Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

AKTIBITI 6 (30 PUNTOS)

A. May mga pangungusap na kahit magkakaiba ang kinalalagyan ng salita ay nagbibigay pa rin ito
ng iisang kahulugan.

Basahin ang mga pangungusap. Pag-aralan ang sitwasyon sa bawat pangungusap.

a. Binantayan ng frontliners ang mga may kaso ng Covid 19.


b. Mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners.
c. Binantayan ang mga may kaso ng Covid 19 ng mga frontliners.
d. Ang mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners.

Ano ang paksa ng bawat pangungusap?


a. Pagbabantay ng Frontliners sa mga may kaso ng Covid 19
b. Pagbabantay ng Frontliners sa mga may kaso ng Covid 19
c. Pagbabantay ng Frontliners sa mga may kaso ng Covid 19
d. Pagbabantay ng Frontliners sa mga may kaso ng Covid 19

Ano ang kahulugan ng bawat pangungusap?

a. Ang Frontliners ang siyang nag sipag bantay sa mga tao na may kaso ng
Covi 19.
b. Ang mga tao na infected ng virus na Covid 19 ay binantayan ng mga frontliners.
c. Frontliners ang nagbantay sa mga may sakit na Covid 19.
d. May sakit na Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners.

B. Nagagawa mo nang bigyan ng kahulugan ang mga salita at tukuyin ito sa


pangungusap. Tandaan mo na ang kakayahang lingguwistika ay isang kakayahang
maunawaan mo ang masalimuot at kahanga-hangang kapangyarihan ng wika. Dito ay
binibigyang pokus ang antas ng pagsusuri hanggang sa antas ng pangungusap lámang.

Sagutin ang mga tanong sa inihandang papel upang lalong tumibay ang iyong
pagkaunawa sa kakayahang ito.

Ano ang mga kaalaman ang nakapaloob sa sumusunod:

1. Ponolohiya

Ang ponolohiya o palatunugan ay ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na


nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan
ng mga salita -- ponema (tunog), paghinto , pagtaas- pagbaba ng mga pintig , diin at
pagpapahaba ng tunog at kung paano lumalabas o makabuo ang mga salita na parehas
napapaloob sa iisang pangungusap.

2. Morpolohiya

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama


ng mga ito upang makabuo ng salita. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng
mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang
mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin. Ito ay itinuturing na pinakamaliit
na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.

3. Sintaksis

Sintaksis-ay isang formasyon ng mga pangungusap sa isang wika na kung saan sa Filipino,
maaaring mauna ang paksa sa panaguri at pwde ring baligtarin ito.

Halimbawa,

Ang dagat ay malalim.

Malalim ang dagat

4. Semantika

Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa
paggamit nito sa pangungusap o pahayag.

Ang semantika ay isang masusing pag-aaral ng mga salita upang malaman ng lubusan ang
kahulugan nito gayundin ang paggamit nito sa pangungusap.

C. Sa antas mo ngayon, seguradong kayâ mo nang unawain ang mga salita at


pangungusap na naririnig mo sa iba’t ibang táong nakakasalamuha mo sa araw-araw at
sa mga nababása mo sa iba’t ibang babasahin.

Basahin ang talata. Italâ sa inihandang papel ang mga pangungusap at salitang hindi
wasto. Iwasto ito.

Naglalaan ng manwal na karanasan ang Wika 2 ukol

sa pagdedebelop ng mga Sistema, isang kritikal na kasanayang


kinakailangan upang makapagbigay ng mahahalagang ambag sa
kahit sinumang (anumang?) disiplina. Layuning makadebelop ng
kurso na ng mga estudyante ang kanilang mga espesyalisadong
sistema sa kanilang piling larang kayâ naman maikokonsidera
ito nating multidisiplinaryo ang pagbuo ng pangkalahatang
sistema. Ang pagbuo ng sistemang pangwika ay isang modelong
aktibidad sa pagbuo ng isang sistemang ginagabayan ng tao,
tulad ng mga computer application, produktong komersiyal,
teorya ng pagkatuto, modelo ng ugnayang panlipunan—kung
saan ang mga kahingian ay madalang na malaman nang patiuna
at ang kondisyon sa paggamit ay patuloy na nagbbago.

Sanggunian: Kanlungan Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino, Estrella L.Pena, etal

1. Bakit karaniwang nagkakamali ang mga mag-aaral ng wika sa paggamit ng wastong


salita at tamang pagbuo ng pangungusap?

