Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PAMAGAT: ISANG PANANALIKSIK UKOL SA IMPACT NG PANANAMIT NG MGA

BABAE SA TUMATAAS NA BILANG NG PANGGAGAHASA SA PILIPINAS


MANANALIKSIK: BALAGTAS, BENEDICT L.
CALION, MICHELLE ERIN M.
MARCELO, MARLON JUSTIN G.
RIVERA, XAVIER CZACHIE JHAY O.
MORALES, CLARMIN NICOLE P.
PROGRAM: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
SANLIGAN NG PAG-AARAL:
Ayon sa, Republic Act No. 8353 “Rape is considered a criminal
offense. In Philippine jurisprudence, it is a heinous crime
punishable by life imprisonment when committed against
women. Rape of males is also legally recognized as rape by sexual
assault, which is penalized by imprisonment of six to twelve
years.” Ngunit sa kabila nito, patuloy paring tumataas ang kaso ng
rape o panggagahasa sa Pilipinas. Nitong nakaraang mga buwan naging
isang malaking isyu sa social media ang pananamit ng mga kababaihan
na dinadawit sa mga natatalang kaso ng rape. Maraming mga tao
lalong-lalo na ang mga kabataan na ipinaglalaban na ang kanilang
pananamit ay walang kinalaman sa mga naitalang mga kaso. Sa
kabilang banda, marami ring mga tao ang nagsasabi na isa sa maaring
dahilan ng pagtas ng mga kaso ng rape ay ang kung paano manamit
ang mga biktima.

Sa ibang bansa tila isang normal na bagay na lamang ang


pagsusuot ng mga revealing clothes kung saan itinuturing ito bilang
lastest fashion.Dito sa Pilipinas isang malaking bagay ang
pagsusuot ng mga damit na nagpapakita ng malaking parte ng balat
ng isang tao lalo na para sa mga kababaihan.Madaling makapukaw ng
atensyon ang mga pananamit na yaon para sa mga kalalakihan.Kaya
naman pinupunto ng iba na maaaring isa ito sa dahilan kung bakit
nahahalina ang ibang tao upang gumawa ng isang bagay na kasuklam
suklam at labag sa batas.Ngunti para sa naman sa iba,ang pananamit
nila ay hindi nangangahulugang pang-aakit ng ibang tao sa halip ay
pag papahayag ng kani-kanilang sarili.Sinabsabi din nila ang kung
ang pananamit nila ay ang dahilan ng rape sa Pilipinas bakit
naglalabasan rin ang mga kaso ng rape kung saan mapa tao o hayop
ay nagiging biktima nito.

Sa mga kasong nag lalabasan hindi lamang puro mga kababaihan


ang nabibiktima ng rape o panggagahasa.Marami ring natalang kaso
na ang mga kalalakihan ang nabiktima ng naturang krimen.Sa mga
probinsya ay nagkaroon na rin ng mga nagkalat na balita kung saan
kahit mga hayop ay ginagahasa na rin.Dahil dito mas lumaki ang
isyu ng pagdadawit sa pananamit ng mga kababaihan.Mapa malalaking
tao sa industriya ng showbiz o mga nasa politika ay nakisali na sa
mga diskusyunan patungkol sa naturang isyu.

