Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: _______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ____________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
ESP 10- (Ikalawang Markahan – Unang Linggo)
Ang Pagkukusa Ng Makataong Kilos At Mga Salik Na Nakaaapekto Sa
Pananagutan Ng Tao Sa Kahihinatnan Ng Kilos At Pasiya

I. Panimula
Tayong lahat ay may pananagutan sa bawat pagkilos na ating
ipinakikita at ginagawa sa ating mga sarili, sa ating mga pamilya at kaibigan,
at sa ating lipunan. Ang ating bawat ikinikilos ay may kaakibat na dahilan
na nagpapaliwanag kung bakit natin nagawa ang mga ito. Ang bawat kilos
natin ay may epekto o bunga na nakabubuti o nakasasama. Kaya bago natin
isagawa ang ating mga kilos ay kailangan muna nating magpasiyang mabuti,
isaalang-alang at isiping mabuti kung ano ang magiging kahihinatnan nito
sa ating paligid at sa ating pagkatao.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


• Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung
nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay
ng isip (EsP10MK-IIa-5.1)
• Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIb-5.2)

III. Mga Layunin


Pagkatapaos ng gawaing pagkatutong ito, ikaw ay inaasahang:
1. makikilala at malalaman ang mga kilos na may pananagutan;
2. makapagsusuri sa pananagutan ng sariling kilos at makagagawa ng
paraan kung paano magiging mapanagutan ang kilos; at
3. makapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga kilos na nakaayon sa
kapanagutan ng mga ito.
IV.Pagtalakay

Marahil ay pamilyar kayo sa paalalang laging sinasabi sa social media


na “Think before you click”. Bakit lagi itong ipinaaalala sa mga “millennials”
at mga “netizens”? Dahil sa mga makabagong panahon dulot ng makabagong
teknolohiya, halos lahat ng bagay ay maaari ng gawin sa simpleng pagpindot
lamang ng mga button sa “computer” o sa “cellular phone”. Ang isang taong
may malayang paggamit o “access” sa mga ito ay maaari nang manood ng
pelikula, makipag-usap sa mga kaibigan at mahal sa buhay sa pamamagitan
ng “chat” o “video call”, maglaro ng mga sikat na “video games” at “mobile
games”, makinig ng musika, magbenta at bumili ng mga bagay-bagay na
makikita “online”.
Ang paalalang iyon ay nagmula sa kasabihang “Think before you act”.
Bakit natin kailangang gawin iyon? Ano-ano ang mga maaaring maging
bunga o kahihinatnan ng ating mga kilos kung hindi natin iisipin nang
mabuti bago natin isasagawa ang mga ito?
Halimbawa: Sina Paula at Nikka ay mahilig gumawa ng kwento at
umarte na tila parang walang gana, malungkot, nanlalambot at wala sa sarili,
parang namamalimos ng awa at pera mula sa kanilang kamag-aral at
kaibigan. Kunwari ay mayroong maysakit sa pamilya nila o may
di-inaasahang pangyayari at nangangailangan ng halaga para pambayad sa
pang-ospital, pagkonsulta sa doktor at mga gamot. Madalas nila itong gawin
at ang perang nalilikom nila ay ginagastos nila sa kanilang mga luho at bisyo.
Hanggang sa dumating ang araw na nabisto ng ilan sa kanilang kamag-aral
ang kanilang pagpapanggap. Ano kaya ang mga maaaring maging kahihitnan
ng kanilang mga ginawa?
Ayon sa mga nagsiyasat at nag-aral ukol sa kilos at pag-uugali ng tao,
may dalawang (2) uri ng kilos ang bawat isa sa atin:

