Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 9
Gawaing
Pagsulat ng Sariling Akda
na Nagpapakita sa
Pagpapahalaga sa Pagiging
Asyano
Ikalawang Markahan
Ikasampung Linggo
Modyul 10
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipapaliwanag ang naging bisa ng nabasang akda at
nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap,
2. Naisusulat sa isang kumperensya ang sariling akdang nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano na nagagamit ang
lingguwistikong kahusayan sa pagsulat.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay magagamit mo
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman, kasanayan at konseptong kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul

2
ARALIN
Bisa ng Akda at Pagbibigay
1 Kahulugan sa Salita

Inaasahan
1. Naipapahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang
orihinal;
2. Naipapaliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
damdamin,
3. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap.

Simulan natin ang ating gawain gamit ang dati mong kaalaman na may
kaugnayan sa ating aralin. Tunay na marami ka nang kaalamang naipon, alam ko
na handang-handa ka na kaya simulan na natin.

Panimulang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat
sa kwaderno ang letra ng wastong sagot.

1. “Kapag ako’y tinulungan mong makaahon dito, tatanawin ko itong


napakalaking utang na loob sa iyo habambuhay.” Ang pahayag na ito ay
may damdaming ____________.
A. nagbibiro C. nanghihinayang
B. nalulungkot D. nagmamakaawa
2. Nagdalawang-isip ang lalaki na tulungan ang tigre dahil sa ____________
A. mapagbiro ang tigre C. malamang na kainin siya ng tigre
B. mahuhulog ang lalaki sa hukay D. malayo pa ang lalakbayin ng
lalaki
3. Ang salitang nagdalawang-isip ay nangangahulugang ________.
A. nagmamadali C. nag-aanyaya
B. nagyayabang D. nag-aalinlangan
4. Ang pagtatrabaho ng babaing may-asawa ay isang bagong pahina sa
kasaysayan ng mga babaing Malaya. Ang pahayag ay nangangahulugan ng
_________.
A. pagwasak sa nakasanayang kaugalian
B. pagbibigay ng pagpapahalaga sa babae
C. pagbabagong naganap sa estado ng babae
D. pagpapatuloy ng mga sinimulang kaisipan
5. Lumabas siya at tumayo, sumandal sa bakuran, walang lamig, walang
hangin, makulay ang langit, maraming paputok sa lahat ng dako. Batay sa
konteksto ng pangungusap, nagpapahayag ito ng pagdiriwang na ________.
A. Binyag B. Bagong Taon C. Pasko D. Pasyon

Natutuwa ako at mahusay mong nasagutan ang mga katanungan.


Panibagong aralin ang ating tatalakayin sa linggong ito at nais kong alamin ang
mga dati mong alam hinggil sa araling ating tatalakayin.

3
Balik-tanaw

Isa ka ba sa mga tumatangkilik sa Heart of Asia Drama? Kabilang sa


mapanonood dito ay ang Kdrama, JDrama at Chinodrama. Alin sa mga ito ang
iyong pinanonood at ano ang naging damdamin mo sa mga palabas na ito?
Ang mga napapanood mo na palabas sa telebisyon ay hindi nalalayo sa mga
mababasa mo sa mga panitikan ng Silangang Asya. Maaaring gamitin ang link sa
website na ito https://www.goodreads.com/list/show/108468.Kdrama_books para
sa karagdagang impormasyon.
Mula sa mga nabasang akdang pampanitikan sa Silangang Asya, alin sa
mga ito ang iyong nagustuhan? Ipaliwanag ang naging bisa nito sa iyong kaisipan
at damdamin sa pamamagitan ng flow chart sa ibaba.

