayari, walang kinikilingan,
walang pinapanigan
3. Maikli
Hindi maligoy ang balita, direktang pahlalahad lamang.
23
Pagyamanin next meeting present work
1. Kasama rin sa uunahin ang mga benepisyaryo ng 4Ps pero dapat aniyang iwasan
ang pagkukumpulan sa mga bangko.
2. MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon sa Maynila at Parañaque ang
pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong
Laban sa COVID-19.
3. Pinayuhan ni Nograles ang mga mamamayan na hintayin ang pasabi sa kanila
upang maging maayos ang distribusyon ng tulong.
4. Samantala, tiniyak ni Nograles na tinitipon na ang mga nagastos at nagawa
ngayong buong linggo upang maisama sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte
tungkol sa COVID-19 na ipapadala sa Kongreso sa Lunes.
5. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Department of Social Welfare
and Development (DSWD) ang mangunguna sa pamamahagi ng pinansiyal na
tulong sa mga kuwalipikadong mamamayan na naapektuhan ng enhanced
community quarantine (ECQ).
Isaisip
24
5. Sa pagsulat ng mga talata ng balita, siguraduhin ang
a. Kaayusan nito
b. Paglalagay ng mahahalagang datos sa unahan ng talata
c. Lahat ng mga nabanggit
d. Wala sa mga nabanggit
Isagawa
Panuto: Basahin mo ang siniping balita sa pahayagan at sagutin ang mga tanong na
kasunod. Isulat ito sa kuwaderno.
25
Buod