FPL - Akad - SLP 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG: Akademik

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 4 )

Pangalan : ___________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

I. SUSING KONSEPTO

PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukalang proyekto ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community


Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental
organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim
Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang


proyekto, kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng:
 Kaalaman
 Kasanayan, at
 maging sapat na pagsasanay.

Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning


and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng
tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalng Proyeto

Bago simulan ang pagsulat ng isang panulang proyekto ay kailangan munang


tiyakin ang pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan ng proyekto. Sa
pamamagitan ng pagmamasid o obserbasyon maraming suliranin ang
maaaring Makita sa paaralan, pamayanan o kompanya.

b. Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang proyekto, ito ay


binubuo ng tatlong bahagi:

 LAYUNIN- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang


pinakaadhikain ng panukala.

1
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang
maging S.I.M.P.L.E.:
Specific, nakasaad ang mga bagay na nais makamit o mangyare sa
panukalang proyekto;

Immediate, nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos;

Measurable, may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing


proyekto.

Practical, nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin;

Logical, nagsasaad ng paraan kung paano makakmit ang proyekto; at ang


panghuli

Evaluable, masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

PLANO NG DAPAT GAWIN - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action. Mahalagang maiplano itong
mabuti ayon sa tamang pagkakasuno-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain, kailangan din maging
makatotohanan o realistic ang proyekto. At ang panghuli ay ang Badyet – Ang
badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang
wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing sa pagsasakatuparan ng layunin.

Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito –nakasaad dito


kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang
sa pagsasakatuparan ng layunin.

Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto maaaring


gamitin ang mga sumusunod:

 Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismong sa


inilahad na pangangangailangan.

 Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.

 Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa


bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.

 Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat


maisagawa o maibigay ang pangangailangan.

 Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat


isagawa ang panukala.

 Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunodsunod ng


mga gawaing isasagawa para maisakatuparan ang proyekto.
2
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
 Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng
proyekto.

 Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang


Proyekto – kadalasan ito rin ang nagsisilbing konklusyon na kung saan nakasaad
ang mga taong makikinabang ng proyekto.

II.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

 Nakasusunod ako sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong


sulatin (tulad ng pagsasagawa ng panukalang proyekto).

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain 1 SMILE MO, SHOW MO!
Panuto: Basahin ang halimbawa ng panukalang proyekto. Suriin ito batay sa
talahanayan-tseklist sa ibaba. Lagyan ng masayang mukha (☺) kung nakitang
maayos na nasunod ang mga dapat taglayin ng bahaging nakatala. Samantala,
lagyan ng malungkot na mukha (☹) kung hindi. Sumulat ng maikling paliwanag sa
napiling sagot.

PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG BREAKWATER


PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324vPurok 10, Tiburcio Luna Avenue
Baranggay Bacao
General Trias Cavite
Ika-11 ng Disyembre 2020

Haba ng Panahong Gugulin: 3 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunald na barangay ng bayan ng


General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti
na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning
nararansan ng Baranggay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan
tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ang mga pananim.
Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nangagaling sa bundok.

3
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na
pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak
na ‘di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa
lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-


apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang
kanilang mga ariarian at hanapbuhay sa mga susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw).

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng


breakwater o pader ( 2 linggo ).
▪Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kanikanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagpupulong ng knoseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng


breakwater (1araw).

▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.

4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3


Buwan).

5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw).

I. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1.Halaga ng pagpapagawa ng Php 3, 200,00.00
breakwater batay sa isinumite
ng napiling contractor (kasama
na rito ang lahat ng materyales
at suweldo ng mga trabahador)
2. Gastusin para sa pagpapsinaya Php 20, 000.00
at pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000.00

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapakipakinabang sa


lahat ng mamamayan ng Barangay bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga
mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot
ng malaking epekto sa pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroobn nang kapanatagan ang
puso ng bawat isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa tulong ng ipapatayong pader.
4
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa
paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog.
Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang
pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga
mamamayan ng Baranggay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang
magsisilbing proteksyiyon sa pang tag-ulan.

Sanggunian: Ang Panukalang Proyeto, 68-70


Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Bahagi ng Panukalang Proyekto Mukha Paliwanag


(☺) o (☹)
Pamagat
Pagpapahayag ng Suliranin
Layunin
Plano na Dapat Gawin
Badyet
Pakinabang

Gawain 2 – I-JUDGE MO!


Panuto: Magtanong sa SK Chairman ng barangay tungkol sa panukalang proyekto
nila sa barangay. Ihambing ang panukalang proyektong nakalap sa halimbawang
ginamit sa Gawain 1 gamit ang Compare and Contrast Diagram sa ibaba.

Panukalang Proyekto
ng SK Panukalang sa
Pagpaapagawa ng
Breakwater

Pagkakatulad
_____________________
_____________________
_____________________

5
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
Paaano nagkakaiba pagdating sa:

layunin

panahon

suliranin

badyet

plano

pakinabang

Gawain 3 - Kaya Mo ‘To!


Panuto: Punuan ang talahanayan sa ibaba ng maaring maging datos/
nilalaman ng sitwasyon ayon sa bahagi ng panukalang proyekto na dapat
isaalang-alang:

Sitwasyon Layunin Panahon Suliranin Pakinabang


1. Operation
Linis-Ilog
2. Project- BASA
(Bata ay
Akayin at
Sama-
samang
ipakilala
ang mga
Akda)

IV. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS


Gagamitin sa Gawain 1, 2, at 3
Organisasyon ng ideya 5 puntos
Wastong estruktura ng wika 5 puntos
Linaw ng paliwanag 5 puntos
Kabuoang puntos 15 puntos

5- MAHUSAY 3- KATAMTAMAN 1- DI- MAHUSAY


6
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4
V. REPLEKSIYON

Gamit ang Learners Response Journal, buoin ang di-tapos na pahayag


bilang sariling pagninilay.

1. Pagkatapos ng aralin tungkol sa Panukalang Proyekto, natutuhan kong


_________________________________________________________
kaya ____________________________________________________.

2. Bilang mag-aaral sa Senior High School, mahalagang matutuhan ko ang


paaraan ng pagsulat panukalang proyekto upang __________________
_________________________________________________________.

VI. SANGGUNIAN

 Julian, A. at Lontoc, N.(2016): Ang Panukalang Proyekto: Pinagyamang


Pluma Filipino sa Piling Lang- Akademik.Phoenix Publishing House Inc.
Quezon City;
➢ https://brainly.ph/question/297778
➢ https://brainly.ph/question/396824
➢ https://www.academia.edu/38736858/Pagsulat_ng_Panukalang_Proyekto

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gagamitinn ang Rubric sa itaas sa pagmamarka sa awtput ng mga mag-aaral.

Inihanda ni:

MELANIE T. ABILA
LNHS, Sangay ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

7
RO_ FPL: Akademik _Linggo 4

You might also like