Katuturan at Katangian NG Wika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

I.

Katuturan at Katangian ng Wika

Kahulugan ng Wika
Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga
kaalamang natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na “ano nga ba ang
wika?” napakaraming makukuhang sagot mula sa ibalt ibang dalubhasa sa wika.

Ang wika ay may iba‘t ibang kahulugang maaaring maibigay. Ayon kay Tumangan,
ang wika ay pananagisag ng mga tunog na nililikha ng mga bahagi ng katawan sa
pagsasalita. Ang ngalangala, labi, ngipin, dila, gilagid, atbp ang mga sangkap ng
katawan na kailangan natin upang makabuo ng wika.

Ayon naman kay Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura. Nangangahulugan lamang na ang wika ay may kanya-
kanyang paraan ng pagkakabuo at sa pamamagitan nito ang mga taong gumagamit
nito ay lalong nagkakaunawaan at nagkakaugnayan. Nangangahulugan din ito na
walang superior na wika – walang mataas at walang mababang uri ng wika.

Ang ganitong pagpapakahulugan ay katulad din ng kay Archibald A. Hill. Ang wika
ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbulong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng mga aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at patern na lumikha sa isang komplikado at simitrikal na
istrktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado
ng lipunan. Edward Sapir: Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Ayon kay Caroll (1964), Ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon
ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natututunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.
Mula naman kay Todd (1987), ang wika ay isang set o kabuuan ng mga
sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi
lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho bagamat
bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang
kasulukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.
Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,
naipababatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod
at sumusunod pang mga henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na
karanasan at sa gayo‘y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay
naitutuwid o maitutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa
pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at
kultural.

Ayon kay (JVP) ang wika ay parang tubig, ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis
ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan-taumbayan.

Ayon naman sa ilang mga dalubwika, ang wika ay:

a. Isang instrumento ng komunikasyon;


b. Isang paraan ng pagpapaabot ng kaisipan, kaalaman, impormasyon at
damdamin sa pamamagitan ng pasalita o pasulat;
c. Kabuuan ng mga sagisag ng panandang binibigkas kasabay ang pagbasa;
at
d. Isang likas na makataong pamamaraan sa paghahatid ng mga kaisipan,
damadamin at mga hangarin.

Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinalakay sa itaas, masasabi


na ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o
sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan,
nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag
ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang kaniyang mga karanasan, at maipadama
ang kaniyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang
nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin
ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.

Katangian ng Wika

a. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ito ay nangangahulugang ang wika ay nabubuo


bunga ng mga pinagsama-samang mga tunog na nililikha ng ating mga sangkap ng
katawan sa pagsasalita.

b. Ang wika ay arbitraryo (Hutch, 1991). Bawat wika ay magkakaiba sa paraan kung
paano binalangkas at binuo. Bawat wika ay may katangiang wala sa iba pang wika.

c. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Ayon kay Gleason, pinipili at isinasaayos ang
wika upang may magamit ang mga taong kabilang sa isang kultura. Sa ganitong paraan
nakikilala kung anong kultura ang inyong kinabibilangan.

d. Ang wika ay pantao lamang. Ang tao ay itinuturing na pinakamataas na uri ng


nilalang sa mundo at dahil na rin sa wika, nahiwalay ang tao sa hayop. Ang tao ay
maaaring matuto at makaunawa sa ibang taong kabilang sa ibang kultura samantalang
ang isang hayop ay nakauunawa at natututo lamang sa sariling lahi.

e. Ang wika ay para sa komunikasyon. Sinasabing wika ang pinakagamitin sa


komunikasyon pasulat man o pasalita. Hindi ka mo magagawang makipag-ugnayan o
magkaunawaan na wala ang wika.

f. Ang wika ay may antas o lebel. Ang wika ay nahahati sa iba‘‘t ibang kategorya ayon
sa kaantasan nito. Maaari itong mahati sa dalawang kategorya ang wika, ito ang pormal
at impormal. Sa bawat kategorya ay nabibilanng ang ilan pang antas ng wika.

f.1. Pormal

a. Pampanitikan- Itinuturing na pinakamataas na antas sapagkat gumagamit


ito ng malalalim, masisining at matatayog na mga salita. Itinuturing din itong
wika ng mga taong may pinag-aralan na naiiba sa karaniwang wika.
Kadalasan itong ginagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
b. Pambansa- Ito ang pinakamalawak na ginagamit na wika sapagkat
ginagamit sa pahayagan, pagpupulong, at maging sa paaralan. Tinawag din
itong wika ng mga edukado.

