Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

GABAY SA PAG-AARAL

GE-FILIPINO 103

GUILLERMO V.DIMALIGALIG Ed., D.

Ang kursong ito ay kakabay sa mga mag-aaral upang gumawa ng tama at iwansan and
mali sa paggamit ng wikang Pilipino, at maibahagi sa iba ang kabutihang niluloob sa pamamagitan
ng pagsusulat at pananalilksik gamit ang wikang Pilipino. Kaakibat din sa kursong ito ang pag-
intindi ng wikang Pilipino sa iba’t ibang disiplina upang maihubog sa mga mag-aaral ang
pananaliksik gamit ang sariling wika.

Pangkalahatang Layunin:

 Tungkulin sa sarili na gumamit ng wikang bayan at wika ng


pananaliksik
 Mapagyaman ang sarili sa pamamagitan ng pananaliksik
 Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng
Filipinong pananaliksik sa iba’t ibang disiplina.
 Makabuluhang paggamit ng iba’t ibang dulog at teorya ng
pananaliksik
MODULE 1 Ang Pilipino at ang Filipino Bilang Wikang
Pambansa

Ang Multilingguwal na Pilipinas at Iba pang


Lesson 1 Multilingguwal na Bansa

Kinalabasan ng Pag-aaral
Pagkatapos ng klase inaasahang makamit ng mga bata:
KKK

1) Matalakay ang sarili gamit ang wikang pambansa.


2) Mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang lingguwal ng Pilipinas.
3) Mailahad ang iba’t ibang bansa na gumamit rin ng multilingguwal.

Ang mabuting kariningan ng nakaraan at ngayon ay tanda ng pagsasapraktika


ng wikang gamit sa kasalukuyan, itoy sapagkat ang wika at kultura ay repleksyon ng
isa’t isa. Ang labis na pagkiling sa nakaraan ay maaaring maging hadlang sa progreso
ng isang bayan; gayong ang malabis na pagkiling sa kasalukuyan ay magiging tanda ng
paghanap sa kaakuhan; ngunit tinuran na nang marami na ang ‘di lumingon sa
pinangalingan ay walang patutunguhan at sa huli, sa aliokabok ang hantungan.

Sa ganitiong kalagayan maaaring tanawin and kalagayan ng wikang Pambansa,


ang Filipino. Filipiono ang wikang nagpapakita ng pagsasanib ng nakaraan at ngayon
na tanda ng pagsasapraktika sa kasalukuyan. Sinabi ni Roberto T. Anonuevo, ang
director-Heneral n g Komisyion sa Wikang Pilipino (2018).
“Napatunayan ng (wikang ) Filipino na kaya itong tanggapin sa ibat-ibang rehiyon
at gawing katuwang ng wika ng rehiyon dahil ang komisyon ng Filipino ay hindi
nalalayo sa naturang wika.”

Ngunit sa marami, ang nais na pambansang wika ay dapat na purista lamang at


di and may varayti. Ang nais ng iba ay Taal na Tagalog, gayiong sa praktika,
sumasalungat ang kanilang mga dila. Ang nais naman ng iba, isan wikang rehiyonal na
‘di namn kasasalaminan ng pagkKiba ng mga lahing Pilipino. Ang ganitong mga isipin
ay pumipigil sa progreso ng wika upang manatiling buhay. Ang wikang buhay ay
dinamiko, nagbabago at umaangkop sa pangangailangan ng bayan.

May mga nanunungkulan sa bayan ang nagpapalagay na ang pagkakilala sa


danmdamin at talion ng bayan ay maaaring ipakita sa isang wikang banyaga. Kabi-
kabilang mga batas, panukala at polisya ang nagpapakita ng ganitong kaisipan. At
hangang sa kasalukuyan, patuloy ang pakikibaka ng mga tagapagtaguyod ng
kamalayang bayan upang ang pagbabantayog sa wikang magbubuklod sa mga
Pilipionong multilingual ay hindi humantong sa kangkungan; at silang mga kumakalaban
sa dila ng bayan, nawa ay magising sa katotohanan at ang mga ideyang pipigil sa
pagsulong ng bayan ay maging alikabok na lamang.
Unang Aktibidad:
Aktibidad Talakayan ng Maliit na Pangkat

