Icc Project

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 4: GAWA SA BUNGA NG UPO O TABUNGAW: KATTUKONG

Karaniwan na sa maraming Pilipino na gamitin ang ilang katutubong likha bilang pantakip o
pamandong sa ulo tulad ng dahon ng anahaw at vuyavuy, sumbrerong gawa sa mga hibla ng sabutan at
buntal at iba pang pananggalang laban sa init ng araw at patak ng ulan. Maituturing na modernong
katutubong likha ang kattukong mula sa bunga ng tabungaw o upo na nakilala sa Ilocos.

Layunin ng aralin na ito na malaman mo ang natatanging katutubong likha mula sa pinatuyong bunga ng
upo o tabungaw upang gawing sumbrero. Maaari mo ring matutunan ang masalimuot na proseso ng
paghahanda ng naturang materyales mula sa pagpitas, pagpapatuyo, pagputol at pagpupuni upang
maging isang ganap na gamit sa ulo.

Mula sa bayan ng San Quintin, Abra nakilala si Teofilo Garcia dahil sa paggagawa niya ng
kattukong mula sa tabungaw na natutunan mula sa kanyang ama. Ang kattukong ay isang uri ng
tradisyunal na sumbrero na gawa sa pinatuyong upo o tabungaw. Matagal at hindi madali ang proseso
ng paggawa ng naturang obra. 

Nang lumaon, dumami ang mga bumili at gumamit ng kattukong na tabungaw na likha ni Teofilo
habang patuloy niyang pinauunlad ang kalidad ng kanyang sining. Bilang isa ring magsasaka, sa tuwing
matatapos ang anihan, tinataniman niya ang kanyang sakahan ng maraming upo kung saan kinukuha
ang mga ginagawang kattukong.

Noon pa man, bihasa nang gumawa ng tradisyunal na katutubong “kattukong” o


sumbrero mula sa bunga ng upo o kilala sa tawag na “tabungaw” ang grupong Itneg at Ilokano. Sa
sandaling lumaki at maging magulang ang upo, pipitasin (ang mga) ito at itatabi sa isang tuyo at malinis
na lugar para patuyuin sa loob ng isang buwan.

 Sa sandaling matuyo, hahatiin ito sa gitna sa pamamagitan ng lagari. Pagkatapos,


tanging ang kalahati ng upo sa gawing ibabaw ang kukunin at lilinisin sa isang mano-manong paraan. Sa
sandaling malinis ang loob ng tabungaw lalagyan ito pinatuyong nito o yantok na magsisilbing suotan ng
ulo sa sinumang gagamit ng kattukong. Papahiran ng barnis na natural ang kulay ang labas ng tabungaw
para kumintab at magsilbing proteksyon sa init at tubig-ulan.

ARALIN 8: LUMA NG TAUSOG


Ang salitang “Tausug” ay tumutukoy sa “mamamayan ng agos ng dagat” sa kapuluan ng Sulu.
Matatagpuan ang grupong ito sa limang lalawigan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)
na binubuo ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi. Bahasa sug ang wika ng grupong
Tausug. Ang Quran ay kinikilala bilang mga salita ni Allah na ipinahayag sa kanyang propeta na si
Muhamad sa pamamagitan ng Arkanghel Gabriel na nagsilbing batayan ng mga batas at
pagpapahalagang Islam.

Layunin ng araling ito na malaman mo ang katutubong pamamaraan ng paggawa ng luma ng


grupong Tausog upang maunawaan ang kaugnayan nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang tipikal na estruktura ng bahay ng Tausug ay isang malaking silid na walang partisyon. Ang
siyam na haligi ng bahay ay may kaukulang kahulugan sa katawan ng tao: ang haligi sa gitna ng bahay
ang pusod, ang haligi sa timog-silangan at timog-kanluran ang baywang, ang haligi sa hilagang-silangan
at hilagang-kanluran ang balikat, ang haligi sa gawing silangan at kanluran ng bahay ang tadyang, ang
haligi sa gawing hilaga ang leeg at hita naman para sa haligi ng timog (Perez et al 1989). Lahat ng haliging
nabanggit, hindi kasama ang haligi sa gitna ay sumusuporta sa biga o batangan ng bubungan na
naaatipan ng mga dahon ng nipa, sago at niyog. Bilang dekorasyon inilalagay sa ibabaw ng bubungan ng
bahay ng Tausug ang tadjuk pasung o nililok na disenyo sa kahoy na maaaring manuk-manuk (ibon) o
naga (ahas).

