Professional Documents
Culture Documents
PilingLarang Akademik12 Q1 Mod2 Akademikong Sulatin Pagsulat NG Ibat Ibang Uri NG Paglalagom Ver3
PilingLarang Akademik12 Q1 Mod2 Akademikong Sulatin Pagsulat NG Ibat Ibang Uri NG Paglalagom Ver3
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom
1
Unang Edisyon 2020
2
Senior High School
Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa
mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
1
Talaan ng Nilalaman
Aralin 1: Abstrak
Alamin ……………………………………………………………………………..1
Subukin: Pagsusuri sa Pahayag ………………………………………………..
Balikan: Pagkilala sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan ……………….2
Tuklasin: Pagsulat ng Abstrak ....................................................................3
Suriin: Pagsagot sa Katanungan ...............................................................4
Pagyamanin : Elemento ng Abstrak ........................................................... 5
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan………………………………………………
Isagawa:Pagsusuri sa Elemento ng Abstrak (Matrix) ……………………… 6
Tayahin :Pagtukoy sa Katangian ng Abstrak …………… ……………….. 7
Karagdagang Gawain: Pagsulat ng Abstrak: …………………………….… 8
Aralin 2: Sinopsis
Alamin ……………………………………………………………………………..9
Subukin: Pagtukoy sa Paksa ……………………………………………………
Balikan: Elemento ng Abstrak …………………………………………………10
Tuklasin: Pagsulat ng Sinopsis ...................................................................
Suriin:Pagsagot sa
Katanungan..……………………………………………………………………12
Pagyamanin : Panonood ng Episodo sa Internet …………………………..13
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan ……………………………………………….
Isagawa:Pagbubuos sa Parabula ………………………………………….. 14
Tayahin : Katangian ng Sinopsis ………………………………………….. 15
Karagdagang Gawain: Pagsulat sa Kwento ng Buhay …………………… 16
2
Aralin 3 : Bionote
Alamin …………………………………………………………………………… 17
SubukIn : Pagkilala sa Paksa…………………………………………………...
Balikan:Ipabatid sa Bawat Letra ………………………………………………18
Tuklasin: Pagsulat ng Bionote .................................................................. .
Suriin:Pagsagot sa mga Tanong ............................................................... 19
Pagyamanin: Bionote ni Galileo S. Zafra ................................................... 20
Isaisip: Paghahambing sa Bionote at Talambuhay…………………………… 21
Isagawa:Pakikipanayam............................................................................
Tayahin : Katangian ng Bionote……………………………………………….. 22
Karagdagang Gawain: Sariling Bionote……………………………………….
Lagom …………………………………………………………………………………….23
Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………25-28
Mga Sanggunian................................................................................................... 29
3
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda
para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan
katangian, layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong
sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang
mga kasanayang hinahangad.
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93
Paano Mo Matututunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
4
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.
5
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba
pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng
Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at
unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
6
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak
Alamin
Subukin
Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA
kung ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.
4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
7
Balikan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pangunahing kaisipan
8
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak
9
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan
ng pala-isipan kaugnay sa paksa.
Suriin
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
_____________________________________________________________________
10
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Abstrak ?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan
sa pagsulat nito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang
elemento nito.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral
at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
11
Isaisip
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Isagawa
12
1.Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon
3.Metodolohiya 4.Resulta
Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat
ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
Abstrak
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
13
Karagdagang Gawain
14
Aralin Uri ng Paglalagom:
2 Sinopsis
Alamin
Subukin
Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod ,
pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librai
____2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____4. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang
makamtan ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma
15
Balikan
Metodolohiya
Saklaw at Delimitasyon
Resulta
Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa
sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di-tuwirang nakalahad kaya
mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng
akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit?
Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat
ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito
kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat
at pinanggalingan ng akda .
16
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga
kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang
iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan
ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino
ang nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.
17
Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang
tangayin ng hangin.
Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong
nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na
gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok
at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon
ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang
bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na
karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng pagoda sa salansan
ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko
So Thah.
Suriin
6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan
at maramihan) mula sa halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
18
7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat
ng Ko So Tah” hal. naninirahan -
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________
8. Ganoon din ang lahat ng pang-ugnay sa “Ang Alamat ng Ko So Thah”. hal.bagamat
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________
Pagyamanin
Pamagat/
May-akda
Simula/
Tagpuan
Gitna
Wakas
Kinalabasan/Resolusyon
19
Isaisip
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________
Isagawa
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo
siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa
Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag
ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan
ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang
guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit
20
siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang. 25 “Nasa bukid
noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang
tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng
mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng
inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at
walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya
ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob
ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako
binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga
kaibigan. 30 Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan
sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang
ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang
na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.’
