Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

10 Edukasyon

10 sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga
sa
Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Pagpapakatao
Unang Markahan
Dignidad
EsP10MP-If-4.1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-10 Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaringmagkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Manunulat : Marianne P. Samonte at Andrea P. Mateo
Editor : Karen G. Roca
Tagasuri : Yancy M. Mateo
Tagaguhit : Marianne P. Samonte at Andrea P. Mateo
Dibuhista : Marianne P. Samonte at Andrea P. Mateo

Management Team
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS – EsP
Joannarie C. Garcia Librarian II

Department of Education, Schools Division of


Bulacan Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
10
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Mga Yugto ng Makataong Kilos at
Mga Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya
EsP10MK-IIf-7.4
EsP10MK-IIg-8.1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral
na Pagpapasya

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul.
.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng arting kamay , tayo ay matuto, lumikha at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag- aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa
iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

2
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.Huwag lalagyan ng anumang marka o


sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi: Kaya mo ito!

3
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawain na magpapaunlad ng inyong
kakayahan tungkol sa paksang “Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya”. Ito ay makatutulong sa iyo upang masuri mong mabuti ang iyong sariling kilos
at pasiya at makagawa ng plano upang maitama ang mga ito kung ikaw ay nagkamali.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang makakagawa tayo ng mga mabubuting


pagpapasiya ayon sa mga yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na
pagpapasiya.

Subukin
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

______1. Ito ay proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng
mga bagay.
a. mabuting pagpapasiya c. masusing pag-iisip
b. matalinong paghuhusga d. malalim na pagninilay
______2. Siya ang nagsabi na mula ng magkaroon ng isip ang tao hanggang kamatayan ay
gumagawa siya ng pagpapasya.
a. Aristoteles c. Socrates
b. Sto. Tomas de Aquino d. Fr. Neil Sevilla
______3. Sa mga isinasagawang pagpapasiya, ito ay nararapat na bigyan ng sapat na
______.
a. panahon b. lakas c. pag-iisip d. kilos
______4. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang
plano ng Diyos sa atin.
a. pananalangin b. pagninilay c. pagsisimba d. pamamanata
______5. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot ng ating
mga pasiya?
a. dahil magdudulot ito ng kasigurohan sa kaniyang pagpili
b. dahil maaaring marami ang maapektuhan ng iyong desisyon
c. dahil magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay
d. dahil bawat kilos ay may dahilan, batayan at pananagutan
______6. Bakit kailangang hindi minamadali ang pagpapasiya ng isang tao?
a. upang magsilbing gabay sa buhay
b. upang mapagnilayan niyang mabuti ang bawat panig ng kaniyang pagpipilian
c. upang magkaroon ng mahabang oras ng pagpapahinga at pagkokondisyon
d. upang matapos muna niya ang kaniyang mga gawain bago magpasiya
______7. Alin sa sumusunod ang unang hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos.
b. Tingnan ang kalooban.
c. Magkalap ng patunay.
d. Isaisip ang mga posibilidad.

