Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGALAN:

Test II: SANAYSAY

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Ipaliwanag ng buong husay ang hinihingi ng
bawat bilang. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon. 10 puntos.

11-20. Sinabi ng nakakatanda mong kapatid na nanggaling sa elitistang paaralan na hindi niya
kailanman kikilalanin ang Filipino bilang isang wikang intelektwal at wikang global. Ano ang
masasabi mo sa pahayag na ito ng nakakatanda mong kapatid? Kailan makikilala ang isang
wika bilang wikang intelektwal at wikang global? Bigyan ito ng ibayong paliwanag.

Kung ito ay sasabihin sa akin ng aking kapatid, sisimulan ko sang pag-uusap naming sa
tanong, “ano ang gagawin mo kung sakaling makasalamuha ka ng isang Pilipinong walang
kakayahang magsalita ng engles, paano mo siya maiintindihan?” Ang ating wika ay ang ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino, ito ang simbolo na tayo ay malaya na mula sa pagsakop
ng ibang bansa sa atin. Ito ay isang pag-aaring nararapat lamang ikarangal at hindi ang
ikahiya. Mahalaga ang Filipino sa atin at dapat niya itong maintindihan, bilang isa na ring mag-
aaral ng isang elitistang paaralan, nararapat na sya ang mas na nakakaunawa ng kahalagahan
ng ating wikang Filipino sa ating buhay. Magiging intelektwal lamang ang ating wika at
maikakalat sa ibang bahagi ng mundo o magiging global, kung tayo mismong mga Pilipino ay
may kumpiyansa, respeto at pagmamahal dito, gamitin ito at ibahagi sa ibang tao.

Tayo ang magiging daan upang kanilang maintindihan at magustuhan ang ating wika at
mga tradisyon. Mula sa pag-aaral sa ating sariling wika hanggang sa paggamit nito sa ating
pang-araw-araw man, sa ating lugar at maging sa ibang bansa. Ang lahat ng pagbabagong ito
ay magsisimula sa atin mismo bilang mga Pilipino, upang makilala ang mahalin ng ibang tao
ang ating sariling wika, ay nararapat lamang na Makita muna nila ang pagmamahal na ito mula
sa atin. Nakikilala ang ating wika bilang isang intelektwal at global sapagkat naituturo na ito sa
ibang paaralan sa ibang karatig bansa, ginagamit na din ito ng ibang lahi, dulot na din ng
pagbabago dala ng globalisasyon, nagiging bukas ang ating pag-aaral at pagtuturo ng ating
wika sa ating mga kababayan at sa iba pang taong nais na matuto nito.

21-30. Ipinaliwanag ng tagapag-ulat (reporter) sa inyong klase na bago pa man dumating ang
mga Kastila sa Pilipinas ay may kinikilala na itong sariling paraan ng pagsulat na tinatawag na
Alibata. Sinusugan ito ng pagtuklas sa Laguna copper plate. Bigyan ng reaksyon ang pahayag
na ibinigay ng tagapag-ulat sa inyong klase. Ano ang implikasyon sa wika at kultura sa
pagkakatuklas ng Laguna copper plate? Talakayin.
Ang Laguna Copper plate ay itinuturing bilang isang pinakamatandang nakasulat na
dokumento na natagpuan sa Pilipinas. Sinasabing ito ay pinaghalong wika ng lumang Malay na
ginamitan ng lumang Kawi Script, nagpapatunay lamang ito na mayroon tayong sariling wikang
ginagamit bago paman tayo sakupin ng mga kastila, na siyang dahilan ng pagkakaroon ng
pagbabago sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay naging simbolo sa ating mga Pilipino, na kahit
hindi pa dumadating ang mga kastila ay may wika nang ginagamit ang ating mga ninuno upang
makipag komunikasyon sa kapwa, ito din ay sumasalamin sa ating kultura at pagiging Pilipino.
Bilang isang Pilipino, ang natuklasang ito ay maituturing bilang isang gantimpala at inspirasyon
na tayo ay hindi lamang umaasa sa kultura, tradisyon at wika ng iba, lalo na’t nagpapatunay
lamang ito na ang buhay ng ating mga pinuno noon ay hindi lamang nakasalalay sa kung ano
man ang tinuro ng mga bansang sumakop sa atin.
31-50. Bigyan ng paliwanag ang dalawang sa mahahalagang argumento na ibinigay ng
petisyuner laban sa CMO No. 20, Serye ng 2013.

a. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang


implementasyon ng CMO No. 20 sa pamamagitan ng temporaryong restraining order at/o writ
of preliminary injunction, tuloy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-
Filipino, anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstiyusyon. 10 PUNTOS.
Dahil sa nais ng CHED na alisin ang Filipino sa isang kurikulom, magpapahiwatig lamang
ito na mas niyayakap natin ang kultura ng ibang tao kumpara sa sariling atin at mag reresulta
sa tinatawag na anti-nasyonalista at anti-Filipino. Ang temporary restraining order ay isang
kautusan ng korte upang pansamantalang mapatigil ang ano mang hakbang at bigyan ng
solusyon ang isang kinakaharap na suliranin. Sinasabing ang pagtuturo ng Filipino ay walang
kabuluhan sapagkat na ituro na ito sa elemtarya at hayskul na siyang sinangayunan ng mga
petisyoner. Ang pag-alis ng Filipino sa kurikulum ay parang pagtapon na rin ng ating wika
maging ng ating tradisyon, kutura at kasaysayan bilang mga Pilipino.

Kung sakali mang hindi na pagbigyan ang kanilang petisyon na ipahinto ang
implementasyong nais ng CHED, ay maaring nabura na ang Filipino sa ating kurikulum at
maisasawalang bahala na nito ang paghihirap at pagkakaisa ng mga Pilipino upang tayo ay
magkaroon ng sariling wika. Ito ang nais na iwasan ng mga petisyoner, nais nilang matutunan
nating mga Pilipino ang ating nakaraan upang mahalin natin ang ating kinabukasan, ngunit
kung sakali mang alisin ang Filipino sa isang kurikulum, may posibilidad na maisawalang
bahala at uni-unting malilimot natin ang sariling atin. Ito ang ayaw nilang mangyari, sapagkat
kung atin itong kakalimutan, hindi man natin mapansin, unti-unti na rin nating makakaligtaan
ang sariling mga tradisyon at wika, pag ito ay nangyari ay tila ba atin na ring kinalumutan ang
ating mga sarili.

b. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura,


pagkabansa, pagkakaisa at demokrasya. 10 PUNTOS.

Ang ating wika ang isa sa mahalagang patunay na tayo ay tunay nang nahiwalay mula sa
pananakop ng ibang bansa sa atin, magdaan ang ilang taong pakikipagdigma ng ating mga
ninuno upang ating makamit ang kalayaang ating tinatamasa ngayon, ang ating wika na ang
sumasalamin sa ating tradisyon, kultura at nakaraan bilag mga Pilipino. Kung sakali mang
natuloy ang nais ng CHED na tanggalin ang Filipino sa kurikulom, mag hahatid ito ng
negatibong epekto sa atin. Ang kolehiyo ang baitang kung saan ang mga mag-aaral ang mas
may kakayahang gamitin ang ating wika sa tama na pamamaraan, hindi masama ang pag-aral
ang wika ng iba, ngunit hindi din ito sapat na dahilan upang ating talikuran ang wikang
nagpalaya sa atin sa kamay ng mga banyaga. Ang wika din ang isa sa gantimpalang nakamit
natin mula sa pakikipaglaban sa mga mananakop, ito ang simbolo ng pagkakaisa nang mga
Pilipino, magdaan ang ilang daang taon, dito lamang lubos na nagkaisa ang mga Pilipino, kung
atin itong buburahin ay tila atin na ring bibuwag ang pagkakaisang sinumulan ng ating mga
ninuno.

You might also like