Gumawa ng ulat tungkol sa iyong KAALAMAN sa mga sumusunod na paksa, kasunod dito,
ang kung anong nais mo pang Malaman tungkol sa mga nabangit na paksa.
Bumuo ng isang maliit na Pangkat. Ilahad ang kung ano ang iyong mga na-tala, pagkataos
ng Talakayan sa inyong maliit na pangkat, bu-uin ang iyong tala-an sa pamamagitan ng
pagtatala sa (3) kung ano ang iyong natutunan sa inyong pagtatalakay.

Paksa Kaalaman Ang nais mo pang Ano ang


Malaman natutunan mo?
(1) (2) (3)

Filipino, bilang
wikang
Pambansa

Ang iba’t-ibang
wika sa Pilipinas

Ang
Multilingguwal
na Pilipinas
Mahalagang
Konsepto

Ang Multilingual na Pilipinas at Iba pang Multilingual na Bansa

Abng Pilipinas na isang archipelago ay binubuo ng humigit kumulang pitong libo


at walumpu’t tatlong mga pulo, na may matatayog na kabundukan at malawak na
kapataganna naging dahilan ng pagkakaroon ng napakaraming wika at wikain. Ayon
kay Dr. Ernesto Constantino na binngit sa papel nina Pamela Constantino et al., may
mahigit na isandaang (100) wikain angn matatagpuan sa Pilipinas. Kalagayang
kapuluan ng Pilipinas and masasabing pisikal na sagabL sa pagkakaroon ng iisang
wika nito. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang nanananahan sa mga pulo ay natural na
magbubunsod sa pagkakaroon ng ibat ibang wika’t wikain dahil na rin sa pansariling
kalinangang tinataglay. Idinikta ng topograpiya and pagiging multilingual ng Pilipinas.

Pinatibay ang pagiging multilingual ng bansa nang sinikap nitong patatagin ang
pakikipag-ugnayang panloob at panlabas-bansa, gayun din ang kolonisahin ang
Pilipinas ng iba’t-ibang mga Bansa bunsod ng pangangailangang political at
ekonomikal. Tunay na may epekto ang wika ng plaikipag-ugnayan at kolonisasyon sa
wika ng bayan, bagamat may ilang pag-aaral na tumutugon na ang mga pagkakaaiba
sa wika at wikain ng Pilipinas ay nagtatagpo rin sa ilang pagkakahawig nito.. Batay
naman sa banggit ni Lorenzo Heves y Panduro (1784) bago ang kolonisasyon ay
itinuring na kapamilya ang wikang Malayo-Polinesyo ang mga wika at wikain sa
Pilipinas; Samantalang sa pananaliksik nina Constaantino tinawag ni Wilhelm Schmidt
(1899) na Awstronesyan ang pamilya ng wikang kinabibilangan ng mga wika sa
Pilipinas.

Sinasabing ang unang naging dayuhan sa bansa ay ang mga Negrito. Sa


pamamagitan ng tulay na lupa diumano nakatawid ang mga katutubo patungong
Pilipinas na itinuring na pinagsimulan ng mahahalagang tala sa kasaysayan ng Bansa.
Bunga ng pananahanan ng mga taoang nabangit, lumaganap ang kanilang lahi at dahil
sa kakulangan ng kaalaman sa pamamaraan ng pamumuhay ay sumalig lamang sa
kanilang nakasanayang gawi—nanatili silang naninirahan sa mga kabundukan at
kagubatan ng bansa,

Ang mga Malay ang sinasabing huli sa mga naunang nakadaong sa


Pilipinas.Ang pagdating ng mga Malayoang naging dahilan sa pagdami ng mga pagano
at ang mga ibay naging tagasunos sa paniniwala ni Allah o Mohammed na
matatagpuan na sa kasalukuyan sa mga probinsya ng Mindanaw. Dahil sa
magkakahiwalay na pandarayuhan sa bansa maaaing humantong sa paniniwalang
hindi magkakaroon ng komong wika ang mga sinaunang Pilipino dahil na rin sa
magkakahiwalay na paniniwalang bunsod ng relihiyon at patakarang pangkabuhayan
ng mga dayuhang nakaimpluwensya sa pulo. Itinakda ng kapalaran and pagiging
multilinggual ng bansa.

