Uri NG Pelikula

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

69

Filipino 6
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:

Uri ng Pelikula
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Uri ng Pelikula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kariza B. Olpus
Editor: Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Aileen P. Buscato, Hazel T. Manilag, Emelie A. Toro,
Susan B. Esturas, Angelica C. Balibalos
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis JD, EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, EdD Elmar L. Cabrera
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Uri ng Pelikula!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Uri ng Pelikula!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta?

Sa araw na ito ay may panibago tayong pag-aaralan na tiyak ko na


iyong magugustuhan. Ikaw ba ay mahilig manood ng mga pelikula sa
telebisyon o di kaya ay sa mga sinehan? Marahil ay mayroon kang paboritong
pelikula na nais mong panuorin? Pag-uusapan natin ito ngayon pagkat nais
kung iyong mas maintindihan ang iba’t ibang uri ng mga pelikula.

Ang paghahambing sa mga uri ng pelikula ay mahalaga, lalong-lalo


na sa mga bata na katulad mo. Mayroong mga pelikula na angkop lang para
sa mga matatanda at mayroon namang angkop rin sa mga bata. Ang iba
namang mga pelikula ay maaaring kapupulutan mo ng mga magagandang
aral at ang iba nama’y pawang nagbibigay ng kaaliwan lamang. Samahan
mo ako at ating tuklasin ang mga uri ng pelikula.
Halina’t matuto!
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
Napaghahambing-hambing ang iba’t ibang uri ng pelikula F6PD-IVe-i-21

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakauunawa sa bawat konsepto ng iba’t ibang uri ng pelikula at


nakapaghahambing sa bawat isa nito;

2. Nakasusulat ng sariling maikling iskrip para sa isang pelikula batay sa


napiling uri ng pelikula; at

3. Nakapagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga pelikulang gawang Pinoy.

1
SUBUKIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng iyong napiling
sagot.

1. Mga pelikulang nag-uulat sa mga balita o mga bagay na may halaga sa


kasaysayan, pulitika o lipunan.
A. Pantasya B. Komedi C. Dokyu D. Animasyon

2. Pelikulang gumagamit ng larawan o pagguhit upang magmukhang buhay ang


mga bagay na walang buhay.
A. Musical B. Animasyon C. Drama D. Pantasya

3. Nagnanais na takutin o sindakin ang manunuod gamit ang multo, bangkay o


kakaibang nilalang.
A. Drama B. Aksyon C. Katatakutan D. Dokyu

4. Mga komedyang may temang pangromansa: puno ito ng musika at kantahan.


A. Musikal B. Dokyu C. Drama D. Aksyon

5. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang


anyong sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
A. Pantasya B. Pelikula C. Katatakutan D. Drama

6. Mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay inilalagay sa mga
hindi maisip na sitwasyun.
A. Pantasya B. Komedi C. Dokyu D. Drama
7. Mga pelikula na nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian,
nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang mga manonood.
A. Drama B. Komedi C. Dokyu D. Pantasya

8. Nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng


mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa
mga natutuklasan ng siyensya.
A. Katatakutan B. Komedi C. Pantasya D. Drama

9. Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.


A. Aksyon B. Historikal C. Dokyu D. Drama
10. Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal: maaring
hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman ay kathang-isip lamang.
A. Aksyon B. Komedi C. Pelikula D. Drama

2
TUKLASIN

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na palabas at pelikula sa ibaba kung ito ba ay
napabibilang sa katatakutan, aksyon, pantasya, dokyu o komedi. Isulat ang
sagot sa puwang na inilaan sa bawat larawan.

1. _ 2. _ 3. _____

https://tinyurl.com/2k9rx59y https://tinyurl.com/4udnunkh https://tinyurl.com/5a9fdhmx

4. _ 5.

https://tinyurl.com/pv66csz4 https://tinyurl.com/pv66csz4

SURIIN

Alam mo ba …

Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang


larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo
ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
3
Iba’t ibang Uri ng Pelikula

1. DRAMA – mga pelikula na nagpopokus sa mga personal na suliranin o


tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin
ang mga manonood.

2. PANTASYA (Fantasy) – nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa


ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa,
kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng
siyensya.

3. HISTORIKAL – mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa


kasaysayan.

4. AKSYON – mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal: maaring


hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman ay kathang-
isip lamang.

5. ANIMASYON – pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit upang


magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.

6. DOKYU (Documentary) – mga pelikulang nag-uulat sa mga balita, o mga


bagay na may halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan.

7. KATATAKUTAN – nagnanais na takutin, o sindakin ang mga manonood


gamit ang mga multo, bangkay o kakaibang nilalang.

8. KOMEDI – mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay


inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyun.

9. MUSICAL – mga komedyang may temang pangromansa: puno ito ng musika


at kantahan.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong mga palabas sa telebisyon ang labis na nakakuha ng iyong


atensyon bilang isang manonood?
2. Bakit mahalaga na tangkilikin natin ang mga pelikulang gawang Pinoy?

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapauunlad ang mga pelikulang gawang


Pinoy?

