Te Deum - Panalangin NG Pagpupuri Sa Diyos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Te Deum

Pinupuri ka namin, O Diyos*; ipinagdarangal ka, O Panginoon.


Ang sanlibutan ay nagbubunyi sa iyo*, Amang walang hanggan.
Nagpupuri sa iyo ang lahat ng mga Anghel*, ang buong kalangitan at sansinukob.
Ang mga Kerubin at Serapin* ay walang humpay na nagbubunyi sa iyo:
Santo, Santo, Santong* Panginoong Diyos na makapangyarihan.
Napupuno ang langit at lupa* ng kaluwalhatian mo.
Ang dakilang koro ng mga Apostol,*
Ang di mabilang na mga propeta,*
Ang maluwalhating mga martir* ay nagdarangal sa iyo.
Sa buong sanlibutan, ang Santa Iglesia* ay nag-uukol ng papuri sa iyo:
Amang* walang hanggan,
Sa iyong* bugtong na Anak
At sa* Espiritu Santo.
Ikaw ang Hari* ng kaluwalhatian,
O Kristo, * walang hanggang Anak ng Ama.
Upang iligtas ang tao,* minarapat mong tumahan sa sinapupunan ng Mahal na
Birhen.
Nilupig mo ang kamatayan* upang buksan ang pintuan ng langit sa mga
sumasampalataya.
Nakaluklok ka sa kanan ng* maluwalhating Ama.
Ikaw ang huhukom* sa sangkatauhan.
† Kaya hinihiling naming saklolohan ang iyong mga lingkod* na tinubos mo sa
iyong mahal na Dugo. †
Isama mo sila sa piling* ng iyong mga banal sa Langit.
Iligtas ang iyong bayan, Panginoon, * at basbasan ang iyong pamana.
Patnubayan mo sila* at gantimpalaan sa buhay na walang hanggan.
Sa araw-araw ay* magpupuri kami sa iyo.
At pararangalan ang iyong pangalan* magpakailanman.
Ingatan mo nawa kami, Ama* sa araw na ito upang huwag kaming magkasala sa
iyo.
Kaawaan mo kami, Panginoon,* kaawaan mo kami.
Magdalang-awa ka sa amin, Ama,* sapagka't umaasa kami sa iyo.
Sa Iyo ako umaasa, Panginoon,* huwag sana akong mabigo kailanman.

Amen.

You might also like