Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LESSON 1 2ND SEM FILIPINO

Pagbabasa, Pagsusuri at pagsusulat ng iba’t ibang uri ng teksto

Tekstong Deskriptibo
Naratibong Teksto
Tekstong Ekspositori
Tekstong Argumentatib-Persweysib

Tekstong Deskriptibo 
And deskriptibong teksto o deskripsiyon o paglalarawan ay naglalayong bumuo ng malinaw na
larawan sa isip ng mga mambabasa.

Kung ang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang makalikha ng isang
buhay na larawan para sa titingin ay gayon din ang manunulat. pumipiliang manunulat ng mga
salita iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng
mambabasa.

Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwan nang gamitin sa deskriptibong teksto. Maliwanag
at mabisang nailalarawan ng mga pang-uri at pang-abay ang ano mang bagay na nais ipamalas
sa iba.

Mga pangangailangan sa epektibong deskripsyon


1. Pagpili ng paksa
 Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Lalong mainam kung may kaugnayan sa
iyong kaalaman at hindi bago sa iyong paningin. Ang mga bagay na nakikita sa
araw-araw tulad ng ina, kapatid, guro, punong-kahoy, palengke, hayop na alaga
ay maaaring maging paksa ng mabisang paglalarawan.
2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
 Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook tao o pangyayaring inilarawan sa
nakikinig o bumabasa. Sa madaling sabi, ang kabuuan muna ang unang
nakikintal sa isipan, bago ang bahaging maliliit na nasasangkap sa kabuuan.
May kanya-kanyang katangian ang bawat bagay, tao, pook o ano mang
namamasid ng mga tao. Kung magmamasid ka sa isang silid, ang unang
kakintalang nabubuo’y ang kaayusan, karangyaan, kaguluhan, katahimikan o
kalinisan. Ito ang pangunahin o batayang larawan. Ito’y naipapahayag sa
unaham, sa gitna o sa hulihan.

3. Pagpili ng sariling pananaw o perspektibo 


 Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw. May sariling
pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang kinaroroonan na iba kaysa
taong nasa ibang panig naman. Dapat pumili ang manunulat ng sariling pananaw
at mula lamang doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao, o ang pangyayaring
kanyang tinatalkay. Subalit maaring magbago ng pananaw ang sino mang nais
maglarawan. Maaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa agwat o layo sa
bagay.
4. Kaisahan 
 Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliit na bahaging
maaring makita makita lamang mula sa pannaaw na napili ng naglalarawan.
5. Pagpili ng mga sangkap na isasama
 Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo sa pangunahing larawan ang dapat
isama. Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao, pook o
pangyayaring inilalarawan sa iba pang-uri nito

Dalawang Uri ng Deskripsyon


 Karaniwang Deskripsyon
o Pagbubuo ito ng malinaw nalarawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga
katanglang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng
kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at
damdamin ng naglalarawan.
 Masining na deskripsyon
o Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskripsyon. Hgit na nakikita ng
paningin ang maaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskrpsiyong masining.
Ito’y gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding
damdamin. Pinagaganda ito ng paggamit ng mga tayutay tulad ng talinghaga,
pagtutulad, pagwawangis, paglalarawang-tauhan at iba pa. isinaalang -alang din
dito ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat.

You might also like