Professional Documents
Culture Documents
Aralpan4 Q2 M1 W1
Aralpan4 Q2 M1 W1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1 (Week 1)
Mga Pakinabang Pang-Ekonomiko
ng mga Likas na Yaman
Araling Panlipunan – Ikaapatna Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1 (Week 1): Mga Pakinabang Pang-Ekonomiya ng
mga Likas na Yaman
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atpb.) na ginagamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
(Week 1)
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mga Pakinabang na Pang-Ekonomiya ng mga Likas na Yaman.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mga Pakinabang na Pang-Ekonomiya ng mga Likas na Yaman.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
ii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto
Ang
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iii
Alamin
Isang maluwalhatingpagbati sa pagtatapos ng pag aaral sa mga modyul na nakalaan
sa Unang Markahan!
Ngayon, ay sisimulan mo nang matututunan ang mga kasanayan para sa mga
kasunod na aralin sa Ikalawang Markahan.
Bahagi ng iyong napag-aralan sa mababang baitang ang mga uri at wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman lalong lalo na ang makikita sa sariling lalawigan at
rehiyon.
Palalawakin natin angiyong kaalaman at kasanayan tungkol sa mga likas na yaman
ng ating bansa sa modyul na ito.
Mahalagang malaman nanglubos ang mga kapakinabangan ng mga likas na yaman
nang sa gayon ay mapapangasiwaan nang higit na mabuti ang mga biyaya ng Maykapal
na matatagpuan sa iba’t-ibang kapaligiran ng ating bansa.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, matututunan mo ang mga kapakinabangan na
naibibigay ng likas na yaman sa ibang ibang lokasyon ng bansa at ang kahalagahan na
naidudulot nito sa kabuhayan ng mga Pilipino at ekonomiya ng bansa.
Simulan na natin ang daan patungo sa karagdagang kaalaman!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling :
Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na Yaman
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman
ng bansa (AP4LKE-IIb-2);
2. Naiisa-isa ang mga pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa;
at
3. Napahahalagahan ang naibibigay na mgakapakinabangan pang ekonomiko ng mga
likas na yaman ng bansa sa pag angat ng kabuhayan ng mga Pilipino.
1
Subukin
Panuto: Paano makatutulong ang likas na yaman ng kapaligiran sa ekonomiya ng
bansa? Basahing mabuti ang bawat sitwasyon o pahayag sa Hanay A at piliin mula
sa mga nakatala sa Hanay B ang angkop na paliwanag.
HANAY A HANAY B
2
Aralin
Mga Pakinabang Pang-Ekonomiko ng
1 mga Likas na Yaman
Kasama sa iyong napag aralan ang tiyak na mga lokasyon kung saan higit na
matatagpuan ang likas na yaman at ang kaisipang nagtutustos ang mga ito sa ibat-ibang
pangangailangan ng mga Pilipino.
Balikan
Panuto: Magbalik-tanaw tayo sa mga aralin na iyong natutunan. Piliin ang tamang sagot
sa mga katanungan.
1. Ang mga ito ay biyaya ng Maykapal na makukuha sa kalikasan at maaring maubos
kapag hindi inalagaan?
A. Mga halaman at puno C. Mga kagubatan
B. Mga hayop D. Mga likas na yaman
2. Tumutukoy ito sa mga likas na yaman na hindi napapalitan, halimbawa ay ang ginto,
copper at marmol.
A. Yamang lupa C. Yamang mineral
B. Yamanggubat D. Yamang tubig
3. Alin ang nagbibigay nang pinakawastong kaisipan tungkol sa kaugnayan ng
kapaligiran sa hanapbuhay ng tao?
A. Iniaangkop ng tao ang hanapbuhay sa uri ng kapaligiran.
B. Walang kaugnayan ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng tao.
C. Malawak ang pinagkukunan ng likas na yaman ng mga tao sa
kapaligiran.
D. Pinagkukunan ng tao ng likas na yaman ang kapaligiran upang mabuhay.
3
4. Pangunahing produkto ng rehiyon na ito ang mais, saging, tubo, kamatis at iba mga
produktong minamanupaktura.
A. ARMM C. Cordillera Administrative Region (CAR)
B. Rehiyon XIII-Caraga D. Rehiyon VII-Gitnang Visayas
5. Ito ay isa sa mga paraan ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman na layuning
masolusyonan ang suliranin sabasura.
