Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

Physical Education 5
Iba’t ibang Kasanayan
sa Larong Invasion Game
Ikalawang Markahan –Ika-5 Linggo

Aleen F. Macatubal
Manunulat

Joan Claire De Padua Phd


Ma. Dolores A. Almoro
Josephine J. Alarcon
Melissa D. Columna
Tagasuri

Evangeline M. Aman
Edison C. Enerlas
Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

0
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

 Natutukoy ang iba’t –ibang larong lahi. PE5GS-IIb-2


 Naiisa-isa ang iba’t-ibang panuntunang pangkaligtasan.
 Naisasagawa ang iba’t-ibang kasanayan sa Laro ng Lahi.

Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay isang laro na kung saan nasususbukan ang kagalingan sa
pagtakbo at pag-iwas.
A. Invasion Game C. Physical Game
B. Basketball Game D. Volleyball Game

2. Ito ay isang larong pinoy na ang inahin ay nakapwesto sa harap.


A. Patintero C. Tumbang Preso
B. Lawin at Sisiw D. Agawan Base

3. Ang lugar na dapat paglalaruan ng lawin at sisiw ay ____________.


A. makitid C. malawak
B. madamo D. matinik

4. Ilang pangkat ang bumubuo sa larong lawin at sisiw?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

5. Ito ay isang invasion game na kung saan ang dalawang pangkat


ay sinusubukang kuhain ang base ng kanilang kalaban.
A. Agawan base C. chess
B. Lawin at sisiw D. Agawang sulok

1
6. Ang larong invasion game ay nakakatulong upang mapahusay
ang iyong ____________.
A. kalusugan C. kagadahan
B. katalinuhan D. katawan

7. Sa paglalaro ng Lawin at sisiw ay nasusubok ang iyong


kagalingan sa__________.
A. pagtalon at pagtakbo C. pagsayaw at pag-ikot
B. pag-upo at pagsayaw D. pagtakbo at pag-iwas

8. Ang paglalaro ng invasion game ay nalilinang nito ang________.


A. physical fitness C. physical activity
B. physical appearance D. physical theraphy

9. Ito ay laro kung saan kailangang mang-agaw ng teretoyo ng iba.


A. Agawan base C. Agawang Sulok
B. Lawin at sisiw D. Luksong baka

10. Upang makapuntos sa larong invasion game kailangan ______


upang manalo.
A. mabagal C. malakas
B. mabilis D. matangkad

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salita na nasa kahon na tumutugma


sa mga laro at nababatay sa kaangkupang pisikal

Batuhang lata Muscular Strength Reaction Time


Katawan ng Bata Agawang Base Muscular Endurance
Agawang Panyo Agility Lawin at Sisiw
Patintero

2
ANG TRADITIONAL GAMES O LARO NG LAHI
Ang Traditional Filipino Games o Larong Lahi -ay isang laro na
kadalasang nilalalaro ng ating mga kabataan, kadalasang ginagamitan ng
katutubong kagamitan or kasangkapan. Dahil sa limitadong pagkukunan ng
mga kagamitan para sa laro ng ating mga kabataan, sila ay gumagawa ng
mga laro na kung saan hindi na nila kailangan ng kahit anu pa man bagkus
sila na lamang ang naglalaro

Sa paglalaro ng mga invasion games ang kasanayan sa pagtakbo at


pag –iwas ay nasususbukan. Ang pagiging alerto, lakas at koordinasyon ay

3
nakikita sa larong ito. Ang pagpapahusay ng health-related at skilled –related
components ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit, pagdadagdag ng stamina,
at pagsasaayos ng timbang.

INVASION GAMES

1. Lawin at sisiw/ Touch the Dragons Tail

Ang larong Lawin at Sisiw ay isa ring laro na tumutulong sa


pagpapaunlad ng kasanayan sa pagiging mabilis at maliksi. Nagagamit din
dito ang lakas at tatag ng kalamnan. Tinatawag din ang larong ito na ‘Touch
the Dragon’s Tail’, ‘Hablutin mo ang Buntot Ko’ at iba pa. Sa paglalaro nito,
kailangang maging listo at maliksi upang ahuli ang sisiw. Kailangan ng mga
sisiw ang proteksyon katulad ng isang manlalaro. Layunin ng inahin na iiwas
ang kaniyang mga sisiw mula sa mga kamay ng lawin. Ito ay binubuo ng
dalawang pangkat.

2. Agawang Sulok

Ang Agawang Sulok ay isang laro kung saan kailangang mang-


agaw ng teritoryo ng iba. Sa larong ito, makapagsasanay sa pagtakbo at
makatutulong ito sa pagkilos mo nang mabilis. Sinusubok ang iyong
liksi, bilis,at pagiging alerto habang sinisikap na huwag mahuli ng taya.

4
3. Agawan Base

Ang Agawan Base ay isang invasion game kung saan ang


dalawang pangkat ay susubukang kuhain ang base ng kanilang
kalaban. Sisikapin ng mga miyembro ng bawat pangkat na hulihin ang
kanilang kalaban. Mahuhuli lamang ang isang miyembro ng kalaban
kung siya ay nataya. Ang mga mahuhuling miyembro ay pipila at
magsisilbing karugtong ng base ng kalaban. Ang isang manlalaro ay
magkakaroon ng isang puntos kung makakarating siya sa base ng
kalaban nang hindi nataya o nahuhuli.

