Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon Sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 5: Kapwa Ko, Igagalang Ko!
Edukasyon Sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 5: Kapwa Ko, Igagalang Ko!
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
8Ikatlong
Edukasyon sa Pagpapakatao
Markahan - Modyul 5:
8
KAPWA KO, IGAGALANG KO!
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
___1. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng .
A. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
B. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
C. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
D. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
___2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “Paggalang sa kanilang mga
kagamitan”.
A. Naipapakita mo ang paggalang kung naiingatan mo ang mga bagay na
iyong ginamit at hiniram.
B. Hindi na kailangan magpaalam kung hiramin ang gamit ng kapatid
C. Maipapakita sa pamamagitan ng pakikialam sa gamit ng may gamit.
D. May pagkakataon na hindi na kailangan magpaalam sa may-ari.
____3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
A. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
____4. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may
awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
pagkakamali.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
____5. Natututunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod, maliban sa:
A. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin.
B. pagsunod sa mga maling kilos dahil mas nakakatanda sila.
C. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol
sa paggalang at pagsunod.
D. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
___6. Ang mga sumusunod ay positibong dulot kung pagkatapos ng edad na
tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata,
maliban sa ;
A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga
magulang.
B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang
buhay.
C. nagkakaroon ng pag-unawa na hindi mahalaga ang mga tuntuning
itinatakda.
D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
____7. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa
pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng
sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol,
kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling
pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng :
A. katarungan B. pagpapasakop C. kasipagan D. pagsunod
____8. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak.
Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda.
Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos.
Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na
sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng :
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses
isang linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone
/ email kung nasa malayong lugar.
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad
ng pag-uwi nang maaga.
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa
sa kalagayan ng bawat isa.
____9. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng paggalang sa mga
awtoridad?
A. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang
sa mga taong may awtoridad.
B. Ipahiya sa social media kapag may nagawang mali.
C. Pagsigaw sa harap ng maraming tao
D. Pagtingin sa sarili na mas matalino kaysa sa kanila
____10. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan
mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang
tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng
paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat
ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang
may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-
loob.
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa
ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag
sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang
lumalabag dito.
BALIKAN
Sa mga nagdaang modyul, ang tao ay bukod-tangi dahil sa kakayahan
nitong magpakita ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa
kapwa. Ang pagiging mapagpasalamat ay isa sa mga paraan ng pagpapakita
ng paggalang sa mga magulang nakatatana at may awtoridad. Ito ay likas sa
tao.
Gawain 1: KAPWA KO,IGAGALANG KO!
Panuto: Punan ang talaan ng dalawang paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
1. _______________________________________________
_______________________________________________
2. _______________________________________________
_______________________________________________
1. _______________________________________________
_______________________________________________
2. _______________________________________________
_______________________________________________
1. _______________________________________________
_______________________________________________
2. _______________________________________________
_______________________________________________
Tanong:
Ano ang iyong natuklasan sa gawain?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang pagpapakita ng paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
TUKLASIN
Gawain 2: UTOS NIYO, SUSUNDIN KO!
Panuto:
1. Gamit ang talaan, sumulat ng isang napakamahalagang bagay na ipinag-
uutos ng iyong magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
2. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano sa palagay mo ang maaaring
maging resulta o bunga ng pagsunod sa mga ito? Punan ang sumusunod na
talaan.
3. At kung di susundin ang mga utos na ito, ano sa palagay mo ang maaaring
maging resulta o bunga nito? Punan ang sumusunod na talaan.
Tanong:
Ano ang iyong nararamdaman kung nasusunod mo ang ipinag-uutos sa iyo?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Ano ang mga bagay na maaaring maging hadlang sa iyong pagsunod? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
SURIIN
Ang pagggalang ay hango sa saling latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
“paglingon at pagtinging muli” na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay halaga sa isang tao o bagay. Ang pagkilala sa halaga ng
tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa
pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.
Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa
pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang
karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat
kilalanin ng bawat kasapi nito.
Mahalagang tandaan ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman
ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. “Turuan mo ang
bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda man siya ay hindi niya
hihiwalayan.”
Bilang presensiya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi,
duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga
karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga. Itinuturing ang pamilya na
isang tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa panganib, karahasan at
masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya.
PAGYAMANIN
ISAGAWA
Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa araling ito?
Panuto: Kumpletuhin ang pangako ng paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad.
Makakatulong na balikan at alalahanin ang iyong natutunan upang
matugunan ng wasto ang mga patlang sa ibaba.
PANGAKO NG PAGGALANG SA AKING KAPWA
Ako si ________________________________ , ay
nangangakong igagalang ko ang aking kapwa.
Ipapakita ko ang paggalang na ito sa pamamagitan ng:
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
__________________________________
PANGALAN at LAGDA
A. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
____1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at
may awtoridad?
A. Dahil ang paggalang ay isang mabuting gawi
B. Dahil ang paggalang ay daan para magiging tanyag ang isang tao
C. Dahil ito ay nakakatulong para lalong dadami ang iyong kaibigan
D. Dahil ito ay makakatulong upang maabot ang iyong sariling nais
B. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
____1. Paano mo maipapakita ang marapat na paggalang at pagsunod mo sa iyong
mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
A. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang hindi mabubuting payo
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kanila bilang tao
C. Pagsuway sa kanilang mga utos
D. Pagsigaw sa kanila dahil ayaw mo ang kanilang sinabi
____2. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pagpapakita ng paggalang at
pagsunod?
