Professional Documents
Culture Documents
Filipino6 Q2 Modyul4
Filipino6 Q2 Modyul4
FILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 4
Pagtatala sa mga Mahalagang
Datos Mula sa Tekstong Binasa
Pagtutukoy sa Paksa ng Tekstong Nabasa
Sa module na ito, ating pag-aaralan kung papaano alamin ang mga mahahalagang
datos sa binasang mga teksto, sanaysay o kuwento. Pag-aaralan rin natin kung papaano
malalaan ang paksa ng teksto na ating binasa.
PAGBIBIGAY NG PAKSA
Ang paksa ng isang akda ay tinatawag din na tema. Ito ay mahalaga sapagkat
ito ang nagmumulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng kilos ng
isang karakter sa kwento, nobela, o sanaysay sa kabuuang takbo ng kuwento. Ang ilan
sa mga pangkaraniwang tema na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda
ay: pagkamakabayan, pagmamahal sa kapwa, pananampalataya at pagkakaibigan.”
(Ellenettereyesdimas, 2020)
Bawat talata, sanaysay o kuwento man ay may sariling paksa. Kaya naman ito
ang ating pag-aaralan sa module na ito.
PAGHAHANAP SA PAKSA
Ang paksa ay karaniwang nahihinuha lamang matapos mong basahin ang
teksto. Ito ang ideyang pinag-uusapan sa bawat talata, sanaysay o kuwento. Hindi mo
agad ito malalaman kung hindi mo pa natapos basahin ang teksto. Subalit may mga
paksa ring nabubunyag na sa simula pa lamang ng mga talatang iyong nababasa.
Bawat talata ay may sarili ring paksa na nakatuon lamang sa iisang kaisipan. Ang
paksa ng bawat talata naman ang siyang bumubuo sa kabuuang paksa o tema ng
sanaysay o kuwentong kinabibilangan nito.
Ang paksa ng isang talata ay karaninwang naipapahayag sa unahang bahagi,
gitnang bahagi o maging sa hulihang bahagi ng bawat talata. Karaniwan itong
nasusulat sa isang pangungusap. Upang malaman mo ang paksa ng isang talata,
itanong sa iyong sarili: “Ano ba ang pinag-uusapan o pinatutungkulan ng talatang
ito?” Pag-aralan ang maikling talata sa ibaba at subukan mong alamin kung ano ang
paksa nito.
Mabait na bata si Don. Sa bahay, lagi niyang sinusunod ang lahat ng bilin ng kaniyang mga magulang. Hindi i
Matapos mong mabasa ang talata sa itaas, kaya mo bang sabihin kung ano ang
paksa nito? Ikumpara mo ang iyong sagot sa tamang sagot:
Paksa: Ang pagiging mabait ni Don
Paliwanag: Lahat ng mga katangiang binanggit sa talata ay tungkol sa
pagiging mabait ni Don.
Paksang Pangungusap: “Mabait na bata si Don”. (unahan ng talata)
Ngayon naman ay subukan nating alamin ang paksa ng sumusunod na talatang hango
sa isang sanaysay1:
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito,
1
Ang Kahalagahan ng Edukasyon, par 2. https://alleap.weebly.com/iba-pang-mga-halimbawa-ng-sanaysay-sa-filipino.html
Lahat ng mga mahahalagang katanungan ay masasagot kaagad kung ang mamababasa
ay nagtatala ng mga mahahalagang datos o detalye sa tekstong kaniyang binabasa. Ang
gawaing ito ay lubusang mahalaga lalo na sa mga puno ng mga datos kagaya ng matematika,
siyensiya at araling panlipunan.
Basahing muli ang teksto sa ibaba. Habang binasabasa mo ito, subukan mong itala
ang mga mahahalagang datos:
Mabait na bata si Don. Sa bahay, lagi niyang sinusunod ang lahat ng bilin ng kaniyang mga magulang. Hindi ito n
Sa talata sa itaas, narito ang mga mahahalagang datos na maaaring iyong itinala:
Don – tauhan sa teksto (sino)
Mabait – ugali ni Don (ano)
Mga patunay ng kabaitan ni Don – masunurin, masipag, magalang, maaral, may
pagkukusa (bakit)
IKALAWANG
PAGLINANG NA GAWAIN (ACTIVITY PROPER)
Sa bahagi ng modyul na ito, iyong lilinangin ang iyong mga
kakayahan sa paghinuha at pagsulat ng paksa mula sa tekstong
iyong binasa. Iyo ting lilinangin ang iyong kakayahang magtala ng mga mahahalagang mga
datos o detalye sa mga tekstong ito.