 Upang maiwasan ang anumang aksidente habang naglalaro


kailangang sundin ang mga sumusunod:
* Magsuot ng proteksiyon kagaya ng mga protective, helmet,
protective pads, at ibang pang gamit pang proteksyon.
* Mag Warm up bago maglaro at cool down pagkatapos
* Sundin ang mga tutuntuning pangkaligtasan sa paglalaro.
* Iwasan ang paglalaro kapag may pinsala.
* Ibayong pag-iingat ay dapat sundin sa lahat ng oras.

Panuto: Humanap ng isang lugar na maaring paglaruan sa labas ng inyong


bahay. Pumili ng isang laro mula sa napag-aralang aralin na nakatala sa
ibaba. Isagawa ito kasama ng iyong mga magulang, kapatid o kaibigan.
Isaalang-alang ang mga panuntunang pangkaligtasan habang isinasagawa
ang paglalaro.

a. Lawin at Sisiw
b. Agawan Base

5
c. Agawan Sulok
Rubriks: Lagyan ng iskor ang kolum na angkop sa inyong sagot.

Pamantayan Mahusay Medyo Kailangan


(5 pts) Mahusay pang Iskor
3-4 pts Magsanay
1-2 pts
1. Sumunod nang tapat
sa panuntunan ng
laro
2. Sumunod sa mga
panuntunang
pangkaligtasan
3. Nakiisa sa kanyang
pangkat.
4. Nagpakita ng
kasanayan
5. Nagpamalas ng
sportsmanship

Ang Traditional Filipino Games o Larong Lahi


Ito ay isang laro na kadalasang nilalalaro ng ating mga kabataan,
kadalasang ginagamitan ng katutubong kagamitan o kasangkapan. Dahil sa
limitadong pagkukunan ng mga kagamitan para sa laruan ng ating mga
kabataan, sila ay gumagawa ng mga laro na kung saan hindi na nila
kailangan ng kahit ano pa man bagkus sila sila na lamang ang naglalaro nito.
Ang Invasion Game ay mga laro na kung saan hinuhubog nito ang
kasanayan tulad ng bilis, liksi, balanse, at koordinasyon.
Halimbawa:

Lawin at Sisiw Agawan Base


Agawang Sulok

6
A. Panuto: Lagyan ng √ kung nagpapakita ng pangkaligtasang gawi at X kung
hindi nagpapakita ng pangkaligtasan gawi. Isulat sa patlang pagkatapos
ng bilang ang iyong sagot.

B. Panuto: Sagutin ang mga katanungan.


1. Anu-anong mga larong Pinoy ang iyong napag-aralan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Anu- anong mga kasanayan ang ginagamit sa larong nabanggit mo?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Sa paglalaro ng Lawin at Sisiw ay nasusubk ang iyong kagalingan
sa____________
C. Pagtalon at pagtakbo C. pagsayaw at pag-ikot
D. Pag-upo at pagsayaw D. pagtakbo at pag-iwas
2. Ang paglalaro ng Invasion Game ay nalilinang nito ang__________.
C. Physical fitness C. Physical activity
D. Physical appearance D. Physical theraphy
3. Ito ay laro na kung saan kailangang agawin ang teretoyo ng iba.
A. Agawan Base C. Agawang Sulok
B. Lawin at Sisiw D. Luksong baka
4. Upang makapuntos sa larong Invasion Game kailangan ______
upang manalo.
A. mabagal C. malakas
B. mabilis D. matangkad
5. Ito ay isang laro na kung saan nasususbukan ang kagalingan sa
pagtakbo at pag-iwas.
A. Invasion Game C. Physical Game
B. Lead up Games D. Volleyball Game
6. Ito ay isang larong pinoy na ang inahin ay nakapwesto sa harap.
a. Patintero C. Tumbang Preso
b. Lawin at Sisiw D. Agawan Base
7. Ang lugar na paglalaruan ng lawin at sisiw ay dapat_____________.
A. makitid C. malawak
B. madamo D. matinik
8. Ano ang dapat isaalang-alang sa paglalaro upang di masaktan?
A. pag-iingat C. pakikipag-away
B. pagpapabaya D. pagyayabang
9. Ito ay isang Invasion Game na kung saan ang dalawang pangkat
ay sinusubukang kuhain ang base ng kanilang kalaban.
A. Agawan Base C. Chess
B. Lawin at Sisiw D. Agawang Sulok
10. Ang larong Invasion Game ay nakakatulong upang mapahusay
ang iyong_____________.
A. kalusugan C. kagadahan
B. katalinuhan D. katawan

8
Sanggunian
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fcdn.fbsbx.com%2Fv%2Ft59.
2708-21%2F117
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 pp 52-55
https://www.google.com/search?q=lawin+at+sisiw+history+clip+art&oq=law
in&aqs=chrome.2.69i59l3j69i57j0j69i60l3.4083j0j7&sourceid=chrome&ie=U
TF-

SUSI SA PAGWAWASTO:

Lawin at Sisiw
Endurance 10. A
Mascular 9. A
10. B Reaction Time
9. A 8. B
Patintero
8. C 7. C
Agility
7. D Agawan Base
6. B
6. D strength 5. A
5. A Mascular 4. B
4. B Agawan Panyo 3. A
3. C bata mga bata. 2. C
2. B ang sagot ng
Katawan ng 1. D
1. A magkakaiba
Batuhang Bola Maaring Pagsususlit
Subukin BALIK TANAW Gawin Pangwakas na

You might also like