Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Maikling Kwento Tungkol kay Lucas at ang

kanyang Pagong
MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Lucas at sa alaga
niyang pagong.

“Si Lucas At Ang Kanyang Pagong”


Kaarawan ni Lucas bukas kaya kahit kakaunti lang ang pera ng tatay niya ay
lumuwas ito ng bayan upang bumili ng regalo. Pumunta siya sa divisoria upang
doon maghanap ng ibibigay para sa anak niya.

Subalit, wala talagang makita si Mang Simeon na pwedeng iregalo kay Lucas.
Habang nakatayo siya sa gilid at nag-iisip, nakita niya ang lalakeng may bitbit na
dalawang pagong sa kabilang kanto.

“Sana mura lang ito. Tiyak na magugustuhan ito ng anak ko,” sabi niya sa kanyang


sarili habang papalapit sa lalake.
Nakatawad si Mang Simeon sa isang pagong dahil mukhang marami na ring
nabenta ang lalake at kailangan na nitong umuwi. Dali-dali nang lumakad ang
matanda at sabik sa regalo niya sa anak.

Kinabukasan, pagkagising ni Lucas ay nagulat siya dahil may katabi na siyang


pagong. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo palabas ng kwarto niya.

“Nay, tay may pagong sa kwarto natin,” sigaw ng bata.
“Maligayang kaarawan anak. Regalo namin yan ng nanay mo sa’yo,” sagot ni Mang
Simeon sa anak.
Bakas sa mukha ni Lucas na lubos ang saya niya sa regalo ng mga magulang sa
kaarawan niya. Talagang mahilig ang bata sa mga hayop. Simula noon, palagi
niyang bitbit ang kanyang pagong.
Isang araw, nilapitan ng ibang bata si Lucas habang ito’y naglalaro ng kanyang
pagong.

“E, ang pangit naman pala niyang pagong mo eh. Mukhang sobrang mahina baka hin
di nga yan makahabol sa kuneho namin,” sabi ng isang bata.
Ganun yung nangyayari sa tuwing dumadaan ang mga bata sa bahay nina Lucas at
saktong naglalaro siya ng pagong niya. Isang araw, hindi na nakapagpigil si Lucas.

“Dalhin niyo dito ang mga kuneho niyo at nang malaman natin kung kaninong alaga 
ang mahina,” sigaw ni Lucas sa mga kapwa bata niya sa labas.
Hindi naman umatras ang mga bata at bumalik kasama ang mga kuneho nila.
Ilang-ulit nilang pinalakad ang mga kuneho at ang pagong pabalik-balik pero ni
minsan ay hindi naka-una ang pagong ni Lucas.

“Kita mo na, sadyang mahina yang pagong mo, baka nga may sakit yan,” kantyaw
ng isang bata.
Pagdating ng gabi, mukhang hindi na gumagalaw ang pagong ni Lucas. Kinabahan
na siya at sinabi sa mga magulang niya ang nangyari.

“Baka na sobrahan sa lakad at init ang pagong mo anak. Ba’t ka ba kasi pumayag na 
makipag-paligsahan ang pagong mo sa mga kuneho nila,
e, magkaibang hayop sila,” sabi ni Mang Simeon sa anak.
Pinagpahinga nila ang pagong upang bumalik ang sigla nito. Habang
naghahapunan sila ay kinausap ni Mang Simeon ang anak niya.

“Lucas, sana ay may natutunan ka sa nangyari. Nalagay sa panganib ang buhay ng pa
gong mo dahil pinayagan mong ikumpara siya sa kuneho. 
Parang sa buhay lang iyan anak, bawat tao ay may iba-ibang kakayahan kaya hindi da
pat ikinukumpara at hindi sa lahat ng oras ay dapat nating patunayan ang mga sarili 
natin,” pahayag ng ama.
Tumango naman si Lucas at halatang malungkot ang bata sa nangyari sa pagong
niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit na sila at nakita ng bata na lumalakad-
lakad na uli ang pagong niya.

“Tatay! Tay! Lumalakad na ulit ang pagong, okay na siya!” sigaw ni Lucas.
Napangiti naman si Mang Simeon sa narinig mula sa anak. Halata sa boses nito na
sobrang saya niya ngayong mabuti na ulit ang kalagayan ng pagong niya. Simula
noon, hindi na niya pinapansin ang mga nangungutya sa alaga niya.

Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong
reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan
ng komento.
Ilan sa mga aral na makukuha sa maikling kwento na ito:
 Huwag ikumpara ang dalawang tao, hayop, o bagay na magkaiba
 Hindi kailangang patunayan ang sarili sa lahat ng pagkakataon
 Maging mapagkumbaba
 Tingnan mabuti ang sitwasyon bago magbigay ng reaksyon
 Mahalin at alagaan ng mabuti ang mga hayop

You might also like