Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 6
Karapatan at Tungkulin ng
Mamimili
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 6: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charo B. Bon


Editor: Mary Grace C. Dela Cruz
Tagasuri: Gina C. Cristobal
Tagaguhit: RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

2
Paunang Salita

Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan- Ekonomiks ay suplementaryong materyal na


nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng mga mag-
aaral sa ikasiyam na baitang upang matutunan ang mga paksa sa Unang Markahan.

Nilalaman ng modyul na ito ang Yunit 1- Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiks


na nakatuon sa Kasanayang Pampagkatuto bilang 6- Karapatan at Tungkulin ng Mamimili.

Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang matututunan ang mga itinadhana ng


Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pang-21 siglo at mga
pamantayang itinakda ng K-12 kurikulum.

Para sa Magulang/Tagapatnubay ng Mag-aaral:

Malaki ang bahaging ginagampanan ng magulang sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang inyong


paggabay sa bawat aralin at mga gawaing nasa modyul na ito ay lubos na napakahalaga.
Bilang magulang o tagapatnubay ng mag-aaral kayo rin po ay magsisilbing guro ng inyong
anak katuwang ng guro sa Araling Panlipunan. Sa panahong ito ng pandemya, ang buong
mundo ay humaharap sa napakalaking hamong ito sa larangan ng edukasyon. Ang
pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay inaasahan upang makamit ang mga kasanayang
dapat matutunan ng mag-aaral sa modyul na ito. Kung may mga paksa at gawaing hindi
maunawaan kung paano ito isasagawa, huwag mag atubiling makipag- ugnayan sa guro ng
inyong anak sa asignaturang Araling Panlipunan.

Para sa Mag-aaral:

Inaasahan na pag-aaralan at uunawaing mabuti ang mga paksang nakapaloob sa modyul na


ito. Sikaping masagutan ang mga gawain ng tapat at seryoso upang matugunan ang mga
kailangang kasanayang pampagkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pag-unawa sa
mga konseptong pang ekonomiya huwag mag-atubiling lumapit sa iyong guro sa Araling
Panlipunan.

Layon ng may-akda na mapagtagumpayan at matutunan mo ang mga paksa o aralin sa


modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito upang kahit ikaw ay
nasa tahanan lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay mangibabaw ang karunungang
magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

1
Magandang Buhay, Kaibigan!

Ako si …at ako


IKONG…. naman si
NAOMIE!

Makakasama mo kami upang matuto ng mahahalagang


konsepto sa EKONOMIKS

Pinagkunan:https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 at https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Iwasang lagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Muling ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan
ang lahat ng pagsasanay.
Muling ipinapaalala na kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang humingi ng patnubay sa inyong guro o
tagapagdaloy, sa iyong mga magulang, sa mga nakatatanda mong kapatid o sinuman sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

2
Alamin:
YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magkaroon


ng lubos na pag-unawa sa mga paksang
tatalakayin, mabuksan ang iyong kritikal at
mapanuring isipan at mahasa ang kakayahan at
kasanayang magpasya sa mga gawaing inihanda
sa mga pagsubok sa kaalaman sa bawat
pagtatapos ng pagtalakay sa bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON
Sa Modyul na ito na Araling Panlipunan 9- Ekonomiks tatalakayin natin ang
mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa mga sumusunod
na mga paksa.
1. Kahulugan ng mamimili
2. Katangian ng matalinong mamimili
3. Karapatan at tungkulin ng mamimili
4. Mga batas na nangangalaga sa mga mamimili
5. Mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga
mamimili
B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Napangangalagaan ang mga
karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili.

LAMP CODE: AP9MKE-Ih18

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan ng mamimili.
2. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang matalinong mamimili
3. Napangalagaan ang mga karapatang tinatamasa ng isang
mamimili.
4. Nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili.
5. Nasusuri ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
mamimili;
6. Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga
sa mga mamimili.