1. International:
A.
Karamihan sa mga biktima ng panggagahasa ay ang mga kabataan
dahil sa pananaw na hindi nito kayang makapagsumbong at wala
itong magagawang paraan para makatanggi sa gusto ng salarin.
Ayon sa pag-aaral ng Federal Commission on Crime of Violence,
4.4% lamang ng mga naiulat na kaso ng pangagahasa ay dahil sa
“provocative behavior” ng biktima at halos karamihan sa mga
salarin ay walang pakialam at hindi na matandaan ang suot ng
kanilang biktima. Nangangahulugan lamang ito na walang
pinipiling biktima dahil lamang sa paraan ng pananamit at lahat
ng biktima ay walang intensiyong mapunta sa masamang sitwasyon.
Ayon din sa resulta ng pag-aaral, karamihan sa mga biktima ay
may passive personality, nagdadamit ng mahahaba at hindi
kakikitaan ng sensitibong parte. Kahit ano pang suot ng isang
tao at walang respeto ang iba sa kaniya ay maaaring mahantong
ito sa masamang sitwasyon. Nakabase sa isang tao kung gagawin
niya ba ito o hindi. Ang isa pang pag-aaral ay nagsasabing sa
buong mundo, 1 sa 3 lalaki ay pipiliting makipagtalik ang babae
kung alam nilang matatakasan din lang nila ito at walang
kinalaman ang pananamit nito dito.
Halos karamihan ng paaralan ay may tinatawag na dress code at
minsan ang mga patakarang ito ay hindi katanggap-tanggap katulad
na lamang ng hindi pwedeng magtali ng buhok dahil makikita ng
leeg o dapat laging nakaleggings na itim sa ilalim ng palda.
Ang mga patakarang ito ay nagiging sakal sa leeg ng iba dahil
hindi nito ginagawang komportable ang mga babae, sa mainit na
panahon man o sa kalayaan nilang isuot ang gusto lamang nilang
isuot. Sa pagiging istrikto nila sa pananamit ay dapat kasing
istrikto din ang pagtuturo ng pagrespeto at pagkakaroon ng
makatarungan at mabuting asal sa kapwa. (Kendall, 2016)

B.
Ibat- ibang tao ang nabubuhay sa mundo at natural ding ibat
ibang opinyon at pananaw ang nakatira sa bawat isipan. May mga
naniniwalang ang pagsusuot ng maikli ay ang dahilan ng
panggagahasa at ang biktima ang may kasalanan ngunit hindi rin
mawawala ang pananaw na hindi ito ang dahilan sapagkat walang
sinuman ang may gustong magahasa at wala ding tao ang gagawa ng
bagay na hindi niya pinagdesisyonan. Walang makapagsasabing ang
paraan ng pananamit ay ebidensiya na gusto niyang magahasa.
Ayon kay Blackwell (2019), ang mga biktima ng panggagahasa ay
ibat- ibang klase ng damit ang suot, mayroong mga nakapajama,
nakauniporme, nakapantalon at nakadamit panlamig. Ang ideyang
kapag lumabas ang isang tao na labas ang dibdib, tiyan o hita,
siya ay magagahasa ay dahil na rin sa paniniwala natin na hindi
normal ang ganitong kasuotan na galing pa sa mga ninuno at
angkan natin. Ang pagiging kumportable natin ay nakasalalay din
sa ating pananamit na minsan ay nagbibigay ng masamang ideya sa
ibang tao.
Dahil na rin sa walang sawang paninisi sa damit ay nauwi na
ito sa paninisi sa biktima, na sinasabing kasalan niya ito at
ginusto din niya ito. Ngunit masama bang maging komportable,
laging natatanong ang mga biktima kung bakit wala siyang ginawa
para maiwasan ang nagyari o kung bakit kasi ganiyan ang suot
niya. Sa halip na pansinin ang salarin, ang mga mata na ngayon
ay nasa biktima. Noon, ang sinisi ni Adan ay si Eba at hanggang
ngayon si Eba pa rin ang may kasalanan.

