Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 9

Pabula Mula sa
Silangang Asya

Ikalawang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin,
2. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kuwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling pinag-aralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong maunawaan
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay magagamit mo sa pang-araw-
araw na pamumuhay at pakikpagtalastasan .
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralng modyul.

2
ARALIN
Iba’t ibang Ekspresyon
1 sa Pagpapahayag ng Damdamin

Inaasahan

1. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Panimulang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik na nagsasaad
ng wastong kasagutan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. “Naku po! Ang bata nahulog sa poste!” Ang damdamin ng nagpahayag ay


____________
A. nagulat B. namangha C. nag-alala D. nanabik
2. Saang bansa sa Silangang Asya nabibilang ang pabula na Ang Dalawang
Palaka?
A. Hapon B. Malaysia C. Korea D. Sigapore
3. Ang pagyukod bago lumisan na ginawa ng dalawang palaka ay nagpapakita
ng damdamin na________________
A. nagmamalinis C. nagwawalang bahala
B. nang-iinis D. nagbibigay galang
4. Ang pahayag na “Yehey! Nanalo ako! ay nagpapahiwatig ng ekspresyong
___________.
A. padamdam C. tiyak na damdamin
B. patanong D. hindi tuwirang paraan
5. “Kung matutulungan mo akong makatayo gamit ang aking paa sa likuran,
tutulungan din kitang makatayo gamit ang paa mo sa likuran.” Ang
damdaming ipinakita ng palaka ay _______________.
A. pag-asa C. pagkainip
B. wala nang magagawa D. panghihinayang

Balik-tanaw
Naaalala mo pa ba ang mga tauhang katulad ni pagong at matsing, langgam
at tipaklong, mga punong nagsasalita, mga bagay na binigyan ng buhay upang ang
tao ay magkaroon ng pagpapahalaga?

Nunukal sa puso at isip ang mga aral na makukuha sa panitikang


maisasama mo sa iyong pagtanda hanggang ikaw na ang mismong magpapakilala
sa kanila sa salinlahi ng susunod na henerasyon pa.

Panuto: Magtala ng tatlong pabulang nabasa o napakinggan. Piliin ang karakter


na hindi malilimutan dahil sa katangian nito at bigyang reaksyon ang
naging papel nito na maiuugnay sa aral o mensaheng nakuha.

3
Pamagat ng Karakter Katangiang Reaksiyon
Pabula Hindi
Malilimutan
Halimbawa:
Si Pagong at Pagong Mabagal man Nakabibilib ang
Matsing ngunit hindi katangian ni
tumitigil upang pagong. Ipinakita
makarating sa niyang makakaya
dulo. ang lahat basta’t
may
pagpupunyagi.

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Maaaliw kang muli sa babasahin mong pabula mula sa bansang hapon.


Kikilitiin ang iyong damdamin sa resulta ng pakikipagsapalaran na ginawa ng
dalawang palaka. Basahin at unawain mong mabuti ang pabulang “Ang Dalawang
Palaka”, na maaari mo rin matagpuan sa https://pdfslide.tips/documents/ang-
dalawang-palaka.html

ANG DALAWANG PALAKA

May dalawang palaka ang naninirahan sa isla ng Hondo, isang lalawigan ng


Hapon. Ang una’y nakatira sa maruming kanal sa labas ng siyudad ng Osaka.
Ang ikalawa naman, sa malinis na sapa na malapit sa Kyoto. Hindi magkakilala
ang dalawa dahil sila’y napagigitnaan ng isang matayog na bundok.

Isang araw naisipan ng dalawang palaka na akyatin at tawirin ang bundok


para makita ang nasa magkabila nitong siyudad. Ang palaka mula sa Osaka ay
nais na makita ang siyudad ng Kyoto. Ang nasa Kyoto naman ay nais na makita
ang Osaka.

Sa sumunod na umaga’y nagsimula nang akyatin ng dalawang palaka ang


bundok. Matarik at mahirap ang daan at gumugol sila ng mahaba ring panahon.
Sabay na narating ng dalawang palaka ang tuktok ng bundok at nagtagpo sila sa
iisang lugar. Kapwa sila nakaupo sa matataas na damuhan. Matagal ring
nagtinginan ang dalawang palaka.