Pangalan: Petsa:
4. Ano ang ibig sabihin ng mga tsinelas ni Banong na natagpuan sa gilid ng ilog?
“Huli ka! Ay, ikaw naman ang taya!”,wika ni Tanya kay Boyo habang naglalaro sila ng tagu-
taguan, sa ilalaim ng puting ilaw nina Mang Kanor kapag maliwanag ang buwan. Gawain na ito gabi-
gabi ng mga “Batang Tulin” sa tuwing maliwanag ang buwan. Pagkatapos ng kanilang mga gawaing
bahay sa hapon, isa-isang nagpapaalam ang mga bata sa kani-kanilang mga magulang upang
maglaro sa bakuran nina Mang Kanor. Doon kasi may malaking mangga na mayroong ilaw kung
saan sumasabog ang liwanag nito sa mga mukha ng mga naghahalakhakang bata sa paligid nito.
Madalas laruin ng mga bata ang batuhan ng bola, habulan, palitan ng punch lines at – ang
pinakapaborito nilang laro – ang taguan. Madalas si Boyo ang taya kapag nagsisimula ang laro.
Kapag nagsimula na ang hanapan, si Tanya naman ang una nitong nahahanap. Paano ba naman
kasi, sa likod lang ng mangga nagtatago si Tanya. “Hoy, Boyo! Bakit parang si Tanya lang yata ang
lagi mong nahahanap? Kami, namumuti na ang mga mata namin sa katatago, hindi mo naman kami
nahahanap.”, wika ni Poknat. “Si Poknat naman, siyempre hindi naman kasi ikaw si Tanya!, hahaha”,
tukso pa ni Lorna. Naghalakhakan na ang lahat at maya’t maya ay tinutukso na nila sina Boyo at
Tanya. Ang dalawa naman ay namumula na at hindi makaimik. Hindi na nga nila matingnan ang
bawat isa.
Malapit na ring mag ikawalo ng gabi kaya nagsiuwian na rin ang lahat. Mahirap ng abutan ng
curfew. Habang papalakad pauwi si Tanya, naisip niyang gustong-gusto niya na nakikita at
nakakasama si Boyo. Madalas nga niyang maisip ito sa kaniyang pagtulog. Buhay na buhay ang
pagkamaamong mukha nito sa kaniyang gunita. Ang mga ngiti nitong parang asukal sa tamis at ang
boses nitong tila anghel na umaawit ng himig ng pag-ibig.”Pag-ibig! Umiibig ba ako? Kay Boyo!?”,
gulantang ni Tanya sa kaniyang sarili. Nangingiti siya sa kaisipang ito. Ito na marahil ang napag-
aralan nila sa asignaturang Siyensya kung saan laging ipinapaalala ng kanilang guro na si G. Miana
na, “Having a crush is normal! It’s part of adolescence. It’s a sign that your emotional growth is also
up.It’s part of growing up.”, at matatapos siya sa pagsesermon sa amin tungkol sa pakikipagligawan
at pagkakaroon ng nobyo sa murang edad. Tama ang kanilang guro. Masaya sa pakiramdam ang
pagkakaroon ng pagkagusto sa kabilang kasarian. Subalit mas masaya ang makapagtapos sa pag-
aaral dahil hindi agad pumatol sa silakbo ng damdaming nararamdaman.
Unti-unti nang isinarado ni Tanya ang mga talukap ng kaniyang mga mata. Siya nga ay
tuluyan nang nahimbing sa pagtulog at masayang ibinaon sa kaniyang pagtulog ang kaisipang
naglalakbay na siya sa panibagong yugto ng buhay.
Mga tanong:
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
PANAPOS NA GAWAIN
Panuto. Basahin ang teksto sa ibaba. Habang binabasa ang teksto, itala sa
iyong kuwaderno ang mahahalagang mga datos. Gamitin ang mga ito upang
sagutin ang mga susunod na katanungan.
Upang hindi mahawa, naglabas ang World Health Organization ng mga maaaring
gawin para maiwasan na mahawa ng nakamamatay na sakit na ito.
1. Huwag lumapit sa mga taong may acute respiratory infections.
2. Madalas na maghugas ng kamay lalo na kung nakisalamuha sa mga taong may
sakit. Bukod sa sabon at tubig ay maaaring gumamit ng mga alcohol-based hand rub.