2. National
A.
Ang bilang ng panggagahasa ay hindi itinuturing na totoong
bilang dahil halos kalahati ng mga biktima ay walang lakas ng
loob upang ipaalam ang krimen sa awtoridad. Tila habang dumarami
ang nanghahalay, lalo ring dumarami ang mga pinipiling
manahimik. Itinuturong isa sa mga dahilan nito ang "victim-
blaming," o ang pagpasa ng sisi sa biktima sa halip na ituon
ang imbestigasyon sa akusado. Isa sa mga dahilan ng pananahimik
ng mga biktima ay dahil sa kahihiyan at mga mapanghusgang mata
na kanilang matatamo oras na malaman ng mga tao ang nangyari sa
kaniya.
Napuna ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga pagkakataon
na tila hinuhusgahan pa ng awtoridad ang biktima. Nariyan ang
mga tanong kagaya ng “Bakit kasi gabi ka na umuwi?” “Ano ba yung
damit mo?” “Bakit di ka nagpasama?” “Bakit ka nakipag-inuman
doon, kababae mong tao?” Hindi rin malayong manggaling ang mga
ito sa pamilya at mga kaibigan ng biktima, maging sa mga taong
nakabalita lamang ng insidente. Minsan ang mga inaasahan nilang
susuporta at iintindi sa kanila ay tatalikod na lamang at
magpapatay malisya. (Dabu, 2014)
Ang isang bunga ng victim blaming bukod sa pananahimik ng
biktima ay ang pagkakaroon niya ng trauma sa ibang tao at maski
sa sarili niyang abilidad. Dahil nawala sa kaniya ang kumpiyansa
mawawalan na rin siya ng tiwala sa sarili na magiging dahilan
upang hindi na niya maiangat pa ang sarili sa panibagong bukas.
Ang kasalanan ay napunta man sa salarin ngunit parang ang mga
sisi at masasakit na salita ay parang napunta na sa biktima,
yun ang malaking katotohanan ng victim blaming. Isa rin sa mga
dahilan ng pananahimik ng mga biktima ay dahil sa kahihiyan at
mga mapanghusgang mata na kanilang matatamo oras na malaman ng
mga tao ang nangyari sa kaniya.

B.

Dito sa Pilipinas, malaking bagay at importanteng usapin ang


mga kaso ng rape ngunit hindi mapagkakailang kahit ito ay
malalim na isyu, patuloy pa rin ang pagdami nito dahil sa hindi
sapat na solusyon upang mapigilan ito. Maraming tanong na hindi
masagot at maraming tao ang sangkot dito pero mabilis na
nawawala ang isyu ng pangagahasa dahil nasisisi na ang mga
pananamit ng biktima. Ang Pilipinas ay isang konserbatibong
bansa kahit ilang bansa na ang nanakop dito kaya naman ang
paraan ng pananamit, oras ng pag-uwi at kung sino-sino ang mga
kaibigan o kasama mo ay laging nalilimitahan at lagi din
nadidiktahan.
Sa parte naman ng kababaihan, ang mga itinakdang pananamit
ang mga bagay na maaari nilang gawin ay nagiging kulungan nilan
upang patuloy na matakot at hindi maipagtanggol ang sarili sa
banta ng panggagahasa. Ang mga damit na ideyal sa kanila tulad
ng palda at sando ay halimbawa lamang ng mga damit na nagiging
rason ng mga ibang tao upang mabigyan ng katwiran ang nagawang
panggagahasa. ( Licayan, 2017). Katulad na lamang ng normal na
pagtingin sa antas ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan kung
saan ang kalalakihan ang nasa taas at kababaihan ang nasa ibaba,
dahil sa ganitong pananaw hindi maiwasang mabigyan lagi ng
katwiran ang kalalakihan sa krimeng kanilang nagawa.
Ang kultura ng ay may epekto din sa pangagahasa, tulad na
lamang ng pagintindi at pagtanggap ng lipunan sa mga kasong
panggagahasa. Hindi dahil mayroong mga batas sa kasalukuyan na
nagpaparusa sa mga gumagahasa kundi dahil sa tinuturing na
malalakas at makapangyarihan ang mga kalalakihan.
Ang katotohanang ang lalaki ang gumagawa ng ganitong karahasan
ay nakaugat sa mismomg sistema natin. Ang mismong kultura natin
ay tanggap ang sistemang panggahasa lalo na sa mga lipunang
patriyarkal. (Licayan, 2017)