Sa wakas, nagtanong ang galing sa Osaka. “San ka patungo, kaibigan?”


Sumagot ang galing sa Kyoto. “Patutungo ako ng Osaka.” “Ganoon ba?’ sagot ng
taga-Osaka. “Hayaan mong sabihin ko kung anong uri ng siyudad ang Osaka,

4
ako’y mismong tagaroon. Isa itong mahirap at maruming lugar. Ang tubig ay
maitim at mabaho. Ako nama’y patungong Kyoto!”

“Ganoon ba?” tugon ng taga Kyoto. “Tunay ngang walang maruming kanal
sa Kyoto at ang tubig ay malinis. Subalit lagi itong kumukinang sa tuwing
tatamaan ng araw kaya naman masakit sa mata. Ako’y galing doon. Matagal na
muling nagkatinginan ang dalawang palaka.

“Haay,” buntong-hininga ng taga-Osoka. “Sa hirap ng pag-akyat dito sa


tuktok, ayaw ko nang bumaba para lang makita ang isang di kainaman na lugar.
Kung ako’y mataas man lamang maaari akong tumingin pababa at makita ang
siyudad ng Kyoto.” “Maaari tayong umisip ng paraan na makita ang siyudad na
patutungo nang hindi na kailangang bumaba pa tayo!” suhestiyon naman ng taga-
Kyoto.
Matiim na pumikit ang taga-Kyoto at nang magdilat ay masayang nagwika.
“Alam ko na ang ating gagawin. Kung matutulungan mo akong makatayo gamit
ang aking paa sa likuran, tutulungan din kitang makatayo gamit ang paa mo sa
likuran. Sa gayun, higit tayong magiging mataas kaysa sa mga damo at makikita
natin ang ibaba ng siyudad na nais nating makita.”

Ganoon nga ang ginawa ng dalawang palaka. Humarap ang palaka galing
Osaka sa siyudad ng Kyoto at ang taga Kyoto naman ay sa siyudad ng Osaka
humarap. Magkakapit silang mahigpit gamit ang maiiksing unahang paa nila.
Matagal ding tumayong-harapan ang dalawa. Subalit nakalimutan ng dalawang
palaka na ang kanilang dalawang malalaking mata ay nasa taas ng kanilang ulo.

Habang nakaupo ang bawat isa’y nakaharap sila sa siyudad ng


kanilang pinanggalingan. "Ah,” paanas na wika ng taga-Osaka “Hindi rin pala
naiiba ang Kyoto sa akin ‘pag bumaba pa ako!” At mabilis din silang nagbitiw sa
isa’t isa at gumulong sila sa damuhan. Bilang mga Hapones, magalang silang
yumukod sa isa’t isa at lumisan pabalik sa kung saan sila nanggaling.

Hanggang sa wakas ng kanilang buhay, ang dalawang palaka ay naniwalang


ang siyudad ng Osaka at Kyoto ay magkahanlintulad lamang.
Kung naging malinaw lang sa dalawang palaka ang naging resulta ng
kanilang ginawa marahil kapwa sila nagtagumpay sa nais nilang mangyari, na
makita ang kaibahan ng kani-kanilang pinanggalingan.

Naranasan mo na ba minsan na hindi mo maintindihan kung ang kausap


mo ay galit o hindi? Kaya minsan nahihirapan ka na ring ipahayag kung ano ang
iyong nararamdaman?

Makatutulong na maagkaroon ka ng kaalaman ka sa iba’t ibang ekspresyon


na nagpapahiwatig ng damdamin upang maging malinaw ang bawat pahayag na
gagawin at uunawain. Basahin at unawain mo ang sumusunod na paliwanag.

Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin

1. Ekspresyong Ginagamitan ng Padamdam – makikita ito sa kabuuan ng isang


pangungusap. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!) kung saan mayroong
matinding damdamin o emosyon na ipinahahayag.
Halimbawa:
Tulong! May sunog!
Tayo ang nanalo, inanunsiyo na kanina!

