Filipino Sa Piling Larang (Akademik)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino sa

Piling Larang
(Akademik)
12
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Uri ng Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Michelle A. Layson
Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Tagasuri: Jerwin G. Villa at Rosalio P. Oriarte
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
12
Unang Markahan
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto

Mga Uri ng Pagsulat


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) at


Baitang 12 ng Modyul para sa araling Mga Uri ng Pagsulat !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Akademik) at Baitang 12

Modyul ukol sa Mga Uri ng Pagsulat !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat;


2. Nabibigyang-kahulugan at halimbawa ang bawat uri ng pagsulat;at
3. Natutukoy ang sariling kahinaan sa pagsulat at nakaiisip ng paraan
ng pagpapaunlad dito

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang hindi kabilang sa pangkat.Isulat ito


sa kwaderno o malinis na papel.

1. Malikhaing Pagsulat ( tula, bugtong, maikling katha, kolum)

2. Akademikong Pagsulat (term paper, research paper, note cards,


disertasyon)

3. Personal na Sulatin (talaarawan, pagbati, feasibility study,


shopping list)

4.Dyornalistik na Sulatin (balita, term paper, lathalain, editoryal)

5.Propesyonal na sulatin (police report, legal forms, kritikal na sanaysay,


medical report)
BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang paglalarawan sa bawat
bilang.

1.Inaasahan na sa akademikong pagsulat ay tumpak, pormal, impersonal at


obhetibo.

2.Pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ay ang mga gawaing


akademiko,ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o di-
akademiko.

3.Anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang


pangangailangan sa pag-aaral ang akademikong pagsulat.

4.Layunin ng akademiko ay magbigay ng sariling opinyon.

5.Sa akademiko ay kinikilala ang iba’t ibang publiko bilang audience.

ARALIN

Mga Uri ng Pagsulat


Maraming uri ng pagsulat. Mauuri ito ayon sa iba’t ibang
pangangailangan ng mga tao sa lipunan.Maaaring magbigay-impormasyon
ukol sa isang paksa o isyu ang isang manunulat. Maaari rin naman siyang
tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook o kaya’y
magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa.Ang
mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit
nagsusulat ang isang tao.

Sa bahaging ito ng pag-aaral, tatalakayin ang mga uri ng pagsulat na


madalas na kailanganin sa pag-aaral.

1. Akademiko.Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing


akademiko mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-
aaral. Ang akademikong pagsulat ay maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong
papel, tesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

2. Teknikal. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na


tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.

Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang


sabkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga
korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian
nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang
partikular na paksa tulad ng science o technology. Samakatuwid,
ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang espesipikong audience o
pangkat ng mga mambabasa.

3. Dyornalistik. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na


kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist. Saklaw nito
ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,lathalain at iba pang
akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may
ispesipikong kurso para rito , ang AB Journalism, bagama’t bahagi
rin ito ng pag-aaral ng ibang kurso tulad ng AB at BSE sa Ingles at
Filipino. May mga pagkakataon ding ino-offer ang uri ng pagsulat na
ito bilang isang elektib sa mga paaralang hayskul.

4. Reperensyal. Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong


magrekomenda ng iba pang reperens o source hinggil sa isang
paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya
ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa
sinomang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na
tinukoy.

Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang


paksang ganap na ang saliksik at literatura mula sa mga
awtoridad.Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at
disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura. Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito,
samakatuwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang
pagtatala ng mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa
ilalim ng uring ito.

5. Propesyonal. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa


isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyonal nga, itinuturo na
rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na
propesyon na napili ng mga mag-aaral.Maituturing na halimbawa
nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report
ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga
abogado at legal researchers at medical report at patient’s journal
ng mga doktor at nars.

6. Malikhain. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay


ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at di-
piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang
imahinasyon,bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.
Samakatuwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma,tayutay,
simbolismo,pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa
uring ito.

Ang pagsulat na ito ay isa nang asignatura sa Senior High School.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Isulat ang T-kung tama at M-kung mali ang pahayag.

