Filipino Page 52

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: Forte, Exequel D.

Date: 10-06-21
Grade & Section: 12 STEM – Saint Margaret

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK

“Subukin ang Natutuhan” (page 52)

2. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang lakbay-sanaysay sa manunulat? sa


mga mambabasa?
- Malaki ang kapaki-pakinabang ng lakbay-sanaysay sa manunulat at mambabasa
sa kadahilanang parehas silang nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa lugar na
ginagawan ng sanaysay. Hindi lamang ang mambabasa ang nagkakaroon ng
kaalaman kundi ang mismong manunulat din sapagkat inaalam niya at sinusuri
ang mga impormasyong maari niyang makuha sa lugar na iyon na maaari niyang
isulat sa kanyang sanaysay.

4. Paano lalong madarama ang ginagawang paglalakbay? Paano ito lalong


magmamarka sa kamalayan?
- Lalong madarama ang ginagawang paglalakbay kung tayo ay interesado at may
nais na malaman at matuklasan sa lugar na ating paglalakbayan. Magmamarka ito
sa ating kamalayan kapag kamangha-mangha ang lugar na iyon at marami kang
nakuhang nakakainteresadong impormasyon na maaari mong mailagay para sa
sanaysay na iyong ginagawa.

6. Bakit dapat danasin ang paglalakbay kahit paminsan-minsan lamang sa


buhay?
- Dapat natin danasin ang paglalakbay kahit paminsan-minsan upang tayo ay
makatuklas ng mga bagay na hindi pa natin nalalaman at mga lugar na hindi pa
natin nararating. Marami pa tayong dapat malaman sa mundong ito. Maraming
lugar ang maraming mahahalagang impormasyon at pangyayari. Mas maganda
kung tayo ay maglalakbay kahit na paminsan-minsan lamang upang magkaroon
tayo ng bagong kaalaman sa ibang bagay at lugar.

You might also like