Noon pa man ay makikita na sa bansa ang pananaig ng sistemang


pagpapangkat- pangkat. Ang pagpapangkat na maituturing sa kasalukuyan na gaya ng
sistemang barangay ay pinamamahalaan ng mga tinatawag na Datu. Masasabi ring
maaaring naging salalayan ito upang hindi magkaroon noon pa man ng komong wika sa
pakikipagtalastasan ang mga katutubong Pilipino. Subalit higit pa man sa naitalang
kalinangan maliwanag na may sistema na sa wikain and mga Pilipino.

Buhat sa malawak na kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay kinikilL


sa kasalukuyan and sampung pangunahing mga wika ng bans ana kinabibilangan ng
Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Sebwano, Waray
(Samar-Leyte) Maranao o Maguindanao, at Tausug. Batas ang nagtadhana ng pagiging
multilingguwal ng bansa.

Marami Pang Bansa An Multilingguwal

Maraming mga bansa sa mundo ang multilingguwal bung ana rin ng pagiging
kolonya ng ibang makapangyarihang bansa at ng masidhing pagkiling sa rehiyonalismo
gaya ng Pilipinas.

Aruba
Maliit lamang na bansa ang Aruba na isa sa mg bansang bumubuo sa haharian
ng Netherlands at malapit sa Venezuela. Dutch and opisyal na wika na itinuro sa lahat
ng paaralan bagamat ang ingle at kastila ay pangangailangan din sa Sistema ng
edukasyon kung saan ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng kabihasnan sa pagtataapos
ng kanilang pag-aaral. Laganap ang paggamit ng Ingles bunsod ng Turismo gayun din
ang kastila dahiul sa kalapitan nito sa Venezuela. Gayunpaman, ang wikang local ng
mga Arubian ay tinatawag na Papiamento, isang wikang umusbong mula sa mga
wikang Portuges, Kastila, Dutch at Ingles. Isa rin ito sa mga opisyal na wika at
ginagamit sa midya, gobyerno, kalsada at mga tahanan.

East Timor (Timor-Leste)

Isang bagong bansa ang Timor-Leste. Ang mga Timoris ay gumagamit ng Tetum, ang
wikang lokal, samantalang mag kabisaahan din sila sa Portuges at Ingles. Nakauunawa
sila ng Indonisyan bagamat .di ito ang preperensiyang gamitin ng marami.

India

Hindi at English ang mga opisyal na wika ng India at gamit ng mga nakapag-aral at
naninirahan sa mga siyudad. Ingles ang higit na gamit sa Timog India. Dagdag sa Hindi
at Ingles ay takda ring opisyal wika ang dominanteng lokal na wika ng isang estado.

”This means that a majority of educated Indians are at least trilingual, and people who
move between states may have a working knowledge of additional languages.So
although they might not have fluency in each one, many Indians are able to
communicate and understand four or more languages.”

Luxembourg

Luxembourgish ang wika ng maliit na bansang ito. Malaki man ang impluwesiya ng wika
Aleman (German) sa Luxembourg ay’di ito mauunawaan ng isang taal na mananalita ng
wikang Aleman. Bukod kasi sa Wikang Aleman ay napakarami ring hiram na salita mula
sa Pranses ang Luxembourgish.

Kabliang sa Luxembourgish, and Pranses at Aleman ay may opsiyal na wika ng bansa


at sinasalita ng lahat ng mag-aaral kasama ang pang- apat na wika, ang Ingles na
tinututro sa mga paaralan kasama ng mga opisyal na wika. Ang mga opisyal na
transaksiyon sa gobyerno ay nasa wikang Pranses.

