Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magandang Balita Biblia

Awit 46 :1-11
46 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
    at handang saklolo kung may kaguluhan.

Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,
    kahit na sa dagat ang bundok matangay;

kahit na magngalit yaong karagatan,
    at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)[b]

May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
    sa banal na templo'y ligaya ang dulot.

Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
    ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
    mula sa umaga ay kanyang alaga.

Nangingilabot din bansa't kaharian,
    sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.

Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)[c]

Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
    sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!

Maging pagbabaka ay napatitigil,
    sibat at palaso'y madaling sirain;
    baluting sanggalang ay kayang tupukin!
10 
Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos,
dapat ninyong malaman,
    kataas-taasan sa lahat ng bansa,
    sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
11 
Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;
    ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)[d]
1 Pedro 5:10,
sinasabi nito, “At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag sa
kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y
makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal,
magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.”

Zacarias 13:9
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang
pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y
magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y
bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Dios”

Isaias 48:10
Narito dinalisay kita, nguni’t hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng
kadalamhatian

Maraming mga lingkod ang nakakaramdam ng pagkalito: Bagaman alam natin na Ang Diyos ay
pag-ibig at Siya ay makapangyarihan, subalit dumararating pa rin sa mga lingcod n
amagtanong,bakit kaya pinahintulot niya ito? bakit pinapayagan Niyang magdusa tayo? Maaari
kaya na tinalikuran Niya tayo? Ang katanungang ito ay palaging nagagamit upang maging
palaisipan sa akin, ngunit sa pamamagitan ng panalangin at paghahanap, nakakuha tayo ng
kaunting kaliwanagan at ilaw. Nakikita ang kaliwanagan o kaunawaan mula sa kanyang
kaparaanan mauunawaan natin na ang pagdurusa ay hindi para isantabi tayo ng Diyos, ngunit
sa halip ay maingat na inayos ng Diyos ang kanyang mga lingcod upang linisin, hubugin
maaaring sa mga pagsubok na ito ay daan upang maraming kaluluwa ang mailigtas pa dahil sa
kalakasan na kanyang ipinagkakaloob sa mga lingcod niya.

Dahil Ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng landas ng pagsasanay. Kung
nakakaranas tayo ng mga paghihirap,

You might also like