Bisa sa Kaisipan at
Damdamin

Pamagat ng Akda o
panoorin na may
kaugnayan sa
pamumuhay ng
mga tao sa
Silangang Asya

Maikling Pagkilala sa Aralin

Miracle in Cell Number 7


https://www.scribd.com/doc/211416818/Miracle-in-Cell-No-7-2

Ang Pelikulang “Miracle in Cell Number 7” ay galing sa bansang Korea. Ito ay


tungkol sa relasyon ng isang mag-ama at kung paano nila pinagdaanan ang mga
pagsubok sa kanilang buhay. Binigyang-pansin sa pelikulang ito ang pagmamahal
ng isang ama sa kanyang anak at ang anak sa kanyang ama.
May depekto sa pag-iisip si Yong-Goo na ama ni Ye-Seung ngunit hindi ito
naging hadlang sa kanya para mapunan ang pagiging ama niya sa kanyang anak.
Isang araw, si Ye-Seung ay nag-asam na magkaroon ng isang “Sailor Moon” na bag
at bilang isang ama, ay gagawin ni Yon-Goo ang lahat upang mapaligaya ang
kanyang anak. Nagkaroon ng maliit na engkwentro dahil binili ng isang mayamang
pamilya ang huling piraso ng bag. Nakiusap ang tatay ni Ye-Seung na kung maaari
ay huwag itong bilhin subalit sinuntok lamang siya nito.
Noong nakatakdang araw na bibilhin na ni Yong-Goo ang bag ay nakita niya
ang batang bumili nito. Sinabihan siya nito na mayroon pang isang tindahan na
nagbebenta nito kaya sumunod siya rito upang malaman kung saan ito bibilhin.
Ngunit isang aksidente pala ang paparating. Nadulas ang bata. Nabagok ang

4
kanyang ulo at kasunod nito ay natamaan ang kanyang ulo ng isang bloke ng
semento na nalaglag mula sa isang construction site malapit sa kinadulasan ng
bata. Sinubukang tulungan ni Yong-Goo ang bata ngunit ito pa nakapag-diin sa
kanya para maging isang suspek at dahil doon nakulong si Yong-Goo. Ang ama ng
batang naaksidente ay kilalang pulis na may mataas na katungkulan. Humina ang
depensa ni Yong-Goo sa korte dahilan upang siya ay masentensyahan ng
kamatayan sa isang kasalanang hindi naman siya ang gumawa. Ngunit sa huli ay
nabigyang linaw pa din ang lahat upang malaman ang katotohanan na
nagpawalang sala kay Yong-Goo kahit siya ay pumanaw na. Ipinagtanggol at nilinis
ng kanyang anak na naging abogada ang pangalan ni Yong-Goo sa kasalanang
ibinintang sa kanya. Nagsumikap ang kanyang anak na maging abogada upang
maisakatuparan ito.
Nagustuhan mo ba ang binasang kuwento? Mayroon bang mga pangyayari
sa kuwento ang tumatak sa iyong isipan? Anu-ano ang damdaming nangibabaw sa
iyo matapos mabasa ang kuwento? Marahil ay nakaramdam ka ng galit, inis, awa,
kasiyahan, kalungkutan at takot. May mga pangyayari ring kumintal sa iyong
isipan at ito ay tinatawag na Bisa ng Akda. Sa mga kuwento na binabasa mo ay
gumagamit din ng malalalim na salita upang maging masining ang akda. Narito
ang karagdagang paliwanag.

Bisa sa Akda
Ang bisa sa isip ay gumaganyak sa mambabasa upang alamin ang
mga pahiwatig at tunay na kahulugan ng mga salita at naglalantad ng
lantay na katotohanan upang ipakita ang larawan ng tunay na buhay.
Ang bisa sa damdamin sa pagbuo ng isang nobela, dula at tula, isa
sa tampok na layunin ng manunulat ay makapagpahayag o makagising ng
damdamin o gunitang iniingatan ng ating alaala o kaya ay paggamit ng
mga ekspresyon.

Pagpapakahulugan Sa Salita
Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitaan ng
isang mambabasa, tagapanood o tagapakinig.

.
Gawain
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salangguhit batay sa konteksto ng
pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Mataas na tao ang kanyang ama kaya makapangyarihan ito.