1. Acts of Man o Ang Kilos ng Tao – Ito ay tumutukoy sa mga pagkilos


na likas na nagaganap sa atin at nakaayon sa ating kalikasan bilang
isang tao na hindi nangangailangan ng paggamit ng kilos-loob at pag-
iisip. Ang mga kilos na ito ay hindi nagpapakita ng aspekto ng pagiging
mabuti o ng pagiging masama, kaya tayo ay walang pananagutan sa
tuwing naisasagawa natin ang mga ito. Karamihan sa mga kilos na ito
ay hindi natin kontrolado ngunit naisasagawa natin. Kusa silang
nagaganap kahit hindi natin sabihin sa ating katawan na ganapin.
Halimbawa ng mga ganitong pagkilos ay ang pagtibok ng puso,
paghinga, pagkurap, reaksyon ang ating mga tiyan sa ating mga
nakakain, paghikab, pagbahing, pagkaramdam at reaksyon sa mga
elemento gaya ng init, lamig, hapdi, sakit kapag nasusugatan, at iba

2
pa. Ang mga ito ay mga biyolohikal (biological) at pisyolohikal
(physiological) na mga kilos. Sa larangan ng medisina, sila ay
tinatawag na mga “involuntary movements”.

2. Ang Human Act o Makataong Kilos – Ito naman ang mga kilos ng
tao na kaniyang isinasagawa nang may kaalaman, kamalayan,
kalayaan, at pagkukusa. Ito ay bunga ng ating kaalaman, na
ginagamitan natin ng ating mga pag-iisip at kilos-loob kaya may
kapanagutan na katumbas sa pagsasagawa nito. Sa kilos na ito, alam
ng tao ang kaniyang ginagawa dahil ninais niya itong gawin at kusa
sa kaniyang loob na gawin ang mga ito kaya responsable siya sa mga
ito. May kalayaan sa pagpili mula sa mga pagsusuri at paghuhusga
ng konsensiya ang makataong kilos. Sa bawat kilos na ginagawa dito
ay may kapanagutan at bunga. Kung ang kilos na ginanap ay
nakabubuti, ito ay kahali-halina, ngunit kung ang kilos ay may
masamang hangarin, ito ay pagsisisihan sa huli ng taong nagsagawa.

Ang Mga Kilos Ayon sa Kapanagutan

Nagiging maingat ang tao sa bawat kilos na kaniyang isinasagawa


sapagkat ito ay may mga kaakibat na kapanagutan. Sa bawat aksyon ay
mayroong katumbas na reaksyon. (For every action there is an equal reaction).
Ang ating mga kilos ay maaaring magdulot sa atin ng isyung etikal o moral
sa kadahilanang tayo ay may pang-unawa bago at habang isinasagawa natin
ang mga ito.

1. Mga Kilos na Kusang-loob – Mga kilos na isinasagawa at nagaganap na


may kaalaman at pagsang-ayon. Ang tao bago at habang ginagawa niya
ang mga ito ay may kamalayan, pag-unawa at nauunawaan ang kalikasan
at kahihinatnang dulot nito.

Halimbawa: Ang isang kusinero na ginaganap ang kaniyang


tungkulin sa pagluluto. Iniisip niyang mabuti ang mga putaheng lulutuin
sa araw-araw. Gumagawa siya ng listahan ng mga sangkap at pinipili niya
ang mga pinakasariwang sangkap at nag-iisip ng mga paraan upang
lalong mapasarap ang kaniyang mga lutuin at mapasaya ang mga
tumatangkilik sa mga pagkaing kaniyang inihahain.

Ito ay nagpapakita at nagpapamalas ng isang tunay at may lubos


na kaalaman bago isagawa ang isang gawain at kung paano magiging
matagumpay sa pagsasagawa ng mga ito. Ang kusinero ay may angkin at
lubos na kaalaman kung paano magiging matagumpay sa kaniyang

3
layunin at iniisip nang mabuti ang mga hakbang at kilos na kaniyang
gagawin dahil alam niyang kapag nagkamali siya sa kaniyang mga kilos
ay maaari itong magdulot ng iba’t-ibang kapanagutan. Maaari siyang
mapahiya sa mga tumatangkilik sa kaniyang mga lutuin at tuluyang
masira ang kaniyang pangalan. Pagkatapos ay maaari din siyang
mapahiya sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, mga kakilala at mga
nakakikilala sa kaniya dahil sa maling kilos na kaniyang nagawa.
Mapapahiya din siya sa kaniyang sarili dahil bilang isang kusinero,
tungkulin niya ang magluto at maghanda ng mga pagkaing masasarap at
masusustansiya na makapagpapasaya sa sinumang makatitikim at
makakakain nito.