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
Ito ay marahil posibleng resulta ng hindi na linang na kakayahan ng mga mag-
aaral. Ang wikang Filipino ay kadalasang ipinag wawalang bahala dahil ito ang
ating nakasanayan at nakagisnan, madalas nating iniisip na ito ay madali lamang
kaya hindi natin ito lubos na inaaral o pinagtutuunan ng pansin at ng malalim na
pang unawa.Ngunit kung uusisain hindi parin tayo ganun ka husay at ka bihasa sa
pag sasalita lalo na sa tamang paraan ng pagbuo ng mga pangungusap. Minsan ay
mas mahusay pa bumuo at gumamit ng mga salita sa wikang Ingles dahil ito ang
nauna sa prayoridad ng mga mag-aaral kaya naman hirap na pagdating sa sariling
wika dahil hindi ito nalinang ng mas maaga. Bukod pa rito,nakasanayan na natin
ang pagpapaikli o kaya naman ay pagdaragdag ng mga salita kaya nakakalimutan
na natin ang wastong gamit nito sa bawat pagbuo o gamit natin ng pangungusap.

2. Bakit mahalaga na mabago mo ang sistema tungkol dito?

Para sa akin, Mahalaga na mabago at mabigyang pansin ito dahil batay sa aking
mga pag uusisa at obserbasyon ang bansang may lubos na pagpapahalaga at
tamang kasanayan sa pag gamit o pag akap sa sariling wika ay higit na maunlad at
may pagkakaisa dahil lubos nilang nauunawaan ang kahalagahan ng
pagpapahalaga ng mga bagay na sariling kanila kaysa sa mga bagay na banyaga.

2ND QUARTER
AKTIBITI 1 (75 puntos)

1. Bigyan ng katumbas na ideya ang bawat salita. (2 puntos bawat isa)

1. wikang Ingles- _Ang wikang Ingles ay ang pangkalahatang lengguwahe. Ito ang lengguwahe na
ginagamit upang makipag-ugnayan at makipagkomunikasyon ang mga tao sa mga banyaga, ito ang
nagsisilbing daan upang makipag-usap at kuro-kuro ng ibat ibang lahi (universal language). Kaya
naman napakahalaga na nakakaintindi at nakkasalita ng wikang Ingles ang isang tao. Sa kadahilanang
ito ay kasama sa sistema ng edukasyon ang Ingles.

2. midyum- Ang midyum ay tumutukoy sa instrumento o kasangkapan na nagiging daan upang


maipahayag o maisagawa ng isang tao ang kanyang nais. Gaya na lamang sa pakikipag-ugnayan ng
tao, ang nagsisilbing midyum ay ang wika. Ang wika ang nagiging daan upang maibahagi ng mga tao
ang kanilang saloobin at mensahe sa iba.

3. wika- Ang wika ang sumasalamin sa lipunan na kinabibilangan ng isang tao. Ito ang isa sa
pinagkikilanlan ng bawat bansa. Ang wika ang ginagamit upang maipaabot ang kaisipan at damdamin
sa paraang pasulat at pasalita.

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
2. Isulat kung ang pahayag ay sang-ayon o di-sang-ayon (2 puntos bawat isa)

di-sang-ayon1. Ang paglaganap ng wikang Ingles ay lumilikha ng dibisyon sa pagitan ng mga pangkat
sa lipunan.

di-sang-ayon2. Ang wika ang dahilan sa kawalan ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan sa isang
partikular na pamayanan.

__sang-ayon_3. Ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo ang dahilan ng pagtaas
ng English proficiency.

3. Batay sa nilalaman ng talata na nasa ibaba, ipaliwanag kung bakit ka sang-ayon o di-sang-ayon
sa pahayag ng mga awtor tungkol sa wika. (2 puntos bawat isa)

May iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika bilang instrumento sa
kapangyarihan (De Quiros 1996), Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010),
ang wika bilang instrumento sa pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino 1996), ang
wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at sa kabuuan, ang wika bilang isang
tagapag-unlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012). Nakakatawang isipin na ang wika – na
pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya pang nagiging dahilan upang mahati, mawalan
ng pag-uunawaan, at mawalan ng komunikasyon ang mga mamamayang Pilipino.

