Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 1

KABANATA I
SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA
Sa panahon ngayon, madami na ang mga taong nakakaranas ng depresyon.
Maraming mga mag-aaral ang nakararanas ng depresyon. Paano nga ba ito malulunasan
o maiiwasan? Madami ang nababahala na kung bakit at paano silanagkaroon depresyon.
Nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil maaari itong
humantong sa suicide o pagpapakamatay kapag hindi naagapan. Mahigit 2,000 kaso na
ng suicide ang naitala ng WHO sa bansa noong 2012. Sa buong mundo, ang suicide ang
naitatalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad 15-
29.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng mga insidenteng pagpapatiwakal at “suicidal
attempt” ngilan sa mga mag-aaral nanakaranas ng depresyon at pagkabahala. Kaya
naman, mahalagang malaman ang dahilan ng mga ito sa pisyolohikal at sosyolohikal na
pag aaral na tunay nga namang magdadala ng napakalaking impak lalo na sa mga mag-
aaral na kasalukuyang dumaranas nito at sa mga mag-aaral na makakaranas rin ng
ganitong insidente sa hinaharap. Nang sagayon ay maging bukas sila sa mga paraan na
maaari nilang gamitin upang hindi na sila umabot sa ganitong lebel, ang lebel ng labis na
pagkabahala na magiging isang malaking susi sa pagkakaroon nila ng depresyon.

SALIGAN NG PAG-AARAL
Ayun kay Loralaine R, ang depresyon sa mga bata ay maaaring minsanang
problema o maaaring magpatuloy. Karamihan sa mga bata mahihirapan nang ilang linggo
o buwan. Kung walang paggagamot, maaaring bumalik ang depresyon at lumala. Ang
mga batang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki ang peligro ng depresyon sa
huling mga taon ng kanilang kabataan at nasa sapat na gulang. Ang eksaktong sanhi ng
depresyon ay hindi nalalaman. Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto
sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung wala ang tamang balanse ng mga kemikal
na ito, maaaring may mga problema sa kung papaanong mag-isip, makaramdam, o

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 2

kumilos ang iyong anak. Ang batang may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o
napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito. Ang depresyon ay malamang na namamana sa
mga pamilya.
Ayon naman kay Jas Gamboa, Ang depresyon ay kadalasang namamana sa mga
pamilya. Maaari rin na ang mga magulang ang may negatibong pananaw sa kanilang mga
anak, at natututunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.
Ayon kay Arriane Tapalla, ang depresyon ay isa sa mga nararanasan ng mga
kabataan ngayon. Madaming problema ang nararanasan ngayon ng kabataan tulad ng
problema sa eskwelahan, problema sa pamilya, problema sa kaybigan at madami pang
iba, dahil sa mga nararansan na ito kaya nag kakadepresyon ang mga kabataan ngayon.
Madami ang nagiging epekto ng depresyon, yung iba hindi maka pag pokus kanilang
araw araw gawain, nagiging mainitin ang ulo, yung iba na liligaw ng landas o na
mapapariwara, at madami pang iba. Ngunit minsan may mga tao na hindi na kinakaya
ang depresyo at humahantong na pag papakamatay.
Ayon sa Amerikanong psychologist Martin Seligman katulad depresyon sa mga
tao natutunan helplessness sa mga hayop laboratoryo. Ang mga pang-eksperimentong
mga hayop mananatili sa hindi kanais-nais na mga sitwasyon kahit na maaari silang
lumayo, ngunit nagbibigay-daan ay dahil natutong nila na hindi nila makokontrol.
Behaviour nakakagaling na teorya ng depresyon ay tumutuon sa ang pag-andar ng
depresyon pag-uugali.

