Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Greenfield High School

Ikatlong Markahan
Lagumang Pagsusulit
ESP 7
S.Y. 20201-2022

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:_________________


Asignatura:   EsP 7  Iskor:_______

_____1. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakakapagpaunlad ng isip.


a. Wisdom c. Agham(Science)
b. Understanding d. Prudence
_____2. Ito ang nagtutulak sa tao upang maunawaan ang bunga o kalalabasan ng lahat ng pananalita at kilos bago
ito sabihin at isagawa.
a. Prudence c. Understanding
b. Sining (Art) d. Wisdom
_____3. Si Jose ay mahilig magsaliksik at tumuklas ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid.Anong birtud ang taglay
ni Jose?
a. Agham ( Science) c. Prudence
b. Wisdom d. Art (Sining)
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang salitang birtud ay galling sa salitang Latin na virtus o vir.
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HiINDI TOTOO tungkol sa HALAGA (VALUES)?
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
b. Ito ay obheto ng ating intensiyonal na damdamin
c. Ito ay nababago depende sa tao, lugar, at panahon
d. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
_____6. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
a. Kapag hindi nagtagumpay ang tao sa pagtugon sa isang halaga, hindi lang ang halaga ang nasisira kundi
pati ang hindi tumutugon dito.
b. Kahit pa napapabayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa,
nananatili pa ring mabuti ang kanyang gawain.
c. Ang sino man, bata o matanda ay may sapat nag kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at
makamit ng mataas na antas ng halaga.
d. Lahat ng nabanggit.
_____7. Ang mga sumusunod at katangian ng ganapna halagang moral MALIBAN sa :
a. Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamitng tao at mailapat sa kanyang pang araw-
araw na buhay
_____8. Sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang halaga at birtud?
a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa tao.
b. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao pagyayamanin niya
ito at pahahalagahan.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga, tutukuyin niya nag angkop na birtud na mas
makapagpapayaman dito.
d. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
_____9. Anong moral na birtud ang ipinapakita ng sitwasyon na ito?
“Hindi mo maaring sisihin ang isang tinedyer na nanakit ng isang mag-aaral kung siya ay pinilit at tinakot ng ibang
tao upang gawin ito.”
a. Katatagan (Fortitude) c. Katarungan
b. Pagtitimpi d. Prudence
_____10. Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa
maingat na paghuhusga.
a. Prudence c. Pagtitimpi
b. Katarungan d.Katatagan
_____11. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga MALIBAN sa:
a. Sumasaibayo (transcenda) sa isa o maraming indibidwal
b. Mutable at Non-Objective
c. Nagbibigay ng direksiyon sa buhay ng tao
d. Lumilikha ng kung anong nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do)
_____12. Ang mga sumusunod ay katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral, MALIBAN sa:
a. Obhetibo c. Pangkalahatan
b.Eternal d. Subhetibo
_____13. Ginagamit ito ng tao na makatuwiran ibig sabihin nang naayon sa totoo at matuwid na prinsipyo ng kanyang
isip, talent, kakayahan, hilig, oras at salapi
a. Katarungan c. Pagtitimpi
b. Prudence d. Katatagan
_____14. Ginagamit ito ng tao bilang sandatasa pagharap sa pagsubok o panganib sa buhay.
a. Katatagan c. Karunungan
b. Pagtitimpi d.Prudence
_____15. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga.
a. Mga Kapwa Kabataan c. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
b. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon d. Pamana ng Kultura
_____16. Si Maria ay nais bumili ng isang mamahaling alahas ngunit kapos ang kanyang pera at kasabay pa noon ay
malapit na ang pagbabayad ng matrikulasa eskwelahan. Mas pinili ni Maria na huwag na munang bumili ng alahas.
Anong birtud ang ipinamalas ni Maria?
a. Pagtitimpi c. Katatagan
b. Prudence d. Karunungan
_____17. Kahit anong hirap ng buhay, hindi naisip ni Crisna sumuko sapagkat alam niyang ang lahat ng mga
pagsubok ay malalampasan lamang kung tayo ay magsususumikap. Anong birtud ang taglay ni Cris?
a. Pagtitimpi c. Karunungan
b. Katatagan d. Prudence
_____18. Si Krysna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang
magulang na gabihin siya sap pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangan gawin kasama ang kanyang
kaklase. Kailangan niyang kausapin ang magulang niya upang siya ay payagan ngunit kailangan niyang umuwi sa
itinakdang oras. Kapag hindi niya magawa ay hindi na siya papayagan pang muli. Anong mahalaga ang itinuturosa
kanya ng kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng birtud.
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
d. Pag-unawa na ang Kalayaan ang may kakambal na responsibilidad
_____19. Masasabi lamang na tunay na epektibo ang edukasyon sa pagpapahalagasa tahanan kung:
a. Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
b. Nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong
halaga na kanilang tinuro.
c. Walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga
paghuhusga.
d. Lahat ng nabanggit.
_____20. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng mga birtud sa pang araw-
araw na buhay?
a. Si Ana, na hindi sumuko sa buhay at nag-aaralng mabuti sa kabila ng kahirapan.
b. Si Rachel na bili ng bili ng mga di kinakailangan na gamit.
c. Si Paul na agad gumagawa ng desisyon sa buhay na hindi iniisip kung ano ang masama at mabuting
maidulot ng kanyang pasya.
d. Si Marie na nagpapakalat ng mga maling balita sa kanyang mga kapit-bahay.

You might also like