5
Huwag mo akong iwan!
2. Ekspresyong Maiikling Sambitla – sambitla o mga iisahin o dadalawahing
pantig ng salita na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray! (damdamin ng sakit na maaaring ang kahulugan ay hindi literal na
nasugatan. Ekspresyon ng pagpapahayag ng sakit na naramdaman)
Awww! (maaaring nangangahulugan ng damdamin na naapektuhan sa isang
pangyayari)
Uy! (maaring nagpahayag ng pagkabigla o pagkagulat)
Ay, ay, ay (pagpapahayag ng damdamin ng kalungkutan o kaya ay matinding
damdamin sa isang bagay na pinag-uusapan)

3. Ekspresyong Nagpapahayag ng Tiyak na Damdamin o Emosyon - pasalaysay


ang paraan ng pagpapahayag, hindi nagsasaad ng matinding damdamin ngunit
nagpapakita naman ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasihayan: “Nakatutuwang sa kabila ng pangamba dulot ng Covid-19, may
mga taong handa pa ring tumulong sa kanilang kapwa.”
Pagtataka: “Hindi ko maisip akalain na binabalak kong makita ang isang lugar
na wala rin namang kinaganda sa amin.”
Pagkalungkot: “Masakit isiping nagdurusa ang ibang tao sa kasalanan ng iba.”
Pagkagalit: “Hindi sila patas sa kanilang naging hatol.”
Pagsang-ayon: “Tama nga na solusyon ang pagtigil sa ating mga tahanan sa
panahong ito ng pandemya.”
Pagpapasalamat: “Mabuti na lamang at nakasagot ako sa pagsusulit na ibinigay
kanina.

4. Ekspresyong Nagpapahayag ng Tiyak na Damdamin o Emosyon - pasalaysay


ang paraan ng pagpapahayag, hindi nagsasaad ng matinding damdamin ngunit
nagpapakita naman ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasihayan: “Nakatutuwang sa kabila ng pangamba dulot ng Covid-19, may
mga taong handa pa ring tumulong sa kanilang kapwa.”
Pagtataka: “Hindi ko maisip akalain na binabalak kong makita ang isang lugar
na wala rin namang kinaganda sa amin.”
Pagkalungkot: “Masakit isiping nagdurusa ang ibang tao sa kasalanan ng iba.”
Pagkagalit: “Hindi sila patas sa kanilang naging hatol.”
Pagsang-ayon: “Tama nga na solusyon ang pagtigil sa ating mga tahanan sa
panahong ito ng pandemya.”
Pagpapasalamat: “Mabuti na lamang at nakasagot ako sa pagsusulit na ibinigay
kanina.

5. Ekspresyong Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan -


gumagamit ng matatalinhagang salita sa halip na tuwiran sa pagpapahayag ng
damdamin
Halimbawa:
Lumilipad ang utak niya sa klase sa kaiisip ng laro sa online
Kahulugan ng may salungguhit: hindi alam ang gagawin
Manghihiram talaga ng mukha sa aso ‘yan kapag nakita ko.
Kahulugan ng may salungguhit: galit na galit
Napakakitid talaga ng isip niya kaya palagi siyang napapagalitan ng ina.
Kahalugan ng may salungguhit: hindi makaunawa

6
6. Ekspresyong Nagpapahayag ng Paghanga – likas sa mga Pilipino ang
magpahayag ng paghanga sa kahit na anong bagay sa tao man yan, bagay, pook
at iba pa.
Halimbawa:
Wow! Napakagaling mong kumanta.
Ang galing! Nagawa mo yun.

Nawa’y nakaragdag sa iyong kaalaman ang mga nabasang paliwanag.


Subukin mo ngayong sagutin ang mga inihanda kong gawain upang maging lubos
ang iyong pagkatuto. Simulan mo na.