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 3

BALANGKAS TEORETIKAL
Ang isinasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na may pamagat na “Mga
Kadahilanan ng Pagkakaroon ng Depresyon ng Isang Estudyante” ay ginamit ang
pananaw ng Pranses doktor Louis Delasiauve ipinakilala ang konsepto sa saykayatrya sa
1856. Ang pangkalahatang terminong ginamit sa depresyon ay madalas na ginagamit
upang tukuyin ang karamdaman, ngunit maaari ring sumangguni sa iba pang mga anyo
ng sakit sa depresyon. Depresyon disorder ay maaaring maging isang debilitating
kondisyon na inhibits ang kakayahan upang gumana sa pamilya, sa trabaho o paaralan.
Pagtulog, gana sa pagkain at pangkalahatang kalusugan ay maaaring maapektuhan.
Ayon kay doktor Louis Delasiauve (1856), walang laboratoryo pagsubok na
Kinukumpirma ng depresyon disorder, ngunit doktor ng pagsusuri ng estado ay maaaring
bumili ng laboratoryo at iba pang mga pagsubok upang makita ang pisikal na kundisyon
na maaaring maging sanhi ng katulad na sintomas sa depresyon. Ang mga pasyente ay
karaniwang itinuturing na may antidepressants, at maaari ring pumunta sa psychotherapy
o pagpapayo.

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 4

BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT

Ginagawa namin ang pag-aaral na ito upang malaman ang:

 Mga kadahilanan ng pagkakaroon ng depresyon ng isang estudyante.


 Mga epekto ng depresyon sa isang estudyante.
 Mga panglunas o solusyon sa depresyon ng isang estudyante.

PROCESS

I. Magsasagawa ng sarbey.
II. Pagngalap ng impormasyon.
III. Pag-unawa sa mga datos o impormasyong nakuha.
IV. Pagtatanong sa mga respondente.

OUTPUT
Malaman ang “Mga Kadahilanan ng Pagkakaroon ng Depresyon ng
Isang Estudyante.”

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 5

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayan at matugunan ang ilan sa mga
suliranin na may kaugnayan sa pag-aaral ang mga mananaliksik sa “Mga Kadahilanan
ng Pagkakaroon ng Depresyon ng Isang Estudyante”. Sinikap ng mga mananaliksik
na masagot ang mga sumusunod na tiyak na katanungan.
1. Ano ang demograpikong propayl ng respondente ayon sa:
a. Edad
b. Kasarian
c. Baitang
d. Strand
2. Paano mo malalaman kung may depresyon ang isang estudyante:
2.1 Nagiging sobrang sensitibo sa lahat ng bagay.
2.2 Nakakaramdam sya ng pagkaligalig.
2.3 Madalas na mairita, umiinit ang ulo.
2.4 Nawawalan ng gana kumain, nagiging mapili sa pagkain.
3. Bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang estudyante:
3.1 Masyadong pag-iisip sa mga dapat gawin sa paaralan.
3.2 Kulang sa tulog o lagging puyat.
3.3 Maaaring ang magulang ay may negatibong pananaw.
4. Paano nag sisimula ang depresyon ng isang estudyante:
4.1 Maaaring may problema sa paaralan.
4.2 Pagkawala ng isang matalik na kaibigan.
4.3 Nabu-bully
4.4 Paghihiwalay ng mga magulang
5. Bakit hindi maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon ng isang estudyante:
5.1 Dahil sa lubos na pag-iisip sa isang bagay o problema
5.2 Pagkakaroon ng madaming gawain