1. Ang wika bilang instrumento sa kapangyarihan (De Quiros 1996)

 Ako ay sang ayon na ang wika ay makapangyarihan sapagkat sa pamamagitan nito ay


nakapagpapahayag ng layunin at damdamin ang tao sa kanyang mga naisin at adhikain. Ang
wika ay nagsisilbing instrumento ng kapangyarihan sapagkat nabibigyang diin at linaw nito
ang bawat bagay at kagustuhan na maisakatuparan ng tao sa pamamahala.

2. Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010)

 Ako ay sang ayon, sapagkat sa pamamagitan ng wika naipahihiwatig natin ang damdamin at
adhikain ng bawat isa.Wika ang ating pangunahing batayan natin sa pagpapalaganap o
pamamahagi ng ating mga ideolohiya. Dahil sa wika ay lubos nating naipahihiwatig ang
bawat nilalaman ng ating isip na siyang nagbibigay daan upang magkaintindihan o
maipaunawa sa bawat isa ang ating saloobin.

3. Ang wika bilang instrumento sa pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino


1996)

 Ako ay sang ayon, sapagkat ang wika ay ginagamit sa pagbibigay linaw at saysay sa
pagbabahagi ng kaalaman at paglilinang ng kasipan ng isang tao. Nakaktulong ito bilang
instrumento upang mas maintindihan ng bawat mag aaral ang mga asignaturang kanyang
pinagaaralan at bukod doon sa wika mas nagkakaroon tayo ng malalim na pagtanaw at
pagkaunawa sa mga bagay-bagay higit pa sa mga mababaw na kahulugan ng mga ito.

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
4. Ang wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007)

 Ako ay sang-ayon sapagkat ang wika ay makapangyarihan sa larangan ng pamamahayag


sapagkat ito ay nagbibigay impormasyon at kaalaman sa mga nangyayari sa kasalukuyan na
nakakaapekto sa pananaw ng tao at nakapagpapalawak sa karunungan ng tao sa lipunan. Sa
pamamahayag nagiging mas aktibo, mulat at epektibo ang tao sa pagbibigay linaw sa mga
isyu at paglinang ng importansya nito.

5. At sa kabuuan, ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012)

 Ako ay sang-ayon, sapagkat ang wika ang nagbubuklod sa tao para maunawaan ang bagay
bagay, malinang ang kanilang kakayahan at pakialam sa bayan. Dito rin nagmumula ang
adhikain at prinsipyo ng tao na makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa dahil sa
pagkakaroon ng mabuting kumonikasyon sa isat isa .

4. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: (2 puntos bawat isa)

1. Ano ang iyong magagawa upang mapaunlad ang wikang Filipino?

Bilang isang mag- aaral ang aking magagawa upang paunlarin ang wikang Filipino ay gamitin
at pag aralan ang sariling wika natin. Napakaraming malalalim at magaganda na salita ang
kailangan pang mapag aralan ang tamang kahulugan at angkop na gamit sa pangungusap.

2. Sa kasalukuyang nangyayari sa wikang Filipino, anong paraan ang iyong magagawa upang
higit itong makilala?

Paghusayin at tamang gamitin ito, maaring sa paraan ng paggamit ng teknolohiya ay


mapagyaman natin ang paggamit sa ating wika sapagkat sa panahon ngayon ang karamihan
sa mga tao dito nakadepende.

3. Bilang isang mag-aaral, makatutulong ba sa iyo ang pagiging bihasa sa pagsasalita ng wikang
Ingles?
Oo, sapagkat ang karamihan ng asignaturang inaaral sa paaralan ay ginagamitan ng wikang
Ingles, sa pamamagitan nito ay mas marami tayong natututunan di lang sa ating sariling
bansa kundi sa iba na kung saan ay nakakakuha ka rin ng aral, bukod pa rito wikang Ingles ay
tinatawag na universal language na kung saan magagamit natin ang kasanayan sa paggamit
nito sa pakikipag ugnayan sa mga banyaga o mga karatig bansa.

5. Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng iyong opinyon tungkol sa binasang


pagtalakay sa wikang pambansa. Narito ang rubrik:

RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

∙ Nilalaman……………………………..……………….16

∙ Kahusayan sa paglalahad ng ideya……………… 5

∙ Wastong gamit ng mga bantas……………………. 5

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
__________

KABUUAN 26 puntos

Karagdagang Gawain (25 puntos)

Ipaliwanag ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon tungkol dito.

“Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________

This study source was downloaded by 100000836842480 from CourseHero.com on 02-04-2022 20:28:36 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/83853412/2ND-Quarter-AKTIBITI-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like