Gawain
Gawain 1
Panuto: Piliin ang tititk na may angkop na ekpresyon ng bawat pahayag sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. “San ka patungo, kaibigan?”
A. pagtataka C. pagsisiyasat
B. pagkagulat D. pag-aalala
2. Tunay ngang walang maruming kanal sa Kyoto at ang tubig ay malinis.
A. pagsalungat C. pagpapatotoo
B. pagsang-ayon D. pagtanggi
3. “Haay, umuwi na lang tayo” buntong-hininga ng taga-Osoka.”
A. pagkalungkot C. pagkatakot
B. pagkabahala D. pag-aalinlangan
4. “Alam ko na ang ating gagawin!”
A. pagsang-ayon C. pagkatiyak
B. pagpapatotoo D. pagpapatunay
5. “Hindi rin pala naiiba ang Kyoto sa akin ‘pag bumaba pa ako!”
A. pagkalungkot C. pagkatakot
B. pagkabahala D. pag-aalinlangan

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng pangungusap na magbibigay-reaksiyon sa bawat bahagi ng
pabula na magpapakita ng ekspresyong nagpapahayag ng damdaming
ibinigay. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Ang Dalawang Palaka Damdamin Pahayag Gamit ang mga


Ekspresyon
1. Isang araw naisipan ng dalawang
palaka na akyatin at tawirin ang (pag-usisa)
bundok para makita ang nasa
magkabila nitong siyudad.
2. “Maaari tayong umisip ng paraan
na makita ang siyudad na (pagkabilib)
patutungo nang hindi na
kailangang bumaba pa!”
suhestiyon naman ng taga-Kyoto.
3. Magkakapit silang mahigpit gamit
ang maiiksing unahang paa nila. (sarkastiko)
Matagal ding tumayong-harapan
ang dalawa. Subalit nakalimutan

7
ng dalawang palaka na ang
kanilang dalawang malalaking
mata ay nasa taas ng kanilang
4. ulo.
5. Bilang mga Hapones, magalang
silang yumukod sa isa’t isa at (pagkatuwa)
lumisan pabalik sa kung saan
sila nanggaling.
6. Hanggang sa wakas ng kanilang
buhay, ang dalawang palaka ay
naniwalang ang siyudad ng (pagkalungkot)
Osaka at Kyoto ay
magkahanlintulad lamang.

Tiyak kong alam na alam mo na ang mga ekspresyong nagpapahiwatig ng


damdamin. Mahalagang batid mo ang damdamin ng iyong kausap sapagkat hindi
mo rin naman gugustuhin na hindi ka maunawaan sa iyong nais ipahayag hindi
ba?

Tandaan

Ang damdamin ay tinatawag ding isang emosyon na ang ibig sabihin ay


pansariling tugon sa isang bagay, tao o pangyayari. Nararamdaman ito ng isang
tao depende sa kaganapan sa kanyang buhay. Ito ay isang kamalayan na
natatanggap ng mga pandamdam.
https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/pagpapahayag-ng-damdamin/

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Maghambing ng dalawang pabulang nabasa o napakinggan sa
pamamagitan ng venn diagram. Gumamit ng ekspresyon sa
pagpapahayag ng damdamin sa pagtukoy ng pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga ito. Ilagay ang sagot sa kwaderno.

pagkakatulad
pagkakaiba pagkakaiba

Halimbawa:
Pagkakaiba: Nakatutuwa ang mensahe ng Ang Hatol ng Kuneho dahil sa
katalinuhang ipinamalas ng kuneho.
Pagkakatulad: Wow! Nakatutuwa talagang magbasa ng mga pabula dahil sa
katangiang ipinamamalas ng mga tauhan

8
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin ang angkop na ekspresyong nagpapahayag ng damdamin. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Kaawa-awang bata!
A. Ginagamitan ng padamdam C. Tiyak na damdamin o emosyon
B. Maiikling sambitla D. Hindi tuwiran
2. Sang-ayon ako sa kaniyang tinuran.
A. Ginagamitan ng padamdam C. Tiyak na damdamin o emosyon
B. Maiikling sambitla D. Hindi tuwiran
3. Ay, ay… wala na nga wala na. Ang nakasalungguhit ay ekspresyong _______.
A. ginagamitan ng padamdam C. tiyak na damdamin o emosyon
B. maiikling sambitla D. hindi tuwiran
4. Nakakabilib ang iyong sinabi kanina.
A. Ginagamitan ng padamdam C. Tiyak na damdamin o emosyon
B. Paghanga D. Hindi tuwiran
5. Kumukulo ang dugo ko sa mga taong gumagawa nang hindi maganda sa
kanilang kapwa.
A. Ginagamitan ng padamdam C. Tiyak na damdamin o emosyon
B. Maiikling sambitla D. Hindi tuwiran

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong tugon sa nabasang pabula sa
pamamagitan ng LIKE, HEART, WOW, SAD at ANGRY. Ipaliwanag kung
bakit iyon ang iyong napiling emoticon. Ilagay ang sagot sa inyong
kwaderno.

