Form 1a t1 Saguipado t2 Rosquites Final Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Baytang: 9 Feedback
Markahan: Ikalawang Markahan

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 9
Heading
Nina: Brigitte A. Rosquites
Jubiely M. Saguipado

Kasanayang 6.4. Naipapahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na


Pampagkatuto batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat
DLC (No. & Statement)

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran: Nasusuri ang mga umiiral na batas batay sa


pagtugon nito sa kabutihang panlahat;

b. Pandamdamin: Napaninindigan ang pagsang-ayon o pagtutol


Mga Layunin sa mga umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa
(Objectives) kabutihang panlahat sa pamamagitan ng mapanuring pag-
iisip; at

c. Saykomotor: Nakabubuo ng mga paraan upang maipahayag


ang pagsang-ayon o pagtutol sa mga umiiral na batas batay
sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat.

Paksa Pagsang-ayon o Pagtutol sa mga Umiiral na Batas batay sa


(Topic) Pagtugon nito sa Kabutihang Panlahat

Dimension: Intelektwal
Pagpapahalaga
(Value to be developed) Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip

Sanggunian
(APA 7th Edition
format) 1. Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1, pp, 78-95
https://fdocuments.in/document/grade-9-esp-
modulepdf.html?
fbclid=IwAR0k0iIk5F2sg4auLBS4ZTQeDZmkY10rL2ngB
UBflmVfNTMzUutMNm1j9HQ

2. Lee, S. (2016, February 15). common good. Encyclopedia


2

Britannica. https://www.britannica.com/topic/common-good

3. Strang. (2005). The Role of the Common Good in Legal and


Constitutional Interpretation (1st ed., Vol. 3). University of
St. Thomas Law Journal.
https://ir.stthomas.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1073&context=ustlj
4. The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.
October 11, 2013.
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-
constitution/

5. The Meaning and Purposes of Law. (n.d.). Lumen Learning.


https://courses.lumenlearning.com/wmopen-introbusiness/ch
apter/meaning-and-purposes-of-the-law/

6. Universal Declaration of Human Rights. (1948, December


10). United Nations.
https://www.un.org/en/about-us/universal-declaration-of-
human-rights

Mga Kagamitan
(Materials) ● Laptop
● Web camera
● Microphone
● Headset
● Testmoz
testmoz.com/11546766
● Google Drive-
https://drive.google.com/drive/folders/1rC7coIRnY61YDdh
47bReGA81KFt-9YRq?usp=sharing
● Padlet-
https://padlet.com/rosquitesba/9u54ytt3aaday8ww
https://padlet.com/rosquitesba/vng4el1669gmz8fv
● Canva-
https://bit.ly/3GY4v7G
https://bit.ly/3nWcqLc
● EduBlog-
https://edublogs.org/
● Jamboard-
https://jamboard.google.com/d/11Q3vX3Yr_mL-
_2z7lLvZEUlLz738kI60orFFayVqvMg/edit?usp=sharing
● Prezi -
3

https://prezi.com/p/tukfdxqsgmed/?present=1
● Aha slides
ahaslides.com/3VE1
● Typeform
https://2fwgdjqewcw.typeform.com/to/g4GlsNNE

Pangalan at Jubiely M. Saguipado


larawan ng
unang guro

Minuto na nakalaan: 2 minuto Technology Integration


App used: Canva
Pagbati Link:
● Babatiin ng guro ang mga mag- https://bit.ly/3nWcqLc
aaral. Picture:

Panalangin
● Magdadasal ang klase habang
nakikinig sa maikling panalangin
Panimula
na inihanda ng guro.
(preliminaries)
Pagpapakilala
● Ang guro ay magpapakilala sa
klase at kukumustahin ang mga
mag-aaral.

Pagbanggit ng mga layunin


● Ilalahad ng guro ang mga layunin
sa aralin.

Panlinang Na
Gawain Stratehiya: Hanap Salita Technology Integration
(Motivation) Minuto na nakalaan: 5 minuto App used: Jamboard
Panuto: Bibigyan ng isang minuto ang Link:
mga mag-aaral upang hanapin at https://jamboard.google.
linyahan ang mga salita mula sa word com/d/11Q3vX3Yr_mL
puzzle. Ang linya ay maaring pahalang o -
pahiga. _2z7lLvZEUlLz738kI6
0orFFayVqvMg/edit?
Mga salita: usp=sharing

1. Batas Picture:
2. Pagsang-ayon
3. Pagtutol
4

4. Kabutihang
5. Panlahat

Mga Tanong:

1.Ano ang iyong naramdaman sa


ibinigay na gawain?