Malaysia

Malay ang opsiyal na wika ng Malaysia gayong mas nmaraming wika ang umiiral ditto
kaysa sa Singapore. Bihasa ang mga Maleysian sa Malay at Ingles na parehong
itinuturo sa mga paaralan at malawakang ginagamit sa lungsod. Barayting Manglish
ang karaniwang gamit sa kalsada.

Dagda sa Malay at Ingles ay nakapasasalita rin ng wika ng kanilang mga magulang ang
mga anak ng mga Indiano. Itinututo ang Mandarin sa mga paaraln para sa mga may
lahing Tsino at may gumagamit din ng Kantonis, Hoyen at Hakka sa bahay maging sa
lansangan.

Muritius

Ang islang ito ay palaging itinuturing na bahagi ng Africa. Ingles at Pranses ang mga
wika sa paaraln sa paaralan ngunit alinman sa dalawa ay’ di ginagamit sa karaniwang
usapan.
Mauritian Creole, ang wikang umusbong sa Pranses ngunit ‘di maiintindihan ng
nagsasalita ng Pranses. May mga mula sa lahing Indian ang nagsasalita ng wikang
Bhojpuri, isang diyalketo ng Hindi, habang ang iba pang lahi na nananahan dito gaya
ng mga may lahing Tsino aymarunong gumamit ng wika ng mga pinag-ugatang lahi.
Bunsod nito ay maoobserbahang kaya ng isang Mauritian na gumamit ng tatlo o apat
na mga wika.
Singapore

Ingles, Mandarin Chinese, Malay at Tamil ang opsiyal na wika ng Singapore,


gayunpaman ay hindi kakikitaan ng kahusyan ang mga Singaporean sa pagsasalita ng
mga banggit na wika amliban sa Ingles na lingua franca rin at itinututuro sa mga
paaralan.

Karaniwang wika sa kalsada ang Singlish at maari itong makilala o maunawaan ng mga
mananalita ng wikang Ingles ngunit hirap ang mga ito sa mga hiram na salita mula sa
Malay at dagdag ang gramatika ng wikang Instik. Natutunan ng mga mag-aaral ang
kanilang unang wika sa mga paaraln: ang mga Indian na Singaporeans ay natututo ng
Tamil, Malay mga Chinese-Singaporean na may dagdag na wika, ang Hokkien at
Hakka ang pinakamalaganap na ginagamit na wika.

South Africa

May labing isang (11) opisyal na mga wika ang South Africa. Ingles ang lingua franca at
ito rin ang wikang ng midya at ng pamahalaan kahit pa kulang sa sampung porsiyento
(10%) ng populasyon ang gumagamit nito. Afrikaan ang wikang ginagamit sa timog at
kanlurang bahagi ng kontinente.

May kabihasaan sa tatlong mga Wika anf mga Afrikano ngunit prominente ang
sumusunod na wika: Ang Zulu at Xhosa na pawing mga wikang lokal ni Nelson
Mandela.
Nabibigayang-pansin sa wikang ito and tunog ng pagtatagpo ng mga ngipin o “clicking
sound” kapag binibigkas ang konsonante. Dagdag sa mga ito ang alinamng wika na
dominante sa lugar na tinitirahan ng isang Aprikano.

Suriname
Dutch ang wika sa bansang ito na nasa Hilagang Amerika. Ito ang wikang gamit sa
edukasayon, kalakaran at midya. Sranan Tongo (o Sranan) ang wikang may
impluwnesya ng Dutch at Ingles ang wika ng mga local at maituturing na lingua franca.

Napakalaki ng populasyon ng mga Indiyan sa Surianame kung kayat marami pa rin ang
gumagamit ng Wikang Hindi. Mayroon din naming gumagamit ng Javanis at Tsyanis.

Marami mang wika ang sinasalita ng isang bansa, mapapansin nsa lahat ng mga
bansang banggit ang patuloy na paggamit sa wikang may tatak ng pagkalahi. Sakupin
man ng ibang lahi ang isang bansa, mananaig at makapangyayayari ang sariling wika.