3
Subukin:

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Gamit ang mga
ginulong letra tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa talaan ng mga bibilhin ayon sa pangangailangan A D B Y T E


2. Isang katangian ng mamimili na laging tinitingnan ang packaging ng isang produkto,
sangkap, lugar ng pinaggawaan, nutrisyon at iba pa. I R U N A P A M
3. Ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao AIKT
4. Kalipunan ng mga patakarang nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga
mamimili. REMOSNUC TAC FO EHT SENIPHILPIP
5. Ahensiya ng pamahalaan na naglabas ng walong karapatan ng mamimili upang maging
gabay sa kanilang sa pamimili.
NARAWAGAK GN NAKALALAK TA TRISYADUNI

B. Hanapin sa Puzzle ang mga sumusunod na salita.


Bureau of Foods and Drugs karapatang dinggin
karapatang pumili makatuwiran
may alternatibo munisipyo
pagkakaisa pagkilos
replacement sumusunod sa badyet

Word puzzle maker

4
Aralin Karapatan at Tungkulin ng
6 Mamimili

Balikan:

Muling balikan ang mga paksang tinalakay natin


sa Pagkonsumo. Ating alamin kung natatandaan
mo pa ba ang mga paksang natalakay sa
nakalipas na modyul sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

Pagsama-samahin ang mga konsepto gamit ang mga salitang nakahanay sa ibaba.
Tukuyin ang mga ito matapos na iyong mapagsama-sama. Itala sa sagutang papel.

produktibo presyo okasyon


kaayusang Ekonomiko panahon tuwiran
maaksaya kita imitasyon
pag-aanunsiyo mapanganib lantad
lumiliit na pakinabang pagkabagay-bagay pagkakaiba-iba

1._____________________ 2._____________________ 3.___________________

5
Tuklasin:

Gawain 1 - ADD TO CART


PANUTO :
Sa panahon ng pandemya, tayo ay
pumapasok na sa tinatawag nating “NEW
NORMAL”. Bahagi ng mga pagbabago na
hinaharap ninyo bilang mag-aaral ay ang paraan
upang matuto. Sakaling may pagkakataon kang
bumili ng gadyet para makasabay sa mga online
activities , anu-anong mga salik ang iyong
isasaalang -alang sa pagpili ng gadyet? Isulat
ang mga ito sa inyong kwaderno.

1. Ano-ano ang iyong mga naging pamantayan sa pagpili ng


gadyet na iyong gagamitin sa on-line class?
2. Itala ang mga pamantayang iyong isinaalang -alang sa
pagbili ng gadyet na iyong gagamitin mula sa hindi
mahalaga hanggang sa pinakamahalaga?
3. Paano mo isinaayos ang pagtatala ng iyong mga
pamantayan sa ginawa mong pagbili ng gadyet?

ARALIN 6- MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG ISANG MAMIMILI

A. KAHULUGAN NG MAMIMILI

Lahat tayo ay may mga pangangailangan at kagustuhan na


tinutugunan sa araw-araw.Kaya tayo ay kumukunsumo ng
mga produkto at serbisyo. Sa bawat pagkonsumong ito
marami tayong isinasaalang-alang bukod sa badyet. Kaya
napakahalaga na tayo ay maging matalino sa ating gagawing
pamimili. Dahil bilang mamimili napakahalaga ng ating
tungkulin para sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
Kung walang mamimili walang magaganap na pagkonsumo at
kung walang pagkonsumo wala ring magaganap na
produksiyon.

6
Ang MAMIMILI ay ang taong kumukunsumo ng mga produkto at
serbisyo para matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan. Basta’t ikaw ay bumibili at kumukunsumo ikaw ay
itinuturing na mamimili o konsyumer.

Suriin:

Naranasan mo na bang mamalengke? O di kaya ay


pumunta sa mall para mamili ng iyong mga pangangailangan?
Kung OO, ano ang mga pamantayang iyong sinusunod sa
pamimili?
Kung HINDI, dapat mo itong matutunan upang kung sakaling
ikaw ay mamimili ito ay hindi na
magiging mahirap para sa iyo.