f.2. Impormal

a. Lalawiganin- ginagamit sa isang partikular na lugar o pook na kakikitaan


ng kakanyahan ng mga taong naninirahan dito.
b. Kolokyal- halos magkatulad sa lalawiganin nguni‘t dito ay may pagpapaikli
sa mga salita tulad ng nasan para sa nasaan, meron sa halip na mayroon at
marami pang iba. Nagpapakita ito ng mga makabagong terminolohiyang
binuo ng ilang mga grupo sa lipunan.
c. Balbal- Ito ang itinuturing na pinakamababang antas sapagkat kadalasan
itong hindi naayon o sumusunod sa tuntunin ng balarila o gramatika.
Itinuturing din itong salitang kalye. Ang mga salitang ito rin ay madalas
magbago sapagkat kung hindi na uso ay hindi na ginagamit. Halimbawa:
praning, lispu, waswit, chik

g. Ang wika ay kapantay ng kultura. Sa pamamagitan ng wika nakikilala ang


kulturang kinabibilangan ng isang tao. Dito na nagkakaroon ng kaibhan ng isang wika
sa iba. Ayon nga kay Gleason” kung ano ang wika mo iyon din ang kultura mo”
nangangahulugan lamang na kung ano ang iyong kultura nasasalamin ito sa inyong
wika sapagkat sa bawat tradisyon o kultura ay may maitutumbas o katawagan dito. Ang
mga salitang ito ay walang eksaktong katumbas sa iba pang wika.

Halimbawa: canao sa mga taga- Cordillera Alamang, bagoong naman sa mababang


lugar

h. Ang wika ay makapangyarihan. Ang wika ay makapangyarihan sapagkat maaari ka


nitong hikayatin o maimpluwensyahan sa mabuti o masamang paraan. May mga
nasasabi tayong hindi natin namamalayang nakapagpagaan o maaaring makasakit sa
sa damdamin ng ating kapwa kanila.
Sa ispiritwal na aspekto, pinatunayan sa bibliya ang kapangyarihan ng wika sa
pamamagitan ng paggamit ng Diyos dito nang likhain niya ang daigdig. Makikita sa
ibaba ang isang patunay na makapagyarihan ang wika. Ito ay hango mula sa librong
Genesis 1: 3- 6.

1:3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.


1:4 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang
liwanag sa kadiliman.
1:5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman
na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
1:6 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at
mahiwalay ang tubig sa kapwa tubig.

i. Ang wika ay nagbabago. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay nagbabago rin o


umuunlad ang wika. Ang wika ay nagbabago upang umayon sa pangangailangan ng
henerasyong gagamit nito at upang umakma sa pag-unlad teknolohiya. Ang
makabagong medya rin ang dahilan ng pagbabago sa wika. Halimbawa nito ay ang
salitang makinilya na ngayon ay hindi ginagamit dahil sa mas kilala na ngayon ang
computer dahil ito na ang karamihang ginagamit ng mga tao.

j. Ang wika ay may masistemang balangkas. Ang bawat wika ay binubuo ng


balangkas, ito ang tunog at kahulugan. Hindimabubuo ang kahulugan o ang wika kung
wala ang tunog sapagkat ang bawat bumubuo sa wika ay binubuo ng tunog. Halimbawa
dito ay ang salitang bata ay binubuo ng mga tunog na /b/, /a/, /t/, /a/ na ang kahulugan
nito sa Ingles ay child na kapag tinanggal ang tunog ng /b/ ay magiging ata ang salita at
ang kahulugan naman nito sa ingles ay maybe. Ang tawag sa mga tunog na
makabuluhan ay ponema at ang tawag din sa maliit na yunit ng mga salitang ito ay
morpema. Ang pag-aaral sa mga tunog na makahulugan ay ponolohiya at ang naman
sa makaagham na pag-aaral sa mga morpema ay morpolohiya.

k. Ang wika ay may pulitika. Sinasabing ang wika ay may pulitika sapagkat ito ay
nakahihikayat ng tao.
l. Ang wika ay nanghihiram. Lahat ng wika ay nanghihiram. Dahil na rin sa
intermarriage at paghihiraman ng kultura ng magkakaibang lahi ay may paghihiraman
sa wika. Hindi umuunlad ang wikang hindi nanghihiram. Katulad ng wikang Filipino na
dumaan sa iba‘t ibang proseso sa pamamagitan ng paghihiram. Ayon kay Santiago ang
wikang hindi nanghihiram ay patungo sa pagkamatay. May mga wika noon na hindi na
ginagamit ngayon sapagkat hindi tumatanggap o nanghihiram ng ibang wika hanggang
sa tuluyan na itong naglaho o nawala. May mga wika rin na hindi na madalas gamitin
dahil ang mga ito ay hindi na naangkop gamitin ng bagong henerasyon kaya‘t
kailangang palitan sa pamamagitan ng paghihiram ng iba pang wika maaaring itumbas
dito.

m. Ang lahat ng wika ay pantay-pantay. Ito ang nagpapatunay na walang superior at


inferior bagaman at magkakaiba ngunit lahat pantay-pantay. Bawat wika ay may sariling
kakanyahan at kaparaan kung paano gamitin.

You might also like