Tayahin
Sinopsis
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
21
Karagdagang Gawain
SIMULA
WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN
KAKALASAN KASUKDULAN
22
Aralin Uri ng Paglalagom
3 Bionote
Alamin
Subukin
Panuto : PAGKILALA SA PAKSA: Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang
titik ng angkop na sagot. Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-
katulad ito sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o
pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa
isang kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at
kadalasan ay may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng
mga sulating papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
23
_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala
at unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga
mababasa ukol sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo
Balikan
--- S
--- I
--- N
--- O
--- P
--- S
--- I
--- S
K Tuklasin
PAGSULAT NG BIONOTE
A
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat
ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng
isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli
kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic
Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman
ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga
journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.
24
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang
madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili
at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.
https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.
Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
25
Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya
ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano
ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
bionote .
PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON
MAHALAGANG IMPORMASYON
DI-GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
26
Suriin
Pagyamanin
Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-
sunod ang bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
➢ Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
➢ Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
➢ Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -
Diliman.
➢ Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
➢ Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya
(1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga
Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of
Translation sa UP Press.
27
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
28
Karagdagang Gawain
Lagom
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Batay sa natutunan mo sa buong modyul , basahin at sagutin ang mga
katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
B. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas
ay makikita o mababasa sa mga 30akita30 , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites
at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang 30akita30enting ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. Ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang
totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
30
_____13.Unang isulat sa bionote upang 31akita agad ang katauhan ng taong ipinakilala
at unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari
sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
31
32
Modyul 2
Panimulang Pagtataya Modyul 2
1.D Aralin 1
2.B Subukin (p.1)
3.C 1.TAMA
4.A 2.TAMA
5.A 3. MALI
6.C 4. MALI
7.B 5. MALI
8.D
9.B
10.B
11.C
12.A
13.B
14.A
15.C
Modyul 2
Balikan (2)
Pangunahing kaisipan - .
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit
mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).
Pantulong na Kaisipan _
***Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na
personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at
pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.
***Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
***Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay
maaari ring makahawa sa mga tao.
Isagawa (p.6)
Rasyunal - Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad
sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating
impromptu at ekstemporenyo.
Saklaw at Delimitasyon- Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral
na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo.
Susi sa Pagwawasto
33
Metodolohiya- Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu
at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Resulta-Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang
sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
Modyul 2
Aralin 2
Subukin (p.8)
1.A
2.C
3.B
4.A
5.C
6.B
7.A
8.D
9.C
10.B
Isagawa (p.13)
Pagbubuod
May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at kanyang
ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng kayamanang
minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng
mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang
kanyang masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba at
humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong-puso niya itong tinanggap,
at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob ng
panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipaghanda ng piging ng kanyang
ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang ama at ipinaliwanag na siya ay lagi niyang kapiling at ang
lahat ng ari-arian niya ay para sa kanya subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay
ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit muling nasumpungan.
Julian Aileen Baisa . et.at. Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang
(Akdemiks). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing House Inc. (pahina 28)
34
Modyul 2
Aralin 3
Subukin (p.15)
1.A
2.D
3.C
4.B
5.D
6.A
7.C
8.C
9.B
10.B
Pagyamanin (p.19)
Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, at tagasalin. Nagtapos siya ng
kaniyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines-Diliman. Dito rin siya kasalukuyang
nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, wika, at araling Filipino. Nakapaglathala na siya ng
mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999), at nakapag-edit ng serye
ng Sawikaan: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang Wika sa Filipinas na kapuwa proyekto ng
Filipinas Instirute of Translation at UP Press. Aktibo rin siyang contributor sa mga
akademikong journal sa iba’t ibang pamantasan at institusyong pangkultura.
Pangwakas na Pagtataya
1.D 8.D
2.B 9.B
3.C 10.B
4.A 11.C
5.A 12.A
6.C 13.B
7.B 14.A
15.C
Mga Sanggunian
Aklat
Internet Sites
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-
factstl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng
abstrak.html
Journal
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015
35
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
36