Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Notre Dame of Talisay City

Baitang: 9 Bilang ng Linggo: 10


Asignatura: Filipino 9 Aralin: 2
Paksa: Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Layunin:
 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos
 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.

BASAHIN
Si Maria Kapra
Yamat na nagpapalipat-lipat si Maria Kapra sa mga sanga ng mga punongkahoy sa kagubatan.
“Nagsasawa na ako rito” ang sabi ni Maria Kapra kay Dominiko.”Gusto ko namang makakita ng ibang
lugar”. “Abe,e, mag-ingat ka,” ang paalaala ng kaibigan.” Baka mapunta ka sa lugar na maraming pusa.
E hindi ka na naming makikita.” Iniladlad ni Maria Kapra ang kanyang buntot at lumipad nang malayo
si Maria Kapra. Malayo na rin ang narrating ni Maria Kapra. Nakarating sa mga di pamilyar na lugar. Sa
halamanan ng isang malaking bahay, may natanaw siyang maliit na paliguan ng mga ibon. Nakita
niyang naglalaro roon ang ilang maya. “ Mas maganda namn ako sa mga maya roon” ang naibulong ni
Maria Kapra sa kanyang sarili. Maligaya si Maria Kapra nang tumungo siya sa fountain at nakilaro sa
mga maya. Maligayang-maligaya si Maria kapra dahil sa mga matang nakatanaw sa kanyang
kagandahan. Ilang mga maya pa ang nagkukuwentuhan tungkol sa kanyang kulay, pakpak, at buntot.
Pinadaloy niya ang mga patak ng tubig sa kanyang balahibo sa leeg nang matanaw niya sa di kalayuan
ang isang batang babae na manghang nakamasid sa kanya. Naligayahan si Maria Kapra sa
pagkakatingin sa kanya ng bata. Pinagbuti ni pa niyang lalo ang kanyang pagkakatayo sa gilid ng
paliguan ng mga ibon at ibinuka ang kanyang napakagandang buntot. Naging tulad ito ng isang abaniko.
Lalo siyang naligayahan sa sarili nang mapansin niyang itinuturo siya ng bata sa ibang tao.
Sa puntong ito ay minabuti na ni Maria Kapra ang paglalaro sa tubig ng paliguan. Hindi niya
alintana ang paglipad palayo nang biglaan ng mga maya. Ikinagulat na lamang niya ang pagsaklolo ng
isang lambat . Nagpumilit na makawala si Maria Kapra mula sa loob ng lambat ngunit hindi ni siya
makalabas. Inilagay siya ng hardinero sa loob ng isang hawla at ginawang laruan ng bata. Nalungkot si
Maria Kapra. Kung nakinig lamang siya sa paalaala ng kanyang kaibigan, hindi sana niya inabot ang
ganitong kapahamakan.

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong. (1/2cw)


1. Ano ang maaaring nag-udyok kay Maria Kapra na magtungo sa ibang lugar?
2. Ano ang mga ginawa ni Maria Kapra nang Makita niya ang bata na nakatingin sa
kanya.?
3. Bakit mahalagang pag-isipan muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon?
4. Anong kilos ang dapat gawin ng tao sa mga papuring ibinibigay sa kanya?
Linangin Natin ang Kasanayan sa
Wika at Gramatika

Ang Gamit ng Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin


Ang kaalaman sa pagpapahayag ng emosyon at saloobin ay makatutulong upang makatotohanang madama ng mga
mambabasa at tagapakinig ang inilalarawan aksiyon at saloobin.
Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
1. Ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may natatanging gamit. Sa pagsulat ng ganitong uri
ng pangungusap, ginagamit ang bantas na padamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galling! Gera!
Pagkagulat: Ay! Ngii! Naku! Sus/Susmaryosep!
2. Ang paggamit ng mga pangungusap na tiyakang nagpapadama ng damdamin at o saloobin ng
nagsasalita. Pero, hindi gaanong matindi ang emosyong inihahayag sa ganitong paraan. Karaniwang
bantas na tuldok(.) ang ginagamit, paminsan-minsan ginagamit sin ito ng padamdamupang ihuyat anf
matinding emosyon o damdamin.
Halimbawa:
Paghanga: “Wow, talagang mahusay siya!
Pagkagulat: “O, ikaw talaga!”
3. Ang paggamit ng mga pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang nagpapahiwatig o
hindi inihahayag ang damdamin o gustong mangyari.
Halimbawa:

Pahayag Ipinahiwatig na Kahulugan


Parang kaunti na lang ang katulad mo Ang bait mo talaga
Mas maganda siguro kung di ka na magsasalita Manahimik ka.

PAGSASANAY

Panuto: Bumuo ng angkop na pangungusap na padamdam na may natatanging gamit batay sa damdaming
nasa loob ng panaklong. Ilagay sa 1/2cw.
1. Napakaganda ng boses ni Lea Salonga.
(panghanga)_____________________________________________________________!
2. Ang laki ng pinasalang idinulot ng bagyong Yolanda.
(pagkagulat)_____________________________________________________________!
3. Ang bilis ng pagtaas ng tubig-baha
(pagkatakot)_____________________________________________________________!
4. Ang tataas ng markahang natanggap ko ngayon.
(pagkatuwa)_____________________________________________________________!
5. Ang bagal ng takbo ng bus na ito.
(pagkainis)_______________________________________________________________!

PAGPAPAHALAG
A

Ilahad ang iyong naramdaman matapos mabasa ang pabula na pinamagatang “Si Maria Kapra”. Dugtungan
ang pahayag sa ibaba.

Ako ay_________________________sa akda. Sapagkat_______________________________________


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
PAGTATAYA

Panuto; Bumuo ng mga pangungusap batay sa sumusunod na mga sitwasyon. Ibigay ang
damdaming ipinahahayag. Ilagay sa isang buong papel.
1. Takot na takot ka sa away ng mga kabataan sa inyong lugar.
Pangungusap:_______________________________________________________
Damdamin o Emosyon:______________________________________________
2. Di inaasahang pagdating ng iyong tatay buhat sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Pangungusap:_______________________________________________________
Damdamin o Emosyon:______________________________________________
3. Nakatanggap ka ng makabagong gadget sa iyong kaarawan.
Pangungusap:_______________________________________________________
Damdamin o Emosyon:______________________________________________
4. Nabalitaan mong malaking pinsala ang idinulot ng lindol sa Gitnang Visayas.
Pangungusap:_______________________________________________________
Damdamin o Emosyon:______________________________________________
5. Nahiwalay ka at ang iyong kaibigan sa pangkat ng mga mountain climber.
Pangungusap:_______________________________________________________
Damdamin o Emosyon:______________________________________________

TAKDANG
ARALIN

Panuto: Madalas na maririnig o mambabasa ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong”. Muling
isulat ang buod ng pabulang “Ang Matsing at ang Pagong”. Pag-isipan kung ano ang maari pang
maging wakas ng kuwento. Ilagagy sa Short bond paper.

Sanggunian: Pintig ng Lahing Pilipino 9


Kagamitan: Aklat

You might also like