Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Aralin 3 Mga Karaniwang Pagkakamali sa Pagsusulat

Iba’t ibang pagkakasamali sa Akademikong Pagsulat:


Maling Paggamit ng mga Salita:
Maaaring magdulot ng kalituhan sa mambabasa ang mga salitang hindi
angkop ang pagkakagamit.
 May vs Mayroon
 Kina vs Kila, Sina vs Sila, Nina vs Nila
 Ng vs Nang
 Palitang R at D (Rin/Din, Raw/Daw)
 Kung ‘di vs Kundi
 Maling pagbabaybay bunsod ng kinasanayang Wika o Diyalekto
 Pagdurugtong ng mga salitang magkahiwalay
 Paghihiwalay sa mga salitang magkarugtong
 Paggamit ng pangatnig at pang-uko;

Wastong paggamit ng “May”:


May- ginagamit lamang kung susundan ng mga sumusunod:
 Panggalan (noun)
 Pandiwa (verb)
 Pang-uri (adjective)
 Panghalip na Paari (possessive pronoun)
 Pantukoy na Mga (determiner; the, thee, those)
 Pang-ukol na Sa (preposition; sa, doon)

Panggalan (noun):
1. May papeles siyang dala-dala para s aiyo.
2. May taong naghahanap sa’yo rito kahapon.
3. May bahay na nasunog kanina.
Pandiwa (verb):
1. May umalis sa mga bisita dahil sa pagkainip.
2. May nagpuntang ahente rito para singilin ka.
3. May bibilhin ka pa yata sa palengke.

Pang-uri (adjective):
1. Parang may Matulis na tinik na nabunot mula sa aking dibdib dahil
sa balitang aking natanggap.
2. May malaking impluwensiya ang mga bagay na pinanonood ng
isang bata sa kanyang pag-uugali.

Panghalip na Paari (possessive pronoun)


1. May kanya-kanya na silang pamilya at buhay ngayon.
2. May kanila na silang sariling bahay.

Pantukoy na Mga (determiner):


1. May mga bagay na hindi natin lubos mauunawaan hangga’t hindi
natin mismo nararanasan.
2. Palaging may mga sasalungat sa pananaw na iyong taglay.

Pang-ukol na Sa (preposition):
1. May sa-palos ang salarin dahil sa napakahirap na paraan ng
pagkakadakip sa kanya.
2. Tila raw may sa-kalabaw ang taong iyon sapagkat tirik na tirik ang
aray ay nagtatrabaho sa initan.
Wastong Paggamit ng salitang “Mayroon”
Mayroon
 Panghalip
 Kataga/ Ingklitik (walang kahulugan ngunit nakapagpapabago ng
kahulugan ng pangungusap)
-kaya, nga, lamang, pa, ba, pala, man, naman
 “Mayaman”

Panghalip:
1. Mayroon siyang matibay na batayan para sa kanyang nagging pag-
aaral.
2. Lingid sa kaalaman ng nakararami, mayroon silang marangyang
pamumuhay sa probinsya.
3. Mayroon kaming ensayo mamaya.

Ingklitik:
1. Mayroon na ba siyang nakalap na impormasyon?
2. Mayroon palang mga pag-aaral na ginawa ukol sa paksang iyan.
3. Mayroon pa ba tayong magagawa sa nangyaring ito?

Mayroon:
 (Mayaman) Sa limang magkakapatid, ang bunso lamang ang
maituturing na mayroon sa buhay.

Wastong Gamit ng Kina/ Kila


Kina- maraming anyo ng “Kay”
1. Ipinasa ko na kay Sir ang ating proyekto.
2. Ipinasa ko na kina G. Cruz at Bb. Orolfo ang ating proyekto.
WALANG UMIIRAL NA SALITANG “KILA”
Kay- isa
Kina- 2 or more

Wastong Gamit ng Sila/ Sina at Nila/Nina:


Sila/ Nila- maramihang anyo ng “siya/niya”
1. Pinagbuti niya nang husto ang kanyang pag-aral,
2. Pinagbuti nila nang husto ang kanilang pag-aaral
Niya- isa
Nila- 2 or more

Sina/ Nina- pangmaramihan subalit binabanggit ang espisipikong mga


pangalan.
1. Pinagbuti nina Ben at Dexter ang kanilang pang-aaral.

Wastong Gamit ng Ng at Nang:


Ng
1. katumbas ng of
2. Pang-ukol ng layon, at actor ng pandiwa
Nang
1. Katumbas ng when at so that/ in order to
2. Napagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa

Gamit ng salitang NG:


1. Si Kgg. Virgilio S. Almario ang puno ng KWF.
2. Makulay ang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
3. Kahapon ng umaga dumating ang mga delegado para sa nalalapit na
ASEAN Summit.

Wastong Gamit ng salitang NANG:


1. Kumakain kami nang biglang dumating ang aming tiyuhin.
2. Mag-aral kayo nang Mabuti nang makapasa kayo sa asignaturang
ito.
3. Magsumikap nang umasenso ang pamumuhay
4. Basa nang basa ang manunulat sa natapos niyang akda.

Palitang D at R:
 Ang salitang sinundan ay nagtatapos sa katinig (consonants)
 Maliban lamang sa tunog ng D (paligid, Pugad, Lugod, atbp.)

 Ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig (vowels)


 Maliban lamang sa pantig ng R (Gitara, Tumirik)
1. Tayo ay kasama rin sa mga inanyayahan.
2. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
Pamantasan.

Wastong Gamit ng Kung’di at Kundi:


Kung’di
 Mula sa salitang Kung hindi o if not
1. Aalis na sana kami kung di ka dumating.

Kundi
 Katumbas ng salitang maliban sa “except”
1. Walang sinuman ang pahihintulutang lumabas kundi ang mga may
bakuna lamang.
Maling pagbaybay bunsod ng kinasanayang wika:
Pagpapalit ng titik E sa titik I (vice-versa)
 Lalaki- Lalake
 Istilo- Estilo

Pagpapalit ng titik O sa titik U (vice-versa)


 Koryente- Kuryente
 Kumpanya- Kompanya
 Pulitika- Politika

Maling pagdurugtong mga Salitang Magkahiwalay:


Hal.
 Pa lamang- Palang
 Narin- Na rin
 Paba- Pa ba

Maling Paghihiwalay sa mga Salitang Magkarugtong:


Hal.
 Pinaka + Pang-uri= PinakaMaganda
 Napaka + Pang-uri
 Pag/ Pinag/ Nag + Pandiwa=

Mga Pangatnig:
Panlinaw- paliwanag
 Kung kaya, Kung gayon, Kaya
Panubali- pag-aalinlangan
 Kung, sakali, Disin sana, Kapag
Paninsay- sumasalungat
 Ngunit, datapwat, Subalit, Bagaman, Samantala, Kahit, Pero

Mga Pangatnig:
Pamukod
 O, Ni, Maging, Man
Pananhi
 Dahil, Sapagkat
Panapos
 Sa wakas, Sa lahat ng ito, Sa bagay na ito
Mga Pangatnig
 At, saka, pati, kaya
Pamanggit
 Daw, raw, di-umano
Panulad
 Kung sino…siya, Kung ano…siya ring, Kung gaano…siya ring
Pantulong
 Kung, kapag, Upang, Para, Nang, Sapagkat, Dahil
Mga Halimbawa
 Ng/ng mga, Sa/sa mga, Ni o nina, Para sa/kay, Ayon sa/kay, Tungkol
sa/kay, Mula sa/ kay, Hinggil sa

You might also like