Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Bugallon I District
Salasa Elementary School

FILIPINO 2
Ikatlong Markahan- Modyul 6
Pag-uulat nang Pasalita sa mga
Naobserbahang Pangyayari sa
Paligid

AMELIA A. CASTRO
MARILYN M. CANULLAS
Salasa Elementary School
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makakamit mo ang kasanayan na:

Naiuulat nag pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid


(bahay, komunidad, paaraalan) at sa mga napanood (telebisyon,
cellphone, kompyuter) (F2PS-If-3.1)

Handa ka na ba kaibigan? Tara! Simulan mo nang pag-aralan ang Modyul 6.

Subukin

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mamamahayag sa radio at


telebisyon. Bilugan ang letra nang tamang sagot.

1.

A. Jessica Soho

B. Korina Sanshez

C. Karen Davila

2. A. Noli De Castro

B. Mike Enriquez

C. Ted Failon
Aralin
Pagsasalaysay sa
6 Nasaksihang Pangyayari sa
Pamayanan
Sa araw-araw ay marami tayong mga nasasaksihang pangyayari sa
ating paligid ( bahay,paaralan ) at sa mga napapanood
(telebisyon,cellphone, kompyuter).

Ang lahat ng ating mga narinig at naoberbahang mga pangyayari


ay maaari nating muli isalaysay sa iba upang maghatid impormasyon at
kaalaman.

Balikan

Sa pag-unawa natin sa napakinggan o binasang teksto, natutuhan


natin na mahalagang ito ay maiugnay natin sa ating karanasan. Mayroon
akong inihandang isang sitwasyon para sa iyo.

Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang wastong sagot sa patlang.

Nagmamaneho ng traysikel ang Tatay mo. Sainyo ang traysikel.


Hatid sundo ka ni Tatay sa paaralan. Mahusay magmaneho ng traysikel ang
Tatay mo.Isang araw hindi ka naihatid ng Tatay mo sa paaralan, ano ang
gagawin mo?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kwento at unawain itong mabuti.

ANG PISTA NG SENIOR SANTO NINO

Tuwing ika-15 ng Enero ipinagdiriwang sa aming barangay ang


Pista sa aming mahal na si Sr Santo Nino de Cebu. Taon-taon naming
penoprosisyon ang santo. Marami ang mga deboto dahil sa kanilang
paniniwala na ang Senior Santo Nino ay milagroso. Ang Pista ay tanda ng
pasasalamat ng mga tao sa Santo sa mga biyayang natanggap sa buong
taon.

Unang ginawa ng mga tao ay magsimba ang iba ay abalang-


abala sa paghahanda ng pagkain. May mga palaro gaya ng palosebo.

Abalang-abala ang mga tao s araw na ito. May naghahanda ng


mga pagkain, nagsasyawan at nag-aawitan. At ang pinakamahalaga sa
lahat ay ang pagsisimba.

Suriin
Isa sa mga tradisyon natin ang pagdiriwang ng pista sa ating lugar.
Dito nasasalamin ang ating kultura at mga paniniwala. Tara balikan natin
ang ating kwento.

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong tungkol sa binasang


kwento.

1. Kailan ipinagdiriwang ang Pista ni Sr. Santo Nino?

A. Ika-12 ng Enero B. Ika-15 ng Enero C. Ika-10 ng Enero

2. Ano ang pinakamahalagang ipinagdiriwang ng pista?

A. Ang pagsisimba tuwing pista

B. Ang paghahanda ng mga palamuti

C. Ang paghahanda ng ibat- ibang pagkain

3. Bakit pinoprosisyon ng mga deboto ang kanilang mga Santo?


A. Dahil ito ang tanda ng pagkakaisa.
B. Dahil ito ay tanda ng kanilang pasasalamat sa Diyos.
C. Dahil ito ang gusto nilang gawin.

4. Batay sa inyong napakinggang kuwento paano mo mailalarawan ang


pista?
A. Ang pagdiriwang ng Pista ay pasasalamat sa Diyos.
B. Ang Pista ay isang masayang pagdiriwang.
C. Lahat ng nabanggit.

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang kwento pagkatapos ay sagutin ang gawain sa


ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang tamang sagot.

Si Ana, ang Dilaw na Damit at ang Daga sa Aparador

Ito ay damit ni Ana.Kulay dilaw ang damit.Paborito ito ni Ana.


Pumunta sa aparador si Ana.Kukunin nya ang kanyang paboritong dilaw na
damit.
Kinuha ni Ana ang kanyang nakasabit na damit.Nagulat si Ana biglang
may lumundag na daga mula sa aparador.Nabitiwan ni Ana ang kanyang
damit.
Nagtatakbo kung saan ang daga.Salamat at hindi kinain at sinira ng
daga ang dilaw na damit ni Ana.
Salamat at buo pa rin ang paboritong dilaw na damit ni Ana.

1 .Ang kwento ay tungkol sa isang batang


_____ Lalaki _____Babae
2. Ang pangalan ng bata ay
_____Ana _____Dina
3. Ang bata ay may paboritong
_____damit _____sapatos

4. Paborito nya ang kulay na

_____ asul _____dilaw

5. Salamat at hindi nasira ang


_____damit _____bag

Isaisip

Sa masusing pakikinig at panonood ng mga pangyayari sa ating


paligid ay maiuulat natin o maisasalaysay ang nasaksihang pangyayari.

Isagawa

Panuto: Tignan ang mga larawan. Isalaysay ang mga pangyayari sa bawat
larawan.
1.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.
Tayahin
Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
inyong sagot sa patlang.

Si Melissa

Malakas ang ulan. Habang naghihintay si Melissa ng dyip ay may


isang babaeng dumating na walang payong. Pinasukob ni Melissa sa
payong ang babae hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.
Nagpasalamat ang babae sa kagandahang loob na ipinakita ni Melissa

1. Ano ang pamagat ng kwento?

A. Si Manilyn
B. Si Melissa
C. Si Joanna

2. Sino-sino ang tauhan sa kwento?

A. Melissa at ang babae


B. Maricel at ang babae
C. Maria at ang babae

3. Ano ang nangyari sa kwento?

A. Umulan nang malakas habang naghihintay si Melissa ng dyip.


B. Bumili ng pagkain si Melissa.
C. Naligo sa ulan si Melissa.

4. Ano ang naging problema sa kwento?

A. May babaeng dumating na walang payong.


B. May batang nawala sa gitna ng malakas na ulan.
C. May matandang dumating na nadulas sa daan.

5. Paano ito nabigyan ng solusyon?

A. Pinabayaan ni Melissa na mabasa ng ulan ang babae.


B. Pinasukob ni Melissa sa payong ang babae.
C. Hindi pinansin ni Melissa ang babae.

Karagdagang Gawain
Panuto: Kuwentuhan mo kami nang masayang karanasan mo ngayong
linggo kasama ang iyong pamilya. Isulat ito sa ibaba.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Suriin


1. A. Jessica Soho Maaring 1. B
2. B. Noli De magkakaiba-iba 2. A
Castro ang ang sagot 3. B
4. C

Pagyamanin Isagawa Tayahin


1. babae Maaring 1. B
2. Ana magkakaiba-iba 2. A
3. damit ang ang sagot 3. A
4. dilaw 4. A
5. damit 5. B

Karagdagang Gawain
Maaring magkakaiba-iba ang ang sagot
Sanggunian
Garcia,Nilda S. et al. Ang Bagong Pinoy Filipino 2 Kagamitan ng Mag-aaral
Rex Book Store Inc. 2nd Floor, Dorm G,PSG Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

You might also like