Ang Pagsibol ng Wikang Pambansa

Kung ang kasaysayan, totpograpiya at mga batas ng bansa ay nagtatadhanang


multilingguwal ang Pilipinas, bakit sumibol ang Wikang Pambansa? Ano nag tungkulin
ng Wikang Pambansa sa umiiral na napakaraming wika? Mapatatatag at magtataguyod
ba ang Wikang Pambansa ng talino at Kalinangan Pilipino? Magsusulong ba ito sa
pambansang kaunlaran?

Batid nang marami sapagkat naitala na sa mga aklat pangkolehiyo (San Juan,
et.al., 2012; Austero at. Al., 2010 at Garcia, et. Al., 2010); na umusbong mula sa
karanasan ng Dating Pangulong Manuel Quezon ang ideya sa pagkakaroon ng Wikang
Pambansa. Bunsod naman ng ideya sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ang
pagsilang ng Surian ng Wikang Pambansa upang magsasagawa ng mga pag-aaral at
iba pang tungkulin kaugnay sa wika. Hindi suka akalain marahil ng Pangulong Manuel
Quezon, ang “Ama ng Wikang Pambansa” na nag mangarap na magkaunawaan ang
mfa lhing may iba-ibang mag wika sa pamamagitan ng iisang wika ay suliraning
kakaharapin pa rin ng bansa kahti pa walong dekada o walumpung tao na ang
nakaraan.
Sa tatlong nagkakaibang panahon ng pagbabago ng konstitusyon ng
Pilipinas,binigyang-turing ng kongreso noong 1935 ang hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika sa Pilpinas. Tagalog ang nakapangyari rito mula sa mga
datos na nakalap hango sa makabuluhang pananalaiksik na “The Language Problem in
the Philippines” na inilathala noong 1937. Ang pananaliksik ay pinahunahan ni Trinidad
Rojo nan a nagtapos sa University of Washington noong 193. Sa brosyur na “Madlas
Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa” na inilathala at ipinamamahgi ng Komisyon sa
Wikang Filipino, sinasabing naitala sa pananaliksik ni Rojo ang mga dahilan sa
pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa: 1] Surveys shows that
Tagalog enjoys advantages, like in number of books and periodicals, over its two
principal rival Iloko and Bisaya;2] Tagalog has the most highly developed literature of all
the dialects; 3] Linguistically, as well asgeographically, Tagalog occupies an
intermediate position among the dialects of the islands; at 4] Tagalog combines all the
factors enumerated by Otto Jesperson which are conductive to the unification of
dialects, like, efficient communication which promote mobility of population and ideas,
religious festivals and games which occasion great gatherings, well developed literature
of nationwide fame, conscription of soldiers, strong national government, and the rise of
the great towns for centralized industrial and commercial activities. Masalimout man
ang pinagdadaanan ng Tgalog, sa kabutihang-palad, ang wikang pambansa na noon ay
wala pang pangalan ay naitakdang maging isa sa mga opsiyal na wika ng bansa sa
bias ng Commonwealth Act 570, na itinadhana noong 1940. Sa pagsapit naman ng
Panahon ng Hapon, noong 1942 ay inihayag ng komisyong Tagapagpaganap ng
Pilipinas [Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na
nagtatakda na ang kapuwas Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opsiyal na wika
sa buong kapuluan ( Añonuevo, Diyaryo Filipino.). Napawalang-bisa ito sa pagsapit ng
Panahon ng Amerikano at sa bisa naman ng Kautusang Pangkagawaran Blg. , na
nilagdaan ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noong 1959, Pilipino ang
magiging tawag kapag ang tinutukoy ay Wikang Pambansa.
Itinakda sa Konstitusyon ng 1973, na itinalaga ng Pambansang Asemblea
ang hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adspsiyon ng wikang pambansa na
makikilalang Filipino. Kaalinsabay nito ang implementasyon ng Edukasyong
Bilingguwal, gayundin ang mga kautusan na pagtibayin ang Filipino sa pamamagitan ng
pagtanggap sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto at maging mg mga salita
mula sa mga dayuhang wika. Sa mga panahon ding ito naipalathala ang mga panitikan,
gayundin ay napakalakas ang pagsasalin upang mabigyan ng higit na nagpapahalag
ang Pilipino at iba pang katutubong wika.