4
______8. Kung sa iyong pagpapasiya ay naghahanap ka ng mga tao o impormasyong
makakapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang desisyon, anong
bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang ginagawa mo?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Magkalap ng patunay. d. Magsagawa ng pasiya.
______9. Sa tuwing haharap si Anna sa mga mabibigat na pagsubok at kailangang
magpasiya, lagi niyang itinatanong sa kaniyang sarili kung magiging masaya ba siya
sa kalalabasan nito. Anong hakbang sa moral na pagpapasiya ang tinutukoy ng
ginagawa ni Anna.
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Tingnan ang kalooban. d. Magsagawa ng pasiya.
______10. Ito ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng pasiya.
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Magtiwala sa tulong ng Diyos.
b. Magkalap ng patunay. d. Magsagawa ng pasiya.
______11. Sa pagkakataong nahaharap si Romelyn sa paggawa ng mabigat na desisyon,
lagi niyang tinatanong sa sarili kung ito ba ang nais ng Diyos para sa kaniya
at kung naaayon ba ito sa Kaniyang kautusan. Anong hakbang ito sa moral na
pagpapasiya?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Magkalap ng patunay. d. Magtiwala sa tulong Diyos.
______12. Nakapulot ng cellphone ang magkaibigang Let at Beth. Sabi ni Let na huwag ng
ibalik ang cellphone sa may-ari dahil wala namang nakakita sa kanila nang
mapulot nila ito. Magagamit din daw nila ito sa online classes. Pinag-isipang
mabuti ni Beth kung tama ba o mali ang kanilang gagawin at ang magiging epekto
nito sa kanila at sa taong nawalan ng cellphone. Anong proseso ng moral na
pagpapasiya ang ginamit ni Beth?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Magkalap ng patunay. d. Magsagawa ng pasiya.
______13. Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Isa na roon si Jose.
Hindi pa rin nila nakukuha ang ayudang galing sa barangay. Isang araw, nagpunta
si Jose sa tindahan ng mga karne. Dahil sa gutom at awa na rin sa kaniyang asawa
at anak, pasikretong kumuha ng isang plastic ng hotdog at tapa si Jose. Kung kayo
si Jose, gagawin n’yo rin ba ang kaniyang ginawa?
a. Oo dahil kawawa naman ang aking anak.
b. Oo, dahil mabuti naman ang aking layunin, nagawa ko iyon para di magutom
ang aking anak.
c. Hindi, magpupunta ako ng barangay para hingin ang aming ayuda.
d. Hindi, dahil masama ang magnakaw at marami pang pwedeng gawin para
kumita ng pera.
______14. Nais ni Ramon na mapasama sa Top Ten ng kanilang klase upang mapasaya ang
kaniyang mga magulang na doble-kayod sa paghahanapbuhay para sa kaniyang
pag-aaral. Kaya naman, palagi siyang nag-aaral ng kaniyang mga aralin. Subalit
hindi nakapag-aral ng leksyon si Ramon dahil nagkasakit ang kaniyang ina at may
pagsusulit kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Ramon?
a. Kumopya sa kaklase upang makapasa, minsan mo lang naman ito gagawin.
b. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan, ayos lang na bumagsak naging
tapat ka naman.

5
c. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan at bumawi na lamang sa mga
susunod na pagsusulit.
d. Magsabi sa guro na nagkasakit ang iyong ina at di na nakapag-aral ng leksiyon
at kung maaari kang kumuha ng pagsusulit sa ibang araw.
_____15. Inaya si Lyn ng kaniyang mga kamag-aral na mag-night swimming. Sinabi nila na
ang ipagpapaalam sa magulang ay may tatapusin kayong proyekto na dapat ipasa
kinabukasan. Kung ikaw si Lyn, sasama ka ba o hindi?
a. Sasama ako, minsan lang naman at kasama ko naman ang aking mga kaibigan.
b. Sasama ako at mangangako sa sariling di na uulitin.
c. Hindi ako sasama, maaari akong magkasakit pag naligo sa gabi.
d. Hindi ako sasama, hindi maganda ang magsinungaling.

Balikan

Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang matukoy ang inilalarawan ng mga
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Yugto ng makataong kilos kung saan pumapasok ang malayang pagpapasiya at nag-
uutos ang kaniyang isip na gawin ang dapat.

I G L P
A P I

2. Ang pagnanais na magkaroon ng cellphone ay tumutukoy sa anong yugto ng makataong


kilos?
A L U
Y I N N

3. Kilos na ginagamitan ng isip at kilos loob.

K L I O S G
M N O T A K A
________________________

4. Nahahati sa dalawang kategorya ang mga yugto ng makataong kilos. Ang kategoryang ito
ay binubuo ng layunin, paghuhusga, pagpili, paggamit at bunga.

L O S K I
O L O B
________________________
5. Ayon sa kaniya may kaniyang pagkakasunud-sunod ang pagsasagawa ng makataong
kilos.
M T M H O S
Q I N O A U
________________________

6
Tuklasin

Panuto: Basahing mabuti ang mga situwasyon. Isipin na kayo ang pangunahing tauhan.
Sagutin kung ano ang inyong magiging pasiya sa bawat bilang. Ipaliwang ang sagot.