Kahulugan: _________________________________________________
2. Si Yong-Goo ay yumao ng may ngiti sa kanyang labi.
Kahulugan: __________________________________________________
3. May gatas pa sa labi ang kanyang anak. Takot siyang iwan ito.
Kahulugan: __________________________________________________
4. Ang kanyang ama ay may depekto sa pag-iisip.
Kahulugan: __________________________________________________
5. Nalinis ang pangalan ng ama sa kasalanang hindi niya ginawa.
Kahulugan: __________________________________________________

5
Gawain 2:
Panuto: Tukuyin ang damdamin na isinasaad ng bawat pangyayari batay sa iyong
pagkakaunawa sa akdang binasa. Isulat sa kwaderno ang iyong
kasagutan.

Pangyayari sa Akda Damdamin


1. Nakulong si Yong Goo nang habambuhay sa
kasalanang hindi niya ginawa.
2. Nadulas ang bata at nabagok ang ulo nito
3. Nilapitan ni Yong Goo ang bata at tinulungan
4. Sinuntok ng ama ng bata si Yong Goo dahil
sa nakikiusap na siya na
lamang ang bibili ng Sailor Moon Bag para sa
kanyang anak.
5. Nagsumikap si Ye-Sueng na maging isang
abogada upang ipagtanggol ang kanyang
ama.

Tandaan

1. Ang Bisa sa Isip ay gumaganyak sa mambabasa upang alamin ang mga


pahiwatig at tunay na kahulugan ng mga salita.
2. Ang Bisa ng Damdamin ay layunin na makapagpahayag o makagising ng
damdamin o gunitang iniingatan ng ating alaala o kaya ay paggamit ng
mga ekspresyon.
3. Ang Pagpapakahulugan sa Salita ay mabisang paraan upang mapalawak
ang talasalitaan.

Pag-alam sa Natutuhan

Batay sa ating aralin, paano mo magagamit ang iba’t ibang bisa ng


panitikan sa pang-araw-araw mong buhay? Magbigay ng isang pangyayari na
naganap sa iyong buhay na hindi mo malilimutan at ipaliwang ang damdaming
nangibabaw sa iyo sa pangyayaring ito. Isulat sa inyong kuwardo ang iyong sagot.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Piliin at isulat sa kwaderno ang letra ng tamang sagot.

6
1. Ito ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao sa lalong marangal na pamaraan
hinggil sa mga bagay-bagay, daigdig, pamumuhay sa lipunan at pamahalaan.
A. Panitik C. Pagsulat
B. Panitikan D. Pagbasa
2. Ito ay bisa ng panitikan na gumaganyak sa mambabasa upang alamin ang mga
pahiwatig at tunay na kahulugan ng salita.
A. Damdamin C. Kaasalan
B. Kaisipan D. Moral
3. Layunin nito na makapagpahayag o magising ang damdamin ng mga
mambabasa.
A. Kaisipan C. Damdamin
B. Kaasalan D. Moral
4. Nalulungkot ako sa mga pangyayari na ang mga kabataan ay hindi na
gumagamit ng “po at opo” sa nakatatanda. Ang salitang nagsasaad ng
damdamin ay ___________.
A. po at opo C. kabataan
B. nalulungkot D. pangyayari
5. Ang panitikan ng Silangang Asya ay nakapagbibigay ng malaking ambag sa
pagkakakilanlan bilang Asyano. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang __________.
A. abuloy C. kontribusyon
B. biyaya D. pera

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Sa bahaging ito, itala mo ang iyong natutuhan sa ating tinalakay na aralin.
Ilagay ang sagot sa kwaderno.

Anu-ano ang aking mga natutuhan


sa araling tinalakay?

7
ARALIN
Paggamit ng Linggwistikong

2 Kahusayan sa Pagsulat ng Akda

Inaasahan
1. Naisalaysay sa isang komperensiya ang naisulat na sariling akda;
2. Naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging Asyano,
3. Nagagamit ang lingguwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Panimulang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat sa
kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Mayaman at makulay ang kultura ng bawat bansa sa Asya. Ang pang-ugnay


na ginamit sa pangungusap ay _____________.
A. at B. ang C. bawat D. mayaman
2. Totoong mababa ang loob ng mga Asyano. Ang salitang may salungguhit ay
isang __________________.
A. pang-uri B. pang-abay C. pang-ugnay D. pang-angkop
3. Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Tsino sa ating Pilipino. Ang
salitang may salangguhit ay tinatawag na_____________.
A. pang-uri B. paningit C. pang-ukol D. pang-angkop
4. Bahagi sa kultura ng mga Tsina na kahit konti ang tubo basta mabilis ang
benta. Paano binibigkas ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. Tu:Bo B. TU:bo C. tu:boh D. Tuh:BO
5. Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng bawat Asyano sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
A. sagutan B. sulatan C. tungkulin D. tangkilikin