Sa konstitusyon ng 1987 kinilala na ang Filipino bilang umiiral na Wikang


Pambansa. Taong 2013, sa bisa ng kapasiyahan Blg. 13 – 05 ng KWF, binigyang-
definisyon ng Filpino:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong (P) ilipinas bilang wika ng
komunikasyon sa isa’t isa nga mga pangkating katutubo. Katulad ng alinmang wikang
bahay, ang Filipino ay dumadanas ng paglinang at pagpapayamansa pamamgitan ng
mga panghihiram sa mga katutubong wika ng (P) ilipinas at mag di katutubong wika at
sa pamamagitan ng mga pagbabago sa nagiging paggammit ng Filipino sa iba’t ibang
sitwasyon at pangyayari, pasalita mao n pasulat na pahayag, ng ibat’ ibang pangkating
panlipunan at pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba’t ibang paksain at
disiplinang akademiko.

Ang Hamon ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education

Habang nililinang at pinauunlad ang Filipino, nang naluklok na Pansamantalang Punong


Komisyenor ng KWF si Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco ay nagging direksyon ng
ahensiya ang pagtangkilik sa multilingguwalismo, katuwang ang Kongresista o
Representatibo na si Kgg. At Abogado Magtanggol Gunigundo ng Valenzuela. Ang
orihinal na House Bill Blg. 3719 na humuhikayat na ipagamit sa unang wika ng mga
mag-aaral bilang midyum ng pagtuturo ay unang isnumite sa Senado noong 2008 na
ang paksa basikong edukasyon. Kinatigan ito ng kagawaran ng Edukasyon at Isports sa
pamamagitan ng paglalabas ng Ordinansa Blg. 7 na nagtatakda sa pagsasainstitusyon
ng paggamit ng unang wika ng ga amag-aaral. Batay sa GMA News Online na
nailathala noong May 1, 2008, rasyonale ng mga probisyong ito nag sumusunod na
Banggit ni Representatibo Gunigagundo:

“Using the language the child understand not only


affirms the value of the child and his cultural heritage
but also enables the child to immediately master the
lessons in the school curriculum and the same time
facilitates the acquisition of Filipino and English”.

At

“Language scholars around the world unanimously


say that children learn best in their own languages,
not in a foreign language, and students taught in the
mother tongue appeared to be more active in class
and were able to learn more”.

Napakalaki ng nagging epekto ng pasasakatuparan ng Mother Tongue Based


Multilingual Education o MTB-MLE. Isa ito sa mga nagging bagong direksiyon sa pag-
iimplementa ng K to 12 na nagging tatak ng administrasyong Benigno “Noynoy” Aquino
III. Sa talumpati ng dating Pangulo sa Third COCOPEA National Congress, na ginanap
noong Pebrero 11, 2010 at nalathala rin sa isa sa mga pahayagan sa Pilipinas. Ganito
ang nakasaad sa Philippine Daily Inquirer:

Meduim of Instruction Rationalized


UNSECO has proven that young children lean best in their mother tongue
before moving on to English in higher grades. This is a policy already
observed by DepEd since Brother Andrew Gonzale’s time as DepEd
Secretary; From pre-school to grade 3, we will use the mother tongue as
the medium of instruction while teaching English and Filipino subjects.
From Grades 4-6 (7). We will increasingly use English as the medium of
instruction for science and math and Filipino for Araling Panlipunan (Social
Studies). For High School, English should be the medium of instruction for
science, math & English; Filipino for AP, Filipino and tech-voc education.
My view on this is larger than just the classroom. We should become tri-
lingual as a country:
 Learn English well and connect to the world.
 Learn Filipino well and connect to our country.
 Retain your mother tongue and connect to your heritage”.