3. Lokal:

A.
Mapapansing malimit ibalita ang tungkol sa isang babaeng
nabastos dahil sa kanyang kasuotan. Ibinabaling ang sisi sa
maiksing palda o sa nakatutuksong blusa ngunit ito ba talaga ang
tunay na sanhi ng pambabastos sa mga babae? Hindi!
Kahit ano pang pagbabalot ng katawan ang gawin ng isang
dalaga, kung ang tingin sa kanya ay isang putaheng dapat tikman,
hindi maikakaila na babastusin pa rin siya. Simple lang ang
dahilan kung bakit ito nangyayari. Babae kasi siya. Hindi damit
ang sanhi ng problema. Ang tunay na pinagmulan nito ay ang buktot
na kaisipang kasangkapan lamang ang mga babae—na wala silang
ibang tungkulin kundi ang magsilbi sa mga kalalakihan.

Maraming babae na balingkinitan na nakatatawag ng pansin


dahil sa angking kariktan o magandang pangangatawan. Masakit
mang aminin pero uso ang pagsutsot kahit sa isang Kristiyanong
bansa tulad ng Pilipinas. Pinatindi pa ng mga balita tungkol
sa sexual online abuse at panggagahasa ang nadaramang takot ng
mga babae.

Maraming nagsasabing dapat bigyan ng respeto ang kababaihan


dahil lahat ng tao ay may kamag-anak na babae at walang may nais
na sila ay mabastos. Wala namang mali sa ganitong pag-iisip,
ngunit mas magandang bigyang-halaga at pagkaingatan ang
kababaihan dahil sila ay tao rin. Lahat ng tao ay nilalang ng
Diyos na pantay-pantay. Walang kasarian, pangkat, paniniwala,
edad, lahi, o kahit anong katayuan sa buhay na nakahihigit sa
isa. Simple lang naman ang solusyon: disiplinahin ang sarili.
Mag-isip muna bago magsalita o kumilos. Hindi ako nanlilimos ng
papuri. Nais ko lang ipaalala sa lahat na ibigay ang respetong
nararapat tanggapin ng kababaihan.

B.

Mainit ang usapin ng “rape” sa nagdaang linggo matapos nga na


mag-ugat sa isang Facebook post sa himpilan ng pulisya ng Lucban
sa probinsya ng Quezon na kung saan binalaan ang mga kababaihan
na mag-suot ng maayos at pormal na kasuotan upang ‘di makaranas
ng sexual harassment.

Marami ang kinondena ang nasabing pahayag dahil sa hindi


makatarungang paratang sa mga kababaihan. May mga sumang-ayon
ngunit mas marami ang tumalima at patuloy na ipinahayag ang
sarili sa kamaliang pinapakalat sa baluktot na kaisipan.

Bakit nga ba parang binabaliktad pa ang sitwasyon at ang mga


biktima pa ang pinalalabas na tila may kasalanan at ang kanilang
paraan ng pananamit pa ang itinuturing na nakadaragdag sa
maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga panghahalay?

Victim-blaming o tila paninisi pa sa mga biktima ng


panggagahasa ang nais palabasin ng mga taong nasa ganito ang
pag-iisip at pagtingin sa isyung ito.

Ang pananaliksik na ito ay upang matukoy ang dahilan kung ang


pananamit ba o tao ba talaga ang dahilan kung bakit tumataas ang
bilang nang nagagahasa . Ang kabuoan ng pananaliksik na ito ay ang
matukoy kung mayroon ba talagang impact ang pananamit sa patuloy
na pag taas ng bilang ng nagagahasa sa Pilipinas. Sa pagkat ayos
sa ibang pag aaral, may mga pamayanan na halos walang saplot ang
mga kababaihan ngunit walang kahit na anong naitala na bilang ng
pangagahasa. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa
pamamagitan ng panayam sa ibat ibang reponsante upang matukoy ang
iba’t bang pananaw tungkol sa paksa ng pananaliksik.