1. May buwanang pagsusulit kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao ngayong araw. Hindi ka


nakapag-review ng iyong aralin. Hindi ka na maaaring bumagsak sa pagsusulit na ito sapagkat
hindi ka rin nakapagpasa ng proyekto. Makaaapekto ito sa iyong marka dahil ikaw ay honor
student. Ano ang iyong gagawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Madalas kang mapagsabihan ng iyong guro dahil palagi kang nahuhuli sa klase. Kinausap
ka ng iyong guro na kapag muli ka pang nahuli sa pagpasok ay ipapatawag na ang iyong
magulang sa paaralan. Ayaw mo na mangyari ito sapagkat siguradong malulungkot ang iyong
mga magulang dahil ikaw lamang ang pinag-aral sa inyong limang magkakapatid dulot na rin
ng kahirapan sa buhay. Isang araw, papasok ka na sa klase at ilang minuto na lang ay
mahuhuli ka na subalit may matandang humihingi sa iyo ng tulong na maitawid siya sa
kabilang kalsada. Ano ang iyong gagawin?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Napansin mo na hindi masyadong sumasama sa inyong lakad ang kaibigan mong si Jen.
Naisip mo na kausapin siya ng sarilinan upang malaman dahilan. Sinabi sa iyo ni Jen na
pasikreto silang nagkikita ng kasintahan ng isa n’yo pang kaibigan na si Rhea. Sa kabilang
banda, nagsasabi sa iyo si Rhea na nanlalamig na ang pakikitungo ng kaniyang kasintahan
sa kaniya. Ano ang iyong magiging pasiya?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7
Suriin

ARALIN MORAL NA PAGPAPASIYA

Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anomang
isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot
nito.

Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mag bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito
nakasalalay ang ating pagpili.

Ayon kay Fr. Neil Sevilla, pari ng isang parokya sa Bulacan, mula ng magkaroon ng isip ang
tao ay nagsasagawa na siya ng pagpapasiya araw-araw hanggang sapitin na niya ang
kamatayan.

Sa anomang isinasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat


na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat
panig ng isinasagawang pagpili. Sabi nga, makasampung ulit mong isipin bago ka gumawa
ng desisyon.

Mga Benepisyo ng Pagdedesisyon na Hindi Minadali

• Mas nakikita mo ang kalawakan ng situwasyon at mas naisasaayos mo ang desiyong


dapat gawin. Kapag nakikita mo ang isang situwasyon sa mas malawak na
perspektibo, mas nagiging kampante tayo na ang desisyong ginawa ay papabor sa
atin.
• Mga maliliit na detalye na lamang ang iyong babaguhin kung mayroon mang mga
bagay na dapat isaayos at pagtuunan ng pansin. Kapag ikaw ay nagmadali sa
pagdedesiyon, binibilisan mo ang ibang gawain at napapabayaan ang kalidad nito.
• Mas nakakakuha ka ng mahahalagang impormasyon na kakailanganin mo. Kung ito'y
mamadaliin mo, ang impormasyong magagamit mo lamang ay ang mga bagay na
natutuhan mo o naranasan mo sa nakaraan. Dahil marami kang impormasyon, marami
ka ring maaaring pagpilian at kung ano ang sa tingin mong mas makabubuti sa iyo ay
iyon ang sundin.
• Dahil hindi mo minadali ang pagdedesisyon, hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong
desisyon at buo ang iyong loob na ang resulta nito ay makabubuti sa iyo at sa iba pa.

8
Mga Hakbang Sa Moral na Pagpapasiya

1. Magkalap ng patunay. Sa unang hakbang ay nararapat na masagot mo ang sumusunod


na tanong:

a. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang


makagawa ng mabuting pasiya?
b. Ano ang nangyayari sa situwasyon?
c. Bakit ito nangyari?
d. Sino-sino ang mga taong kasali o kasangkot?
e. Bakit sila napasali sa situwasyon?
f. Saan nangyari ang situwasyon?

2. Isaisip ang posibilidad. Mahalaga na tingnang mabuti ang mga kalalabasan ng iyong
pagpapasiya at ang mga maaaring maging epekto nito sa
iyong sarili at ibang tao.

