Professional Documents
Culture Documents
1.2 Ang Pagpaplano Sa Pagtuturo
1.2 Ang Pagpaplano Sa Pagtuturo
Pagpaplano
❖ Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at estilo ng isang guro.
❖ Tumutukoy sa mga gawain na nagbibigay direksyon sa pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing pang
mag-aaral at gawain ng guro guro (Clark at Yinger,1980). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala
sa pagkakaiba-iba ng personalidad at istilo ngmga guro; pormal, masusing pagpaplano para sa
mga gurong sensitibo sa pangangailangan ng mga mag-aaral at impormal na proseso para sa iba.
Batay sa ganitong pananaw, madali nating makukuro ang isang depinisyon na naglulundo sa mga
pagpaplanong pagtuturo ( instructional planning). Sa tanglaw ng konteksto matutukoy natin na ang
pagpaplano ay isinasagawa upang mabigyan nang tamang direksyon ang pagsasangkot ng mga mag-
aaral sa mga gawain para sa kanilang pagkatuto.
❖ Sa anumang pagpaplanong isasagawa, kailangang bigyang-pansin ang sumusunod:
1. ang mga layunin ng liksyon,
2. ang pamaraan at pagkakasunud-sunod ng mga teknik o istratehiya,at
3. pag-alam sa kasaklawan ng pagtatamo hindi pagtatamo ng mga lilinanging mga layunin.
❖ Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga pagpaplanong isinasagawa ng guro
para sa isang pagtuturo bagama’t maaaring hindi nabibigyan ng magkakatulad na atensyon o
importansya ang bawat isa. Ang pang-araw-araw na banghay-aralin na ginagawa ng guro bilang
paghahanda sa pagtuturo ay naaayon sa kanyang intwisyon at mga desisyong rasyunal tungkol sa
mag-aaral, sa nilalaman at mga kasanayang linangin, at mga paraan at mga estratehiyang
gagamitin sa pagtuturo.
Earle 1992
❖ Bumubuo ang maraming guro ng mga imahen o senaryo sa proseso ng kanilang kabuuang plano sa
pagtuturo.
Westerman 1991
❖ Mas komprehensibo ang pananaw ng mga bihasang guro sa mga mag-aaral at sa mga kaalamang
kanilang itinuturo. Ang mga baguhan nama’y nakatutok sa pagtatamo ng layunin sa halip na isaalang-
alang ang dating alam ng mga mag-aaral at iuugnay ang mga ito sa bagong kaalaman.
Tyson 1991
❖ Nagagawa ng mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang mahahalaga at mahihirap na bahagi ng
isang paksang-aralin kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin. Tinitiyak din ng mga sanay na guro
kung naunawaan ng mga mag-aaral ang mga kasanayang nilinang sa halip na ipalagay na lamang
na natutuhan ang mga ito gaya nang nasa isipan ng maraming guro.
Cooper 1990
❖ Ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga mag-aaral ang mga inaasahang bunga
ng pagkatuto.
❖ Ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili at laging may bagong
gawain. Hindi lamang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo at hangarin, kundi higit sa
lahat ang ninanais ay matulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang buhay (Richards 1992).
6. Compulsive Type
❖ Mapilit, mangailangan, kailanganin
Mga tanong upang malaman kung ano ang compulsive type na guro:
3. May kinalaman ba ang ugali ng guro sa klase sa pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral?
Atityud ng guro: Salik sa matagumpay na pagkatuto ng wika:
❖ Marunong tumanggap ng kamalian
❖ May mataas na ekspektasyon
❖ May respeto
❖ Mapagmahal, pag-aalala o pagmamahal
Maaaring sabihing ang isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo ay magtaglay ng mga sumusunod: