Professional Documents
Culture Documents
Filipino Module 1 Grade 1
Filipino Module 1 Grade 1
Filipino Module 1 Grade 1
Filipino
Unang Markahan-Modyul 1:
Ako at ang Aking Paaralan
Alamin
Tuklasin
Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbasa ng kuwento
upang madagdagan at malinang pa ang kaniyang kaalaman.
Sampung Magkakaibigan
Suriin
Kapag bumubuo tayo ng mga tanong, gumagamit tayo
ng mga sumusunod na salita:
Ano kapag nagtatanong tungkol sa bagay
Sino kapag nagtatanong tungkol sa tao
Saan kapag nagtatanong tungkol sa lugar
Bakit kapag nagtatanong tungkol sa dahilan
Kailan kapag nagtatanong tungkol sa oras o petsa ng
isang pangyayari
Paano kapag nagtatanong tungkol sa paraan ng paggawa
ng isang bagay
Ilan kapag nagtatanong tungkol sa bilang ng tao, bagay
at hayop
Mahalaga ang pagtatanong dahil ito ay nagbibigay sa atin ang
gabay at impormasyon.
Pagyamanin
Panuto: Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Sino Ilan Saan Bakit Kailan
1. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong
magtanong tungkol sa dahilan.
2. Anong salita ang ginagamit kapag gusto mong
magtanong tungkol sa tao.
3. Anong salita ang ginagamit kapag gusto
mong magtanong tungkol sa bilang ng tao,
bagay
at hayop.
4. Anong salita ang ginagamit kapag gusto
mong magtanong tungkol sa oras o petsa ng
isang pangyayari.
5. Anong salita ang ginagamit kapag gusto
mong magtanong tungkol sa lugar.
Isaisip
Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang salitang ginagamit sa
pagtatanong tungkol sa larawan at bituin ( )kung hindi.
1. Kailan
2. Saan
3. Siya
4. Sino
5. Ano
Isagawa
Tayahin
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang tanong tungkol
sa larawan.
1. a. Ano ang ginagawa ng bata?
b. Bakit siya naglalaro?
c. Sino ang nanay niya?
d. Bakit siya sumasayaw?
2. a. Paano ka kumakain?
b. Ilan ang mga gulay?
c. Saan ka nakatira?
d. Sino ang katabi niya?
3. a. Ano ang kinakanta mo?
b. Kailan ka uuwi?
c. Saan sila naglalaro?
d. Ano ang itinatapon ni Ana?
Karagdagang Gawain
1. _?
2. _?
3. _?
4. _?
5. _?
Subukin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa bata kung
hanggang saan ang kanyang kaalaman. Huwag mag-alala kung
hindi makuha ng bata ang tamang sagot dahil ito ay isa lamang
pagsubok. Huwag ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na
masukat ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin.
Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong anak an
gaming hinihiling. Maraming Salamat po!
Alin sa sumusunod ang isang tanong.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay tanong at ekis
(x) naman kung hindi.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Saan ka nakatira?
3. Maganda ang ate ko.
4. Mabait ang bata.
5. Sino ang kaibigan mo?
Aralin
Pagbuo ng Tanong Tungkol sa
2 Isang Kuwento
Balikan
Tuklasin
Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbabasa ng mga salita
at kahulugan nito upang madagdagan at malinang pa ang
kaniyang kaalaman.
Sabihin sa bata: Basahin ang mga salita at unawain ang mga
kahulugan ng mga ito.
Salita Kahulugan Larawan
Sabay na ipinagbuntis at
kambal
ipinanganak ng isang ina.
Taong ipinanganak at
Koreano
nakatira sa Korea.
Isang laro gamit ang mga
kamay. Ang maiibang
pompiyang posisyon ng kamay
matapos ang ilang bilang
ay siyang magiging taya.
Tinamaan nang hindi
nasagi
sinasadya.
Suriin
Gumagamit tayo ng mga salitang pananong upang simulan
ang ating mga tanong. Gumagamit tayo ng salitang ano, sino,
saan, kailan, ilan at paano.
Ano kung nais nating magtanong tungkol sa
isang bagay.
Halimbawa: Ano ang bagay na ginawa ni Leo?
Sino kung nais magtanong tungkol sa tao.
Halimbawa: Sino ang inagawan ng laruan ni Karlo?
Saan kung nais magtanong tungkol sa lugar.
Halimbawa: Saan naglalaro ang magkakaibigan?
Kailan kung nais mong malaman ang oras o petsa ng isang
pangyayari.
Halimbawa: Kailan naisip ni Karlo na maging mabuting
bata?
Ilan kung nais mong malaman ang bilang ng tao, bagay,
o hayop.
Halimbawa: Ilan ang magkakaibigan?
Paano kung nais mong magtanong tungkol sa paraan ng
paggwa ng isang bagay.
Halimbawa: Paano naging mabuting kaibigan
si Karlo?
Itanong sa bata:
Anong mga salita ang ginagamit sa pagtatanong?
Anong bantas ang ginagamit sa pagtatanong?
Tandaan na sa pagbuo ng tanong gumagamit tayo ng
tandang pananong (?)
Mahalaga ang pagtatanong dahil ito ay nagbibigay sa atin ang
gabay at impormasyon.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Iguhit sa patlang ang bituin kung tama ang sinasabi
ng pangungusap at bilog naman kung hindi.
1. Ang salitang paano ay ginagamit sa pagtatanong tungkol
sa bilang ng tao, bagay, o hayop.
2. Ginagamit ang sino sa pagtatanong tungkol sa ngalan ng
pook o lugar.
3. Ang ilan ay ginagamit sa pagtatanong ng bilang ng tao,
bagay, o pook.
4. Ang oras ay sumasagot sa tanong na kailan.
5. Sinasagot ang tanong na sino kapag tinutukoy ang tao.
Isaisip
Panuto: Basahin ang maikling tula, pagkatapos ay isulat sa loob
ng puso ang angkop na salitang tanong sa bawat pangungusap.
Piliin sa loob ng puso ang
tamang sagot.
Sa tahanang pugad,
Umaawit ang ibon;
Sumasayaw sa tuwa,
Mga luntiang dahon.
Sa ilailim ng kahoy,
Isang batang
pagod; May ngiti sa
labing, Ito’y
pinanonood.
Nawala sa isip,
Na ito’y hulihin;
Sa ganda ng awit,
Sumaya ang
damdamin.
1.
naroon ang ibon?
2.
ang ginagawa ng ibon?
3.
4. ang nasa ilalim ng puno?
hindi hinuli ng bata ang ibon?
5.
pinanonood ng bata ang ibon?
Isagawa
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng akmang tanong sa
bawat sitwasyon.
1. May nakita kang batang umiiyak.
a. Bakit ka umiiyak?
b. Ano ang kinakain mo?
c. Sino ang kaibigan mo?
d. Kailan ang kaarawan mo?
2. May nakita kang bola.
a. Ano ang pangalan mo?
b. Sino ang may-ari nito?
c. Saan ang bahay mo?
d. Kailan ka uuwi?
3. Nasalubong mo ang iyong kaibigan.
a. Ano ang ginagawa mo?
b. Ilan ang kapatid mo?
c. Saan ka pupunta?
d. Kailan ka naligo?
4. Oras na ng tanghalian.
a. Ano ang ulam natin?
b. Sino ang tatay mo?
c. Saan ang tabo?
d. Paano ka sumulat?
Tayahin
Panuto: Punan ng tamang salitang pananong ang bawat
patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Ano Ilan Kailan Sino Saan
1. ang pamagat ng kwento?
2. ang batang salbahe?
3. ang magkakaibigan sa kwento?
4. ang antuking bata?
5. naglalaro ang mga kaklase ni Karlo?
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng limang tanong batay sa kuwentong
napakinggan o napanood.
1. ?
2. ?
3. ?
4. ?
5. ?
Subukin
Balikan
Tuklasin
Sabihin sa bata: Basahin ang mga salita at unawain ang mga
kahulugan ng mga ito.
Salita Kahulugan
Uri ng sakit na may sintomas ng pagkakaroon
tigdas
ng maraming mapupulang marka sa balat
Gamot na itinuturok sa braso upang makaiwas
pagbabakuna sa mga sakit na dulot ng virus o bakuna.
nakahahawa Sakit na naisasalin sa ibang tao.
Pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng mga sakit
kumplikasyon
sa katawan.
Alam mo na ba ang mga salitang binasa? Nakikinig ka rin ba ng
balita? Ngayon ay may balita tayong babasahin at tatalakayin.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang
tamang sagot.
Kailan Ano Paano
Bakit Sino Ilan
Isaisip
Panuto: Alin sa sumusunod ang mga salitang pananong? Kulayan
sa loob ng puso ang tamang sagot.
Kailan Kami
Bukas Sila
Tayo
Ikaw Sino
Bakit Paano
Ano
Isagawa
Panuto: Buuin ang tanong sa binasang balita. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. ang sakit na tigdas?
a. Saan
b. Paano
c. Ilan
d. Ano
2. dapat dalhin ang mga bata upang mabakunahan?
a. Sino
b. Ano
c. Saan
d. Paano
3. ang Ahensiya ng Gobyerno na nagpalaganap ng balita?
a. Paano
b. Ano
c. Kailan
d. Ilan
Tayahin
Panuto: Basahing muli ang balita at isulat sa patlang ang tamang
salitang pananong na Ano, Sino, Ilan, Kailan, o Paano upang mabuo
ang isang pangungusap na pananong.
Radyo Balita
Ang labis na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa mga
mata ng mga bata. Nakagawian na ng mga kabataan ang paggamit ng
iba’t-ibang uri ng mga gadgets. Ngunit nagbabala ang mga doktor sa
masamang epekto na naidudulot sa madalas na paggamit ng mga ito.
Ayon sa mga doctor, nagdudulot ito ng samu’t saring karamdaman sa
mata, kabilang dito ang pagkalabo ng mga mata. Maaaring magkaroon
ng myopia (isang uri ng sakit sa mata) ang mata ng mga bata sa labis na
paggamit ng mga gadgets. Dulot umano ng pagkababad ng mga mata
sa blue light na nakikita sa mga screen ng cellphone, tablet, computer at
maging ang telebisyon. Paalaala ng mga doctor sa ting mga magulang
na limitahan ang mga anak sa paggamit nito.