Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Kagawaran ng Edukasyon

Region III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _________________


Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan - Ikalimang Linggo
Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya

I. Panimula
Tayo ang may hawak sa manibela ng ating buhay at kapalaran. Nasa
sa atin ang pagpapasiya kung saan tayo tutungo at anong daan ang
tatahakin; kung liliko ba sa kaliwa o sa kanan, kung didiretso ba o liliko at
babalik sa pinanggalingan. May kalayaan tayo sa bawat pagpapasiyang ating
gagawin, ngunit ang bawat pagpapasiya ay may kaakibat na pananagutan at
kahihinatnan na dapat nating harapin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


● Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos (EsP10MK-IIe-7.1)
● Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat
yugto ng makataong kilos (EsP10MK-IIf-7.3)

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatutong ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagsusuri at makabubuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang
gagawin sa mga susunod na araw;
2. maisusulat kung paano isasabalikat ang pananagutan sa gagawing
pasiya; at
3. maipakikita kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi
magiging mapanagutan sa gagawing pasiya.
IV. Pagtalakay
Ang pagsasagawa ng pagpapasiya ay bahagi na ng buhay natin sa
pang-araw-araw nating pagharap at pagsabay sa agos ng buhay. Kung ikaw
ang tatanungin, ano-anong mga pagpapasiya ang hindi mo malilimutan?
Meron ka bang pagpapasiya na iyong pinagsisisihan hanggang ngayon, na
sana hindi mo na lang iyon ginawa? May mga naging pasiya ka ba na
nakabuti sa’yo, sa iyong pamilya at sa iyong mga kaibigan? At meron ka bang
pagpapasiyang nagawa na ikinapahamak mo o ng iba?

Kung ating bibigyan ng sapat na oras upang suriing mabuti ang mga
pangayayaring nagaganap sa ating buhay, karamihan sa mga ito ay bunga ng
ating pagpapasiya. Tulad ng sinasabi ng karamihan, tayo ang tsuper ng ating
kapalaran at tayo ang may hawak ng manibela sa ating paglalakbay. Tayo
ang magpapasiya kung saan natin nais magtungo. Sa buhay natin, bawat
pagkilos at pagpapasiya na ating gagawin ay may kapanagutan kung hindi sa
ating sarili ay sa ating kapwa, kaya’t laging mag-ingat at maging handa sa
magiging epekto o kahihinatnan ng mga ito. Ang mga pagpapasiya ay
kailangang pinag-iisipan at maingat na tinitimbang kung ano ang dapat piliin
at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita kung ang pipiliin
ba ay nakabatay sa makataong pagkilos.

Hindi lahat ng ating ikinikilos ay bunga ng ating pagpapasiya. May


mga kilos tayo na sadya lamang nating nagagawa, ito ay natural na reaksiyon
na natin. Ang halimbawa sa mga ito ay ang paghinga, hindi tayo ang
nagpapasiya kung kailan tayo hihinga ng oxygen papunta sa ating mga baga
at maglalabas ng carbon dioxide. Ito ay kusa nang nagaganap sa atin. Isa
pang halimbawa ay ang paggalaw ng ating mga kamay sa tuwing tayo ay
naglalakad nang walang dala-dala. Ang paggalaw ng kanang kamay habang
ihinahakbang natin ang ating kaliwang paa at ganoon din sa kabilang paa
natin ay hindi natin pinagpasiyahan, kundi kusa na lang nating ikinikilos.

Ngunit, mayroon din tayong mga kilos na kailangang pag-isipan nang


mabuti bago natin isakatuparan. Ito ay sa kadahilanang maaaring ito ay
maging sanhi (cause) ng isang sitwasyon na magdudulot ng malaking epekto
at magbunga (effect) ng biglaang pagbabago sa sitwasyon o kinalulugaran.
Halimbawa, bilang isang mag-aaral, nasa inyo ang pagpapasiya kung kayo ay
papasok sa paaralan o maglalakwatsa, kung kayo ay makikinig sa inyong mga
guro o magmumuni-muni, kung gagawin nyo ba ang inyong takdang aralin o
hihingi ng sagot sa kamag-aral sa pamamagitan ng social media, o kaya ay
pasasagutan sa inyong manliligaw o kasintahan. At kapag nasa loob naman
ng tahanan, kayo ba ay susunod sa ipinag-uutos ng inyong mga magulang o
magsasawalang-kibo, kung makikinig ba kayo sa kanilang mga mungkahi at
tagubilin o magtataingang-kawali? Kung ano man ang inyong kasagutan sa

2
mga katanungang ito ay may kaakibat na nakabubuti o nakasasamang
epekto sa inyong mga sarili at sa mga nakapaikot sa inyo, depende sa
pagpapasiyang inyong gagawin.