B. PAMANTAYAN NG MAMIMILI
1. Isaayos at itala ang bibilhin ayon sa kahalagahan.
⮚ Siguraduhing nakalista ang iyong mga bibilhin upang walang makalimutan at hindi
makabili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Siguraduhin ding magkakasama
ang iyong mga itinala upang hindi masayang ang iyong oras at pagod sa pamimili.
2. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin.
⮚ Laging tingnan ang packaging ng iyong binibili. Tingnan ang expiration date, sangkap
ng binibili, saan at sino ang gumawa nito. Kung ito ay appliances o mga
kasangkapan siguraduhing ito ay iyo munang subukan kung ito ba ay gumagana o
maayos.
3.Iwasang bumili ng gamit na hindi kailangan dahil lamang mayroon nito ang
kapitbahay.
⮚ Huwag bibili dahil lamang naiinggit sa iba.
4. Iwasan ang pagbili ng second hand at wala sa kondisyon.
⮚ Mas mainam na bumili ng bago para paniguradong nasa kondisyon ang iyong binili.
5. Lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo o halaga ng nais bilhing produkto.
⮚ Ito ay upang hindi masira ang iyong badyet sa pamimili
6. Magtanung-tanong ng halaga o presyo sa iba’t ibang tindahan upang makatipid.
7. Isipin ang kapakinabangan ng isang bagay o gamit.
⮚ Siguraduhin na ang iyong bibilhin ay kailangan talaga at hindi itatambak lang
matapos mabili.
8. Piliin ang wastong panahon ng pagbili.
⮚ Kung may okasyon mas mainam na bumili ng mas maaga upang ikaw ay hindi
mahirapan dahil sa dami ng mga taong bumibili.
9. Piliin kung saan mahusay mamili at magpasya kung ano ang bibilhin, mahalaga
ring malaman kung kailan at saan mamimili.

Ngayong alam na natin ang pamantayan ng isang


mamimili, pag-aralan naman natin ang mga katangiang
dapat taglayin ng isang mamimili upang ikaw ay
matawag na MATALINONG MAMIMILI.
7
C. KATANGIAN NG MATALINONG MAMIMILI
Sinusuri ang produktong binibili tulad ng packaging nito,
MAPANURI expiration date, sangkap, saan at sino ang gumawa,
presyo, timbang at iba pa.

Bilang isang mamimili mahalagang bumili ng mga


MAY ALTERNATIBO O produktong may pamalit. Ayon nga sa isang anunsiyo,
PAMALIT magkasustansiya pero hindi mahal.

Mahalaga na ang isang mamimili ay laging handa,


HINDI NAGPAPADAYA alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan.

Laging isinasaalang-alang ang presyo at kalidad ng


MAKATWIRAN produktong binibili.

Hindi nagpapadala sa anunsiyo o popularidad ng isang


produkto dapat tiyakin na sapat ang pera sa mga
SUMUSUNOD SA BADYET
pangangailangan muna bago ang kagustuhan o luho.

Iniiwasang bumibili ng marami dahil lamang may


HINDI NAGPAPANIC nangyaring pandemya o kalamidad dahil ito ay maaaring
BUYING magdulot ng artipisyal na kakulangan.

Ang pag-endorso ng produkto at serbisyo ng isang sikat


HINDI NAGPAPADALA SA na tao o artista ay hindi nagpapabago ng kanyang bibilhing
ANUNSIYO produkto at serbisyo.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa


katangian,karapatan at tungkulin ng mamimili
panoorin ang bidyo na ito
https://bit.ly/AP9Q1M6V1 Knowledge Channel-
Karapatan at Tungkulin ng isang Mamimili
| Estudyantipid | Grade 9 Araling Panlipunan

GAWAIN 2: MATALINO AKONG KONSYUMER


Panuto: Ngayong alam mo na ang mga katangian ng isang matalinong konsyumer o
mamimili, suriin mo naman ang iyong sarili bilang isang mamimili. Mahalagang
sagutin mo sa susunod na pahina ang tsart ng buong katapatan upang magsilbi itong

8
gabay sa pagpapaunlad ng iyong katangian bilang isang mamimili.
Markahan ang iyong sarili bilang mamimili. Isulat sa sagutang papel ang pamilang na
sagot mo sa bawat pamantayan
1 – napakatalino 3 – di-gaanong matalino
2 – matalino 4 – mahina
PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. Madaling maniwala sa anunsiyo
2. Mapagmasid
3. Alam kung ano ang gagawin sa oras na
makabili ng depektibong produkto
4. Mahilig tumawad
5. Matipid
6. Alam ang karapatan at pananagutan
7. May listahan ng bibilhin
8. Mabilis magdesisyon
9. Sumusunod sa badyet
10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihin
Halaw mula sa Department of Education, Culture and Sports (DECS).(n.d.)Project EASE.
Araling Panlipunan IV . DECS Pasig City

Pamprosesong Tanong:

1. Kung may mga sagot kang 3 at 4 sa tsart sa bawat isang katangian, ano-ano ang
mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito?
2. Kung may mga sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga
katangian mong iyon? Bakit?

