Filipino Part 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO Part 1

1. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pares ng element o bahagi ng pagsusulit na pagtatapat-tapatin.

A. Hanay A – Letra : Hanay B – Tambilang


B. Hanay A – Aytem : Hanay B – Opsyon
C. Hanay A-Opsyon : Hanay B - Distrakter
D. Hanay A-Maikli : Hanay B - Mahaba

Ans: B. Hanay A – Aytem : Hanay B – Opsyon


- Ang pagsusulit na pagtatapat-tapat ay nagtataglay ng dalawang hanay. Ang kaliwang hanay o Hanay
A ay ang angaytem na kadalasan mas mahaba samantala ang kanang Hanay o Hanay B ang opsyon na
kadalasang mas maikli kaysa hanay A at may kasamang distracter o sobrang opsyon para sa mas mataas na
antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral.

2. Unawain at analisahin ang sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang
layuning nakasaad sa naturang tanong ng guro.

“Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan mo rin ba ang iyaong kapwa batay sa mg hinala na di mo naman
aktwal na nakita?”
A. Napahahalagahan ang kaangupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon
nakalahad sa teksto.
B. Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
C. Naihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang
pansarili mula sa guro at sa ibang tao.
D. Nahahango ang diwa ng kwento tungo sa pagbuo ngbuod nito.

Ans: B. Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
- Ang nabanggit na tanogn sa itaa ay nagsasaad ng layuning maibabagi ang sariling paninindigan
ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto.

3. Kung gagamitin ng isang talaan ng datos bilang lunsaran sa gagawing pagsusulit, anong tanong ang
higit na mabisa para sa mas mataas na antas ng kasanayan pampag-iisip?

Talaan ng mga dahilan ng pagsisikap ng mga mag-aaral na makapag-aral


AYTEM BAHAGDAN

Makapaghanapbuhay 40

Sundin ang magulang 15%

Makapasa sa pagsusulit para sa pagkuha ng lisensya 5%

Makapagtrabaho sa ibang bansa 5%

Magkaroon ng magandang kinabukasan 15%

Magkaroon ng diploma 20%

KALAHATAN 100%

Tumugon: 149 na nasa ikatlong taon sa kanilang kurso


A. anong aytem ang may dalawampung bahagdan
B. Ilan ang bahagdan ng aytem tungkol sa makapagahanpabuhay
C. Anong mga aytem ang may pinakamababa at pinakamataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga
ito?
D. Ano ang ikalimang aytem>

Ans: C. Anong mga aytem ang may pinakamababa at pinakamataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng
mga ito?
- Kung lilimitin ang mga halimbawa ng tanong batay sa datos na nasa talaan, maituturing na ang
#opsyon C ang may pinakamataas na antas sapagkat maliban s pagtuon sa datos, sinusukat din nito ang
paghahambing at pag-aaanalisa sa pagbuo ng isang konklusyon at interpretasyon.

4. Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong
lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa
mga mag-aaral?

1. Pamasahe sad yip sa iba’t ibang ruto


2. Pagbabayet ng allowance at pamalengke
3. Istadistika ng populasyon sa boung mundo
4. Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa
A. Tambilang 1,2 at 3
B. Tambilang 1,2 at 4
C. Tambilang 2,3 at 4
D. Tambilang 1,2,3 at 4

Ans: B. Tambilang 1,2 at 4


- Ang mga nabanggit ay mga halimbawa ng talaang lunsaran para sa pagbuo ng aytem sa
integratibong pagsusulit sa Filipino na may dulog interdisiplinari maliban sa opsyon hinggil sa talaan ng
istatistika ng populasyon sa buong mundo sapagkat ang naturang datos ay ganap na mataas ang antas at
hindi gaanong makaganyak sa mga mag-aaral maliban kung ito ay ibibigay sa klase na nasa kaugnay na
kurso na may ganitong pangangailangan at konteksto.

5. Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang intergratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay


ang pagkakaiba ng tradisyunal at awtenikong pagsusulit.