A. Pagdasal na sana bigyan pa sila ng lakas ng loob upang ikaw ay
mapamahalaan
B. Pagtanaw ng utang na loob na may pag-aalinlangan
C. Pagsigaw sa kanila dahil hindi ka pinagbigyan sa gusto mo
D. Pagsumbat sa kanilang mga pagkukulang bilang tao.
____ 3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at
pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad?
A. Ipagwalang-bahala ang mga natutunan
B. Maging magandang halimbawa sa mga kabataan
C. Magpasalamat sa kabutihang dulot ng kapwa
D. B at C
____4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang maliban sa;
A. Sa aking pakikipag-usap sa kanila, iniiwasan ko ang madaliang
panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
C. Pagsasabi o pagbibigay ng simpleng pasasalamat na bukal sa kalooban.
D. Pagbibitiw ng masasamang salita sa aking kausap.
____5. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan
ng paggalang. At ito ay nararapat nagsimula sa
A. Pamahalaan B. Paaralan C. Kaibigan D. Pamilya
____6. Ang paglingon o pagtinging muli ay nangangahulugang;
A. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa
isang tao o bagay.
B. Pagtingin sa sarili na mas lamang kaysa iba.
C. Pagtingin sa estado ng buhay ng tao bago magpakita ng paggalang
D. Paggamit ng gamit ng iba na hindi nagpapaalam
____7. Bakit mahalaga ang paggalang ng magulang?
A. Mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang dahil ito ay nakasaad
sa banal na kasulatan at aklat.
B. Mahalaga ang paggalang at pagsunod sa mga magulang dahil ito ay tanda
ng pagkilala sa kanilang halaga bilang tao
C. Mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang dahil ito ay nakatulong
para maging popular ang isang tao.
D. A & B
____8. Ang paggalang at pagsunod ay natututunan ng mga bata sa pamamagitan
ng mga sumusunod maliban sa;
A. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya kung
paano sila gumagalang sa ibang tao.
B. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang
tungkol sa paggalang at pagsunod.
C. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
D. Pagpalo sa mga anak sa tuwing sila ay may nagawang mali.
____9. Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang?
A. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.
B. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
C. Pagtupad sa itinakdang oras.
D. A, B, & C
____10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “pagiging mapagmalasakit at
mapagmahal.”
A. Pagkalimot sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nila, tulad ng
kaarawan, anibersaryo, at iba pa. B. Paggamit ng kanilang gamit na hindi
nagpapaalam
C. Pagtupad sa itinakdang oras.
D. Maipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng paggamit at pagbigkas ng
mga magagalang na pananalita at pakikinig sa kanilang mga sinasabi o ipinapayo.
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG PAGTATAYA Set A Set B
Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, pp 256-285
Parents-clipart-cute 11 https://www.google.com/search?q=parents-clipart-cute+11&client=ms-
android-oppo-rev1&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=YhnrwVBpMYLpMM%252Csx-
PppkBtLUQDM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kSdYpKI8SXYCUBkCPPNtln3PDb-
gg&sa=X&ved=2ahUKEwjK79nw3uDuAhXJyosBHTv5BusQ9QF6BAgNEAE#imgrc=YhnrwVBpMYLpM
M accessed on February 11, 2021
Male-female-police-officer https://www.google.com/search?q=male-female-police-
officer&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwia58_v3ODuAhWnyIsBHTVzCLcQ_AUoAXoECA
QQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=6b_T09gSRUCmPM accessed on February 11, 2021
paggalang sa nakakatanda picture
https://www.google.com/search?q=paggalang+sa+nakakatanda+picture&tbm=isch&ved=2ahUKEwjaq
oDx3ODuAhUQA6YKHdHWDGsQ2-
cCegQIABAA&oq=paggalang+sa+naka&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAgg
AMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQCBAeOgQIABBDOggIABCxAxCDAToFCAAQsQNQg-
kGWJHJB2Dn3AdoAHAAeASAAY8BiAGTJZIBBDAuMzmYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABA
Q&sclient=img&ei=ao4kYNrNPJCGmAXRrbPYBg&bih=657&biw=1366#imgrc=bYkqZ_ZX0M5gdM
accessed on February 11, 2021
Clipart-homework-quiz-8
https://www.google.com/search?q=quiz+clipart&tbm=isch&hl=en&chips=q:quiz+clipart,g_1
:test:aYmLxkDfXfk%3D&client=ms-android-oppo-
rev1&sa=X&ved=2ahUKEwidsZPz4eDuAhXLBaYKHXYUAdIQ4lYoA3oECAEQHg&biw=1349&
bih=600#imgrc=8-evrBRt6lOjdM&imgdii=9r-Iupju4VsGsM accessed on February 11, 2021
Book and Pencil Clipart
https://www.google.com/search?q=book+pencil+clipart+png&tbm=isch&ved=2ahUKEwjU0
auc5eDuAhUN6ZQKHTB5DwYQ2-
cCegQIABAA&oq=book+pencil+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADI
GCAAQBxAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjoICAAQB
xAFEB46CAgAEAgQBxAeUPKgAViFuAFg9skBaABwAHgAgAH7AogBtgmSAQcwLjYuMC4xmA
EAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=KZckYJSZFo3S0wSw8r0w&bih=600
&biw=1349&client=ms-android-oppo-rev1&hl=en#imgrc=1HDwxTSWvcOs4M
accessed on February 11, 2021
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
CID-Chief
EPS-LRMDS
JOVITA S. DUGENIA
EPS-ESP
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Here Linger with love and care All of them are proud and true
the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Are Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, visions you’ll never forget Region IX Our..
Here the Badjaos roam the seas Oh! That’s Region IX Eden...
Here the Samals live in peace Hardworking people Abound, Land...
Here the Tausogs thrive so free Every valleys and Dale
With the Yakans in unity Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.
On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain
I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.
My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.
Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.
If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!
Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!