Balik-tanaw
Naaalala mo pa ba ang mga akdang pampanitikan na nabasa mo tungkol sa
Silangang Asya? Itala ang mga impormasyon na nalalaman mo tungkol sa mga
kultura, tradisyon, paniniwala at kanilang pamumuhay at ihambing sa kultura ng
Pilipinas. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Ibang bansa sa
Silangang Asya Pilipinas

Paniniwala

8
Uri ng Pamumuhay

Kaugalian

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Basahin mong mabuti ang isang akda na makatutulong sa iyo upang


mapalawak ang iyong kaalaman sa lingguwistikong pagsulat.

KULTURANG PINOY

Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong


tradisyon at mga kultura ng mga dayuhan na sumakop sa Pilipinas. Malaki ang
kontribusyon ng mga kastila sa kultura ng mga Pilipino sapagkat 333 taong
sinakop ng Kastila ang bansang Pilipinas. Sinasabi ng mga matatanda na sa
panahong ito “Natutulog pa ang Diyos”.
Ang Wikang Pilipino ay maraming hiniram na mga salita sa kastila.
Maraming tradisyon ang ipinadama nila tulad ng pagdiriwang ng pista bilang pag-
alaala sa santong patron ng mga bayan. Ipinamana nila ang tibay ng
pananampalataya sa Diyos. Malaki rin ang kontribusyon ng mga Tsino sa kultura
ng mga Pilipino. Marami sa kultura ng Tsino ang isinasagawa at isinasabuhay ng
mga Pinoy, tulad ng pagsusuot ng damit na may bilugang hugis na tanda ng
suwerte at magaang na pagpasok ng pera. Isa ka ba o pamilya ninyo ang
gumagawa ng paghahanda ng bilugan at matatamis na pagkain tuwing sasapit ang
Bagong Taon? Wow! Talaga? Kung ganoon ang ibig sabihin ng tradisyong ito ng
mga Tsino’y ang paglago ng iyong kabuhayan at pagbubuklod o matibay na
pagsasama ng pamilya.
Tunay na bahagi sila ng Kahapon, Ngayon, at Bukas. Pinagyaman nila
ang kulturang Pilipino.
Nakita mo ba kung paano nakatutulong ang lingguwistikong pagsulat sa
pagpapahalaga sa pagiging Asyano?

Ang lingguwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda ay


nagpapahayag ng emosyon, opinyon, pananaw, paninindigan, pagbibigay ng
mungkahi at pag-unawa. Nagagamit ang mga pinag-aralan sa wika tulad ng
mga sumusunod:
1. Mga suprasegmental- mga ponemang nagtataglay ng mga likas na
katangian tulad ng tono o intonasyon, haba o diin at hinto o anatala sa
pagsulat.
2. Mga pang-ugnay- mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
salita, sugnay o parirala.
3. Paghahanay ng mga kaisipan
4. Wastong gamit ng salita
5. Talasalitaan
6. At iba pang elemento sa pagsulat

9
Sa proseso ng pagsulat, mahalagang isaalang-alang ang mga
sunumunusod na katanungan.
A. Ano ang aking isusulat?
B. Kailan at paano ko ito isusulat?
C. Sino ang babasa ng aking isinulat?
D. Paano ko ito sisimulan?
E. Paano ko pagyayamanin ang pagtalakay sa paksa?
F. Ano ang magiging wakas nito?

Gawain
Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng Think-Pair-Share, (maaaring kapatid, magulang, o
kasambahay), ilahad ang iyong kaisipan tungkol sa kung paano
nakatutulong ang linggwistikong pagsulat sa pagpapahalaga sa pagiging
isang Asyano. Ilagay ang sagot sa loob ng tsart.

