Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUOD NG BIAG NI LAM-ANG

Sina Don Juan at Namongan ay mag asawang naninirahan sa Nalbuan. Mayroon silang isang anak na
lalaki na nagngangalang Lam-ang. bago ipanganak si Lam-ang, umalis at nagpunta sa bundok si Don Juan
upang sugurin ang mga kalabang Igorot.

Wala pang siyam na buwang nasa sinapupunan ay ipinanganak na si Lam-ang. Pagkalabas na pagkalabas
ni Lam-ang ay agad na itong nakakapagsalita. Sinabi niya sa kanyang ina na “Lam-ang” ang ipangalan sa
kanya at siya na rin ang pumili ng magiging ninong niya sa oras na siya ay binyagan.

Nagtanong si Lam-ang sa kanyang ina kung nasaan ang kanyang ama dahil sa mga oras ng siya ay
ipinanganak wala sa tabi niya ang kanyang ama. Nang sinabi ni Namongan kung saan naroroon si Don
Juan, nagpasya si Lam-ang na puntahan ang kanyang ama ngunit ayaw itong payagan ng kanyang ina.
Nagpulit itong umalis kaya wala pa ring nagawa si Namongan.

Habang naglalakbay si Lam-ang sa kabundukan ay nagpasya itong magpahinga muna hanggang sa ito’y
makatulog. Habang siya ay natutulog, napanaginipan niyang ay nangyaring masama sa kanyang ama
kaya dali-dali itong kumilos at natungo sa kuta ng mga Igorot. Nang siya’y makarating doon, nakita niya
ang pugot na ulo ni Don Juan. Sa sobrang galit nito, naghiganti at pinagpapatay niya ang mga Igorot.
Nagtagumpay si Lam-ang.

Habang papauwi na si Lam-ang sa Nalbuan, naligo naman muna ito sa Ilog ng Amburaya sa tulong ng
ilang kababaihan na nadoon din sa ilog na’yun. Sa sobrang dumi ni Lam-ang, namatay lahat ng isda sa
ilog at nagpuntahan naman sa pampang ang iba pang lamang ilog.

Nang makarating ito sa Nalbuan, ipinahanda niya ang kanyang magagarang damit dahil pupuntahan nito
si Doña Ines Cannoyan. Bago ito umalis ay ipinahalalanan ito ng kanya ina na maraming maliligaw si Ines.
Habang papunta si Lam-ang sa Calanutian, nakasalubong nito ang isang kaaway, si Sumarang. Si
Sumarang ay isa sa manliligaw ni Ines. Habang nagkakaroon ng diskusyong sa pagitan ng dalawa, sumilip
naman si Ines mula sa bintana upang tingnan ang kanyang mga manliligaw. Pagkatapos ng paghaharap
ni Lam-ang at Sumarang dumiretso si Lam-ang sa bahay ni Ines Cannoyan. Nag usap sina Lam-ang at ang
mga magulang ni Ines. Napagpasyahan ng magulang ni Ines na papayag lang silang pakasalan ni Lam-ang
si Ines kung magbibigay siya ng kasing pantay ng yaman ng mga magulang ni Ines. Hindi naman nag
alinlangan si Lam-ang at pumayag ito.

Pagkauwi ni Lam-ang sa Nalbuan, sinabi niya sa kanyang ina na ikakasal na siya kay Ines. Pagkatapos ng
kasal nila, naatasan naman si Lam-ang na sumisid ng isang uri ng lamang dagat o ‘rarang’. Bago pa man
gawin ni lam-ang iyon, napanaginipan niyang may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin siya sa
kanyang asawa na si Ines, na kapag ang hagdan ay umaga ng malakas at ang kusina ay nasira, ang ibig
sabihin lang nito ay may nangyaring masama na kay lam-ang.

Kinaumagahan, naghanda na si lam-ang para umalis. Pagkarating niya sa kanyang destinasyon ay agad
na itong nagtanggal ng damit at agad na sumisid. Nabigo siyang makakuha ng rarang sa unang
pagkakataon kaya sumubok ito ulit. Sa pangalawang pagkakataon, nakain na siya ng pating. Dahil sa
nangyari kay Lam-ang, nangyari din ang mga sinyales na binigay ni Lam-ang kay Ines.
Humingi ng tulong si Ines kay Marcos na isang maninisid para hanapin si lam-ang. Namatay si Lam-ang
pero nahanap ang mga buto nito at muling nabuhay sa tulong ni Marcos at ng Tandang.

You might also like