A. Ang una ay sinauna samantala ang huli ay modern


B. Ang una ay nasusulat samantala ang huli ay di-nasusulat
C. Ang unsa ay gamitin samantala ang ikalawa ay madalang gamitin
D. Ang una ay sumusukatt sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang
pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan

Ans: D. Ang una ay sumusukatt sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa
kasanayang pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
- Ang pagkakaiba ng tradisyunal at awtentikong pagsusulit ay ayon sa kasanayang sinusukat nito.
Ang una ay sumusukat sa kasanayang naipapakita, samantala ang huli ay nagpapamalas ng kaalamang
natamo o natandaan.

6. Ang kagamitang pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at tumitiyak sa
kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumsunod na konsepto ay nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang
pampagtuturo maliban sa isa.
A. Nilalamanna dapat matutunan
B. Teknik napaglalapat at pagsasanay
C. Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan
D. Paraan ng pagtuturo kaugnay ng teknik at pamamaraan

Ans: C. Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan


- Ang mga nabanggit na konsepto ay nagpahayag sng katuturan ng kagamitang pampagtuturo
maliban sa opsyon #C na tumutuon sa kahusayan ng guro sapagkat hindi ito nabibilang sa mga
tunguhin at kabuluhan ng kagamitang pampagturo.

7. Ito ang anyo ng kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at
naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.
A. Batayang Aklat
B. Sanggunian aklat
C. Modyul
D. Manwal

Ans: C. Modyul
- Ang modyul ay isang anyo ng kagamitang pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at
naglalahad ng mga tiyak na takdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.

8. Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga
ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa
kanya?
A. Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector
B. Bagong edisyon ng magaing pampaglalakbay
C. Isinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito
D. Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo

Ans: D. Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo


- Itinuturing na higit na mabisa ang kagamitang nagtataglay o halaw sa panununtunang maramihan
pangkabatirang pampagkatuto (multisensory learning) tungo sa pagtatamo ng kakayahan at pagkatutuo ng
wika.
9. Kung gagamitin ang pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa mga inilahad na panununtunan?
A. Paunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang ibayong maihanda ang mga gabay tanong
hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang tagpo
B. Pagpanood ng buo pelikula habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase
C. Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang
isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
D. Pagbibigay ng inaasahang panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain

Ans: C. Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa
ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
- Ang panununtunan sa paggamit ng pelikula sa pagtuturo ng wika ay kinapapalooban ng pagpili ng
guro sa ilang mahahalagang tagpo na nagtataglay ng konsepto o kaisipang nais bigyang tuon bilang
lunsaran ng gawaing pampagtuturo. Kaya naman, nararapat lamang na pauna nang pinapanood ng guro ang
material nang sa gayun ay maihanda ang isang planong talakayan at kaugnay na Gawain kaalinsabay ng
panonood ng pelikula.

10. Naging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga
aralin at kaalaman na maingat na iniayos sa lohikal na pagkabuo. Ano ang katotohanan sa likod nito?

I. Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng


silid-aralan at gurong magtuturo
II. Nakapagbibigay ito ng pagkakatong makahabot sa gawaing pangklase ang mag – aaral na lumiban
noong nakaraang talakayan
III. Isa itong panlunas na Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
IV. Maituturing ito na isang estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto
habang hinihintay ang karamiahansa iba pang gawain
A. I at II lamang
B. III at IV lamang
C. I,II at III lamang
D. I,II, III at IV

Ans: D. I,II, III at IV


- Ang lahat ng nabanggit ay mga katuturan kung bakit nagging laganap sa pagtuturo ng wika ang
paggamit ng pinalantuntunang kagamitan bialang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat na inayos na
pagkabuo.

11. Maglugod na isinusulong sa ang awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Alin sa
mga sumusunod na tunguhing pangkasaysayan ang may angkop na awtentikong kagamitan?