_____1. Ang reperensyal na pagsulat ay madalas makita sa mga teksbuk


na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura
mula sa mga awtoridad.
_____2.Karaniwan ang akademikong pagsulat ay mayaman sa mga
idyoma,tayutay, simbolismo,pahiwatig at iba pang creative devices ang
mga akda sa uring ito
_____3. Espesyalisadong uri ng pagsulat ang teknikal na pagsulat.
_____4. Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na
propesyon ang dyornalistik.
_____5. Kilala rin bilang intelektwal na pagsulat ang malikhaing
pagsulat.
B.Panuto:Punan ang patlang ng tamang sagot.Isulat sa kwaderno o malinis
na papel.

1. Akademikong pagsulat ay isang pagsusulat na naglalayong linangin ang


mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito’y tinatawag na ________.

2. _________ na pagsulat ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnay


sa pamamahayag.

3. Propesyonal na pagsulat mga sulating may kinalaman sa ______ na


larangang natutuhan sa akademiya o paaralan.

4.Malikhaing pagsulat pangunahing layunin nito ay maghatid


aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa ________ ng mga
mambabasa.

5._________ ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya


naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
problema.

C. Panuto: Sumulat ng sanaysay na naglalaman ng iyong pangangatwiran


kung saan mas kabilang na halimbawa ang research paper na uri ng
pagsulat. Pumili lamang ng isa.

A. Akademiko
B. Reperensyal
C. Propesyonal

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Kawastuhan ng napiling uri ng pagsulat 30%
para sa research paper
Magkaugnay ang pagpapakahulugan 30%
ayon sa aralin ng napiling uri ng
pagsulat at ang ibinibigay ng dahilan
Mahusay na pagpapaliwanag 30%
Pagsunod sa mekaniks (wastong 10%
pagbabaybay, laki at liit ng letra,
pagbabantas
Kabuuan 100%
PAGLALAHAT

Ibigay ang anim na uri ng pagsulat at ang konseptong natutunan sa bawat


uri nito.

Mga uri ng Pagsulat

Pamantayan sa Pagmamarka
Uri ng Pagsulat#1 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Uri ng Pagsulat#2 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Uri ng Pagsulat#3 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Uri ng Pagsulat#4 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Uri ng Pagsulat#5 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Uri ng Pagsulat#6 2%
Tamang Halimbawa 5%
Mahusay na pagpapaliwanag 10%
Kabuuan 100%

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gamit ang isang malinis na papel o kuwaderno, sagutin ang


sumusunod na tanong.

1. Batay sa mga uri ng sulating iyong natutuhan ngayong araw, sa anong uri
ng sulatin ka sa palagay mo may mahinang kakayanan ka sa pagsulat at
bakit? ____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Ano sa palagay mo ang pinakamahusay na paraan upang mapaunlad mo


ang kakayanan mo sa ganoong uri ng sulatin? ____________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

Mahusay na pagsagot at pagpapaliwanag sa tanong blg.1 50%

Mahusay na pagsagot at pagpapaliwanag sa tanong blg.2 50%

Kabuuan 100%
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng uri ng pagsulat na tinutukoy ng mga


sumusunod na pahayag.

A. Akademiko C. Dyornalistik E. Propesyonal


B. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain

____1. Uri ng pagsulat na nasa masining na paraan.

____2. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ang halimbawa nito.

____3. Lathalain ang magandang halimbawa nito.

____4. Katangian nito ay paggamit ng mga terminolohiya sa isang partikular


na asignatura tulad ng science o technology.

____5. Uri ng pagsulat na tinatawag na intelektwal.


SUSI SA PAGWAWASTO

5.kritikal na sanaysay
5.M 5.M pagsulat
4.term paper 5.Teknikal ng
4.M 4.M
3.feasibility study 4.imahinasyon
3.T 3.T
2.note cards 3.isang tiyak
2.T 2.M
1.kolum 2.Dyornalistik
1.T 1.T
Paunang Pagsubok pagsulat
Balik-Aral A.
1.intelektwal na
Pagsasanay
5.A B.
4.B Pagsasanay
3.C
2.D
1.F
Panapos na Pagsusulit

Sanggunian

Aklat:

Bernales, Rolando, Ravina, Elmar A., et. al.2017.Filipino sa Piling Larangang


Akademiko.Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Mga Hanguang Elektroniko:

Uri ng Pagsulat sa https://www.youtube.com/watch?v=9fZDCXVvB4w.


June 17, 2019.

Mga Uri ng Sulatin sa https://www.youtube.com/watch?v=i246_dV0OsE.

March 9, 2017

You might also like