A. Programang 3R’s C. Proyektong Clean and Green
B. Programang Pagmumuling-gubat D.Proyektong Pagmumuling-gubat
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: KUWENTO NG KALIKASAN, ALAMIN MO
Panuto: Pagmasdan ang larawan at basahing mabuti ang sanaysay sa ibaba upang
malaman mo ang mga mahahalagang konsepto ng araling ito.
Sagana sa likas na yaman ang kalikasan ng Pilipinas. Iba’t ibang uri nito ang
matatagpuan sa bansa katulad ng palay, niyog, tubo at abaka na nakukuha sa yamang-lupa.
at ang mga makukuha sa ating mga katubigan tulad ng mga isda at iba pang yamang-dagat.
May pagkakatulad at pagkakaiba ang mga nakukuhang yaman dahil sa uri ng topograpiya
na kinalalagyan ng mga lugar. Bagamat sa pangkalahatan, mas higit na may pagkakatulad
ang mga likas na yaman ng mga rehiyon dahil ang kabuuang topograpiya o pisikal na anyo
ng Pilipinas ay mabundok.
Gayunpaman, ang mga Pilipino ay umaasa sa yamang nakukuha sa kalikasan upang
matugunan ang lahat ng pangangailangan. Sa katunayan, nakasalalay ang kabuhayan ng
tao sa uri ng kanyang kapaligiran – inaangkop ng tao ang kabuhayan sa likas na yaman na
matatagpuan sa kanyang kapaligiran. Kapag marami ang nakukuhang likas na yaman,
dumarami din ang oportunidad sa hanapbuhay dahilan ng pagkakaroon
4
Ang likas na yaman din ang pangunahing pinagkukunan ng kita para mapabuti
ang ekonomiya ng bansa. Nakakaapekto ang kalidad at dami ng nakukuhang likas na
yaman para maiangat ang kalagayan ng ekonomiya. Kung mas maganda ang kalidad
ng produkto mula sa likas na yaman, bumubuti din ang antas ng ekonomiya. Kabilang
sa mga pinagkukunan ng kita ng ekonomiya ang mga hilaw na materyales, produkto at
kalakal na nakukuha sa pagsasaka, pangingisda, pagmimina, pagtotroso,
pagmamanupaktura at iba pang gawaing-pangkabuhayan. Binebenta ang mga ito sa
loob (lokal na produkto) at labas (export) ng bansa.
Napagkukunan din ng kita ang turismo tulad ng mga magagandang tanawin at
lugar sa Pilipinas. Sa pagdami ng mga dayuhang dumarayo upang matunghayan ang
mga natatanging lugar at tanawin sa Pilipinas, nadadagdagan ang kita ng
industriyang turismo ng bansa.
Nakakatipid din ang Pilipinas sa pag-angkat ng mga enerhiyang kinakailangan sa
pagpapatakbo ng industriya sa kadahilanang mayroong nalilinang sa kalikasan na
maaaring gamitin ng ating bansa katulad ng petrolyo, enerhiyang geothermal, karbon at
iba pang yamang-enerhiya o mineral.
Ang mga pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na yamang matatagpuan
sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas ay ang mga sumusunod:
1. Pakinabang sa Kalakal at Produkto;
2. Pakinabang sa Turismo; at
3. Pakinabang sa Enerhiya
5
3. Ang likas na yaman din ang pangunahing
pinagkukunan ng kita para mapabuti ang e-
konomiya ng bansa
4. Nadadagdagan ang kita ng industriyang
turismo ng bansa at natutulungan magkaroon ng
hanapbuhay at pagkakaitaan ang mga tao sa
isang lugar
5. Ang mga likas na yaman ay wala ng
maitutulong sa atin dahil hindi naman ito
nakapagbibigay ng malaking kita
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: I-MATCH MO KO
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat kahon at pag-isipan ng may
pagtitimbang kung aling mga pahayag ang naglalahad ng pang-ekonomikong pakinang ng
mga likas na yaman para sa mga mamamayan at lipunan. Isulat lamang ang titik ng
pahayag sa nakalaang patlang sa ibaba ng bawat kahon.
