Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG: Akademik

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 3)

Pangalan : ___________________________ Baitang/Pangkat: ________________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: ______________

I. SUSING KONSEPTO:

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Isang halimbawa ng akademikong sulatin ay ang REPLEKTIBONG SANAYSAY. Narito


ang mahahalagang konsepto na makatutulong sa iyo para unawain ang aralin sa linggong ito:

Replektibong Sanaysay –isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa


introspeksyon na pagsasanay ( Michael Stratford ,Pinagyamang Pluma Filipino
sa Piling Larang Akademik).

Ito ay nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto


nito sa manunulat. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakakalikha ng
epekto sa taong sumusulat nito. Layunin nitong maipabatid ang mga nakalap na impormasyon
at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito. Ito ay isang masining na pagsulat na
nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon at pananaliksik sa paksa.

PANGUNAHING BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Panimula- tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.


Maaaring gumamit ng kilalang pahayag ng isang tao, tanong, anekdota
at iba pa.

 Katawan – dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa


paksa o tesis na inilahad sa panimula.

 Konklusyon – dito muling binabanggit ang tesis o pangunahing paksa ng sanaysay. Ito
ay nilalagom sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano magagamit ang natutuhan sa
buhay sa hinaharap.

1
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Magkaroon ng tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


 Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip gaya ng ko, ako at akin.
 Bagamat ito ay nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito
ng mga patunay o patotoo.
 Isaalang-alang ang paggamit ng pormal na salita at maayos na estruktura sa
pagsulat nito.
 Ginagamit dito ang paraan ng pagpapahayag na pagsasalaysay at
paglalarawan.
 Dapat na may maayos na daloy ng mga pangyayari
 Gumamit ng mga pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maisalaysay nang
maayos ang mga pangyayari, tao at lugar.
 Dapat na may malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay.

Basahin at unawain ang bahagi ng halimbawang Replektibong Sanaysay na nasa ibaba.


Suriin at itala ang mga katangiang taglay nito batay sa talakay sa itaas.

Bakit Ako Naging Manunulat?


Ni: Rene Villanueva
Mapapansin ng sinomang sumusubaybay, kung mayroon man,sa pagsulat ko ng mga
personal na sanaysay, na paulit-ulit ang pagtalakay ko sa paksang ito.Sa isang banda,
indikasyon marahil ito ng matindi kong pagnanais na unawain ang sarili at ipaliwanag talaga
kung ano ang lakas na nagtutulak sa akin para mahalin nang husto ang pagsusulat. Para
pahalagahan ito nang higit sa aking asawa’t mga anak, higit sa aking pamilya at kaanak, higit
sa kahit anopaman sa aking buhay. Maaaring sabihin ng iba na napaka-OA naman, pero
ganoon ko talaga pinahahalagahan ang aking pagsusulat. Masasabi kong ang akin pagsusulat
ang buo kong pagkatao.

Sa mga nakaraang sanaysay, lalo na sa librong (Im) Personal, tinalakay ko na kung


paano at bakit ako nagsusulat; kung sino ang mga unang nakaimpluwensiya sa akin para
mahilig sa pagsusulat at sino-sino ang mga una kong guro sa pagkatha. Ngayo’y gusto ko
namang harapin ang isa pang aspekto ng pagiging manunulat ko:Bakit ako naging isang
manunulat? Bakit sa dinami-dami ng propesyon, dito ko piniling maggugol ng talino at
panahon, ng buong buhay ko?
Siguro, dahil mula pagkabata, wala akong naging ibang interes kundi kuwento: makinig
ng kuwento, mag-imbento ng kuwento, magkuwento ng kuwento.
Sa pakikinig ng radyo ako unang nagkamalay kung paano bumuo ng kuwentong may
epekto sa sinomang makarinig. Nang matuto akong magbasa ng Liwayway at mahilig sa
panonood ng sine, lalong tumindi ang hilig ko sa paghabi ng mga pangyayaring sa isip ko
lamang nagaganap; pero parang totoong-totoo!