2.Anong mga salita ang naipakita sa


gawain?
Inaasahang sagot: Ang mga salitang
naipakita sa gawain ay batas, kabutihang,
panlahat, pagtutol at pagsang-ayon

3.Sa iyong pananaw may kaugnayan ba


sa isa’t isa ang mga salita? Ipaliwanag.
Inaasahang sagot:
● Mayroong kaugnayan ang
salitang pagtutol at pagsang-ayon
dahil ito ay isang desisyon.
● May kaugnayan ang batas at
kabutihang panlahat dahil
ipanatutupad ang batas para sa
ikabubuti ng mamamayan.

Pangunahing
Gawain Dulog: Values Clarification Technology Integration
(ACTIVITY) Sratehiya: Voting Questions App used: Typeform
Minuto na nakalaan: 7 minuto Link:
https://2fwgdjqewcw.ty
peform.com/to/g4GlsN
Panuto: Ang mga mag-aaral ay NE
magpapasiya kung sila ay sang-ayon o Picture:
tutol sa mga batas na ibabahagi ng guro.
Pagkatapos ng gawain ay magtatawag
ang guro ng dalawang mag-aaral
upang ipaliwanag ang kanilang
kasagutan.

1. Ang Anti-Violence Against


Women and their Children o
panukalang batas 9262 ay
ipinatupad ng Kongreso na
naglalayong protektahan ang mga
Kababaihan at Kabataan sa
nararanasang pang-aabuso. Sang-
5

ayon ka ba o tutol sa batas na ito?

2. Ang panukalang batas bilang


10931 o mas kilala sa tawag na
Universal Access to Quality
Education ay naglalayong
mabigyan ng libreng edukasyon
ang lahat ng mag-aaral sa
kolehiyo sa pamamagitan ng pag-
alis ng matrikula sa mga
Pamantasan. Sang-ayon ka ba o
tutol sa batas na ito?

3. Ang saligang batas bilang 11023


o Rice Tarrification Law ay
naipatupad noong taong 2019 na
naglalayong payabungin ang
produksyon ng bigas sa bansa na
siyang makatutulong sa mga
Pilipino. Nangangahulugan din
itong magkakaroon ng mas
malakas na kakumpitensya sa
pagbebenta ng palay ang ating
mga magsasaka. Sang-ayon ka ba
o tutol sa batas na ito?

4. Bilang pagsunod sa
Memorandum Circular 2022-
2305, ipinatupad ang “No
vaccine, no ride policy” sa buong
NCR habang nasa alert level 3.
Ang mga pasaherong sasakay sa
mga pampublikong sasakyan ay
nangangilangang magpakita ng
vaccination card o sertipikong
medikal na nagpapatunay na
hindi pa maaring bakunahan
upang payagang bumiyahe. Sang-
ayon ka ba o tutol sa batas na ito?

Mga Katanungan
(ANALYSIS) Minuto na nakalaan: 10 minuto Technology Integration

1. Alin sa mga batas na nabanggit ang App used: AhaSlides


pinaka pamilyar sa iyo? bakit? (C) Link:
6

ahaslides.com/3VE1
2. Ano ang dapat ninyong taglay upang
makapagpasya kung iyong sasang- Picture:
ayunan o tutulan ang isang batas?
(Mapanuring Pag-iisip) (C)

3. Ano ang iyong mga saloobin mula sa


mga batas na ibinahagi ng guro? (A)

4. Bilang isang mag-aaral, paano ka


naaapektuhan ng mga batas na umiiral
sa iyong lipunan? (A)

5. Paano mo naipapakita ang iyong


pagsuporta sa mga umiiral na batas? (P)

6. Paano mo maiimpluwensiyahan ang


ibang tao na maging kritikal sa pagsuri
ng mga batas? (P)

Brigitte A. Rosquites
Pangalan at
larawan ng
pangalawang
guro

Pagtatalakay Minuto na nakalaan: 10 minuto Technology Integration


(ABSTRACTION)
Balangkas o outline: App used: Canva
Link:
● Kabutihang Panlahat https://bit.ly/3GY4v7G
● Batas at Kahalagahan nito Picture:
● Indikasyon na ang batas ay
tumutugon sa Kabutihang
Panlahat
● Halimbawa ng batas na
tumutugon sa Kabutihang
Panlahat

Nilalaman o content:

Ano ang Kabutihang Panlahat? 