D. KARAPATAN NG MAMIMILI

Ang Kagawaran ng Kalakalan at


Industriya (Department of Trade and
Industry) ay naglabas ng walong
karapatan ng mga mamimili upang
maging gabay sa kanilang transaksiyon
sa pamilihan.
1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
Bawat mamimili ay may karapatang makabili ng mga pangunahing bilihin na mura at
de-kalidad upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan tulad ng
pagkain, damit, tirahan, pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
2. Karapatan sa kaligtasan
Bilang isang mamimili, karapatan mong maging ligtas sa mga produkto at serbisyo at
mahalagang malaman ang lahat ng impormasyon patungkol sa iyong binili dapat na ito ay
malayo sa ano mang depekto na maaaring maging banta sa buhay.
3. Karapatang pumili
Ikaw ay malayang pumili ng produkto at serbisyo na nais mo mula sa malawak na mga
pagpipilian basta ito ay may garantiya at kalidad.
4. Karapatan sa tamang impormasyon o patalastas
Bilang isang mamimili, karapatan mong maprotektahan laban sa mga mapanlinlang at
madadayang pag-aanunsiyo at pag-eetiketa.

9
5. Karapatang dinggin
Ito ay tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa
pagsasakatuparan ng mga batas ng pamahalaan.Karapatan din nating dumalo sa mga
konsultasyon ng pamahalaan na may kinalaman sa mamimili
6. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
Tumutukoy sa karapatan na mabigyan ng katumbas ng halagang ibinayad kung may
depekto, mga produktong ginaya o may mababang kalidad, o mga di- kasiya-siyang
serbisyo. Kung may problema sa nabiling produkto o serbisyo, maaari kang pumunta sa
Consumer Welfare Desk ng isang kompanya o pamilihan.
⮚ Ang sumusunod ang maaari mong gawin sa produktong iyong nabili kung sakaling may
problema:
⮚ refund (pagbabalik sa iyong ibinayad sa produktong nabili),
⮚ repair (pagsasaayos ng produktong nasira),o
⮚ replacement (pagpapalit ng istak ng isinauling produkto kung ito ay
hindi kayang maisaayos)
7. Karapatang magkaroon ng edukasyon bilang konsyumer
Ito ay tumutukoy sa karapatang magkaroon ng kaalaman at kakayahan para maging isang
matalinong mamimili. Kaya nga may ginagawang ganitong pagtalakay sa mga paaralan na
bahagi ng kurikulum upang maging mulat ang bawat isa tungkol sa mga karapatan at
tungkulin bilang mamimili.
8. Karapatan sa isang maayos at malinis na kapaligiran
Karapatan ng bawat mamimili na siguraduhing ligtas sa kaniyang mga binibiling produkto at
serbisyo at upang makatulong na magkaroon ng malinis na kapaligiran kaya mahalagang
ugaliin ang 3Rs- Reduce, Reuse, at Recycle.

Gawain 3
Pagmasdan ang poster at ilagay ang
inyong opinyon tungkol sa inyong
nakikitang mensahe. Isulat sa sagutang
papel ang inyong PAGSANG-AYON o DI
PAGSANG-AYON dito.

Pamprosesong Tanong:
1. Para sa iyo, sang ayon ka ba sa
mensahe ng poster? kung oo, bakit? kung
hindi, bakit?
2.Sa iyong palagay, mayroon bang
panganib / pakinabang na maidudulot ito
sa mamimili? Patunayan ang iyong sagot.

Unawain:

E. LIMANG TUNGKULIN NG MGA MAMIMILI


Ang Kagawaran ng Kalakalan at Indutriya ay nagpalaganap rin ng limang tungkulin ng
mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit.
1. Mapanuring kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano
ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa

10
makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy
tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng
ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang
pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig
na komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating
kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating
likas na kayamanan para sa ating kinabukasan.
5. Pagkakaisa-ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas
at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa


katangian, Karapatan at tungkulin ng mamimili
panoorin ang bidyo na ito
a. https://bit.ly/AP9Q1M6V2- 8 Rights of
Consumer
b. https://bit.ly/AP9Q1M6V3 5 Responsibilities of Consumer

Gawain 4- KATANGIAN, KARAPATAN O TUNGKULIN


PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay KATANGIAN, KARAPATAN o
TUNGKULIN ng isang mamimili. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ang bawat mamimili ay may mga pangunahing pangangailangan na kailangang
matugunan.
2. Hindi nagpapadala sa popularidad ng mga produkto.
3. Alerto at laging handang itama ang mga pagkakamali ng nagtitinda.
4. Maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
5. Matiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
6. Alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo sa
ibang mamamayan.
7. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
8. Tinitimbang kung kailangan ba niya ang bibilhin o kagustuhan lang.
9. Magkaroon ng isang malinis na kapaligiran.
10. Tinitingnan mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad ng produkto.