May labingdalawa (12) yugto ang pagkakasunod-sunod ang ating


pagsasagawa ng makataong kilos. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya
batay sa pagsusuri natin sa ating mga sarili bago gumawa ng pagpapasiya:
ito ay ang isip at ang kilos-loob.

Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Narito ang isang halimbawa kung saan nagagamit ang bawat yugto ng
makataong kilos.

Sitwasyon:

Habang namamasyal si Paulo sa liwasan ay nakakita siya ng modelo


ng motorsiklo na talagang nagustuhan niya. Halos sa kanyang mga
kasamahan at kaibigan ay may sariling sasakyan.

Ating suriin ang paglalapat ni Paulo ng makataong kilos.

1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal nang gustong bumili at magkaroon ng


motorsiklo ni Paulo dahil ginagamit nya ay bisikleta at hindi sya madalas
nakakasama sa mga pagbabyahe ng kanyang mga kasamahan at
kaibigan.

2. Nais ng layunin. Natural lamang na ang unang reaksiyon ay ang


pagnanais sa makamit ang minimithing bagay at ang pag-iisip kung
paano makukuha o mabibili ito.

3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang sinasabi sa kanya ng kanyang


kalooban, ang magkaroon ng motorsiklo. Ito ay dulot ng kanyang
pagnanais.

3
4. Intensiyon ng layunin. Sa yugtong ito, si Paulo ay hindi pa rin
makapagpasiya sa kadahilanang wala pa siyang kalayaan na pumili dahil
ang kaniyang kilos-loob ay nakatuon lamang sa pagtanggap ng kung
anong mabuti ang sinasabi ng kanyang isip dahil sa kanyang nais. Alam
niyang mayroon siyang perang nakaipon ngunit ito ay para sa kanyang
pag-aaral sa graduate school o masteral. Dito, kailangan niyang pumili,
kung bibilhin na ba niya ang motorsiklo o hayaang magastos ang parang
nakatago para sa kanyang masteral. Kung napagpasiyahan niya at
kinumbinsi ang sarili na itigil na ang ideya ng pagbili ng motorsiklo, dito
na matatapos ang moral na kilos. Ngunit, kung makakaisip siya ng ibang
paraan para makamtan ang ninanais tulad ng pangugutang sa mga
bangko o sa mga lending companies, magpapatuloy ang kanyang moral na
kilos. Nag-iisip ngayon si Paulo ng iba’t-ibang paraan upang mabili ang
motorsiklo; ito ba ay bibilhin nya ng cash o pagbabayad ng buong halaga
o installment sa loob ng 1, 2 o hanggang 3 taon?

5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ito ay ang pagsang-ayon niya sa mga


paraang maaari nyang piliin at ang pagpapatuloy ng pagsusuri sa mga
ito. Iniisip niyang mabuti isa-isa ang bawat paraang maaari nyang gawin.

6. Paghusga sa paraan. Dito ay titimbangin at huhusgahan ni Paulo ang


bawat paraan at kung alin sa mga ito ang pinakamabuti; ang pagbabayad
sa kabuuang halaga o buwanang pagbabayad na may palugit. Dito alam
na ni Paulo sa kanyang sarili kung ano ang mas nakabubuti sa kanya at
kung saan siya mas makakaluwag.

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ni Paulo ay kasalukuyang


nakatuon sa nakabubuting paraan. Nasa isip niya ang mas makagagaan
para sa kanya.

8. Pagpili. Dito ay may kalayaan na ang isip ni Paulo na magpasiya at


inuutos sa kanya na bilhin na ang motorsiklo.

9. Utos. Matapos niya itong bayaran ay sinakyan na niya ito agad at


nagbyahe.

10. Paggamit. Dito masasabi ni Paulo sa kanyang sarili kung naayon ba ang
kanyang pagpapasiyang ginawa.

11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Lubos ang kanyang kagalakan


dahil nakamit na niya ang kanyang ninais na magkaroon ng motorsiklo.

12. Bunga. Ito ang resulta ng kanyang pinili at naging pasiya.

4
Marahil ay hindi tayo pamilyar o palaging may kamalayan sa
labingdalawang yugtong ito ngunit mas mainam na unti-unti natin itong
malaman, pag-aralan at unawain upang magsilbing gabay. Kadalasan, ang
moral na kilos ay natatapos na pagdating sa ikawalong yugto, kung kaya
kailangang pag-isipang mabuti, magtimbang at magsuring maigi bago gawin
ang pagpili. Hindi sa lahat ng oras ay madali itong gawin dahil minsan ay
nahihirapan tayong magtimbang ng mga bagay-bagay dahil maraming dapat
isaalang-alang kung alin ang nakabubuti dahil dito makikita ang mga
maaaring maging kahinatnan, kung magdudulot ba ng kasiyahan o pagsisisi.