● Ang kabutihang panlahat ay


tumutukoy sa kabutihan ng buong
lipunan. Sa kabutihang panlahat,
isinasaalang-alang ang
7

makabubuti para sa bawat


miyembrong nasasakupan.
● Isinasantabi ang sariling interes
para sa kapakanan ng buong
komunidad.
● Ayon sa tanyag na pilosopo na si
St. Thomas Aquinas, ang
kabutihang panlahat ay ang
pagsulong sa ikagiginhawa ng
komunidad at lagi itong kaugnay
ng batas.
● Ang gobyerno ang isa sa mga
institusyon na nagsisilbing
instrumento upang matugunan
ang kabutihang panlahat. Ang
kabutihang panlahat ay
nagsisilbing pangunahing gabay
sa pagbuo at pagpapatupad ng
mga batas. 

Ano ang Batas?

● Ang batas ay tumutukoy sa mga


alituntunin ng kilos o pag-uugali
na iniatas ng mga awtoridad.

Bakit ito mahalaga?

● Nararapat itong sundin ng mga


mamamayan dahil nakapaloob sa
bawat batas ang kaukulang parusa
sakaling may paglabag.
● Isinusulong nito ang karapatan
upang maprotektahan ang tao sa
iba’t ibang aspeto ng buhay.
● Ang batas rin ay siyang
instrumento ng Diyos upang
matugunan at maprotektahan ang
mga karapatang pantao.
● Ito ay nagsisilbing gabay upang
ang lipunan ay maging
organisado at ang mga miyembro
nito ay makapamuhay nang
matiwasay.

Masasabi na ang isang umiiral na


8

batas ay tumutugon sa kabutihang


panlahat: 

1. Kung ito ay pinapatupad upang


maiwasan ang mga hindi
mabubuting gawain gaya ng
pagnanakaw at pagpaslang. 
2. Kung ito ay makatarungan at
walang kinikilingan.
3. Kung napangangalagaan ang
karapatan ng lahat.
4. Kung ito ay ipinatutupad para sa
kabutihan ng buong komunidad at
hindi para lamang sa iilan.
5. Kung ito ay ipinatupad para
makatulong sa kapwa at hindi
para makapanlamang.
6. Kung ito ay ipinatupad ng may
mabuting intensyon.

Dapat tandaan na ang batas ay


maituturing na mabuti kung ito ay
nagsusulong ng kaunlaran at
kaginhawaan ng lahat at hindi ng iilan
lamang. 

Halimbawa ng batas na tumutugon


batay sa kabutihang panlahat: 

● Isang halimbawa ay Ang


Pandaigdig na Pagpapahayag
ng mga Karapatang Pantao
(Universal Declaration of
Human Rights). Ito ay tinatag ng
mga nagkaisang bansa (United
Nations).
● Dito nakabase ang mga batas
upang protektahan ang dignidad
ng bawat mamamayan sa isang
bansa.
● May paniniwala itong ang
pagbibigay ng pantay na
karapatan sa bawat babae at lalaki
ay magreresulta sa isang
panlipunang progreso at mas
9

mabuting pamantayan ng buhay.

Stratehiya: Voting and Open Ended Technology Integration


Question
Minuto na nakalaan: 7 minuto App used: Padlet
Link:
Panuto: Sasagutin ng mga mag-aaral ang question 1:
mga katanungan na naka-paskil sa padlet. https://padlet.com/rosqu
Sila ay maaaring maglagay ng isa o higit itesba/9u54ytt3aaday8w
pang paraan. Magtatawag ang guro ng w
isang mag-aaral kada bilang upang question 2:
magbahagi ng kanilang kasagutan. https://padlet.com/rosqu
itesba/vng4el1669gmz8f
v
1. Ang saligang batas bilang 115696
o mas kilala sa tawag na Picture:
Prohibition of Child Marriage
Law ay nagsasaad na ilegal ang
pagpapakasal sa mga kabataang
edad 18 pababa. Ikaw ba ay
sumasang-ayon o tumututol sa
batas na ito batay sa pagtugon
nito sa kabutihang panlahat at sa
Paglalapat paanong paraan mo
(APPLICATION)
maipapahayag ito?