3. Iwasan ang unprotected contact sa mga farm o wild animals. Dapat ding
iwasan ang pagkain ng hilaw o undercooked na animal products.
4. Ang mga taong may sipon, lagnat o ubo ay dapat na gumamit ng disposable
tissue at maghugas ng kamay. Agad na itapon ang nagamit na tissue at maghugas ng kamay.
5. Ang mga ospital ay dapat sumunod sa standard infection prevention and control
practices upang hindi kumalat ang sakit sakaling mayroong pasyenteng may 2019-nCoV
na isinugod doon.
6. Ang mga bumiyahe lalo na sa mga lugar na may positibong kaso ng 2019-nCoV
ay dapat na agad magpasuri.
7. Magsuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar upang hindi mahawa o
makahawa.
Sintomas ng coronavirus:
1. Nilalagnat
2. Ubo at sipon
Mga Tanong:
1. Ano ang COVID?
5. Upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID, ano ang dapat nating gagawin?
Magbigay ng dalawang paraan.
MGA SANGGUNIAN:
Leifbilly Begas, M. S. (2020, November 27). Paano iiwas sa Coronavirus. Retrieved from Bandera:
https://bandera.inquirer.net/239929/paano-iiwas-sa-coronavirus
Wikipedia Ang Malayang Ensayklopediya. (2020, November 26). Talataan. Retrieved from Wikipedia
Ang Malayang Ensayklopediya: https://tl.wikipedia.org/wiki/Talataan
MGA PAALALA:
Ang mga ginamit na material sa modyul na ito na hindi sariling gawa ng may-akda
ay mayroong tamang citation mula sa sa orihinal na may-akda.
Walang paglabag sa karapatang-ari ang ninais na gawin.
GAWAIN 1
1. Si Banong.
2. Si Banong ay nawawala.
3. Pinalo ni Aling Kusing si Banong pagkat hindi ito nagpaalam na maliligo sa ilog.
4. Si Banong ay naligo ulit sa ilog na walang paalam. Siya ay nalunod sa ilog.
5. Noong Lunes
6. Ang masamang dulot ng pagiging matigas ng
ulo; Pagiging suwail sa mga magulang.
GAWAIN 2
1. Tanya at Boyo
2. Mang Kanor, G. Miana, Poknat, Lorna
3. Ika-8 ng gabi, Alas-otso
4. Tagu-taguan
5. Nakakaramdam sila ng pagkagusto sa isa't isa
6. Ang pagdadalaga at pagbibinata; maagang pag-ibig, pagkakaroon ng crush
IKATLONG BAHAGI
LAGUMANG PAGSUSULIT
1. Ang COVID ay isang nobel Coronavirus disease. Ito ay kasalukuyang umiiral sa
buong mundo.
2. Mga sintomas ng coronavirus:
* Nilalagnat
* Ubo at sipon
* Kinakapos ng paghinga o hirap sa paghinga
* Ang mas malalang kaso nito ay humahantong naman sa pneumonia, severe
acute respiratory syndrome, kidney failure at pagkamatay
3. Kailangang umiwas sa ibang tao upang hindi mahawa ng Coronavirus.
4. Nahahawa ng COVID ang isang tao sa pamamagitan ng mga munting patak ng
laway (droplets) na nanggagaling sa bibig ng nagsasalita.
5. Mga paraan ng pag-iwas sa virus:
* Huwag lumapit sa mga taong may acute respiratory infections.
* Madalas na maghugas ng kamay lalo na kung nakisalamuha sa mga taong may
sakit. Bukod sa sabon at tubig ay maaaring gumamit ng mga alcohol-based hand rub.
* Iwasan ang unprotected contact sa mga farm o wild animals. Dapat ding iwasan
ang pagkain ng hilaw o undercooked na animal products.
* Ang mga taong may sipon, lagnat o ubo ay dapat na gumamit ng disposable tissue
at maghugas ng kamay. Agad na itapon ang nagamit na tissue at maghugas ng kamay.
* Ang mga ospital ay dapat sumunod sa standard infection prevention and control
practices upang hindi kumalat ang sakit sakaling mayroong pasyenteng may 2019-
nCoV na isinugod doon.
* Ang mga bumiyahe lalo na sa mga lugar na may positibong kaso ng 2019-nCoV ay
dapat na agad magpasuri.
* Magsuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar upang hindi mahawa
o makahawa.
6. Pag-iwas sa Coronavirus