ARALIN

2 Pabula, Isulat Muli!

Inaasahan

1. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter


ng isa
2. sa mga tauhan nito.
9
Panimulang Pagsubok
Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

1. Bahagi ng isang salaysay kung saan ibinabahagi ang mga mahahalagang


pangyayari sa akda.
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Wala sa nabanggit
2. Uri ng tauhang hindi nagbabago ang ugali.
A. Lapad B. Bilog C. Bida D. Kontrabida
3. Pasusulatin ka ng pabula ng iyong guro, ano ang dapat mong isaalang-alang
sa sumususnod?
A. Pagpili ng magandang pamagat C. Pag-alam sa elemento ng pabula
B. Pagpapakita ng mensahe D. Pagsulat ng buod
4. Tatlong bahagi ng isang sulatin,
A. Pamagat, simula at gitna C. Simula, gitna at mensahe
B. Pamagat, simula at wakas D. Simula, gitna at wakas
5. Uri ng tauhang nagbabago ang ugali sa kalagitnaan o sa bandang wakas ng
kuwento.
A. Lapad B. Bilog C. Tatsulok D. A at C

Balikan natin ang pabula ng Dalawang Palaka ng bansang Hapon.

Natitiyak kong katulad nang nangyari sa kanila, may pagkakataon rin na


nangyayari sa iyo ang mga bagay-bagay na hindi inaasahan, kung kaya’t
magandang balikan natin ang mga kaganapan dito upang makita natin nang
lubusan ang mensaheng itinuturo sa atin ng pabula.

Balik-tanaw
Panuto: Isulat sa sariling pangungusap ang bahagi ng pabulang “Ang Dalawang
Palaka” na pinakanaibigan, pagkatapos ipaliwanag kung bakit ito ang
napili. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Bahaging naibigan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala sa Aralin


Isang pagkakataon ang muling pagsulat ng pabula na nabasa na o
napakinggan sa paraang babaguhin mo ang karakter nito dahil makatutulong ito
upang magkaroon ka pa ng karagdagang kaalaman at mahasa pa ang kakayahan
mong lumikha rin ng isang akda.

10
Ang muling pagsulat o rewriting ay pagbabago ng orihinal na may buong
pagpapanatili ng kahulugan o mensahe nito. Maaaring sa pamamagitan ng
pagpapalit ng ibang karakter o tauhan ay magkaroon ng bagong anyo ang ilalahad
na salaysay.
Kung katangian ng tauhan ang pag-uusapan ay mayroong dalawang uri ng
tauhan kang dapat na isaalang- alang. Ang tauhang bilog at lapad.

DALAWANG URI NG TAUHAN

Tauhang bilog - tauhang nagbabago ang pag-uugaling ipinakikita sa


kwento. Nagiging maamo ang dating malupit o mabagsik o ang likas na
makasalanan ay magiging banal.

Tauhang lapad- tauhang hindi nagbabago. Kung ano ang ugaling


ipinakita niya sa simula hanggang sa wakas ay ganoon pa rin.

https://kvakusha.ru/tl/chto-znachit-reraiting-chto-takoe-rerait-prosto-o-
slozhnom-gde-vzyat.html

Gawain

Gawain 1
Panuto: Mag-isip at magtala ng tauhan ng pabulang nabasa o napakinggan na,
bigyan ito ng bagong karakter batay sa maiisip mong kalalabasan ng
wakas nito. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Pamagat ng Tauhan Bagong Katangian Bagong Wakas


Pabula
Halimbawa:
Ang Hatol ng Tigre Palakaibigan Kahit hindi na
Kuneho siya tinulungan
ulit may naging
kaibigan siya na
tutulong s kaniya

Gawain 2
Panuto: Gawan ng sariling bersyon ang pabula na Ang Dalawang Palaka, sa
pamamagitan ng pagbabago ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa
kwaderno.