2. Ang resolusyon bilang 148 at 149


na ipinatupad ng IATF ay
nagsasaad na lahat ng
manggagawa ay kinakailangang
magpabakuna at kung sila ay
hindi pa man bakunado,
kinakailangan nilang sumailalim
sa RT-PCR test isang beses sa
dalawang linggo. Ikaw ba ay
sumasang-ayon o tumututol sa
batas na ito batay sa pagtugon
nito sa kabutihang panlahat at sa
paanong paraan mo
maipapahayag ang pagsang-ayon
o pagtutol mo sa batas na ito
batay sa pagtugon nito sa
kabutihang panlahat?

Pagsusulit Uri ng Pagsusulit: Multiple choice at Technology Integration


10

(ASSESSMENT) Sanaysay.
Minuto na nakalaan: 7 minuto App used: Testmoz
Link:testmoz.com/
Test I. (1-5 items only) 11546766
Panuto: Basahin at unawain ang mga Password: 0987
tanong sa bawat bilang at piliin o Picture:
pindutin ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
indikasyon na ang batas ay tumutugon sa
kabutihang panlahat?
A. Ang batas ay ipinatupad nang
may malinis na intensyon.
B. Ang batas ay ipinatupad upang
protektahan ang mamamayan.
C. Ang batas ay ipinatupad upang
magbigay ng pantay na karapatan
sa mamamayan.
D. Ang batas ay ipinatupad upang
makatulong at maiwasan ang
panlalamang sa kapwa.
2.Bilang opisyales, nais magpatupad ng
ordinansa ng iyong mga magulang sa
inyong barangay. Ito ay ang pagpapatayo
ng bagong mall sa inyong lugar, ngunit
mapaaalis nito ang mga iskwater. Alam
mo na ginagawa nila ito upang
mapabango ang pangalan sa inyong
Mayor. Paano mo paninindigan ang
pagtutol dito?

A. Kakausapin ko ang aking


magulang tungkol dito at
sasabihin na hindi ko ito gusto
dahil ito ay masama.
B. Kakausapin ko ang aking mga
magulang at sasabihin na hindi
makabubuti sa lahat ang kanilang
plano.
C. Kakausapin ko ang aking mga
magulang at sasabihin na sila ay
nakakahiya dahil sa kanilang
maling ginagawa.
D. Kakausapin ko ang aking mga
magulang pati na rin ang ibang
opisyales upang mapatigil ang
11

plano na ito dahil ito ay delikado.

3. Ikaw at ang inyong pampaaralang


organisasyon ay parehong tutol sa
pagpapatupad ng batas tungkol sa
terorismo. Ano ang mga hakbang na
maaari niyong gawin upang maipakita
ang inyong pagtutol dito?

A. Gumawa ng poster kung saan


ginagawang katatawanan ang
mga mambabatas.
B. Gumawa ng panawagan sa social
media na nagpapakita ng mga
dahilan ng pagtutol.
C. Gumawa ng mga meme sa social
media upang makahikayat ng
maraming tao na tumutol din sa
batas.
D. Gumawa ng isang jingle na
nagpapahiwatig na hindi naaayon
sa plano ng Diyos ang batas.
4. Ang rice tariffication law ay nagbunga
ng pagbaba ng presyo sa bigas kaya
naman marami ang nakinabang dito.
Gayon pa man, dahil rin sa batas na ito,
maraming magsasaka ang lalong
nalugmok sa kahirapan. Batay sa
sitwasyon, masasabi mo bang ang batas
ay tumutugon sa kabutihang panlahat?

A. Oo, dahil ito ay nakatulong sa


marami dahil sa pagbaba ng
presyo ng bigas.
B. Hindi, dahil ito ay nakatulong
lamang sa iilan at hindi sa buong
komunidad.
C. Hindi, dahil ito ay ipinatupad
lamang para sa kapakinabangan
ng mga mayayaman.
D. Oo, dahil ito ay ipinatupad para
sa kapakanan ng nakararami at ito
ay hindi lumalabag sa anumang
karapatang pantao.