F. MGA BATAS PARA SA PROTEKSYON NG MGA MAMIMILI


Ang bawat mamimili ay mayroong mga karapatan at tungkuling dapat gampanan. Sa mga
karapatang ito, marapat lamang na proteksiyunan at pangalagaan ng pamahalaan ang
mamimili sa pamamagitan ng pagpapatupad na mga batas. Nakatakda sa Republic Act 7394
(Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng
proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang
kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga
pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya.

11
Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito:
a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
kaligtasan.
b.Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may
kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
c.Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
Magkaroon ng kinatawan sa mga samahan ng mamimili at tumulong sa pagbalangkas
at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.

Makikita sa talahanayan ang ilang mga batas na ito.

BATAS PALIWANAG

Artikulo 1546 (Kodigo Sibil ng Anumang kumpirmasyon ng pagpapatunay ng tagabili o


Pilipinas) pangakong sasabihin tungkol sa kanyang produkto para
mahikayat ang mga bumibili ay maituturing nang isang
garantiya maliban na lamang kung ang kanyang mga
pahayag ay batay o galing sa mga eksperto.

Batas Republika 7384 o Nakasaad sa batas na ito ang karapatan ng mga konsyumer
Batas sa Price Tag na magkamit ng repair, refund, o return kung ang kanyang
nabiling produkto ay depektibo o may sira.

Batas Republika 7581 na Batas na nagbibigay proteksiyon sa mga mamimili upang


sinusugan ng Batas maging matatag ang presyo ng mga pangunahing
Republika 10623 o Price Act pangangailangan at mga prime commodities.

Batas Republika 6675 o Nakasaad sa batas na ito na dapat itaguyod at tiyakin na


Generic Act of 1988 magkaroon ng sapat na suplay ng mga gamot na may generic
na pangalan. Sa pagrereseta mahalagang ilagay ang generic
na pangalan ng gamot.

Gawain 5

Panuto: Kilalanin ang logo ng mga sumusunod na larawan. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

12
G. MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA MAMIMILI
Ang mga sumusunod na ahensya ang makakatulong sa mga mamimili sa
lahat ng kanilang mga nais idulog laban sa mga madayang negosyante.
• Bureau of Food and Drugs (BFAD) - ito ang namamahala sa mga reklamo hinggil
sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.
• City/Provincial/MunicipalTreasurer - ang dumidinig sa mga reklamo na may
kinalaman sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na
pagsukat.
• Department of Trade and Industry (DTI) - tumutugon sa mga paglabag sa batas ng
kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na
gawain ng mga mangangalakal.
• Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-
wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified
Petroleum Gas gayundin ang mga reklamo tungkol sa kuryente.
• Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa
pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
• Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - dito dumudulog laban
sa illegal recruitment activities.
• Professional Regulatory Commission (PRC) - ang nagbibigay parusa sa mga
hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga guro, accountant,
doctor, engineer, atbp.
• Securities & Exchange Commission (SEC) - tumutugon sa mga reklamo na may
kinalaman sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.

Pagyamanin:

Gawain 6- Data Retrieval Chart

Panuto: Kumpletuhin ang talahayanan sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga ahensiya ng


pamahalaan na nangangalaga sa mga mamimili at ang tungkulin nito.

AHENSIYA NG GAWAIN/TUNGKULIN KAPAKINABANGAN


PAMAHALAAN SA MGA MAG-AARAL

13
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-ano ang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan
ng mga mamimili?
2. Ano-ano ang mga tungkuling ginagampanan nito?
3. Mahalaga bang malaman ang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga
sa kapakanan ng mga mamimili? Ipaliwanag ang iyong sagot?

Gawain 7

PANUTO: Ilagay sa kahon na W ang mga


salitang may kaugnayan sa buong Araling ito. Sa kahong Q naman ay bumuo ng 5
katanungan na nais mong masagot sa araling ito at sa kahong F isulat naman ang lahat ng
iyong mga natutunan sa araling ito.

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 68

Isaisip

Narito ang mga mahahalagang tandaan mula sa ating tinalakay sa


modyul na ito.