2. Mga Kilos na Di Kusang-loob – May kaalaman ang taong gumagawa


ng kilos ngunit hindi sang-ayon ang kaniyang kalooban dito. Makikita
at mapapansin ito sa mismong mga kilos na isinasagawa. Kadalasan,
ito ang mga kilos na labag sa kalooban ng taong nagsasagawa ngunit
may dahilan kung bakit niya ginusto o kailangan niyang gawin.
Halimbawa: Ang pinuno ng isang pangkat o samahan ng mga
mag-aaral na may ipinagagawa sa kaniyang mga miyembro para sa
ikatatagumpay ng kanilang samahan ngunit laban sa ibang pangkat.
Alam ng ilan sa mga miyembro na hindi nila dapat gawin iyon at labag
sa kanilang kalooban o moral kaya hindi sila sumang-ayon. Ngunit,
ginawa pa rin nila sa kadahilanang baka matanggal sila sa samahan
kung hindi sila susunod kahit alam nilang hindi nila dapat gawin.
Ang isinagawang hakbang laban sa ibang pangkat ay
naisakatuparan o naganap kahit labag sa kalooban ng ilan sa mga
miyembrong nagsagawa nito, ngunit sila ay napilitan o kinailangang
gawin iyon. Ito ay sa kadahilanang matagal na nilang gustong
mapabilang sa pangkat na iyon at takot silang matanggal sa samahan.
Ang nangyari sa sitwasyon ay paglabag sa hangarin, kalooban at
pagsang-ayon ng mga taong nagsagawa ng hakbang kaya ang kilos na
naganap ay kulang sa pagkukusa.

3. Mga Kilos na Walang Kusang-loob – Ang taong nagsagawa ng kilos ay


walang kaalaman kaya walang pagkukusa. Masasabing walang
kapanagutan sa kahihinatnan ang taong nagsagawa dahil hindi niya
alam kaya walang pagsang-ayon.
Halimbawa: May mga taong may mga ipinakikitang kilos na
kakaiba bunga ng “disorder”, tulad ng pagtango na di-sinasadya,
biglang nakikitang natutulog sa klase sa pagpupulong at pagkindat o
pagkurap nang mas madalas. Ang mga hindi lubusang nakakikilala sa
mga taong may ganitong kalagayan ay maaaring makaramdam ng

4
pambabastos, pagkalito, pagkagalit o pang-iinsulto mula sa kanila. Ang
mga taong nasa ganitong kalagayan naman, bagaman alam nila na may
ganoon silang manerismo ay hindi nila intesyon o ginustong gawin ang
mga ito. Ang isang mag-aaral o empleyado na may “sleeping disorder”
ay hindi ginustong bigla na lang silang nakakatulog sa tuwing may
klase, pagpupulong o mga gawain dahil hindi nila alam na bigla na lang
silang nakakatulog. Hindi nila intensiyon na makatulog kung kaya ang
kilos ay walang pagkukusa dahil hindi sang-ayon ang taong gawin iyon.
Ito ay isang uri ng manerismo o “disorder”. May kaalaman ngunit
walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon.

V. Mga Gawain
Gawain #1:
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na kilos kung Kilos ng Tao o
Makataong Kilos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. paghinga 6. pananaginip
2. pagbuntong-hininga 7. pagluha o pag-iyak
3. pagkurap ng mga mata 8. pagsisinungaling
4. pagpikit ng mga mata 9. pagbahing
5. pag-iisip 10. pagkindat

Gawain #2:
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang sumusunod na mga
kaganapan. Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng bawat sitwasyon.
Suriin at kilalanin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang naganap
o naisagawa at ipaliwanag. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Maagang gumigising si Carlo para pumunta sa palengke upang mamili ng


mga kakailanganin sa paggawa ng tinapay. Kahit masakit ang kanyang
katawan sa maghapong paghahanapbuhay ay araw-araw niya itong
ginagawa.

