Professional Documents
Culture Documents
KABANATA I To 5 FILIPINO
KABANATA I To 5 FILIPINO
Pangkalahatang Layunin:
Pagtalakay sa Paksa
Pagtalakay sa Paksa
2. Nabibigyan ng patunay ang mga siniping pahayag mula sa mga ginamit na posisyong
papel sa pagtatanggol ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at
Pagtalakay sa Paksa
Introduksiyon
Pangkalahatang Layunin:
Pagtalakay sa Paksa
3. Konteksto Dito nagaganap ang komunikasyon. Kasangkot dito ang pisikal, sosyal at
kultural na konteksto.
Mga Halimbawa
Pagtalakay
Pagtalakay sa Paksa
3. Pagtatanong-tanong.
4. Sarbey.
5. Pakikipagkuwentuhan.
6. Pagdalaw-dalaw.
7. Pakikipanuluyan.
8. Pagbabahay-bahay.
9. Pagmamasid.
KABANATA III
Introduksiyon
“No man is an island,” isang pupolar na linya mula sa awiting Ingles. Ano ang
ipinahihiwatig ng nasabing linya? Walang taong kayang mamuhay nang mag-isa.
Kailangan niyang makisalamuha sa kapwa. Tayo’y nakatira sa isang lipunan ng mga
tao. Mga taong biniyayaan ng kapangyarihang magsalita at makapagsulat gamit ang
wika. Ang wikang ito ang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaniyang naiisip at
nadarama. Kung nagnanais tayong makapaghatid ng kaisipan, damdamin, saloobin,
impormasyon at kaalaman sa ibang tao, sumasailalim tayo sa proseso ng
komunikasyon. Ibig sabihin, likas sa tao ang pakikipagtalastasan sa iba depende sa
kaniyang layunin. Sa proseso ng komunikasyon, tayo’y nagbabahagi ng mga kaisipan
at impormasyong kapaki-pakinabang sapagkat mananatiling walang bisa ang mga ito
kapag sinasarili lamang. Higit pa rito, mababaon lamang sa limot kalaunan. Kaya upang
hindi masayang ang mga kaisipan at impormasyon, kailangan natin itong ibahagi sa iba.
Pangkalahatang Layunin:
Aralin 1 – TSISMISAN
Pagtalakay sa Paksa
Pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon sa isang
tsismisan. Dahil dito, ginagamit upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-
uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa. Tinutulungan
din tayo sa pamamagitan ng pagpapaalam ng matututunan ang mahahalagang
impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.
Narito ang mga nakahiligang paksain sa isang tsismis at ang epekto nito.
Aralin 2. UMPUKAN
Tiyak na Layunin:
Pagtalakay sa Paksa
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan. Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan
ng tao sa isang grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung
saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuro-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o
paksa. Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate na maaaring
kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo. Dito natin
makikita na ang mga tao ay may kaniya- kaniyang katwiran batay sa kanilang mga
opinyon. Sa kabuuan, ang umpukan ay isa ring impormal na talakayan ng isang
pangkat o grupo na nagtitipon-tipon habang ito ay nagpapahinga o nagpapalipas oras.
Mula sa kuhang opinyon, may mga umpukan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan
ng kuro-kuro o opinyon.
Aralin 3. TALAKAYAN
Pagtalakay sa Paksa
Ang talakayan ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan
ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga magaaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatuwiran. Pormal at di-pormal ang uri nito kung saan pinag-
uusapan ang isang tiyak na paksa na may tagapagsalita at maaaring ang kasapi ay
magbahagi at makinig sa mga impormasyong pinag-uusapan.
