Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang mga argumentong ukol sa epekto ng mga salik na panlipunan at mga paniniwalang dala ng

relihiyon ang kadalasang ginagamit bilang sanhi ng pagbabawal ng diborsyo sa Pilipinas. Ang mga
nakasentro sa dalawang aspetong ito ay ang kanilang pinakamatibay na panlaban, partikular ang mga
may kinalaman sa relihiyong Kristiyanismo na kilala bilang ganap na kalaban ng diborsyo. Ang
paninindigang ito ay dala ng kanilang paniniwalang ang pinagsama ng Diyos ay hindi na maaaring
paghiwalayin pa ng sinuman at sapagkat maaari rin itong magdulot ng pangangalunya. Sa isang bansang
dinodomina ng mga Kristiyano, dapat ding isaalang-alang ng simbahan ang hindi pagsalungat sa
legalisasyon ng diborsiyo. Dapat nilang makita na ang mga pangunahing problema na kanilang
inaakalang kahihinatnan ng diborsyo ay maliit lamang kung ihahambing sa mga dulot ng hindi
pagkakaroon nito. Gayunpaman,ang pagsang- ayon sa bagay na ito ay hindi magiging madali kahit na
naisin nila sapagkat nangangahulugan ito nang pagsalungat sa kanilang paniniwalang nakatayo na mula
pa nang makalaya ang kanilang bansa . Higit pa rito, kahit na walang tiyak na siyentipikong paliwanag na
sumusuporta kung bakit ang relihiyon ay mahalagang isaalang-alang, ang pagbalewala sa isang
paniniwalang umiral na sa loob ng maraming siglo ay tiyak na makaaapekto sa lipunan. Dahil dito,
ipinapalagay nila na ang pagsasalegal ng diborsyo ay katumbas ng paglikha ng negatibong pag-iisip
tungkol sa paggawa ng desisyon, at ito ay magiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga masisirang
pamilya. Sakabila nito, ang katotohanan na ang kanilang mg rason ay maliliit na problema at mga
pagpapalagay lamang ay magiging sanhi ng paghina nito laban sa lumalaganap na karahasansa loob ng
maraming tahanan. Ayon sa 2017 National Demographic Health Survey sa Pilipinas, isa sa bawat apat na
babaeng walang asawa na may edad 15–49 ang nakaranas ng karahasan sa asawa, pisikal man, sekswal,
o emosyonal, ng kanilang kasalukuyan o pinakabagong asawa o kapareha. Ang problemang ito ay mas
palalalain pa ng datos na nagmula sa Federation of Gender and Development na nagsasaad na
mayroong mga inabusong asawa na pinipiling manahimik na lamang sa takot na sila ang makatanggap ng
kaso. Dagdag pa rito, ipinapakita ng isang pag-aaral na ang karahasan ng sa pagitan ng mag- asawa ay
hindi nagbabago sa maikling panahon at lumalala pa sa paglipas ng panahon (Garcia-Ramos, 2021). Sa
kabila ng mga ito, ang pang aabuso ay hindi man lamang kabilang sa mga bagay na batayan para sa
annulment sa Pilipinas, at ang diborsyo ay magiging kapakipakinabang dahil dito. Ang pagsalungat sa
pag-apruba dito ay pagpapabaya sa katotohanan na maraming tao ang naghahangad na umalis sa mga
nabigo at marahas na relasyon. Dahil sa malalaking problemang ito, hindi kailanman magiging mas
makabuluhan ang relihiyon kumpara sa kabuuang kagalingan ng isang tao.

You might also like