Sa halip na lagyan ng kisame ang bahay, kinakabitan ito ng malaking luhul o parihabang tela na
nagsisilbing pansalo ng dumi, alikabok at peste. Gumagamit din ang Tausug ng mga hinating kawayan o
sawali bilang dingding na may mga butas o espasyo sa pagitan upang magsilbing bentilasyon. Bahagyang
mababa ang espayo na nagsisilbing lutuan o kusina ng bahay (Perez et al 1989). Bago itayo ang bahay sa
isang lugar ay kailangang tiyakin muna sa pamamagitan ng Imam kung may swerteng taglay ang lupang
pagtatayuan.

Ang estrukturang panrelihiyon ay may dalawang uri: masjid o mosque ng komunidad bilang
permanenteng estruktura na gawa sa kawayan at bato. Kailangang maluwag ang lugar upang magkasya
ang buong pamayanan. Ang kapilya ay itinayo upang akiting magdasal ang mga Muslim sa panghapong
panalangin (Kiefer 1972, Szanton 1973).

ARALIN 10: PIS SYABIT NG TAUSOG (Darhata Sawabi)


Ang salitang “Tausug” ay tumutukoy sa “mamamayan ng agos ng dagat” sa kapuluan ng
Sulu. Matatagpuan ang grupong ito sa limang lalawigan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao
(ARMM) na binubuo ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi. Bahasa sug ang wika ng
grupong Tausug. Ang Quran ay kinikilala bilang mga salita ni Allah na ipinahayag sa kanyang propeta na
si Muhamad sa pamamagitan ng Arkanghel Gabriel na nagsilbing batayan ng mga batas at
pagpapahalagang Islam.

Layunin ng araling ito na malaman mo ang ps syabit, natatanging katutubong


gawa ng grupong Tausog upang maunawaan kung paano nakaugat ang kanilang kultura at paniniwala sa
pang araw-araw nilang pag-iral.

Nakilala sa paghahabi ng pis siyabit, isang uri ng katutubong tapiserya na ginagawang bandana
sa ulo ng mga Tausug ng Jolo. Hindi madali ang paghabi ng naturang kasuotan na natutunan ni Darhata
Sawabi (ang kinilalang Manlilikha ng Bayan) mula sa ina. Sa paghahanda pa lamang ng mga sinulid na
gagamitin sa paghabi ay kakailanganin ang tatlong araw.

Ang paghahabi ay binubuo ng itim at pulang mga sinulid na itinatali sa balangkas na pakwadro
na yari sa kawayan at saging bago lumikha ng salalayan ng tapiserya. Dahil sa dami ng hinahabi ni
Darhata, hinikayat niyang tumulong maghabi ang mga kabataan sa lugar sa halagang tatlondaang piso
bawat isa. Tatak na sa mga habi ni Darhata ang maraming kulay gayundin ang itim at pula na nagsisilbing
salalayan o background ng obra. Nang magkaroon ng sigalot sa Jolo noong dekada 70’ kailangan ng mag-
anak ni Darhata na iwanan pansamantala ang tahanan at lumikas sa kabundukan kung saan hindi niya
maaring dalhin ang habihan.
Sa kanyang pagbabalik sa tahanan pagkaraan ng ilang buwan, nadatnan niyang wasak ang
habihan sanhi ng digmaan. Ang wasak at pira-pirasong habihan na kanyang nadatnan ay muli niyang
binuo at inayos nang lumipat sila ng ibang tirahan at ipinagbili na rin ang kanyang mga nagawang obra
para maitawid ang kabuhayan ng pamilya. Inaalok niya ang kanyang mga gawang pis siyabit sa mga
taong nagdaraan sa kanilang lugar. Ito paraan niya upang maipagpatuloy ang naturang obra bilang
likhang-sining ng Tausug.

Ipinagpatuloy ni Darhata ang naunsiyaming pagsasanay ng mga kabataan sa paghahabi. Sa


pagkakataong ito, marami na siyang tinuturuan hindi lamang mga kabataan kundi maging ang
kababaihang may-asawa sa kanilang komunidad. Pinanatili ni Darhata ang mahusay na kalidad ng pis
siyabit bilang natatanging likhang-sining ng grupong etnikong Tausug.

You might also like