3. Maghanap ng ibang kaalaman. Hindi sa lahat ng oras o


pagkakataon ay alam natin ang mabuti. Kailangan maghanap
pa rin tayo ng magagandang kaalaman o magtanong sa ibang
tao na mas marami ang karanasan kaysa sa atin.

4.Tingnan ang kalooban. Tayahin ang iyong kalooban


tungkol sa situwasyon at suriin ang sinasabi ng iyong
konsensya. Anomang pasiya ang iyong gagawin, kailangan
na ikaw ay magiging masaya.

5.Umasa at magtiwala sa
tulong ng Diyos. Sa pamamagitan
ng panalangin, tumawag tayo sa Diyos sa mga oras na dapat
tayong gumawa ng pagpapasiya sapagkat siya lamang ang
nakaaalam ng kung anong mabuti para sa atin. Ang pagdarasal
ang ating magiging gabay upang maging mabuti ang ating
pagpapasiya at magsisilbing lakas sa panahon tayo ay
nahaharap sa mahirap na situwasyon.

6. Magsagawa ng Pasiya. Dito magsasagawa ka na ng


pagpapasiya. Ang sumusunod na katanungan ay
makakatulong kung nalilito o nagdadalawang isip ka sa iyong
pasiya upang mapag-aralan mong muli ang iyong pasiya.

a. Bakit iyon ang iyong pinili?


b. Masaya ka ba sa desisyon mo?
c. Ito ba ay batay sa moral na pagpapasiya?

Tandaan:
• Kailangan natin ng gabay ng Diyos sa bawat pagpapasiyang gagawin sa araw-
araw.
• Kailangan ng sapat na panahon sa paggawa ng desisyon. Ang mga taong
nagsasagawa ng mga pagpapasiya ng hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi
nabibigyan ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad na maging hindi
maganda ang resulta ng kaniyang pagpapasiya.

9
Pagyamanin

May natutunan ka ba sa ating aralin? Naunawaan mo na ba ang mga kakayahan


mo bilang tao upang magkaroon ng mabuting pagpapasiya? Nasiyahan ka ba nang
malaman mo ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya? Napatunayan mo na ba na sa
iyong mabuting pagpapasiya ay makakabuting laging isaalang-alang o isama ang Diyos
sa iyong pagdedesisyon? Sa iyong palagay, handa ka na bang ibahagi ang iyong mga
natutuhan sa iyong kapuwa?
Sa bahaging ito, inaasahan na matapos mo ang mga gawaing makatutulong upang
higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kasalukuyang aralin.
Halika, pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin! Humanda
na, kunin na ang iyong panulat at tayo nang magsimula sa mga gawain!

Pang-isahang Gawain I
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang kung ito ay nagsasaad ng tamang
pagpapasiya at kung hindi.

1. Bilang mag-aaral sa ika-sampung baitang, kahit pandemya pinili mo pa ring


mag-aral. Sa pagsasagot ng modyul sa inyong tahanan at walang gurong
nakakakita ay pilit mo pa ring inaaral ang mga aralin ng mag-isa at hindi
nangongopya sa inyong kamag-aral sa group chat dahil alam mong walang
mabuting maidudulot ang pangongopya.
2. Si Ivana ay naiwan ng kaniyang magulang kasama ang nakababatang
kapatid. Sa oras ng tanghalian ay nagluto siya ng pagkain at naisip ni Ivana na
dahil wala ang kaniyang magulang kaya isang hotdog lang ang ibinigay niya
para sa kapatid at tatlong hotdog ang sa kaniya. Natutuwa si Ivana sapagkat
hindi naman magsusumbong ang kaniyang nakababatang kapatid.
3. Oras ng recess, dahil sa sabay-sabay kayong bumibili ng turon sa kantina
ay napansin mong sobra ang naisukli sa’yo. Hindi ka nag-dalawang isip na
ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
4. Gusto mong ilibre ang girlfriend mo dahil monthsary ninyo at dahil ikaw ay
isang estudyante pa lamang ay wala kang sobrang pera para magawa ito. Kaya
naman napagdesisyunan mong humingi ng pera sa magulang mo, nagdahilan
ka na mayroon kayong proyektong lulutuing pagkain sa Cookery.
5. Nakita mong binilhan ng bagong cellphone ang kaibigan mo. Online class
ang pinili mo sapagkat gusto mong magpabili ng bago at usong cellphone sa
magulang mo at para may ipakita na may bago ka ring cellphone.

10
Pang-isahang Pagsubok I

Panuto: Lagyan ng ang mga kailangang gawin upang sa paggawa ng desisyon ay


magbubunga ito ng magandang resulta. Hayaang walang sagot ang mga gawaing hindi
makatutulong upang makagawa ng maayos na pagpapasiya.

______1. Mag-isip mabuti, bigyan ito ng sapat na panahon o oras.


______2. Magdasal at magtiwala sa Diyos.
______3. Isawalang bahala ang problema.
______4. Uminom ng alak upang panandaliang makalimot sa suliranin.
______5. Mag-post ng personal mong problema sa facebook o kahit anong social media
account.
______6. Humingi ng tulong kay Tulfo para makita at sumikat sa telebisyon.
______7. Lumapit sa magulang o kapamilya dahil sila ang lubos na makakatulong sa iyo.
______8. Pumunta sa Quiapo para magpahula ng gagawin mo upang masolusyunan ang
problema.
______9. Umiyak at magmukmok sa isang tabi.
______10. Sa lahat ng pagkakataon ay humingi ng gabay sa Diyos.

Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Piliin ang sagot mula
sa kahon sa ibaba.

Tignan ang kalooban Magkalap ng patunay


Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
Magsagawa ng Pasiya Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman

6.

5.

4.

3.

2.

1.

11
Pang-isahang Pagsubok 2

Panuto:Pagtatapat-tapatin. Basahin ang bawat sitwasyon at isulat kung anong hakbang sa


moral na pagpapasiya ang isinasagawa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
Hanay A Hanay B
____1. Binabalikan ang pangyayari, saan nagpunta,
sino-sino ang mga taong nakasalamuha. a. Isaisip ang posibilidad
____2. Iniisip na ipagtapat ang tunay na nararamdaman,
tulad ng lagnat, pagsakit ng lalamunan at nawawalan ng
panlasa para malunasan at hindi na makahawa pa. b. Tignan ang kalooban
____3. Pumunta sa Baranggay Health Center o c. Maghanap ng ibang
malapit na ospital para magpacheck-up dahil sila kaalaman
ang lubos na may kaalaman sa iyong nararamdaman.
____4. Dahil sa iyong konsensiya ay ipinagtapat mo
na ikaw ay umalis ng bahay na walang face shield at d. Magkalap ng patunay
alkohol, at malimit mo ring tanggalin ang iyong face mask.
____5. Tumawag sa Panginoon na sana ito ay
pangkaraniwang lagnat lamang. e. Magsagawa ng pasiya
____6. Nalaman mong ito ay karaniwang lagnat lamang
kaya nagpagaling ka, nanatili sa loob ng bahay, lalabas f. Umasa at magtiwala
na lamang kung kinakailangan at susunod na sa safety sa tulong ng Diyos
protocols.

Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Punan ang nawawalang letra sa puzzle
upang mabuo ang aralin sa moral na pagpapasiya.

1. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating
pagpili.

M B I G P G P S A

2. Sa anomang isinasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat


na _____________.
N O N

3. Kailangan natin ng gabay ng ________ sa bawat pagpapasiyang gagawin sa araw-araw.

O S

12
4. Sinong pari sa isang parokya sa Bulacan ang nagsabi ng “mula ng magkaroon ng isip ang
tao ay nagsasagawa na siya ng pagpapasiya araw-araw hanggang sapitin na niya ang
kamatayan”?

I L I L A

5. ______ ang ating magiging gabay upang maging mabuti ang ating pagpapasiya at
magsisilbing lakas sa panahong tayo ay nahaharap sa mahirap na situwasyon.

G D S L

Pang-isahang Pagsubok 3

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap batay sa moral na pagpapasiya. Isulat
ang GAGAWIN KO kung tama ang isinasaad at HINDI KO GAGAWIN kung mali.

____________________1. Kung gagawa ako ng isang pagpapasiya dapat tingnan ko


munang mabuti ang mga pangyayari o sitwasyon upang hindi ako makakasakit ng damdamin
ng iba.

____________________2. Mahalaga na kung gagawa ako ng pagpapasiya ay alamin ko


muna ang pinakamabuting solusyon, dapat ay pinag-iisipan ko itong mabuti, at kung alam
kong iyon na ang pinakamabisang solusyon ay huwag akong matakot na ipahayag ito
sapagkat alam kong ito ang tama.

____________________3. Kung haharap ako sa isang situwasyong kailangan kong


magpasiya, hindi ako mahihiyang humingi ng tulong sa iba, lalo na sa mga taong alam kong
sanay na sa mga ganoong klaseng situwasyon. Mas makabubuti iyon sapagkat siguradong
makagagawa ako ng isang mabuting pagpapasiya na makakatulong ng malaki sa iba at para
sa sarili ko.

____________________4. Kung gagawa ako ng isang pagpapasiya dapat ay maging patas


ako, wala akong dapat kinikilingan, titignan ko ang lahat ng mga posibleng mangyari,
makikinig ako sa katuwiran ng bawat isa.

____________________5. Ang pag-iisip ng solusyon at pagkalap ng impormasyon ay


nakakaubos ng oras at panahon, kaya’t kailangang madaliin ang pagpapasiya.

13
Isaisip

Panuto: Tukuyin ang maling pagpapasiya na ipinakikita sa situwasyon. Isulat ang mga ito sa
kahon at sagutan ang mga tanong ukol dito.

1. Isulat ang maling ginawa ni Loki.


_____________________________
Dulot ng pandemic na Covid 19
_____________________________
hindi pinahihintulutan ng DepEd ang
_____________________________
pisikal na pagpasok ng mag-aaral sa
_____________________________
paaralan. Nag-iisip si Loki, isang mag-
aaral sa ika-sampung baitang, kung siya
2. Nagpakita ba si Loki ng pag-iisip
ay mag-aaral sa pamamagitan ng
ng tamang desisyon? Bakit?
modular o online class. Pinili ni Loki ang _____________________________
online class bagamat alam niya na wala _____________________________
silang kakayahan para dito. Iniisip at _____________________________
nangako na sisipagin siya at mag-aaral
_____________________________
mabuti. Kaya ang magulang nito ay 3. Kung ikaw si Loki, gagawin mo rin
nanghiram ng pera para bumili ng ba ang pagpapasiyang ginawa niya?
cellphone na gagamitin para sa online Bigyang katuwiran.
class. Madalas din na manghingi ng _____________________________
panload at ang dinadahilan niya ay _____________________________
gagamitin ito para sa Google meet at _____________________________
Google classroom. Lingid sa kaalaman _____________________________
ng mga magulang ni Loki na mas 4. Bakit kailangang magpasiyang
madalas niya itong gamitin para sa online mabuti? Nakatutulong ba ito sa isang
games tulad ng Mobile Legends. kabataang katulad mo? Bakit?
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

14
Isagawa

Panuto: Balikang muli ang mga hindi mo makakalimutang situwasyon sa iyong buhay at
isulat ang hinihingi sa bawat hanay.