Sa unang sipat ay tunay namang mabuti ang intensiyon sa pagbuhay sa mga


unang wika ng isang pook o rehiyon at oagpapagamit sa mga mag-aaral upang matiyak
ang literasiya, ngunit laking malas ng mga nasa tersyaryong antas sapagkat muntik
sumapit ang panahon na ang kaunting espasyo sa kolehiyo para sa pagtatalakay gamit
ang wikang Filipino, ang Wikang Pambansa, ay kitlin ng isang memorandum buhat sa
komisyon sa Lalong Mataas na Pag-aaral o Commission on Higher Education at mas
kiklala bilang CHED. Sa isang tula ni Propesor Arlan Cmba ng PUP, dalawang tula ang
sinipi na may kaugnayan sa isyu sa muntik nangpagtatanggal ng asignaturang Filipino
sa kolehiyo. Narito ang kanyang unang tula:

Filipino, Pilipino, Pilipinas

Filipino,Pilipino,Pilipinas
Wika, lahi’t bansa
Itong matatawag
Ugat-kaluluwang
Doon nakalimbag
Ang saysay at diwa
Ng liping marangal!
Liping nakitalad,
Lahing nakibaka,
Wiakng siyang budhi
Ng pagkaakisa,
Wika, lahi, bansang
Tinig ay pag-asa
Ng baying ang hangad
Ay magingpayapa.

ii

Wikang Filipino!
Wika ng lahing marangal;
Wikang magbubuklod
Saka-Pilipinuhan
Kaya’t susumpain
Silang mga hanal
Na sa kasyasaya’y
Bumigti
Sumakal
Sa wikang minahal;
Patayin ang wika
Ay batas at atas
Ng iilang ungas,
Tagahimod-tumbong
Bentdor ng laya
Isang kataksilan…
Na kung ipatupad
Lahing Pilipino’y
Sa kapahamakan tiyak
Masasadlak
Madilim ang bukas
Ng lahing ang dila’y
Ibinartolina, hindi makapiglas!

iii

Ngunit,
Ang wika ng bansa’y
Wikang nakibaka!
Kolektibong lakas
Ang nag-ipun-ipon
Ang nagkawit-isig
Ang nagsama-sama,
Dagundong ng yabag
Ingay-alingawngaw
Martsa sa kalsada;
Ang igkas-kamao
Ngitngit ng pagsulong
Sa mga protesta!
Niyanig ng sigaw
At ng panawagan,
“ang wika, ang bayan,
Ipaglaban!”
Iginilgil ito nang walang atrasan,
At hindi sumusuko
Nang ‘di makapinggan!
Walang takot,
Boung tapang
Na nagsulong
Nakisangkot
Upang bigyang dangal
Wikang binusbos
Handa lagi kaming
Suungin ang gusot,
Upang ipagtanggol
Wikang ipinuntirya
Ng mga balakyot!

iv

Sapagkat,
Ang wika ng bayan
Ay armas at kalas,
Wikang Filipino
Ang hahasang pinunggok
Na dunong at utak;
At Filipinolohiya
Ang larang at galling
Sa sikhay ng isip
Tungo sap ag-unlad,
Dahil bayantayong
May kultura’t tatak
Wika nati’y
Patuloy sap ag-usad
Pumipintig sa ugat
Bukal ng dugong
Bumubulwak…
Yumayabong sumusulong
Lumalawak!

Filipino
Pilipino
Pilipinas,
Wikang nakibaka, lahing nagkaisa
Baying ninanais ay maging payapa!
Wika, lahi, bansa tayong
Punong-puno ng pag-asa
Sumusunog
Nagtatanggol
Lumalaban
Bumabangga ng harapan
Sa harang ng mailap
Na kapayapaan!
Filipino
Pilipino
Pilipinas
Wikang kaluluwa
Lahing mararangal
Ang bayang magiliw!
Perlas ng silangan
‘di na pasisiil!
Ang wika
Ang bayan
Anuman ang hilahil
Ay ‘di palulupig
Hindi na pasisikil!

Narito naman ang ikalawang tula:

Wika at Bayan…Ipaglaban!