Ang kilos na ginawa ni Carlo ay __________________________________________


Paliwanag: ________________________________________________________________

2. Si Elsa ay masipag mag-aral. Sa tuwing nagkakaroon sila ng pagsusulit ay


tinuturuan niya ang kanyang mga kaklase sa ilang mga asignatura basta
may nakahandang meryenda para sa kanya.

Ang kilos na ginawa ni Elsa ay _____________________________________________


Paliwanag: ________________________________________________________________
5
3. Mahilig manood ng nakatatakot sa palabas si Marlon. Isang gabi habang
nasa daan ay biglang may lumundag na pusa sa kanyang harapan
kaya siya ay napasigaw nang malakas at narinig ng ibang mga tao na
naroon din.

Ang kilos na ginawa ni Marlon ay ___________________________________________


Paliwanag: ________________________________________________________________

4. Sina Nikko at Paolo ay magkababata at matalik na magkaibigan. Ngayong


nasa ika-10 Baitang na sila ay nagkataon na nagkagusto silang pareho sa
isa nilang kaklase. Naunang nagsabi si Paolo kay Nikko at nagpatulong sa
kanya na maging tulay dahil nais niyang ligawan ang kaklase nila. Kahit
malungkot ang kalooban ni Nikko ay tinulungan niya pa rin si Paolo, dahil
dito ay nanahimik na lamang siya tungkol sa nararamdaman dahil ayaw
niyang masira ang kanilang pagkakaibigan,

Ang kilos na ginawa ni Nikko ay ____________________________________________


Paliwanag: ________________________________________________________________

5. Nagkaroon ng patimpalak ng Tagisan ng Talento sa pagitan ng mga


pangkat sa ika-10 Baitang. At nang tinawag ang kanilang pangkat bilang
nakatanggap ng unang gantimpala ay biglang nayakap ni Camille si Jake
sa tuwa.

Ang kilos na ginawa ni Camille ay __________________________________________


Paliwanag: ________________________________________________________________

Gawain #3:
Panuto: Sumulat ng isang maikling kwento tungkol sa isang
kaganapan sa loob ng paaralan o silid-aralan na ikaw mismo ang nakaranas
o nakasaksi. Isulat nang mabuti ang mga kilos na naganap na tumutukoy
sa May Kusang-loob, Di Kusang-loob o Walang Kusang-loob. Gawin ang iyong
sanaysay sa sagutang papel.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka sa Gawain 2 at 3:


Sapat at akma ang nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Maayos na pagpapaliwanag sa mga ideya 7 puntos
Wasto at akmang mga salita ang ginamit 3 puntos
Kabuuang Puntos 20

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Tayong lahat ay may __________ sa bawat pagkilos na ating ipinakikita


at ginawa.
A. pananagutan C. kaalaman
B. dignidad D. kalayaan

2. May __________ ang taong gumagawa ng kilos ngunit hindi sang-ayon


ang kaniyang kalooban dito.
A. pananagutan C. kaalaman
B. dignidad D. kalayaan

3. Ito ay mga pagkilos na likas na nagaganap sa atin at nakaayon sa ating


kalikasan bilang isang tao na hindi nangangailangan ng paggamit ng
kilos-loob at pag-iisip.
A. Kusang-loob na mga kilos C. Makataong kilos
B. Di kusang-loob na mga kilos D. Kilos ng tao

4. Mga kilos na labag sa kalooban ng taong nagsasagawa ngunit may


dahilan kung bakit niya ginusto o kailangang gawin.
A. Kusang-loob na mga kilos C. Makataong kilos
B. Di kusang-loob na mga kilos D. Kilos ng tao