Sariling kaisipan Kaisipan ng kapwa

(Sagot ko) (Sagot mo)

Napagkasunduang
Sagot

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang maikling akda, gamit ang iyong kahusayang
panlingguwistiko batay sa paksa: Pagpapahalaga sa Pagiging Asyano.

Paksa: Pagpapahalaga sa Pagiging Asyano

10
Tandaan

Ang lingguwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda ay


nagpapahayag ng emosyon, opinyon, pananaw, paninindigan, pagbibigay ng
mungkahi at pag-unawa.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto:Batay sa iyong natutuhan, bumuo ng sariling sanaysay gamit ang mga


susing salita kung paano naging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng
Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga bansa.
Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa iyong kwaderno.

1. Ito ay pagpapahayag ng saloobin, kaalaman, kaisipan, at anumang


pangyayari sa paraang pasulat.
A. Pakikinig C. Pagsulat
B. Pagbasa D. Pagsasalita
2. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegemental sa
pakikipagtalastasan upang ____________
A. lumakas ang tinig sa pagbigkas
B. wasto ang baybay ng mga salitang isinusulat
C. pormal ang pagbigkas ng mga salitang ginagamit
D. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin
3. Pinipili ang paksa at binubuo na ang konsepto tungkol sa paksa. Ito ay
proseso sa pagsulat ng _____________
A. bago sumulat C. paglalathala
B. habang sumusulat D. pagkatapos sumulat
4. Ang diin, tono, at antala ay mga uri ng ponemang ____________
A. semantik C. berbal
B. lingguwistik D. suprasegmental
5. Ang mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, sugnay o
parirala ay tinatawag na ___________
A. pang-ugnay C. pangungusap
B. panghalip D. pang-abay

11
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Itala sa placard ang mga iyong natutuhan sa araling tinalakay.

Ang Aking Natutuhan

sa Araling Tinalakay

Sanggunian

Peralta, Romulo N. et al. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9.


Pasig City: 2014
http://hannaleahrabang.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-tanka-at-haiku-62968881
https://www.slideshare.net/CharlieAgravanteJr/panitikan-lit1report
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fmidnight-
jassy%2Fmga-pangugnay-pangatnig-pangangkop-at-
pangukol%3Ffbclid%3DIwAR3WIit_QM5_0F9jPyn7vBpgIcN445Vw4D1HbUDR5VLmRQRghpft_
FgLtAM&h=AT2Kkp3w61RqSsqZVhkpmFEXzi4BGBmFUhog3SAhY34AlJj-KvJF-
NDllR6CK2rQbqGO_JfzwNd8SBIVonmSGOQx7mDCAIyYMibzhl39VEqCqVCy7dwenR48tb0lTz
MSOuyt

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CUD Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/ Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Julieta DG. Madera, HT VI
Manunulat: Noraida R. Villanueva, MT II
Ilustrador: Noraida R. Villanueva, MT II
Tagalapat: Evangeline P. De Leon HT VI

12
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2
Panimulang Pagsubok Panimulang Pagsubok
1. D 1. A
2. C 2. B
3. D 3. B
4. B 4. B
5. B 5. C
Gawain 1
1. mayaman/may katungkulan Balik-Tanaw
2. masaya Depende sa sagot ng bata
3. bata pa/musmos Posibleng sagot
4. may kapansanan 1. paggalang sa matanda
5. ibinalik ang dignidad 2. mabuting pagtanggap sa bisita
3. pagmamahal sa pamilya
GAWAIN 2 4. pagdiriwang ng Bagong Taon
1. Awa 5. relihiyoso
2. natakot Gawain 1
3. kinabahan Depende sa sagot ng mga bata
4. nainis
5. humanga Gawain 2
Depende sa sagot ng mga bata
Pag-alam sa Natutuhan
Depende sa sagot ng mga bata Pag-alam sa Natutuhan
Depende sa sagot ng mga bata

Pangwakas na Pagsusulit Pangwakas na Pagsusulit


1. A 1. C
2. B 1. D
3. C 2. A
4. B 3. D
5. C 4. A

13

You might also like