11
Pamagat:________________________________________
Tauhan:_________________________________________
Ipapalit na Tauhan: ___________________________________________
Muling Pagsulat:
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

Tandaan

Sa pagsulat ng anomang uri ng salaysay, muling pagsulat man yan mahalagang


isaalang-alang ang SIMULA- panimula nang sumulat sa magiging takbo ng mga
pangyayari, GITNA -matatagpuan ang mahahalagang pangyayari at
WAKAS -matatagpuan ang pinakamensahe o aral na nais ibahagi ng manunulat

Nababatid kong busog na ang iyong puso at isip sa mga tinalakay nating
aralin sa araw na ito. Upang matiyak ko na babaunin mo na talaga ang mga
pagkatutong ito, aalamin ko muna ang iyong natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Baguhin ang karakter ng sumusunod na magdudulot ng magandang


resulta sa lipunan sa kasalukuyan. Isulat ang sagot sa kwaderno.
Tauhan Bagong Karakter Maidudulot sa
Kasalukuyan
1. Tiwaling politiko

2. Kalikasang sinira ng
tao

3. Mga kabataang
walang pangarap sa
buhay

12
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang sagot sa uwaderno.

1. Si Tigre sa Ang Hatol ng Kuneho ay tauhang __________


A. lapad B. bilog C. tatsulok D. wala sa nabanggit
2. Ang katangian ng palaka na nakaisip ng paraan kung paano makikita ang
magkabilang pinanggalingan ay ___________
A. mapamaraan B. mabiro C. mapagbigay D. maalalahanin
3. Ang bahagi ng pabula ng Ang Dalawang Palaka na nagpabalik sa kanilang
mga pinanggalingan ay
A. Pamagat B. Simula C. Gitna D. Wakas
4. Tinatawag sa ingles ang muling-sulat na _________.
A. redoing B. rewriting C. recomposing D. remaking
5. Ang tauhan ng tao na tumulong noong una sa tigre sa pabulang ang hatol ng
kuneho ay tauhang ___________
A. lapad B. bilog C. tatsulok D. wala sa nabanggit

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Isulat sa loob ng PUSO ang mga kaisipang nagamit upang


maisakatuparan at mapagtagumpayan ang mga gawain. Isulat ang sagot
sa kwaderno.

____________ ____________ ____________


____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________

Sanggunian

Resuma, V. (2010). Pedagohikal na Pag-aaral ng Wika at Gramatika. University of


the Philippines
Baisa, Ailene G., et.al. Piinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 2015.

https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/paraan-ng-pagpapahayag-ng-emosyon-o-
damdamin/
https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/pagpapahayag-ng-damdamin/
https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/k-to-12-basic-education-curriculum/

13
https://pdfslide.tips/documents/ang-dalawang-palaka.html
https://www.youtube.com/watch?v=aM6AB56hJIs
https://www.britannica.com/art/fable
https://brainly.ph/question/801686#readmore

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta R. Dantes,Ph.D, PSDS


Julieta DG Madera, HT VI
Manunulat: Sheena S. Mationg, T II
Ilustrador: Sheena S. Mationg, T II

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Panimulang Pagsubok Balik Tanaw Gawain 1

1. A Iba-iba ang sagot ng mga 1.C


mag-aaral
2. A 2.B

3. D 3.A

4. A 4.C

5. A 5.A

Gawain 2 Pag-alam sa Natutuhan Pangwakas na Pagsusulit

Iba-iba ang Iba-iba ang sagot ng 1.A


sagot ng mga mag-aaral
2.C
mga mag-
aaral 3.B

4.B

5.D

Papel sa Replektibong Gawain

Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral


14
Aralin 2
Panimulang
Balik- Gawain 1 Pangwakas na
Pagsubok
tanaw Pagsusulit
Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral
1.B
Iba- iba 1.A
2.A ang sagot Gawain 2
ng mga 2.A.
3.C Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral
mag-aaral 3. C
4.D Pag-alam sa Natutuhan
5.B 4.B
Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral
5.A.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta R. Dantes,Ph.D, PSDS


Julieta DG Madera, HT VI
Manunulat: Sheena S. Mationg, T II
Ilustrador: Sheena S. Mationg, T II

15

You might also like