Film 6 Q 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Shanelle Kate L.

Vegiga

12-ABM

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko

Ikalawang Markahan – Modyul 6

PAGYAMANIN

Pumili ng isang gawain sa ibaba. Gawin ito at isumite ang iyong awtput sa iyong guro. Gumamit ng
ekstrang papel para sa gawaing ito.

1. Gumupit ng isang babasahin sa diyaryo o magasin. Guhitan ang lahat ng mga salita na nasa pormal
at bilugan naman ang nasa di pormal na gamit ng wika.

2. Gumuhit ng isang larawan tungkol sa iyong larangan o kursong napili. Sumulat ng tatlo (3) talata
patungkol dito at guhitan ang mga salitang ginamit sa pormal at bilugan naman kung ito ay di-pormal
na gamit ng wika.

3. Sumulat ng sanaysay patungkol sa iyong pangarap. Piliin at guhitan ang pormal na mga salitang
ginamit at bilugan naman kung ito ay nasa di pormal na mga salita.

Ang Aking Pangarap ?

Noong bata pa ako, gusto kong maging doctor. Nawalan ako ng mahal sa buhay dahil wala
akong nagawa. Parati kong iniisip dati na kung doctor ako ay magagamot sila pero hindi pala
madali. Na-realize ko habang lumalaki, meron palang proseso ‘yon. Malaking pera pala ang
kakailanganin para maging doctor. College student na ako sa susunod na taon, hindi ko pa rin
alam kung anong kurso ang kukunin ko. Pabago-bago ang isip ko pero sabi nila, ‘wag daw
akong mag-madali. Pero parang hinahabol ako ng oras. Nasa pagsusulat ang passion ko.
Mahilig akong sumulat ng mga kwento, lyrika ng kanta, pati na rin ng mga tula. Pero hindi
sapat iyon para maibalik ko lahat ng sakripisyo ng mga magulang ko.

Malinaw na gusto kong maging isang doctor noong bata ako pero ngayon, mas malabo pa sa
sabaw ng papaitan ang pangarap ko. Hindi nga siguro nakatadhanang maabot ko kung anong
gusto ko, hindi kaya sa ngayon. Panganay ako, mapapaisip na lang talaga ako kung pamilya o
pangarap ko ba ang pipiliin ko. Pero alam nyo? Minsan nakadepende sa napapanood kong
kdrama ang pangarap ko. Bakit ganon? Sa mga teleserye, parang ang dali lang mabuhay.
Kaya mas gusto ko ang fiction sa reality. Siguro, ang pangarap ko ay maibigay lahat ng gusto
ng pamilya ko, hindi ang maging guro, doctor o isang accountant.

You might also like