Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PROSESO NG PAGSULAT

A. BAGO SUMULAT - PAGHAHANDA PARA SA PAGSULAT

Nasabi na ba sa sarili ang "Hindi ko alam kung ano ang aking isusulat?" Huwag mag-alala. Maraming manunulat ang
nakararanas nito bago sila sumulat. Mayroong mga paraan para makakuha ng ideya/paksa. Maaring mag-brainstorm o
gumuhit ng klaster ng mga ideya. Gumawa ng dyurnal o magpanayam ng tao.

B. PAGSULAT - PAGLALAGAY NG IDEYA SA PAPEL

Mayroon ka ng paksa. Mayroon ka ng tala. Ang blankong pahina ay nakaharap sa iyo. Paano ka magsisimula?

Ang mahalaga ay mag-umpisa lamang sa pagsulat. Huwag mag-alala kung mauubusan ka ng mga ideya. Huwag munang
mag-alala sa pagbaybay. Kinalaunan ay mababago o maitatama ang isinisulat.

C. REBISYON - PAGGAWA NG PAGBABAGO PARA MAPAUNLAD ANG PAGSULAT

Ang pagbabasa sa sarili ay mahalagang gawain kapag nagsusuri ng sulatin. Pag-isipian ang iyong layunin. (Hal. Inilarawan
ba ang damit na isinuot? o Nakalimutan ang paglalarawan at nag-umpisang magsaad ng kwento?) Isipin ang mga
mambabasa. Maiintindihan kaya ng mga kamag-aral ang isinulat?

D. PROOFREADING

Pagtapos na masiguradong ang isinulat ay naglalahad ng mga nais mong sabihin, i- proofread ito. Maghanap ng mga mali.
Alamin at wastuhin kung nakasulat ba ito sa malalaking titik, gumagamit ng tamang bantas, indensyon at tamang
baybay. Kasunod ang paggawa ng malinis na kopya sa iyong pinakamagandang sulat-kamay.

E. PABLISHING

Maraming paraan para maibahagi ang isinulat. Maari mo itong basahin nang malakas sa iba. Maari mo rin itong i-rekord
sa pamamagitan ng tape recorder o kaya'y idikit sa bulletin board.

Sanggunian: World of Language 3 ni Scott Foresman 2006, Pearson Educ. Inc salin ni Tchr. Kahren

You might also like