2. PAKINABANG SA TURISMO
A. Napagkukunan ng hanabuhay sa mga taong kumikita sa turismo
B. Nakakadagdag sa lokal na kita sa pamamagita ng mga bagay, pagkain at ibang
pang ginagamit o binibili ng mga turista
6
3. PAKINABANG SA ENERHIYA
A. Napagkukunan ng sariling enerhiya na kinakailangan sa pagpapatakbo ng mga
industriya at transportasyon
B. Nagtutustos sa kuryente ng pamayanan
C. Nadadagdagan ang kita ng ekonomiya dahil ikinakalakal sa ibang lugar
PABABA: 2
1
PAHALANG:
1. Ang likas na yaman ay nag-
dudulot ng kaunlaran sa
ekonomiya dahil sa mga 3
________ nito.
2. Tawag sa mga kalakal o
produkto na iniluluwas sa
isang lugar na nakadagdag
kita
3. Kailangang gawin ng mga
tao upang hindi maubos
ang likas na yaman 4
4. Pakinabang na pang
ekonomiko nanaibibigay
ng mga maga-gandang
lugar at tanawin sa bansa.
7
Pagyamanin
7 Minahan ng copper sa
Toledo, Cebu
8 Mga baybaying-dagat at
nagagandahang isla ng
Lapu-Lapu City
9 Loboc River ng Bohol (Hydro
Electric Plant ng Loboc)
10 Gulay at prutas sa
Mantalongon, Dalaguete,
Cebu
8
Isaisip
*Hanapbuhay
*Maayos na
kabuhayan
Pakinabang sa *Maunlad na
Kalakal at negosyo
Produkto
MGA PAKINABANG *Dagdag kita sa
PANG-EKONOMIKO Pakinabang sa RESULTA ekonomiya
NG LIKAS NA Turismo
YAMAN *Natutugunan ang
pangangailangan
Pakinabang sa
Enerhiya *Maunlad na
ekonomiya ng
bansa
TANDAAN:
Ang mga likas na yaman ay
nakapagdudulot ng
kapakinabangang pang
ekonomiko sa bansa.
9
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PALIWANAG MO, PAKINABANG KO
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at magbigay ng paliwanag kung paano
nakapagdudulot ng kapakinabangang pang-ekonomiko ang likas na yaman. Piliin sa mga
pahayag ang pinakaangkop na sagot.
3. Kilala ang Lapu-Lapu City sa paggawa ng de kalidad na mga gitara. Ano ang epekto
nito sa ekonomiya ng lugar?
A. Bubuti ang kita ng lugar dahil marami ang mabibigyan ng hanapbuhay at
madadagdagan ang kita ng Lapu-Lapu City.
B. Magiging kilala at tanyag ang Lapu-Lapu city sa paggawa ng de kalidad at
matitibay na gitara.
4. Maraming natatanging hayop ang matatagpuan sa Pilipinas. Isa na rito ang pilandok
na matatagpuan sa Balabac, Palawan. May kabutihan ba na dulot ang pagkakaroon
ng mga natatanging hayop sa ekonomiya ng Pilipinas? Alin ang angkop na
paliwanag?
A. Mayroon, dahil sa maraming mga dayuhan ang gustong makita ang mga ito
dahilan ng pag-unlad ng turismo na nakakadagdag kita sa ekonomiya ng lugar.
B. Mayroon sapagkat mayroon pang natitira sa mga unti-unti ng nauubos na mga
natatanging hayop sa Pilipinas na ating maipagmamalaki.
5. Ikaw ay nakatira kung saan malamig ang klima at maganda at mainam ang lupa para
sa pagtatanim. Paano makakatulong ang inyong lugar sa inyong kabuhayan?
A. Ako ay magtatanim ng mga gulay at prutas upang mapagkunan namin ng aming
pangangailangan at ang iba ay ibebenta para dagdag kita sa aming pamilya.
B. Kukunan ko ng mga litrato at video ang lugar lalong lalo na ang mga pananim
dito at ipagmamalaki ko sa pamamagitan ng pagpaskil nito sa pahina ng mga
social media katulad ng facebook.
10
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ang Bukidnon at Cotabato ay may pinakamalawak na taniman ng pinya sa buong bansa.
Naging maunlad ang paggawa ng produkto mula sa pinya sa mga lugar na ito. Ano ang
epekto nito sa ekonomiya ng Bukidnon at Cotabato?
A. Marami ang dumarayong turista sa Bukidnon at Cotabato upang makita ang
mga malalawak na taniman ng pinya
B. Maraming mga tao sa Bukidnon at Cotabato ang nabigyan ng trabaho sa mga
pagawaan ngprodukto mula sa pinya.
C. Malaking halaga ang naidadagdag sa kabang-yaman ng Bukidnon at Cotabato
mula sa iniluluwas na mga produktong galling sa pinya.