Suliranin:
Sa panahon ngayon maraming kababaihan at kalalakihan ang
nabibiktima ng panggagahasa, at natatanggap na hindi kaakit-akit
na mga salita galing sa ibang tao dahil lamang sa kanilang
pananamit. Ito ang mga suliranin na nararanasan ng mga kababaihan
at minsan pati na din ang ibang mga kalalakihan. Maraming nagsasabi
na nangyayari ang ganitong isyu dahil raw sa pananamit ng
kababaihan ayon sa iba nating kababayan. Itong suliranin na ito ay
hindi lamang nangyayare dito sa pilipinas kundi ito din ay
nangyayari sa iba pang mga bansa. Ang ganitong isyu ay hindi normal
sa atin dahil ito ay nakakababa ng kumpiyansa, dignidad, at ang
buong pagkatao mapababae man o lalaki. Ito ay dapat binibigyang
pansin dahil marami ng nabiktima ng panggagahasa. Marami din
nagsasabi na ito din ay kasalanan ng mga kababaihan dahil sila ay
nagsusuot ng mga kasuotan na inaakit ang mga kalalakihan. Walang
sinuman ang gugustuhin na sila ay binabastos bata man o matatanda.
At nais ng pagsasaliksik na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
A. Babae ba ang mayroong kasalanan dahil sa kanilang
isinusuot?Bakit?
B. Paano mapapatunayan na ang panggagahasa ay personal na
motibo?
C. Bakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng panggagahasa sa
Pilipinas na naisisi sa kung paano manumit ang mga biktima?

Panukalang Pamamaraan:
Itong pag-aaral ay makakatulong sa aming napiling mga
tagatugon upang sila ay maliwanagan sa impact ng pananamit sa
tumataas na kaso ng panggagahasa sa Pilipinas. Upang malaman ang
opinyon nila hingil dito kami ay magsasagawa ng panayam sa ilang
indibidwal kabilang sa mga ito ay mga mag-aaral na kababaihan,
call center agents at Mga batang nasa gulang isa hanggang pito.
Ang panayam na ito ay mabuting sinuri ng mga mananaliksik, upang
makakuha ng bawat detalye at impormasyon na nakalap sa mga
respondante.
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sa isandaang
piling indibidwal sa Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng
pakikipanayam. Ang mga tanong sa panayam ay naglalaman ng personal
na karanasan ng kasangkot sa pananaliksik. Ang pananaliksik na
isinagawa ay ginamitan ng Applied research sapagkat ito ay
gumagamit ng sopistikadong konklusyon at estadistika na karaniwang
bunga ng pagsasagawa na naaayon sa hinihinging panahon. Ang
disenyong ginamit sa pananaliksik ay Kuwalitatibo na kung saan ay
gumagamit ng obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri sa nilalaman.

SANGGUNIAN:

Blackwell, N. (2019). Majority of men believe women more likely to


be sexually assaulted if wearing revealing clothes, study
suggests. Independent Papers. Nakuha mula sa
https://www.independent.co.uk/news/uk/home-news/men-sexual-
assault-clothes-women-victim-blaming-rape-a8792591.html

Escudero, M. (2018). Kagandahan ‘di ugat ng rape. Pilipino Star


Ngayon. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/bansa/2018/09/02/1847869/kagandahan-di-ugat-ng-
rape

Kendall, M. (2016). Why dress codes can’t stop sexual assault. The
Washington post; PostEverything. Nakuha mula sa
https://www.washingtonpost.com/posteverything/wp/2016/04/13
/why-dress-codes-cant-stop-sexual-assault/

Licayan, E. (2017). Panggagahasa. Academia Ph. Nakuha mula sa


https://www.academia.edu/5294967/Panggagahasa

Paragas G. (2017). Respeto sa kababaihan. Discover Nouvelles.


Nakuha mula sa
https://discovernouvelles.weebly.com/discover-
articles/kaunting-respeto

Vercide J. (2020). FACT: Kahit ano pa ang suot mo, patuloy ang
rape kung merong mga rapists.Nakuha mula sa:
https://thelookout.com.ph/article/fact-kahit-ano-pang-suot-
mo-patuloy-ang-rape-kung-may-mga-rapists

You might also like