Ang ating bawat ikinikilos ay may batayan, dahilan at pananagutan.


Kinakailangan ang maingat at pag-iisip at masusing pagsusuri at
pagtitimbang, kung mabuti o masama ang maidudulot nito. Isang proseso
ang mabuting pagpapasiya, dito nakikilala nang husto at nakikita nang
malinaw ng isang tao ang mga bagay-bagay, pagkakatulad at pagkakaiba-iba
ng mga ito. Napahalaga ng prosesong ito dahil ito ang magbibigay sa atin ng
buong pagpapasiya sa ating pagpili. Bawat isa sa atin ay may kalayaang
pumili ng anumang gusto natin. Simula nang tayo ay magka-isip hanggang
sa ating huling hininga ay nagsasagawa tayo ng pagpapasiya.

Sa lahat ng pagpapasiyang ating isasagawa, huwag nating kalimutang


paglaanan ito ng sapat na panahon. Mahalagang isaalang-alang natin ito
dahil malaki ang naitutulong nito upang mapag-aralan, masuri at
mapagnilayan natin ang bawat panig na dapat pagtuunan ng pansin bago
natin isagawa ang ating pagpili, lalo na kung ang malaki ang magiging epekto
nito sa sarili at sa kapwa. Kaya kung mapapansin kapag humihingi tayo ng
mungkahi o pasiya sa iba, at hindi pa sila sigurado sa kanilang pasiya,
sinasabi nila sa atin na bigyan natin sila ng sapat na panahon. Ito ay sa
kadahilanang ayaw nilang magpadalus-dalos sa kanilang magiging pasiya.
Ang pagsasagawa ng pagpapasiya na hindi pinaglaanan ng sapat na panahon
ay may malaking posibilidad na hindi magdudulot ng mabuting bunga.

V. Mga Gawain
Gawain #1: TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangugusap ay buo at wasto ang ideya at
isulat ang Mali kung ito ay may hindi wasto o di buo. Isulat ang iyong sagot
sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Ang pagsasagawa ng pagpapasiya ay bahagi na ng buhay natin sa


araw-araw.

5
_______2. Ang ating kapwa ang may hawak sa manibela ng ating buhay at
kapalaran. Ang bawat pagpapasiya ay may kapanagutan at
kahihinatnan na dapat nating harapin.

_______3. Bawat pagkilos at pagpasiya na ating gagawin ay may kapanagutan


hindi sa ating sarili, kung hindi sa ating kapwa.

_______4. Hindi lahat ng ating ikinikilos ay bunga ng ating pagpapasiya.

_______5. Mahalaga na makita kung ang pipiliing pagpapasiya ay nakabatay


sa makataong pagkilos.

_______6. Ang pagsusuri ay ang resulta ng ating pinili at naging pasiya.

_______7. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay ay bunga ng ating


pagpapasiya.

_______8. Sa ikawalong yugto ay wala pang kalayaan ang isip na magpasiya


at mag-utos.

_______9. May labing-isang yugto ang pagkakasunod-sunod ang ating


pagsasagawa ng makataong kilos.

Gawain #2: Magpasiya Ka

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang iyong
pagpapasiya sa mga patlang na nakalaan sa ilalim ng bawat kaganapan.
Tatlong puntos bawat bilang.

1. Inalok ni Nikko si Marlon na lumiban sa kanilang klase at ililibre niya ng


pagkain at sa panonood ng sine. Kung tatanggi si Marlon ay kalimutan na
niya ang kanilang pagkakaibigan. Kung ikaw si Marlon, ano ang iyong
gagawin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Nakita ni John ang cellphone ng kaniyang kuya Basco na punong-puno ng


mga malalaswang videos. Sinabihan siya nito na huwag magsusumbong sa
kanilang nanay kung hindi ay sisirain nito ang kanyang bisikleta. Ano ang
dapat gawin ni John?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6
3. Nakita ni Carl ang kasintahan ni Tom na may kasamang ibang lalaki at
nakita din siya nito. Binantaan siya na kung sasabihin niya kay Tom ay
ibubunyag nito ang kanyang lihim na pagkatao. Ano ang nararapat na
gawin ni Carl?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Nahuli ni Jomar ang babaeng matagal na niyang gusto na gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot. Sinabi nito sa kanya na huwag magsusumbong
sa kanilang boss at inalok siya na samahan sa paggamit kapalit ng
kanyang pagsagot at sila ay magiging magkasintahan na. Kung ikaw si
Jomar, ano ang iyong gagawin?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Nakakita ng cellphone si Ian sa entablado ng kanilang paaralan. Napansin


niyang ito ay isa sa pinakabagong modelo. Nang buksan niya ay nakita niya
ang larawan ng may-ari at kilala niya ito. Ngunit kailangan niya ng pera
para sa pagpapagamot ng isang matalik na kaibigan at makatutulong ang
pagbenta sa cellphone na iyon para makalikom siya ng halaga. Ano ang
magandang gawin ni Ian?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain #3: AKROSTIK