14
Ang mamimili o konsyumer ang kumukunsumo,
bumibili,
gumagamit at umuubos ng mga produkto at serbisyo.
Upang ikaw ay maituring na matalinong
mamimili narito ang ilan sa mga katangiang kanyang tinataglay: mapanuri, may
alternatibo o pamalit, hindi nagpapadaya, makatwiran, sumusunod sa badyet,
hindi nagpa panic-buying at hindi nagpapadala sa anunsiyo.
Naglabas din ang DTI ng walong karapatan ng
mamimili at
limang tungkulin ng mamimili.
Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of
the
Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at
nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
Sa pangunguna ng DTI o Department of Trade and
Industry at
iba pang ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa mga mamimili at
nagpapatupad ng batas para sa kagalingan ng lahat ng mamimili.

Isagawa:
Gawain 8- Karapatan Mo, Ipaglaban Mo!

Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na binabanggit


sa ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint o liham na nagsasaad ng hinaing upang
iyong maiparating sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Pumili ng isang sitwasyon na
nakasaad sa ibaba. Isulat ang iyong letter of complaint sa iyong kwaderno.

15
1. Depektibong cellphone
2. Lip balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Double dead na karne ng manok
4. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok.
5. Expired na sardinas na ibinigay sa ayuda.
6. Mabukbok na bigas na ibinigay sa bawat bahay bilang relief.

Tayahin:
A. PANUTO: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa kwaderno.
1. Ito ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa
interes ng mga mamimili.
2. Ang pangunahing kagawaran na nangangalaga sa karapatan ng mga mamimili.
3. Pagbabalik sa iyong ibinayad sa produktong nabili.
4. Pagsasaayos sa produktong nasira.
5. Pagpapalit ng istak ng isinauling produkto kung ito ay hindi na kayang isaayos.
6. Ang tawag sa mga taong bumibili o gumagamit ng produkto at serbisyo
7. Tumutukoy sa pagbili ng maraming produkto dahil sa isang pangyayari tulad ng
pandemya o kalamidad na nagiging dahilan na artipisyal na kakulangan
8. Katangian ng mamimili kung saan siya ay marunong pumili ng pamalit kung sakaling wala
ang produktong kanyang binibili o ginagamit.
9. Isa sa mga tungkulin ng mamimili na maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang
gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
10. Ito ang talaan ng mga bibilhin ng isang mamimili upang magkaroon ng hangganan ang
kayang mga bibilhin

B. Panuto.Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng


tamang sagot sa kwaderno.
A. Isulat ang titik A sa patlang kung ang unang pahayag ay TAMA.
B. Isulat ang titik B sa patlang kung ang ikalawang pahayag ay TAMA.
C. Isulat ang titik C sa patlang kung ang una at ikalawang pahayag ay TAMA.
D. Isulat ang titik D sa patlang kung ang una at ikalawang pahayag ay MALI.

1. A. Ang produksiyon ay tumutukoy sa pagbili ng mga produkto at serbisyo.


B. Ang pagkonsumo ay gawain ng mga mamimili.
2. A. Ang pagkonsumo ang nagbibigay katuturan sa produksiyon.
B. Ang lahat ay kumukunsumo.
3. A. Nakapipinsala ang pagkonsumo kapag ito ay banta sa kalusugan.
B. Ang pagkonsumo ay maaksaya kapag gumagamit lamang ng mga produktong
mamahalin.
4. A. Ayon kay Ernst Engel kapag lumalaki ang kita ng tao mas inuuna niya ang
pangangailangan kaysa kagustuhan.
B. Kung maliit naman ang kanyang kita mas inuuna niya ang kagustuhan
kaysa pangangailangan.
5. A. Ang presyo ay halaga ng mga produkto at serbisyo.
B. Ayon sa Batas ng pagkakaiba iba, higit na nagbibigay ng kasiyahan sa tao

16
ang paggamit ng iba’t ibang produkto.