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 6

HAYPOTESIS
Ang pagkakaroon ng depresyon ng isang estudyante ay dahil sa mga gawain sa
eskuwelahan, problema sa pamilya, madalas na pag-iisip sa isang gawain. Ang depresyon
ay isang sakit sa pag-iisip patuloy pa rin ang debate kung ano talaga ang sanhi nito. May
mga epektibong paggagamot ng depresyon. May mga health-care provider na nagbibigay
ng mga psychological treatment tulad ng behavioral activation, cognitive behavioural
therapy at interpersonal psychotherapy o kaya antidepressant medication (tulad ng
selective serotonin reuptake inhibitors at tricyclic antidepressants). Kasama rin sa iba
pang psycholo-gical treatment ang individual o group face-to-face psychological
treatment hatid ng mga propesyonal na doktor at mga nangangasiwang therapist.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Nakasentro ang pag-aaral na ito sa “Mga Kadahilanan ng Pagkakaroon ng
Depresyon ng Isang Estudyante” sinasaklaw ng pag-aaral na ito na malaman ang mga
kadahilanan, paano malulunasan at kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng
depresyon ng isang estudyante. Kami ay may 50 respondente at ang aming mga
respondente ay ang mga estudyante sa paaralang Asian Institute of Computer Studies.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Nais ng mananaliksik na mabatid at mapatunayan kung paano at maiiwasan o
malulunasan ang depresyon ng isang estudyante ang mga impormasyong nakolekta at
makatotohananang nabuo sa pag aaral na ito ay maaring magamit at makatulong sa mga
sumusunod:
MANANALIKSIK NA MAY TULAD NA PAG-AARAL. Ang Pag-aral na ito ay
makakatulong sa mananaliksik na makakuha ng impormasyon o datos tungkol sa mga
kadahilanan ng pagkakaroon ng depresyon ang isang estudyante. Maari nilang maging
batayan sa kanilang pag aaral ang aming pag aaral.
MGA MAG-AARAL NA NAKARARANAS NG DEPRESYON. Ang Pag-aaral na ito
ay makakatulong sa mga mag-aaral na nakaranas ng depresyon na kung paano nila ito

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 7

maiiwasan at masosolusyunan. Makakatulong din ito upang magkaroon sila ng ideya


tungkol sanatawag na depresyon na kanilang nararanasan.
MAGULANG. Ang Pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang upang
magabayn nila ang kanilang mga anak patungo sa mabuting landas, makakatulong ito na
aming pag-aaral upang meron silang ideya tungkol sa depresyon at maiwasan at
masolusyunan agad.
MANUNULAT. Ang Pag-aaral na ito ay makakatulong sa manunulat na magkaroon ng
ideya tungkol sa depresyon at makapagsulat pa ng marami tungkol sa kung paano ito
maiiwasan at matulungan ang mga mag aaral na maiwasan ito.

PAGPAPAKAHULUGAN NG TERMINOLOHIYA
Bilang gabay sa mas lalong ikauunawa sa pag-aaral ng paksang “Mga
Kadahilanan ng Pagkakaroon ng Depresyon ng Isang Estudyante” nilikom, pinili at
binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na salita na ginamit sa
kabuuan ng pananaliksik:
Depresyon. Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood
nasinamahan ng mababang pagtingin sa sarili nawala ang pagpapahalaga sa sarili,
kawalanng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.
Psychotherapy. Ang psychotherapy o sikoterapiya ay ang sinasadya o intensiyonal na
pagkakaugnayang interpersonal o pakikisalamuha ng mga tao na ginagamit na mga may
pagsasanay na mga sikoterapista upang matulungan ang isang kliyente o pasyente hinggil
sa mga suliranin sa pamumuhay.
WHO. World Health Organization
Pagpapatiwakal. Ang pagpapatiwakal o pagpapakamatay ay pagkilos ng sinasadyang
pagsasagawa ng sariling ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay madalas na ginagawa
dahil sa kawalan ng pag-asa, ang sanhi nito ay madalas na inuugnay sa mental disorder o
sakit sa isipan tulad ng depresyon, bipolar disorder, schizophrenia, pagkalulong sa alak, o
pagkalulon sa droga.
Schizophrenia. Ang schizophrenia (skisoprenya) ay isang malubhang karamdaman sa
utak kung saan ang tao ay hindi wasto ang nakikita.

SENIOR HIGH SCHOOL


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES 8

Sosyolohikal. Pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis


athinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang kasapi ng
mgaasosasyon, grupo at institusyon.
Pisyolohikal. Ay ang pag-aaral ng galaw at tungkulin ng bawat bahagi ng
pangangatawan.

SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like