Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

KASAYSAYAN NG WIKA

SA PANAHON NG
REBULUSYONG PILIPINO
•300 taon ang pananakop ng mga Kastila, namulat sila
sa kaapihang dinanas.

•Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging


matindi ang damdaming NASYONALISMO (damdamin
bumubugkos sa isang too sa iba pang mga taong may
pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan,
at mga kaugalian o tradisyon) nagtungo sila sa ibang
bansa upang kumuha ng mga karunungan.
• Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan
noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan
upang maghimagsik.
•Sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga
maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa, Isang
Diwa" Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang Tagalog
sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham
at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga
Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang
sinulat.
Noong madiskubre ng mga Espanyol ang
katipunan noong Agosto 19, 1896.
Napakaraming inaresto at ikinulong na
mga pinaghihinalaan na kasapi ng
katipunan. Sinimulan ng mga katipunan
sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang
himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit
ng kanilang mga cedula.
Ang kanilang pagpunit ng cedula ay sumasagisag sa
pagpapalaya ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng
Espanya, ang pagpunit na ito ay nakilala sa kasaysayan
sa tawag na “Sigaw sa Pugadlawin” – ito ang pagsisimula
ng Himagsikan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol. Dito
ipinakita ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol na
handa silang mag buwis ng buhay para sa kapayapaan
at kalayaan ng Pilipinas. Ito rin ang nagbigay daan sa
pagkilala ng Pilipinas bilang kauna-unahang republika sa
Asya.
Katipunan

 Ang layunin nito ay ganap na kasarinlan

 Wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga


kautusan at pahayagan

 Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa


pagtataguyod ng Wikang Tagalog.
Mga Propagandista
Nakipaglaban sa
mga Kastila
Graciano Lopez Jaena

Isang Pilipinong mamamahayag,


tagapagsalita, rebolusyonaryo,
at editor sa kilalang pahayagan
na La Solidaridad.
Fray Botod

Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni


Graciano Lopez Jaena noong 1874
tungkol sa isang paring Espanyol na
ginagamit ang relihiyon upang apihin
at abusuhin ang iba at upang busugin
ang sarili sa pagkain, salapi, at babae.
Ang pangalan ng fraile ay hango sa
salitang Hiligaynon na “botod” na
nangangahulugang bundat o malaki
ang tiyan dahil sa sobrang pagkain.
Antonio Luna

Antonio Luna ay isang


Pilipinong parmasiyotiko,at
lumaban sa panahon ng
rebulosyon sa pamamagitan ng
sulat, merong impresyon na
inaambag sa La Solidaridad.
Taga- Ilog

Sa kanyang edisyon sa La
Solidaridad na sinulat niya
ang kuwento na may
pamagat na mga impresyon
na nakitungo sa mga
Kastilang kaugalian sa ilalim
ng pangalang "Taga-ilog"
Marcelo H. Del Pilar

Mas mahusay na kilala bilang


Plaridel, ay isang Pilipinong
manunulat, abugado,at
mamamahayag. Si Del Pilar,
kasama sina José Rizal at
Graciano López Jaena, ay kilala
bilang isa sa mga lider ng
Kilusang Propaganda sa
Espanya.
Kilusang Propaganda

• Ang Kilusang Propaganda ay isang


kilusan sa Barcelona, Espanya noong
1889 hanggang 1892. Sinimulan ito
dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora (Gomburza).
• Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga
Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at
lalawigan ng bansang Espanya, pantay
na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila
sa harapan ng batas
Kilusang Propaganda

• Dito nagsimula ang La


Solidaridad bilang gamit
upang maka propaganda
sa Espanya.
Konstitusyon ng Biak-na-bato
noong 1899, ginawang opisyal na
wika ang Tagalog, ngunit walang
isinasaad na ito ang ang magiging
wikang pambansa ng republika.

You might also like