Panuto: Gumawa ng akrostik gamit ang salitang MAKATAO. Isulat ang iyong
sagot sa graphic organizer. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG


Pamantayan PUNTOS PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 7
Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 5
Wasto ang pagbaybay at gramatika 3
Kabuuang Puntos 15

7
M

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

__________ 1. Ito ang yugto kung saan tayo ay nagnanais sa isang bagay.
A. Nais ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin
C. Pagpili D. Paghuhusga sa paraan

__________ 2. Ito ang yugto na nagsasabi sa pagsang-ayon natin sa mga


pagpipilian.
A. Masusing pagsusuri ng paraan B. Paghuhusga sa paraan
C. Nais ng layunin D. Nais ng layunin

__________ 3. Ito ang pagpili ng pinakamabuting paraan.


A. Paghuhusga sa paraan
B. Praktikal na paghuhusga sa pinili
C. Pagpili

8
D. Intensiyon ng layunin

__________ 4. Ito ang yugtong nagsasabi sa atin ng reaksiyon sa pagtatamo ng


bagay na ating ninais.
A. Nais ng layunin
B. Pangkaisipang kakayahan ng layunin
C. Utos
D. Pagpili

__________ 5. Ito ang yugtong nagsasabi ng unang reaksiyon sa pagnanais sa


isang bagay.
A. Nais ng layunin
B. Pangkaisipang kakayahan ng layunin
C. Paggamit
D. Paghuhusga sa paraan

__________ 6. Sa yugtong ito may kalayaan na ang tao sa pagpapasiya bunga


ng pag-uutos ng isip.
A. Paggamit B. Pagpili
C. Utos D. Bunga

__________ 7. Ang pagkaunawa sa pagiging angkop ng isinagawang kilos.


A. Bunga B. Paggamit
C. Nais ng layunin D. Pagpili

__________ 8. Ang nagsasabi sa atin na gawin na ang pagpapasiya upang


makamtan na ang ninanais.
A. Utos B. Bunga
C. Paggamit D. Nais ng layunin

__________ 9. Ito ang nais ng ating kalooban.


A. Paghuhusga sa paraan C. Intensiyon ng layunin
B. Paghuhusga sa nais makamtan D. Bunga

__________ 10. Ang ating kilos-loob ay tumatanggap lamang ng kung ano ang
mabuting sinasabi ng ating isip.
a. Intensiyon ng layunin b. Nais ng layunin
c. Paghuhusga sa paraan d. Pagkaunawa sa layunin

9
VII. Pangwakas/Repleksiyon
Panuto: Sagutin ang bawat tanong ayon sa iyong pagkakaunawa. Isulat
ang sagot sa patlang sa ibaba.

1. Sa anong sitwasyon ka naging pabigla-bigla o impulsive sa iyong


pagpapasiya at pagkilos? Ihalad mo ito.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Meron ka bang naging pasiya na kung saan ikaw ay nakapahamak ng


iba ng hindi sinasadya? Ikwento mo ito.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. May naging pasiya ka na ba na kung saan isinakripisyo mo ang


pansariling kapakanan para sa iba? Isulat mo ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
VIII. Mga Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2019. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul


6. Published Modules.

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021.


Accessed on May10, 2020.

11
12
1. B 1. Tama
2. A 2. Mali
3. B 3. Tama
4. Mali
4. B
5. Tama
Maaaring magkakaiba-iba ang 5. A 6. Tama
kasagutan 6. B 7. Mali
7. B 8. Tama
Isinasalang-alang ang Rubriks sa 8. A 9. Mali
pagbibigay ng marka
9. B 10. Mali
10. A
Gawain 2, 3 at Repleksiyon Pagsusulit Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Christian Luis V. Dizon
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Myrna M. Valencia, EdD, Myla V. Nicdao,
Marynol G. Carlos, Division EsP QA Team
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan
Tagalapat: Mary Joan C. Tayag, Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Grupo ng Tagapaglinang: Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

13

You might also like