2
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3
Kalaunan pa ako magkakalakas ng loob na isalaysay sa iba ang mga kuwentong nasa
isip ko. Para dito, pinagpraktisan ko ang aking mga kababata. Ang mga laro ko sa La Loma
noong mga 10 hanggang 12 taong gulang ako ay hindi mga karaniwang laro ng bata. Mahilig
ako sa taguan at habulan; pero hanggang doon lang.Mas gusto kong tipunin at kuwentuhan
ang mga kalaro ko, lalo ‘yung mga mas bata sa akin. Madalas, isa-isa ko silang
pinasasalampak nang pabilog sa akin harapan at pinapaghahandang makinig sa hahabihin
kong mga kasinungalingan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Inaasahan nakasusulat ako nang maayos na akademikong sulating
replektibong sanaysay.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain 1: Havey o Waley
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos, isulat ang
HAVEY sa patlang kung ito ay nagsasaad ng wastong kaisipan kaugnay ng pagsulat ng
replektibong sanaysay at WALEY naman kung hindi.

_________1. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan


ng isang tao.

_________2. Gumagamit ng impormal na wika sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay.

_________3. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, isinasalaysay at inilalarawan ng


manunulat kung paano niya napaunlad ang taglay na kalaksan at kung paano
niya napagtagumnpayan ang taglay na mga kahinaan.

_________4. Sa panimulang bahagi ng replektibong sanaysay nilalagom ng manunulat ang


pangunahing tesis kung saan binabanggit niya kung paano magagamit ang mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap.

_________5. Hindi na nangangailangan pa ng pananaliksik sa pagsulat ng replektibong


sanaysay.

3
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3
Gawain 2:
Panuto: Balikan ang halimbawang Replektibong Sanaysay sa itaas. Gumawa ng
pagsusuri at pagtatala sa tulong ng talahanayan sa ibaba at mga gabay na tanong.

Suri-Tala ng Sanaysay

BAHAGI PAGSUSURI-TALA
Paksa:
Ano ang paksa ng
sanaysay?
Introduksiyon:
Paano sinimulan ng may akda
ang sanaysay?

Katawan:
Ano-anong mahahalagang
karanasan ang ibinahagi ng
may akda sa sanaysay?

Mayroon bang kaisahan


ang katawan at may lohikal
bang daloy ang
pagsasalaysay ng mga
pangyayari? Patunayan ang
iyong sagot.
Katangian:
Ano-anong katangian ang
nagamit ng may akda batay sa
mga dapat tagalayin ng
sanaysay?
Kongklusyon:
(Bahagi lang ng kabuoan ang
sanaysay sa itaas.

Paano ito dapat wakasan ng


may akda?

4
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3
Gawain 3: Kaya Mo Ito
Panuto: Gamitin ang natutuhan mo sa araling ito. Sumulat ng isang replektibong sanaysay
batay sa naging karanasan mo sa nakaraang taong pag-aaral sa paraang Modular Distance
Learning dahil sa COVID-19 Pandemic.Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat na makikita
sa ibaba. Isulat ito sa isang malinis na papel at ipasa sa iyong guro.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
IV. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS

Para sa Gawain 2:
Organisasyon ng ideya 5 puntos
Wastong estruktura ng wika 5 puntos
Linaw ng paliwanag 5 puntos
Kabuoang puntos 15 puntos

5- MAHUSAY 3- KATAMTAMAN 1- DI- MAHUSAY

Para sa Gawain 3:
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng replektibong sanysay
Nakasusulat ng organisado, at mahusay na replektibong 5
sanaysay
Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop 5
na paggamit ng wika
Mayroon itong isang tiyakna paksa 5
Kalinisan 5
Kabuoang Puntos 25

5
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3
V. REPLEKSIYON
Panuto: Gamit ang Learner’s Response Journal sa ibaba, punoan ang patlang upang
mabuo ang mga pahayag bilang bahgi ng iyong pagninilay.

Matapos ang talakay at gawain, natutuhan kong ang


____________________________________________________

Kaya ______________________________________________.

Naniniwala akong __________________________________


____________________________________________________

____________________________________________________.

VI. SANGGUNIAN

 Julian, Aileen Baisa at Lontoc, Nestor B.: Ang Replektibong Sanaysay: Pinagyamang
Pluma Filipino sa Piling Lang- Akademik. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City;

➢ https://dianmantiles.wordpress.com/2017/04/15/your-girl-is-back/

➢ https://brainly.ph/question/647499

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. HAVEY Gagamit ng Rubric Gagamit ng Rubric
2. WALEY
3. HAVEY
4. WALEY
5.WALEY

Inihanda ni: Tiniyak ang kalidad ni:

ROSEMARIE M. NOCEDO, TIII LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Amtic NHS, Sangay ng Lungsod ng Ligao Superbisor sa Filipino

6
RO_ FPL: Akademik _Linggo 3

You might also like