Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Agosto 21, 2021

HON. NILO ASINAS


Punong Barangay ng Labasan
Bongabong, Oriental Mindoro

Hon:
Ang College Student Council (CSC) ay ang pinakamataas at isa sa mga kinikilalang
organisasyon na binubuo ng mga lider-estudyante ng Mindoro State University –
Bongabong Campus. Sila ay naglalayong magsagawa ng mga programa at maglunsad
ng mga proyekto na makatutulong sa kapwa estudyante at maging sa mga komunidad
gaya ng Barangay Labasan.
Sa darating na Linggo, ika-22 ng Agosto 2021, ang nasabing organisasyon kasama ang
Alpha Phi Omega (APO) Nu Nu Chapter at ang Provincial Mobile Force Company
(PMFC) ay magsasagawa ng Coastal Clean-up at Feeding Program sa nasabing
barangay sa ika-6:30 ng umaga.
Kaugnay nito, kami po ay humihingi mula sa inyong tanggapan ng permiso upang
maisagawa ng maayos ang nabanggit na mga aktibidad.
Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon at pakikiisa. Maraming salamat
po.

Lubos na gumagalang,

MAICHO M. VISCA
Pangulo, College Student Council

You might also like