5. Ito ay nagpapakita at nagpapamalas ng isang tunay at may lubos na


kaalaman bago isagawa ang isang gawain.
A. Kilos ng tao C. Di kusang-loob na mga kilos
B. Makataong kilos D. Kusang-loob na mga kilos

6. Ang mga kilos na ito ay hindi nagpapakita ng aspekto ng pagiging


mabuti o ng pagiging masama,
A. Kusang-loob na mga kilos C. Makataong kilos
B. Di kusang-loob na mga kilos D. Kilos ng tao

7. May mga taong may mga ipinakikitang kilos na kakaiba bunga ng


“disorder”
A. Kilos na may kusang-loob C. Kilos na di-kusang loob
B. Kilos na walang kusang-loob D. Kilos-loob

8. May kaalaman ang taong gumagawa ng kilos ngunit hindi sang-ayon


ang kaniyang kalooban dito.
A. Kilos na may kusang-loob C. Kilos na di-kusang loob
B. Kilos na walang kusang-loob D. Kilos-loob

7
9. Masasabing walang kapanagutan sa kahihinatnan ang taong
nagsagawa dahil hindi niya alam kaya walang pagsang-ayon.
A. Kilos na may kusang-loob C. Kilos na di-kusang loob
B. Kilos na walang kusang-loob D. Kilos-loob

10. Ang tao bago at habang ginagawa nya ang mga ito ay kamalayan,
pag-unawa at nauunawaan ang kalikasan at kahihinatnang
dulot nito.
A. Kilos na may kusang-loob C. Kilos na di-kusang loob
B. Kilos na walang kusang-loob D. Kilos-loob

VII. Repleksyon/Pangwakas
Panuto: Sagutin ang bawat tanong nang ayon sa iyong pagkaunawa.
Isulat ang iyong opinyon sa sagutang papel.

1. Magbigay ng isang eksena o sitwasyon na kung saan kapag hindi


isasagawa ang obligasyon ay maaaring magdulot ng masamang
pangyayari.
2. Alin sa tatlong uri ng makataong kilos ang dapat pagtuunan ng pansin
at pag-isipan dahil sa kapanagutan nito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Magbigay ng halimbawa na kung saan ang damdaming nauuna ay
nagiging damdaming nahuhuli dahil ito ay ipinagpapatuloy na manatili
at inaalagan.

8
VIII. Mga Sanggunian

Aklat

Brizuela, M., Arnedo, P., Guevara, G., Valdez, E., Rivera, S., Celeste, E., Balona Jr., R.,
Yumul, B., Rito, G. and Gayola, S. 2015. Edukasyon Sa Pagpapakatao – Ikasampung
Baitang Modyul Para Sa Mag-Aaral. 1st ed. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600: FEP Printing Corporation.

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021. Accessed on


May10, 2020. https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning-
competencies_1.html

9
10
Gawain 1 Gawain 2, 3, at Repleksyon
1. Kilos ng Tao 6. Kilos ng Tao Maaaring magkakaiba-iba
2. Makataong Kilos 7. Kilos ng Tao ang mga kasagutan
3. Kilos ng Tao 8. Makataong Kilos
4. Makataong Kilos 9. Kilos ng Tao Isinasalang-alang ang Rubriks
5. Makataong Kilos 10. Makataong Kilos sa pagbibigay ng marka
Pagsusulit:
1. A 6. D
2. C 7. B
3. D 8. C
4. B 9. B
5. D 10. A
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pagkatuto


Manunulat: Christian Luis V. Dizon
Patnugot: Myrna M. Valencia
Tagasuri ng Nilalaman: Juliane Nicole Paguyo, Myla V. Nicdao,
Marynol G. Carlos, Division EsP QA Team
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Marynol G. Carlos
Grupo ng Tagapaglinang: Engr. Edgard C. Domingo, PhD,CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

11

You might also like