KASANAYAN KAGAMI TAN


I. Pagbibigay kahulugansa isang salita Thesaurus II. Paglalarawan sa teknolohiya ATM at LRT Kard III.
Pagtatala at pag-aanalsiisa ng datos Resibo ng kuryente IV. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Rsipe
A. II, II at IV
B. I,II at IV
C. I,II at III
D. I,II,II at IV

Ans: A. II, II at IV
- Ang mga naturang pares ng tunguhing pangkasanayan at angkop na awtentikong kagamitan ay
tugon sa patuloy na pagsulong sa paggamit ng awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan
maliban sa opsyon #1 sapagkat ang thesaurus ay hindi maituturing na awtentikong kagamitan bilang
alternatibong paraan sa pagtuturo gamit ang mga bagay na matatagpuan sa paligid bilang bahagi na ng
aktwal na pang araw arawna buhay.

12. Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan, kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya o pagbati ang
mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa
simulang __________ .
A. Aktibong pagtugon (Active Responding)
B. Pagpaptibay (Reinforcement
C. Pagbibigay pahiwatig (Cueing/prompting)
D. Supil na gawi (Controlled behavior)

Ans: B. Pagpaptibay (Reinforcement)


- Ang pagpapatibay (principle of reinforcement) bilang isang simulating naging saligan sa pagbuo
ng pinalalanturnang kagamitan ay ang pagbibigay ng pabuya sa anyong material sa mga mag-aaral sa bawat
waston tugong kanilang ibinibigay tungo sa higit na matibay na muog ng pagkatuto.

13. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakabalankas ng pangkat ng kagamitan panturo?
A. Ginagawa-balangkas berbal, simbolong biswal
B. Minamasid – pelikula, eksibit, eksursyon.
C. Sinasagisag- binalangkas na karanasan tuwirang karanasan
D. Pinakilahukan- modelo, virtwal reyaliti, reyalya

Ans: B. Minamasid – pelikula, eksibit, eksursyon.


- Batay sa hagdan ng karanasan sa pagkatuto, may tatlong balangkas ng kagamitan panturo: (1)
ang sinasagisag ng kinabibilangan ngmga simbolong berbal at biswal; (2) minamasid tulad ng teyp
rekorder, radio, larawan, pelikula, telebisyon, eksibit at eskursyon; at (3) ginagawa tulad ng pakitang turo,
madulang pakikilahok mga binalangkas at tuwirang kanasan.

14.Pag ugnayin ang istilong pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob
ng talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAGKATUTO KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

1. Analitik A. Larong pangwika

2. Global B.Eksibit

3. Biswal C. Pakikipanayam

4. Kinestetik D. Ekskursyun

A. 1-A
B. 2-D
C. 4-C
D. 3-B

Ans: D. 3-B
- Ang pagdaraos ng eksibit ay isang gawaing naaangkop para sa mga mag-aaral na may istilong
biswal sapagkat dito ay masugid nilang nagagamit ang kanilang paningin sa lubos na pagpahalaga at
pagtatangi sa kaakibat na kaalaman at karanasan tungo sa higit na ganap na pagkatuto ng wika.

15. Ang banghay-aralin ang maituturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa
pagtuturo tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan
nito?

1. Pagtataya sa pamamaraaan ng guro s kanyang pagututuro


2. Gabay ng pansamantalang kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
3. Natitiyak ang pagkakasunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin 4. Natutugunan ang
hinihinhing kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad

Ans: Tambilang 1,2, at 3


- Ang banghay-aralin bilang pinakapangunahing kagamitan ng guro at gabay sa kanyang pagtuturo
tungo sa layuning pampagkatuto ay kinapapalooban ng iba’t ibang kahalagahan: (1) pagtataya sa
pamamaraan ng guro sa kanyang pagtuturo; (2) gabay ng pansamantalang kahalili ng gurong sa panahong
siya ay liban; at (3) natitiyak ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na
layunin. Samakatuwid hindi maituturing na makabuluhan layunin nito ang pagtugon sa kailangan sa
pagtuturo na inaasahan sa isang guro.

16. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon


pangmidya o kagamitang teknolohikal ?
A. Kaanyuan
B. Kaangkupan
C. Kapanahunan
D. Teknikaliti

Ans: B. Kaangkupan
- Sa gagawing paghahanda sa anumang uri o anyo ng kagamitang panturo maging tradisyunal,
pormal, awteniko o teknolohikal man ay kinakailangan tiyakin maaangkop ito sa antas o lebel ng mag-
aaral, layunin, pampagkatuto, nilalaman, konteksto, kaligiran at kaugnay na ebwasyong pangkaalaman.

17. Bakit mahalaga ang paunang mapanood ng guro ang pelikulang nais gamitin bilang kagamitan sa
pagtuturo?
A. Upang makapaghanda ng kaugnay na gabay- tanong na ibibigay sa klase
B. Upang masusing mapili ng guro ang mga tagpong bibigyang diin para sa gagawing mga paglilinaw at
pagtatalakay
C. Upang matiyak na walang tagpong di naaangkop sa mga manonood na mag-aaral maging eksena man o
dayalogo
D. Upang hindi na tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa klase
Ans: D. Upang hindi na tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa
klase
- Ang nabanggit na opsyon ay tumukoy sa katotosa likod ng kailangan para sa paunang panonood
gagawin ng guro bilang isang materyal na gagamitin sa klasae maliban sa opsyon #D sapagkat ang naturang
dahilan ay walang gaanong ganapa na kauganayan.

18. Kailan maaaring makabuluhang magamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase
kung aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?
A. Pagdownload ng mga modelong halimbawa ng lihan mula sa ilang
B. Pagscan at pagprint ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito
C. Pagpapadala ng ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring
pagtugon
D. Pagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla.

Ans: C. Pagpapadala ng ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa
maaaring pagtugon
-Maituturing pinakamakabuluhang paraan o pagkakataon ang paggamit ng internet sa araling may
kinalaman sa pagsulat ng liham sa loob ng klase ang pagpapadala ng ginawang liham sa kinauukulan gamit
ang email account nito paghihintay sa maaaring pagugon nito. Matuturing itong napapanahon gayunpaman
ay naaangkop sa akademikong pag-aaral.

19.Ang mga sumusunod a mga panununtunan na dapar isaalang-alang sa taamang paghahanda ng slides
para sa LCD projector na makatutulong samas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aral
maliban sa isa.
A. Magkakontrast na kulay ng front sa kulay na background
B. Iba’t ibang effect pormat at disensyo sa bawat slide
C. Mailkli at yaong mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide
A. D.Malalaki ang sukat ng front para nababasa at nauunawaan

Ans: B. Iba’t ibang effect pormat at disensyo sa bawat slide


- Maaaring ipinaaala sa mga guro na maging maingat sa paghahanda sa slide na ipapalita sa klase sa
tulong ng LCD projector. Dapat tiyaking iisa lamang ang gagamitin sapagkat dapat isaalang-alang na ang
gampanin ng slides ay pantulong sa mas mabilis na pagkaunawa at pagkatuto ng mga mag-aaaral ng araling
tinatalakay. At ang nabanggit ay hindi makakatulong sa pagtatamo nito bagkus ay makapagbagal pa o
makakabalam sa pagtatamo nito dahil sa distraksyon nalilikha nito.

20. Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitan panturo sa pag lalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na
inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaring maimungkahing mabisang
gamitin?
A. Telebisyon
B. Larawang ipapakita sa tulong ng LCD projector
C. Isinateyp na dayalogo
D. DVD

Ans: Higit na mabisang gamitin ang DVD bilang pantulong biswal sa pagtuturo sa nilalapatan ng kwento at
eksena mula sa napapanahong telenobela sa iba’t ibang klase sapagkat ito lamang ang maaaring balik-balikan
(reply) kung kinakailangan upang bigyang tuon ang makukulay at mahahalagang tagpo gayundin naman ay
maaaring muling magamit sa susunod pang klase.

You might also like