Situwasyon na nagsagawa Kilos na isinagawa Epekto ng Mga natutuhan sa


ng pasiya sa buhay isinagawang pangyayari
pasiya
Sa magulang

Sa kapatid

Sa kaibigan

Sa paaralan

15
Tayahin
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

______1. Ito ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng pasiya.


a. Isinasaisip ang posibilidad c. Magtiwala sa tulong ng Diyos
b. Magkalap ng patunay d. Magsagawa ng pasiya
______2. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang
plano ng Diyos sa atin.
a. pananalangin b. pagninilay c. pagsisimba d. pamamanata
______3. Inaya si Lyn ng kaniyang mga kamag-aral na mag-night swimming. Sinabi nila na
ang ipagpapaalam sa magulang ay may tatapusin kayong proyekto na dapat ipasa
kinabukasan. Kung ikaw si Lyn, sasama ka ba o hindi?
a. Sasama ako, minsan lang naman at kasama ko naman ang aking mga kaibigan
b. Sasama ako at mangangako sa sariling di na uulitin.
c. Hindi ako sasama, maaari akong magkasakit pag naligo sa gabi.
d. Hindi ako sasama, hindi maganda ang magsinungaling.
______4. Nakapulot ng cellphone ang magkaibigang Let at Beth. Sabi ni Let na huwag ng
ibalik ang cellphone sa may-ari dahil wala namang nakakita sa kanila nang mapulot
nila ito. Magagamit din daw nila ito sa online classes. Pinag-isipang mabuti ni Beth
kung tama ba o mali ang kanilang gagawin at ang magiging epekto nito sa kanila
at sa taong nawalan ng cellphone. Anong proseso ng moral na pagpapasiya ang
ginamit ni Beth?
a. Isinasaisip ang posibilidad c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Magkalap ng patunay d. Magsagawa ng pasiya
______5. Bakit kailangan hindi minamadali ang pagpapasiya ng isang tao?
a. upang magsilbing gabay sa buhay
b. upang mapagnilayan niyang mabuti ang bawat panig ng kanIyang pagpipilian
c. upang magkaroon ng mahabang oras ng pagpapahinga at pagkokondisyon
d. upang matapos na muna niya ang kanIyang mga gawain bago magpasiya
______6. Ito ay proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng
mga bagay.
a. mabuting pagpapasiya c. masusing pag-iisip
b. matalinong paghuhusga d. malalim na pagninilay
______7. Alin sa sumusunod ang unang hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos. c. Magkalap ng patunay.
b. Tingnan ang kalooban. d. Isaisip ang mga posibilidad.
______8. Siya ang nagsabi na mula ng magkaroon ng isip ang tao ay gumagawa na siya ng
pagpapasiya hanggang bago niya sapitin ang kanyang kamatayan.
a. Aristoteles c. Socrates
b. Sto. Tomas de Aquino d. Fr. Neil Sevilla
______9. Sa mga isinasagawang pagpapasiya, ito ay nararapat na bigyan ng sapat na
______.
a. panahon b. lakas c. pag-iisip d. kilos

16
______10. Nais ni Ramon na mapasama sa Top Ten ng kanilang klase upang mapasaya ang
kaniyang mga magulang na doble-kayod sa paghahanapbuhay para sa kaniyang
pag-aaral. Kaya naman, palagi siyang nag-aaral ng kaniyang mga aralin. Subalit
hindi nakapag-aral ng leksyon si Ramon dahil nagkasakit ang kaniyang ina at may
pagsusulit kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Ramon?
a. Kumopya sa kaklase upang makapasa, minsan mo lang naman ito gagawin
b. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan, ayos lang na bumagsak naging
tapat ka naman.
c. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan at bumawi na lamang sa mga
susunod na pagsusulit.
d. Magsabi sa guro na nagkasakit ang iyong ina at di na nakapag-aral ng leksiyon
at kung maaari kang kumuha ng pagsusulit sa ibang araw.
______11. Sa tuwing haharap si Anna sa mga mabibigat na pagsubok at kailangang
magpasiya, lagi niyang itinatanong sa kaniyang sarili kung magiging masaya ba
siya sa kalalabasan nito. Anong hakbang sa moral na pagpapasiya ang tinutukoy
ng ginagawa ni Anna?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Tingnan ang kalooban. d. Magsagawa ng pasiya.
______12. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot ng ating
mga pasiya?
a. dahil magdudulot ito ng kasigurohan sa kaniyang pagpili
b. dahil maaaring marami ang maapektuhan ng iyong desisyon
c. dahil magsisilbing gabay sa pang-araw araw na buhay
d. dahil bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
______13. Sa pagkakataong nahaharap si Romelyn sa paggawa ng mabigat na desisyon,
lagi niyang tinatanong sa kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos para sa
kaniya at kung naaayon ba ito sa Kaniyang kautusan. Anong hakbang ito sa moral
na pagpapasiya?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Magkalap ng patunay. d. Magtiwala sa tulong ng Diyos.
______14. Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Isa na roon si Jose.
Hindi pa rin nila nakukuha ang ayudang galing ng barangay. Isang araw, nagpunta
si Jose sa tindahan ng mga karne. Dahil sa gutom at awa na rin sa kaniyang asawa
at anak, pasikretong kumuha ng isang plastik ng hotdog at tapa si Jose. Kung kayo
si Jose, gagawin nyo rin ba ang kaniyang ginawa?
a. Oo, dahil kawawa naman ang aking anak.
b. Oo, dahil mabuti naman ang aking layunin, nagawa ko iyon para di magutom
ang aking anak.
c. Hindi, magpupunta ako ng barangay para hingin ang aming ayuda.
d. Hindi, dahil masama ang magnakaw at marami pang pwedeng gawin para
kumita ng pera.
______15. Kung sa iyong pagpapasiya ay naghahanap ka ng mga tao o impormasyong
makakapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang desisyon, anong
bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang ginagawa mo?
a. Isinasaisip ang posibilidad. c. Maghanap ng ibang kaalaman.
b. Magkalap ng patunay. d. Magsagawa ng pasiya.

17
Karagdagang Gawain

Sa huling bahaging ito ng modyul, marahil ay lubos mo nang nauunawaan ang ating
aralin. Napatunayan mo na kailangan natin ng gabay ng Diyos sa bawat pagpapasiyang
gagawin natin araw-araw at sapat na panahon at mga susunding hakbang para sa moral na
pagpapasiya. Narito ang ilang pagkakataon na maipakita mo sa pamamagitan ng bawat
speech balloon ang iyong natutuhan. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pahayag kung ikaw ay mahaharap sa ganitong usapan o situwasyon.

Kaibigan bukas na lang _____________________


tayo magsagot ng modyul, _____________________
maglaro muna tayo ng ML _____________________
hindi naman malalaman _____________________
ng ating guro na hindi ka _____________________
nagsasagot ngayong oras. _____________________
Pagkatapos natin mag-ML _____________________
kumopya tayo ng sagot sa _____________________
klasmeyt natin. Tara na, _____________________
laro na tayo ! _____________________
_____________________
_____________________

Ang tagal na nating


walang gala dahil sa
__________________
Covid. Bukas na ang
__________________
Walter, tara pumunta
__________________
tayo, paalam ka
__________________
sabihin mo may
__________________
bibilhin tayo para sa
__________________
proyekto natin sa
__________________
Science.
__________________
_____

18
19
Subukin: Pagyamanin:
1. a Pang-isahang Gawain 1: Pang isahang Gawain 2
2.d
3.a
4.a
5.d
6.b 1.
7.c
8.c 2.
9.b
10.d
11.d 3.
12.d
13.d 4.
14.d
15.d
5.
Balikan:
Pang-isahang Pagsubok 1: Pang-isahang Pagsubok 2
1. PAGPILI
2.LAYUNIN d. 1.
3.MAKATAONG a. 2.
KILOS
c. 3.
4.KILOS-LOOB
5. THOMAS b. 4.
AQUINO f. 5.
e. 6.
Tuklasin:
Pang-isahang Gawain 3:
( Maaaring
magkakaiba ang
mga sagot. )
Isaisip:
( Maaaring magkakaiba ang mga sagot. )
Pang-isahang
Isagawa: Pagsubok 3:
Tayahin:
( Maaaring magkakaiba ang mga sagot. ) GAGAWIN KO 1.
GAGAWIN KO 2.
1.d 6.a 11.b
GAGAWIN KO 3.
2.a 7.c 12.d
Karagdagang Gawain: GAGAWIN KO 4.
3.d 8.d 13.d
HINDI KO
4.a 9.a 14.d
( Maaaring magkakaiba ang mga sagot. ) GAGAWIN 5.
5.b 10.d 15.c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Brizuela, Mary Jean et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Kagamitan ng mga Mag-aaral
Pasig City. Unang Edisyon, 2015

Mcleod, Saul (2013) Simply Pyschology. Kohlbergs Stages of Moral Development. Retrived
from https://www.simplypsychology.org/kohlberg.html

Brainly. Bakit Mhalaga na Mabigyan ng Sapat na Panahon ang Pagpapasiya. Retrieved from
https://brainly.ph/question/457735

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

21

You might also like