C. PANUTO: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa kwaderno.
1. Kung ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng kalakal at serbisyo. Ito naman ay
tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa produkto at serbisyo.
a. distribusyon b. pagpapalitan c. pagkonsumo d. pagbili
2. Ibinalita sa telebisyon at pahayagan na ipinagbabawal ang pagkain ng tahong dahil sa”
red tide”. Ang pagkakaroon ng impormasyon ng mamimili hinggil sa mga produkto at
serbisyong kanyang bibilhin ay bahagi ng kanyang:
a. tungkulin b. karapatan c. kalayaan d. karapatan
3. Ahensya ng pamahalaan na nagkakaloob ng lisensya sa mga namumuhunan upang
matiyak na garantisado ang kalidad ng produkto at serbisyong ipinagkaloob ng mamimili
a. FDA b. DTI c. DOH d. DepEd
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging matalinong mamimili.
a. Si Rolando ay gumagamit ng “credit card” sa pagbili ng produkto
b. Si Carlo ay namili ng maraming produkto dahil nabalitaan niyang tataas ang
presyo nito sa mga sumusunod na araw.
c. Si Zakkiro na sinusuri ang sangkap, kalidad, at presyo ng produktong bibilhin.
d. Si Ysha na bumili ng sapatos na “imported” dahil naniniwalang mas matibay ito

5 Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang pinupuntahan hinggil sa


hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.
a. Department of Trade and Industry b. Bureau of Food and Drugs
c. Security and Exchange Commission d. Energy Regulatory Commission

Karagdagang Gawain:

A. Maaaring pumili sa mga sumusunod. Ito ay maaaring ipasa sa guro sa pamamagitan


ng messenger o ipost sa FB page ng Araling Panlipunan.
a. Paggawa ng ‘’ infomercial’’ na binibigyang diin ang karapatan at tungkulin ng
mga mamimili.
b. Panayam sa mga tao sa bahay bilang konsyumer kung alam ba nila ang
kanilang mga Karapatan at tungkulin bilang mga mamimili.
B. Bilang pagbubuod ng mga natutunan sa loob ng isang markahan, gumawa ng isang
Audio Visual Presentation na nagpapakita ng aplikasyon ng mga konsepto ng
ekonomiks. Pumili sa mga sumusunod:
a. music video c. documentary/dokumentaryo
b. commercial o patalastas d. Infographics

17
Sanggunian:
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon pahina 62-63
C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc. pahina
71-88
Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished
Elektronikong Sanggunian:

Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)


Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
https://bit.ly/AP9Q1M5TITLE (Nagsho-shopping na mga babae)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE3 (Philippine coins)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE4 (Philippine Peso)
Bitmoji
https://bit.ly/AP9Q1M6P1 (youtube)
https://bit.ly/AP9Q1M6V1 (Knowledge Channel- Karapatan at Tungkulin ng isang Mamimili |
Estudyantipid | Grade 9 Araling Panlipunan
https://bit.ly/AP9Q1M6V2
https://bit.ly/AP9Q1M6V3
Puzzle maker cross word puzzle

18
19
SUBUKIN:
Badyet BALIKAN:
Mapanuri URI
Kita Produktibo
Consumer Tuwiran
Maaksaya
Act of the Mapanganib
Philippines Lantad
Kagawaran SALIK
ng Kalakalan Panahon
Presyo
Pag-aanunsiyo
TUKLASIN: GAWAIN 2- Okasyon
Ang sagot ay MATALINONG Kita
nakadepende sa MAMIMILI BATAS
karanasan at Ang sagot ay Imitasyon
opinion ng mag- nakadepende sa Lumiliit na Pakinabang
aaral. karanasan at Pagkabagay-bagay
opinion ng mag- Kaayusang Ekonomiko
aaral. Pagkakaiba-iba
GAWAIN 3-I
COMMENT MO
Ang sagot ay GAWAIN 4
nakadepende sa 1,5,9- KARAPATAN TAYAHIN:
karanasan at 2,3,8,10- A.
opinion ng mag- KATANGIAN Consu
aaral. 4,6,7- TUNGKULIN mer Act of the
Phlippines
DTI
GAWAIN 5- LOGO
Refund
MO HULA KO Repair
1. DTI 2. SEC GAWAIN 6- DATA Replac
3. HLURB 4. PRC 5. RETRIEVAL CHART ement
DENR Tignan ang Mami
pagtalakay sa mga mili/konsyumer
ahensiya ng Panic
buying
pamahalaan
GAWAIN 7-WQF May
DIAGRAM alternatibo
Mapan
Ang sagot ay
GAWAIN 10 uri
nakadepende sa Badyet
karanasan at Ang sagot ay
B. C.
opinion ng mag- nakadepende sa 1. B 1. C
aaral. karanasan at opinion 2. A 2. B
ng mag-aaral. 3. A 3. A
4. D 4. C
Susi sa Pagwawasto
20

You might also like