Dinggin…
Hinaing ng lahing
Binaon ng buhay,
May wika at bayang
Pinagggutay-gutay
Pinagtiyap-tiyap
Ang puri at dangal
Ng mga salaring
Hanrungas at hangal.

Di ba’t kahangalan
Lantarang ibenta
Ating kasarinlan
At ipagahasa
Ang likas na yaman
Sa dayong sayukdok
Na mamumugunan
At magpakasasa
Sa kaban ng bayan
Ang linta’t limatik
Sa pamahalaan!

Anong saysay ng pag-unlad?


Pagkabansa’y malilimot
At tuluyang itiwalag
Nang malambat sa pangako
Ng ilusyon at pangarap!
Harap-harapang
Pagpapangap,
Hayag-hayagang
Panlilinlang
Sagad-sagarang
Kasinungalingan!
Pinamukhang panloloko
Pambibilog ng sintido
Panggagago’t panggagantso
Lantarang pagyurak
Sa pagka-Pilipino

Pag-unlad bang matatawg?


Wikang binabansot,
Dilang kinakapon
Sambayanang hilahod na
Sa tiyak na pagkagutom;
Wikang pinapatay
Banayang kinakatay
Bansang inatado
Tinadtad ng buhay!

Sa wika;
Kaunlara’y masisipat,
Ngunit wika pagkintil
Huwad lamang ang pag unlad
Kapag wika’y yumayabong
Sambayana’y umuusad,
Ang paghakbang ay pagsulong
Walang saysay ang magkupad!
Wikang watak-watak
Bayang wasak-wasak
Patak-patak na pangako
Ng biyaya ng pag-unlad!

Dilang binusalan
Nilolokong sambayanan
Mamamaya’y may katuwirang
Bumalikwas at lumaban!
Salitang matatalas
Utak na mapurol
Kaunlara’y mapanlinlang
Sa dikta ng asong ulol!
Soberanya ng bayan ko
Kung hayaang maulaol,
Anong uring bansa tayong
Mas higit pa sa masahol!

Ipaglaban…
Wika at Bayan
Bawat isa’y may tungkulin
Na magtasa ng katuwiran;
Wika’t Bayan… Ipaglaban!
Ito na ang panahong
Bawat isa’y manindigan!
Filipino…Ipagtanggol!
Wika nitong lahi
Ang dangal ay kinulapol!
Pilipinas… bayang magiliw!
Dinaluhong ka nang gutom
At labis na pagkabaliw!

Huston na…
Oras na…
Tama na…!
Nasa atin ang pagpapasya!
Mag-organisa..
Makisangkot..
Magsama-sama..
Kawit-bisig tayong
Magmamartsa sa kalsada
Sisigaw tayong tinig ay iisa;
Wikang magpapalaya,
Wika naming ay protesta
Huwag matakot!
Huwang matakot!
Makibaka!

May ekonomikong epekto ang implementasyon ng K to 12 sa bansa.


Bunsod nito, ang mga propesyonal na gurong dating natuturo sa antas tersyaryo ay
ibinaba sa hayskul sapagkat ang mga basikong asignaturang dating nasa kolehiyo ay
ibinaba rin sa hayskul. Nilusaw din ng pagpapairal ng K to 12 ang mga Departamento
ng Filipino sa mga kolehiyo at iba pang mga paaralan na walang nagawa kundi ang
maging sunud-sunuran.
Basahing muli ang dalawang tula sa ating Aralin.
Sumulat ng isang maikling sanaysay para sa bawat
Pagsusuri isa na nagsasaad kung ano an ibig nitong sabihin,

Alamin ang kalagayanng ekonomiko ng mga


bansang may maraming wika. Sa iyong palagay,
may kaugnayan kaya ang ekonomiya ng bansa sa
pagkakaroon ng naraming wika. Sumusulat ng
sanaysay batay sa nagging resulta ng iyong
pagbabasa.

Paglalapat ng
Napag-aralan

Gumawa ng isang tula na may buod tungkol sa kaganahan at kahalagahan


ng isang wika para sa isang bansa.
______________________
Pamagat

You might also like