Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Inilahad ni Quijote et al.

(2016) sa pag aaral na "Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon",


Ang wika ay isang importanteng susi ng isang bansa dahil ito ang ginagamit sa pakikipagkimunikasyon,
pakikipag-talastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Mahalaga ito sapagkat kung wala ito,
hindi lalago ang ekonomiya kung hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan ang mga tao. Sa pagyabong ng
henerasyon, kasabay din nito ang pagyabong ng wikang Filipino. Nagkakaroon ng mas maraming uri ng
wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong balbal na lenggwahe katulad na lang ng beki
language, jejemon at marami pang kalyeng lenggwahe.

Tinalakay ni Baldon et al. (2014) sa pag aaral na "Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon", Ang
wikang Filipino sa makabagong panahon ay nagbabago at patuloy na umuunlad. Gumagamit na ng ibat
ibang paraan ang mga tao upang mapaikli ang pagsulat at pagbigkas ng wikang Filipino, katulad ng
pagpapaiksi ng mga salita na nagiging isang balbal dahil sa sobrang pagpapaiksi.

Ayon kay Quia et al. (2018) sa pag aaral na "Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Paggamit ng mga
Salitang Balbal sa Piling Mag-aaral ng 11 ABM", Ang mga Pilipino ay likas na malikhain sa maraming
aspekto, higit na lalo sa kanyang wika. Sa pang-araw-araw na paggamit ng wikang ito, patuloy din itong
umuunlad na nagiging dahilan sa paglawak ng saklaw na bokabularyo nito.

Ayon kay Cabuhat et al. (2016) sa pag aaral na "Paggamit ng Wikang Balbal ng mga Mag-aaral ng
Grade 11 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Bongabon", Ang wika ay isang mahalagang parte ng
pakikipag komunikasyon. Kung saan nagkakaisa at nagkakaintidihan. Ang wika rin ang dahilan kung bakit
nabubuklot ang iba't ibang bansa sa mundo. Ang balbal naman ay ang hindi tamang paggamit ng mga
salita sa isang wika ng isang partikular na grupo o lipunan.

Inilahad naman ni Baybay et al. (2012) sa pag aaral na "Epekto ng Paggamit ng Balbak na salita
ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng Sekondarya ng ST. Thomas Academy", Ang salitang balbal ay
nakahihina ng kakayahang makapag ispel ng mga mag-aaral at lumalabo ang komunikasyon dahil
hinahalo ito sa mga wastong salita.

You might also like