Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1
Aralin 1
Aralin 1
GURO
- Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang isang kawili-wiling hamon ang
pag-aaral.
KATANGIAN NG ISANG GURO
1. MATALINO
o Ang malawak na kabatiran at kaalaman ng guro sa kanyang ituturo at paraan kung
paano ito ituturo ay mahalagang katangian ng isang epektibong guro. Magiging
mahirap ang gagawing pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap nap ag-
unawa sa paksang kanyang itinuturo.
2. MAPAGMAHAL
o Kinakailangan sa isang guro ang mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa
kanyang gawain at sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga
pagbabago upang lalong mapahusay ang gampanin at may magandang
saloobin at pananaw sa pagtuturo at sa kanyang pagiging guro.
REXSON D. TAGUBA, LPT
Guro sa Filipino
FIL 2 – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II (Panitikan ng Pilipinas)
3. MASAYAHIN
o Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng
isang guro. Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon o diwa ng paluwag tawa
ay nagdudulot ng masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.
4. MALIKHAIN
o Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa pagtuturo ay lalong nagiging
epektibo kung may malikhain at mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o
pagpaplano ng kanyang aralin.
5. MAKABAGO
o Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mabilis ang takbo ng pamumuhay
ng tao. Kinakailangan ng isang guro ang kakayahan niyang tumuklas ng mga
bagong paraan sa pagtuturo na aangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang
gawain at katangian ng mga mag-aaral.
MAG-AARAL
- Laging nag-iisip na ang mga mag-aaral ay may kani-kaniyang katangian. Lahat ay may
karapatang maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan.
Maaaring magkaiba ang mga mag-aaral sa iba’t ibang aspekto ng kanilang katangian.
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
1. EDAD
o May mga batang-batang mag-aaral, mayroon ding may edad na, may
dalaga/binata, at mayroon ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay
ng iba’t ibang lebel ng dapat na matutunan.
2. KASARIAN
o Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng mga babaeng mag-aaral.
Marapat lamang na malaman ng guro ang kabaihang ito lalong-lalo na sa
pagbibigay-halimbawa sa mga pagtalakay.
3. UGALI
o Nagmula sa iba’t ibang tahanan at kapaligiran ang mga mag-aaral sa loob ng
isang silid. Bawat isa ay natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa
kapwa. Mahalagang tungkulin ng guro ang pagiging pangalawang magulang sa
loob ng silid-aralan.
4. KULTURA
o Kinakailangan sa isang guro ang pagiging sensitibo at mulat sa iba’t ibang kulturang
maaaring pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.
5. TALINO
o Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong
taglay. Kaiba man sa nakararami ngunit may sariling kakayahan ang bawat mag-
aaral sa maraming bagay o aspekto.
KAGAMITAN
- Mahalagang salik sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ang anumang kagamitan o
sitwasyong nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.