Pagtalakay sa Paksa
Pagtalakay sa Paksa
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan
upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos
ang mga bagay-bagay. Ito ay isang pormal na pakikipag-ugnayan o
pakikipagkomunikasyon ng pangkat ng mga tao sa isang komunidad. Dito, maaaring
sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin at lahat ay binibigyan ng pagkakataong
makapagsalita. Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga impormasyon,
pakikipagkasunduan sa alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat at
pamayanan. Isang halimbawa ng pulong-bayan ay ang SONA. Ito ang tamang pag-
uulat ng Pangulo ng Pilipinas sa sambayanan tungkol sa pangkalahatang kalagayan ng
bansa sa aspektong ekonomiya, panlipunan, politika, iba pa.
Masining ang wika at malikhain naman ang mga Pilipino. Dahil dito, mababasa
mo sa social media at telebisyon at maririnig sa radyo at kapuwa mo ang mga bagong
ekspresyong lokal na kanilang ginagamit upang maipahayag ang damdamin at
mabisang pakikipagtalastasan. Sa araling ito, ating aalamin ang katuturan ng
ekspresyong lokal na nabubuo at ginagamit sa lipunan.
Pagtalakay sa Paksa
Ang ekspresyong lokal ay isang likas at ordinaryong wika ngunit naiiba sa anyo
at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. ´Ito ay mga parirala o pangungusap na
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang
kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng
ibang mga taong hindi bihasa sa lengguwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa
ibang wika.
KABANATA IV
Introduksiyon
Aralin 1. KORAPSIYON
Pagtalakay sa Paksa
Pagtalakay sa Paksa
Pagtalakay sa Paksa
A. PABAHAY
Ang pabahay ay isang karapatang pantao. May karapatan ang bawat tao na
manirahan sa isang ligtas, walang diskriminasyon at panliligalig. Ang pabahay
ay isa sa mga pilit na tinutugunan ng ating pamahalaan. Sa pagdami ng
populasyon, batid natin na marami pa ang nangangailangan ng tahanan
pagdating ng panahon. Ayon sa investigative Documentaries ni Manghas
(2017), isang pinakamalaking isyung pabahay sa Balagtas, Bulacan na may
6,000 housing units na pabahay ng gobyerno na inokupa ng mga miyembro ng
kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY noong Marso. Ngunit, umuupa
rin itong mga umuukupa.
B. PANGKALUSUGAN
Pinakamahalaga sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino ang
kalusugan. Kadalasan sa ating bansa, ang kalusugan ay isang personal na
isyu sa mamamayan. Nahihirapan ang marami na maiugnay ang isyu ng
personal health na isyu sa public health. Marami nang sakit na madaling
kumalat gaya ng dengue, aids at ang kasalakuyang isyu tungkol sa
COVID19.
C. TRANSPORTASYON
Isa sa kinakailangan upang umunlad ang ekonomiya ng bansa ang
transportasyon sapagkat mapalalabas ng mga magsasaka ang kanilang
produkto nang mabilisan at matiwasay.
D. EDUKASYON
Ang edukasyon ay sandata upang mapabuti ang buhay ng bawat tao. Ito rin
ay nagtuturo sa tao upang maging makatao, maka-Diyos, makakalikasan at
makabansa tulad ng adhikain ng Departamento ng Edukasyon. Sapagkat nais
ding makaagapay ng pamahalaan sa kompetisyon sa globalisadong mundo,
ipinatupad ang programang K-12 upang mapahusay ang kalidad ng edukasyon.
Sa kabila ng pagsisikap ng Departamento ng Edukasyon, tumaas ang dropout
sa elementarya at sekondarya sa 11%% mula noong 2012 (Philstar.com n.d.).
Ang suliraning ito ayon sa pananaw ng karamihan ay bunsod ng mga
masasamang pag-uugali ng mga mag-aaral dulot ng mga bisyo, 84 mga online
game, mga patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon, at iba pa. Sa pagpasok ng
pandemya, kumakaharap naman ang edukasyon sa bansa ng mga panibagong
suliranin tulad ng mga kagamitang pampagtuturo at makabagong pamamaraan
ng pagtuturo.