5. Ikaw ay naniniwalang ang batas na


12

ipinatupad sa iyong paaralan tungkol sa


pagbabawal na magsuot ng damit batay
sa iyong sekswal na oryentasyon ay
lumalabag sa inyong karapatang ihayag
nang malaya ang iyong sarili. Ikaw ay
naninindigan na ito ay mali. Alin sa mga
desisyon sa ibaba ang pipiliin mong
gawin?

A. Bumuo ng panawagan sa social


media tungkol dito.
B. Lumapit sa mga kinauukulan
tungkol sa isyung ito.
C. Kausapin ang pamunuan ng
paaralan at maayos na ibahagi
ang iyong opinyon tungkol dito.
D. Kausapin ang iyong mga
magulang at sabihin ang ganitong
pangyayari sa iyong paaralan
upang kanila itong maaksyunan.
Test II. Sanaysay
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay ayon
sa mga katanungan sa ibaba. Ang
sanaysay ay hindi maaaring bumaba sa
tatlo at hindi lalagpas sa limang
pangungusap.

6.Sa iyong palagay, bakit mahalagang


ipaglaban at panindigan ang iyong
pagtutol ukol sa mga batas na hindi
tumutugon sa kabutihang panlahat?

Test 1. Sagot:

1. B
2. B
3. B
4. B
5. C
Test II. Inaasahang sagot para sa
sanaysay
6. Maaari kong masuri ang mga
batas sa pamamagitan ng
pananaliksik. Maari akong
13

magbasa tungkol sa batas,


maghanap ng mga kaugnay na
artikulo na maaaring magbigay sa
akin ng impormasyon.

RUBRIK SA SANAYSAY:
https://bit.ly/3rAS0cQ

Minuto: 3 minuto Technology Integration

Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagawa App used: google drive,


ng posisyong papel tungkol sa Anti- EduBlog
Terror Law kung saan kanilang Link:
ipapahayag kung sila ba ay sumasang- https://edublogs.org/
ayon o tumututol sa pagtugon ng batas na https://bit.ly/3tXebvA
ito sa kabutihang panlahat . Sila ay Username:vebr
bibigyan ng halimbawa ng isang Password:ug201900534
posisyong papel bilang gabay sa Picture:
paggawa na nakalagay sa Google Drive.
Kanilang ipapasa ang posisyong papel sa
website na EduBlog.

Rason sa pagpili ng Anti-Terror Law


bilang paksa.

Takdang-Aralin Ang Anti-terror Law o Anti-Terrorism


(ASSIGNMENT) Act of 2020, ay isa sa mga pinaka
kontrobersyal na batas na ipinatupad sa
Pilipinas. Ito ay naglalayon na
protektahan ang bansa laban sa mga
terorista. Gayon pa man, nagsanhi ito ng
samu’t saring opinyon hinggil na rin sa
nilalaman ng batas na ito. Marami rin
ang nagpabatid ng kanilang pag-aalala sa
maaaring panganib na dala nito sa mga
mamamayan. Kaya naman, Sa
pamamagitan ng takdang-aralin na ito,
mapagtitibay ang kakayahan ng mga
mag-aaral na sumuri ng batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat.

RUBRIK SA PAGMAMARKA:
https://bit.ly/3ozClsn
14

Stratehiya: Pag-iiwan ng Kasabihan Technology Integration


Minuto na nakalaan: 2 minuto
Panuto: Bilang pagtatapos ng aralin ay App used: Prezi
iiwan ng guro ang kasabihang ito mula Link:
kay St. Thomas Aquinas na siyang https://prezi.com/p/tukfd
tumutukoy na ang tunguhin ng paggawa xqsgmed/?present=1
ng batas ay batay sa kabutihang panlahat. Picture:

“Law is nothing other than a certain


Pagtatapos na ordinance of reason for the common
Gawain good, promulgated by the person who
(Closing Activity)
has the care of the community.”

Pagpapaliwanag:
- Tinitingnan ni St. Thomas
Aquinas na ang pamahalaan ay
siyang instrumento upang
maisakatuparan ang kabutihang
panlahat sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga batas para sa
kabutihang panlahat.

You might also like