Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang iba-ibang

persepsyon ng mga mag-aaral ng BS FILIPINO sa epekto ng online

teaching sa kanilang pagkatuto.

Bukod dito, layunin din ng mga mananaliksik na makamit ang

mga sumusunod:

1. Ano ang online teaching?

2. Ano ang mga kalamangan ng online teaching sa mga mag-aaral

ng BS FILIPINO?

3. Ano ang mga pamamaraang ginagamit ng mga mag-aaral upang

maging aktibo sa pagkatuto sa pamamagitan ng online teaching?

4. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng

BS FILIPINO patungkol sa online teaching?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik

upang makapagbigay ng ideya at makatulong na maiayon sa

pangangailangan sa pagsasakatuparan ng online teaching sa

kasalukuyan.

Mga Mag-aaral

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik upang

masuportahan ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-


aaral na mapagtagumpayan ang kanilang mga kahinaan at

mapalawak ang kanilang kahusayan sa pag-aaral.

Mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na

malaman ang iba-ibang mga istratehiya at mga pamamaraan sa

pagsasakatuparan ng online teaching.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa sinumang

magnanais na pag-aralan ang persepsyon ng mga mag-aaral sa

epekto ng online teaching sa kanilang pagkatuto.

1.4 Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pag-tukoy sa epekto ng online

teaching sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng BS Filipino na nag-

aaral sa Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pampamahalaang

Pamantasan ng Kanlurang Mindanao, Lungsod ng Zamboanga sa

taong panuruang 2021-2022.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng

limampung (50) mag-aaral na pinili sa paraang lottery.

Isinasaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang pinansyal na

kalagayan ng mga kalahok bilang baryabol ng pag-aaral.

You might also like