Aralin 4. BAGYO
Sa araling ito, tatalakayin natin ang kaligiran at uri ng bagyo maging ang mga
babala upang magbigay ng sapat na impormasyon nang makapaghanda at maiwasan
ang mga sakuna na dulot nito.
Pagtalakay sa Paksa
Pagtalakay sa Paksa
Isang iskema ang kontraktuwalisasyon kung saan higit na mababa ang sahod,
may kaunti o walang benepisyo, at walang seguridad sa trabaho. Nagtatapos ang
kontrata sa loob ng anim na buwan upang maiwasan ang pagreregular sa mga
manggagawa. Kung nais namang magpatuloy sa pagtatrabaho, maaaring mag-aplay
ulit pagkatapos ng lay-off period. Matagal na ring isinasagawa ang kontraktuwalisasyon
sa mundo. Nagsimula ito sa 97 huling bahagi ng dekada ng 1970. Pinasimulan ito ng
mga imperyalistang bansa upang magkaroon ng ipitan ang kabuhayan ng mga tao sa
kabila ng matinding krisis. Makikinabang nang husto ang mga kapitalista sapagkat
napakamura ng kanilang manpower sa kanilang negosyo.
Aralin 6. MAGSASAKA
Magsasaka ba ang iyong ama? Ano ang kanilang mga suliraning nararanasan
lalo na sa pagbili ng kanilang produkto? Isa sa pinakanakababahalang isyu ngayon ang
napakamurang halaga ng palay sa merkado. Sa araling ito, aalamin natin ang mga
suliraning nararanasan ng mga magsasaka at mga hakbang upang malunasan ang
mga ito.
Pagtalakay sa Paksa
Umabot sa P6 bawat kilo ang halaga ng bawat kilo ng palay. Minsan, tumataas
naman hanggang sa P17 ang bawat kilo. Napakamura nito sapagkat napakamahal ng
mga gastos ng financing ng pagpapaararo, pestisidyo, abono at pag-aani. Hindi
mabubuhay ang mga magsasaka sa nagiging halaga ng palay ngayon sa Pilipinas.
Bumaba ang presyo ng palay sapagkat umaangkat ang bansa ng mga imported na
bigas gaya na lamang sa mga bansang Thailand at Vietnam. Mas mababa ang halaga
ng bigas sa mga bansang ito kaya naman pinatay nito ang oportunidad ng mga
magsasakang Pilipino na makapagbenta ng kanilang produktong palay sa patas na
halaga. Dagdag pa rito, sinasakyan din ng mga negosyante ang suliraning kinakaharap
ng mga magsasaka. Binibili nila sa murang halaga ang palay subalit kanila naman
ibinebenta ito sa napakataas na halaga na umaabot sa P55 mahigit ang halaga ng
bawat kilo.99 Hindi rin gaanong nabigyan ng oportunidad ng National Food Authority
ang mga karaniwang magsasaka sapagkat nasa mababang halaga rin ang pagbili nila
sa mga produktong palay ng mga lokal na magsasaka. Gayundin, marami ring nakitang
mga stock ng palay na hindi nila pinalalabas kaya naman nagkakaroon ng rice shortage
sa bansa kaya napipilitan ang gobyerno na mag-import.
Tiyak na Layunin:
Aralin 8. MIGRASYON
Pagtalakay sa Paksa
KABANATA V
Introduksiyon
Pangkalahatang Layunin:
1. Tukuyin ang layunin ng lektyur at seminar gayundin ang bilang ng mga kalahok.
4. Pagtatala. Ang mga mapag-usapan ay itatala ng kalihim upang may rekord sa napag-
usapan ng pangkat.
Nais nating marinig o malaman ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa isang
partikular na paksa. Sa loob ng silid-aralan, ginagamit din itong pasalitang pag-uulat sa
maliit na pangkat o sa buong klase. Alam mo ba kung paano ito gawin nang mabisa?
Sa araling ito, aalamin natin ang katangian ng ulat at mga paraan ng pagsasagawa nito.
Pagtalakay sa Paksa