4
PAGYAMANIN

A. Panuto: Ihambing at ilarawan ang pares ng mga pelikula batay sa larawan sa


ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

https://tinyurl.com/hzvd9xw7 https://tinyurl.com/b2mdfpd3

1.

https://tinyurl.com/jvwdnyb6 https://tinyurl.com/2xjxvh4w

2.

https://tinyurl.com/35rx6zhf https://tinyurl.com/h5p7tfck

3.
5
https://tinyurl.com/a5dtf47e https://tinyurl.com/wsefxtfw

4.

https://tinyurl.com/drwtp22d https://tinyurl.com/4x42atcr

5.

B. Panuto: Basahin ang mga tanyag na linya mula sa mga pelikulang kinamulatan
ng masang Pilipino mula noon hanggang ngayon. Kilalanin kung anong
uri ito ng pelikula.

_ 1. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso


nating lahat!” - HIMALA (1982)
_ 2. “Avisala eshma” – ENCANTADIA (2016)

_ 3. “Ding, ang bato! Darna! – DARNA (2009)

_ 4. “Ibubuhos ko ang buong pagmamahal ko kaya lang, bawal umihi


dito!” – JOKE BA KAMO? (1980’s)
_ 5. “Sinabing huwag kang lumingon!” – WAG KANG LILINGON
(2000)

6
ISAISIP

Muli, ating tandaan na ang pelikula ay kilala rin


sa tawag na sine at pinilakang tabing. Ito ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi
ng industriya ng libangan.

ISAGAWA

Panuto: Sa ibaba ay may hugis bilog laman ang iba’t ibang uri ng pelikula.
Maghanda ng isang lapis at ilagay sa ibabaw ng hugis bilog. Paikutin ito
at ang uri ng pelikula na syang titigilan ng lapis ay ang gagawan mo ng
orihinal na maikling iskrip. Nasa ibaba ang rubrik na pagbabasehan sa
paggawa ng iskrip.

7
RUBRIK

NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAGSANAY PA


KRITERYA
(5 PUNTOS) (3 PUNTOS) (1 PUNTOS)

Ang iskrip ay
Ang iskrip ay
kaugnay sa uri ng
Ang iskrip ay kaugnay sa uri ng
pelikula na napili
Nilalaman kaugnay sa uri ng pelikula na napili
ngunit maraming
pelikula na napili. ngunit may
kulang at
kulang.
nakakalito.

Ang iskrip ay Ang iskrip ay


Ang iskrip ay
maaaring maaaring kinopya
bago sa
Pagkamalikhain pamilyar na sa lang sa mga
mambabasa o
mambabasa o naipalabas na
manunuod.
manonood. mga pelikula.

TAYAHIN

A. Panuto: Basahin at kilalanin kung anong uri ng pelikula ang mga sumusunod.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa puwang na inilaan bago
ang bilang.

komedi musikal aksyon


dokyu drama pantasya

1. Layunin ng pelikulang ito na paiyakin ang mga manonood dahil


sa tindi ng damdamin na nais nitong iparamdam at ipakita.

2. Isang pelikula na magbubukas ng ating kaalam tungkol sa mga


pangyayari sa nakaraan.
3. Nagpapakita ng pisikal na bakbakan na kung saan ang istorya
ay maaaring totoo o kathang-isip lamang.
4. Mabubusog ka sa dami ng kantahan at musika sa uri ng
pelikulang ito.

5. Isang pelikulang magdudulot sa iyo ng kasiyahan dahil sa


nakakatuwang iskrip na hatid nito sa manunuod.

8
B. Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga ipinahihiwatag sa mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
6. Ang pelikula ay kilala din bilang sine at pinilakang tabing.
7. Mayroong sampung uri ng pelikula.
8. Ang isang musikal na uri ng pelikula ay puno ng madamdaming
emosyon na tiyak na magpapaiyak sa mga manunuod.
9. Mapapatawa ka ng malakas hatid ng mga karakter sa pelikulang
katatakutan.
10. Ang dokyu o documentary na pelikula ay nag-uulat ng mga
balita o mga bagay na may halaga sa kasaysayan, pulitika o
lipunan.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Punan ang mga pahayag sa ibaba base sa iyong natutunan sa modyul na
ito. Isulat ang inyong komprehensibong refleksiyong sa puwang na inilaan
pagkatapos ng bawat pahayag.

Aking natutuhan na ang pelikula ay …


_ ______________________________

Iba-iba ang mga uri ng pelikula at labis kong nagustuhan ito dahil …
_ _
_

Nararapat lamang tangkilin natin ang mga pelikulang gawang Pinoy


sapagkat …
_ _

9
SUSI SA PAGWAWASTO

10
MGA SANGGUNIAN

Aklat

Panot, Cresencia C.,Uy, Consuelo B.,Garcia, Isabelita D., Gainsan, Jesusa B.,
Villarez, Merazil G., Tura, Nenita Y., Valencia, Jessa B., Dela Pena, Aidelyn D.
Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino Sanayang Aklat. 2017.

Internet

Wikipedia. “Pelikula”. Last modified October 10, 2019.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like