D. Dadami ang mga pagawaan ng mga produktong pinya sa Bukidnon at Cotabato
dahil umuunlad ito.
2. Kilala ang rehiyon ng Bicolsa paggawa ngtsinelas, sandal, bag, tela at ibang pang
kagamitan mula sa abaka. Paano ito nakatulong sa kabuhayan ng mga tao?
A. Ito ang naging negosyo at hanapbuhay ng ilan sa mga taga Bicol na
pinagkukunan ng kita para sa kanilang pangangailanagan.
B. Nagagamit ng mga tao ang mga nagawang produkto mula sa abaka sa kanilang
pang araw araw na gawain at hanapbuhay.
C. Naipagmamalaki ng mga taga-Bikol sa ibang tao ang kanilang mga nagawang
mga produkto na yari sa abaka.
D. Nakatulong ang mga pananim na abaka sa Bicol upang lalong umunlad ang
ganitong uri ng industriya.
11
4. Sa kasalukuyan, lahat ng tao ay nakararanas ng kahirapan lalong lalo na sa pagkain
dulot ng COVID 19 na pandemya. Bilang bata, paano mo mapapakinabangan ang mga
likas na yaman na nasa iyong kapaligiran?
A. Ako ay mangunguha ng mga gulay, halaman at prutas sa kapaligiran upang
mayroon kaming pandagdag na pagkain.
B. Maari akong magtanim ng mga halaman sa aming bakuran at pag lumago ay
ibebenta ang mga ito sa mga taong mahilig sa halaman.
C. Ang mga bakanteng lupa ay maaring kong pagtamnan ng gulay nang sa gayon
ay may pandagdag na mapagkukunan ng pagkain.
D. Aalagaan ko ang mga halaman sa kapaligiran upang mayroong kaming
malanghap na sariwang hangin at maiwasan ang sakit na dulot ng Covid 19.
5. ipinakilala ng pamahalaang Lapu-Lapu City ang syudad bilang “Historic Resort City” of
the Philippines. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng syudad?
A. Makatutulong ang pagpapakilalang ito upang makatawag-pansin sa mga turista
na puntahan ang mga makasaysayang lugar at dalampasigan ng Lapu-Lapu
City, dahilan ng pag unlad ng turismo.
B. Magkakaroon na ng pangalan at tatak ang Lapu-Lapu City na maaring
ipagmalaki ng mga Oponganon.
C. Maliit lamang ang maitutulong nito sa ekonomiya ng Lapu-Lapu City dahil
mayroon pang mapagkukunan ng kita para madagdagan ang kabang-yaman ng
syudad.
D. Walang epekto sa ekonomiya ang katawagang “Historic Resort City” ng Lapu-
Lapu City dahil tanyag na ang lugar sa mgagandang tanawin.
Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: ALAM KO NA!
Panuto: Isulat sa ibaba ang mga makabuluhang natutunan mo sa araling tinalakay ng
modyul.
EXIT VISA YOUR REALIZATION
Task: 3-2-1 chart Task: Share it to us!
Marami ka na bang natutunan sa
Congratulations! Malugod at ikina-
modyul na ito? Tingnan at alamin gagalak namin ang iyong matagumpay at
natin sa pamamagitan nitong 3-2-1 makabuluhan na pagsagot sa modyul na
chart. ito.
Nagkaroon ka na ng sapat na kaalaman
3 pinakamagandang natutunan ko tungkol sa paksa at aralin ng modyul na
1. ____________________________ ito at makatutulong ang iyong pag-
2. ____________________________ unawa sa magiging desisyon mo sa
3. ____________________________ totoong buhay.
Ibahagi ang iyong personal na mga ideya
2 nakakuha ng aking atensyon sa mga sumusunod:
1. _____________________________
Natutunan ko na _______________
2. _____________________________
Napagtanto ko na _______________
1 gusto ko pang matutunan at alamin
1. _____________________________ Gagamitin ko ito sa _____________
12
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: DESISYON MO, PAKINABANG KO
Panuto: Suriin ang dalawang larawan. Ilahad sa loob ng 5 hanggang 10
pangungusap ang iyong saloobin tungkol sa kapakinabangang naidudulot ng mga
nasa larawan. Gawing gabay ang tanong sa ibaba:
A. Maagagandang Inprastruktura at
Kalakalan
13
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa,
Noel P. Miranda and Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan-Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon. DepEd-IMCS, Pasig City, Philippines. Vibal
Group, Inc.
Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 420-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
14